Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Carmela E.

Villanueva October 02, 1997

ECE4B

I. ANO ANG PAG-BASA?

Ang PAG-BASA ay ang pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga


sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng
awtor sa pamamagitan ng mga nakasulat na simbulo. Paraan din ito ng pagkilala,
pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag.

Ang pagbasay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na kahanay ng pakikinig,


pagsasalita at pagsulat (Bernales, et al., 2001). Ayon kay Goodman (sa Badayos,2000),
ang pagbasa ay isang psycholinguistic guessing game.

Ang mga babasahin ay nakatutulong sa paghahandog sa mga mag-aaral ng


mayayamang karanasang makatutulong sa paglinang ng mabuting: kaalaman,
pag-uugali, kasanayan, kawilihan at saloobin at mga pagpapahalaga.

II. ANG LIMANG DIMENSYON SA PAGBASA

1. Unang Dimensyon - Pang-unawang literal

a. Pagpuna sa mga detalyeng nakalahad

b. Pagpuna sa wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa teksto

c. Pagsunod sa panutong nabanggit

d. Pagbubuod o paglalagom ng binasang teksto

e. Paggawa ng balangkas

f. Pagkuha ng pangunahing diwa o kaisipan

g. Paghanap ng tugon sa mga tiyak na katanungang inilahad

h. Pagbibigay ng katotohanan(facts) upang mapatunayan ang isang nilalamang


ipinahayag
i. Paghahanap ng katibayan para sa o laban sa isang pansamantalang konklusyong
inilahad

j. Pagkilala sa mga tauhang gaganap/ gumanap

2. Ikalawang Dimensyon - Pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda lakip ng mga


karagdagang kahulugan

a. Pagdama sa katangian ng tauhang gumanap

b. Pag- unawa sa mga tayutay at patalinghagang salitang ginamit

c. Paghinuha ng mga katuturan o kahulugan

d. Pagbibigay ng kuru- kuro at opinyon sa talataan

e. Paghula sa kalalabasan ng nobela/ teksto

f. Paghinuha sa mga sinundang pangyayari

g. Pagbibigay ng solusyon o kalutasan

h. Pagkuha ng pangkalahatang kahulugan ng isang binasa

i. Pagbibigay ng pamagat

3. Ikatlong Dimensyon - Pagkaalam sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad

a. Pagbibigay ng reaksyon sa teksto

b. Pag- iisip ng masaklaw at malawak a talasalitaan

c. Pagbibigay ng pagkakaiba at pagkakatulad ng pahayag

d. Pagdama o pagkaalam sa pananaw ng awtor.

e. Pag- unawa sa mga impresyon o kakintalang nadarama

f. Pagkilala sa pagkakaroon o kawalan ng kaisahan ng diwa ng mga pangungusap na


nasasaad

g. Pagkilala sa pagkakaugnay- ugnay ng mga pangungusap sa isang talatang inilahad h.


Pagtatalakayan tungkol sa mabubuting katangian ng kwentong binasa

i. Pagpapasiya tungkol sa katumpakan ng pamagat ng binasang seleksyon sa aklat

j. Pagpapasiya tungkol sa kabisaan ng paglalahad na isinagawa


4. Ikaapat na Dimensyon - Pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang
magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa

a. Pagbibigay opinyon at reaksyon sa binasa

b. Pag- uugnay ng binasang kaisipan sa kanyang sariling karanasan at sa tunay na


pangyayari sa buhay ng mag-aaral.

c. Pagpapayaman ng talakayan sa aralin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga


kaugnay na karanasan sa talakayan.

d. Pag-alaala sa mga kaugnay na impormasyon ng pag- aral

e. Pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan

5. Ikalimang Dimensyon - Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa


binasang seleksyon

a. Pagbabago ng panimula ng kwento o lathalain

b. Pagbabago ng wakas ng teksto

c. Pagbabago ng pamagat ng teksto

d. Pagbabago ng mga katangian ng mga tauhang gumanap

e. Pagbabago ng mga pangyayari sa teksto

f. Paglikha ng sariling kwento batay sa binasang teksto

III. SA PUSO NG TONDO (Maikling Kwento)

Ang oras ay ala-singko ng umaga. Bagamat inaantok pa ay pilit nang bumangon si


Annie mula sa pagkakahiga sa malambot niyang kama. Araw ng Linggo at dapat sana ay
ito rin ang araw ng kanyang pamamahinga.

Ngunit isang kaibigan ang nagyaya sa kanya na sumama sa lupain ng Tondo- na isang
bahagi ng Kamaynilaan.
May isang organisasyon ang lingguhang nagsasagawa roon ng libreng pagtuturo at
pagpapakain sa mga batang kapus-palad at naakay siya ng kaibigang si Yumi para
maranasan ang ganung klase ng aktibidades sa unang pagkakataon. Napapayag siya ng
kaibigan dahil wala rin naman siyang ibang gagawin sa araw na iyon maliban sa matulog
maghapon. Pumapasok siya sa opisina mula Lunes hanggang Sabado at ang araw ng
Linggo ang kanyang pahinga kung saan wala siyang ibang ginagawa kundi ang bumawi
ng tulog.
Alas syete ng umaga nang makumpleto ang grupo sa napag-usapang tagpuan, at iyon
ay sa Recto. Ang iba sa mga lumahok ay mga estudyante at ang iba naman ay katulad
nila ni Yumi na nakatapos na ng pag-aaral at nag-ta-trabaho na. Patungo na silang lahat
na nasa mahigit tatlumpo ang bilang sa lugar kung saan sila boluntaryong magtuturo at
magpapakain sa mga bata.
Mula sa aspaltong lupa na kanilang nilalakaran kanina ay naging maputik na ito nang
makapasok sila sa balwarte ng Helping Land-ito ang pangalan ng komunidad na kanilang
sadya. Itim ang kulay ng putik na kanila nang nilalakaran. Na sinamahan pa ng mga hindi
kaaya-ayang amoy at itsura sa paligid. Ito ang unang pagkakataon na nakatapak sa
ganoong klase ng lugar si Annie. Nasanay siya sa malinis at maaliwalas na paligid.
Medyo nakakaalwan ang kinagisnan niyang buhay at hindi niya sukat akalain na may
ganito pa palang klase ng lugar sa Maynila. Sa kabila ng modernisasyon at mga
nagtataasang gusali sa Kalakhang Maynila ay mga nagkukubli pa pala na ganitong klase
ng lugar. Hindi yata isang komunidad ang pinapasok nila kundi isang malaking tambakan
ng mga basura. Ang kulay puti niyang sapatos ay unti-unti ng nagiging itim dahil sa
nilalakaran nilang malambot na lupa. Bawat bahay na kanilang nadaraanan ay halatang
gawa lamang sa mga hindi katibayang materyales at sadyang kayliliit. Mababakas ang
karukhaan ng bawat residente na naninirahan dito. Marahil ito nga ang isang mukha ng
Maynila.
Ang mga bata na nakadungaw sa mga pinto at bintana ay malaki ang pagkakangiti na tila
ba masaya ang mga ito sa kanilang pagdaan. Bagamat kayrurungis ng mga bata ay
tumatagos sa kanyang puso ang mga pagbati na kanilang natatanggap mula sa mga ito.
"Hello, teacher!"
"Hi!
"Hello!
Masasayang bati ng mga ito sa kanila na sinasabayan pa ng pagkaway.

"Hello din!" Masaya rin naman niyang tinutugunan ang pagbati ng mga ito.
Bahagya siyang nagulat nang may isang paslit ang bigla na lamang humawak sa
kanyang kamay at sumabay sa kanilang paglalakad. Wala naman siyang balak na
bumitaw dito bagkus ay natuwa pa nga siya dahil napili siya nitong sabayan. Sa
pagkakadaiti ng kanilang mga palad ay tila ba naramdaman niya na uhaw sa pagkalinga
ang bata. Mukha rin itong masaya pagkakita sa kanya na para bang ngayon lamang ito
nakakita at nakahawak ng isang tao.
Lalaki ang bata at sa hinuha niya ay maaaring nasa limang taong gulang pa lamang ang
edad nito. Kagaya ng mga bata na una niyang nakita ay marungis din ito. Gula-gulanit
ang suot nitong sando at short. Itim na itim ang mga kuko nito at mas maitim naman ang
mga paa nito na walang sapin. Hindi nito alintana ang napakaputik na daan at tila ba
sanay na ito sa paglalakad doon.

"Bakit wala kang tsinelas?" Hindi niya napigilang maitanong sa batang kahawak-kamay
niya.

"Wala po akong tsinelas." Sagot ng bata at lihim niyang ipinangako sa sarili na bibilhan
niya ito.
Gasino ba naman ang isang pares ng tsinelas kumpara sa libong sinasahod niya bilang
bisor ng isang pribadong kumpanya? Oo, nahahabag siya sa bawat eksena na kanyang
nasasaksihan. Sa mga residente ng Helping Land at lalo na sa mga bata. Hindi malayong
lapitin sa iba't ibang klase ng sakit ang mga nakatira dito at malamang rin na ang
karamihan sa kanila ay walang makain.

"Kasali ka sa mga tuturuan namin?" Muli niyang tanong sa bata.

"Opo!" Masaya at puno ng enerhiya nitong sagot.

"Kasi pagkatapos namin matuto, may libre pang pagkain. Kaya sumasali po ako."

"Bakit hindi ka pa naliligo? Kasi para kayong papasok sa eskwelahan kaya dapat
maglilinis muna ng katawan bago pumasok."

"Wala pa po kaming tubig." Hindi na siya nakasagot. "Wala din po kaming pagkain. Ay
meron po pala, pagpag lang." bumakas ang lungkot sa marungis na mukha ng musmos.

"Ano'ng pagpag?" Wala siyang ideya kung ano ang tinutukoy nitong klase ng pagkain.

Itinuro ng bata ang isang matanda na nakaupo sa isang sulok ng bakuran ng bahay nito.
Abala ang matanda sa paghalukay ng isang malaking supot na sa tingin niya ay mga
pinaghalo-halong tira-tirang pagkain ang laman. Isang buto ng manok ang pinapagpagan
nito na tila inaalisan ng mga nakakapit na mga kanin.
Hindi niya ipinahalata ang pinaghalong pagkabigla at pagkamangha sa nakikita.

"Ah. Yan pala ang pagpag." Naaalala niya ang mga pagkakataon na kumakain siya sa
mga restawran. Madalas ay hindi niya nauubos ang kanyang pagkain at iniiwan na
lamang niya ito sa mesa. Maaaring dito sa Helping Land pala napupunta ang mga
pagkaing itinatapon ng mga taong katulad niya na may kakayanang makakain sa mga
sikat at mamahaling restawran. Alam niyang ang pagkain ng pagpag ay hindi maganda.
Dahil maaaring panis na ang mga ito at nababalutan na rin ng ibat ibang klase ng
mikrobyo na maaaring magdulot ng masama sa katawan.
Nang marating na nila ang lugar na nagsisilbing isang malaking silid aralan para sa mga
bata ay bumitaw na sa kanya ang batang lalaki. Nakipila na rin ito sa hanay ng mga
batang sa tingin niya ay kanilang tuturuan para sa umagang iyon.

Limang bata ang itinalaga sa kanya para turuan at ang mga ito ay nasa ika-apat ng
baitang sa elementarya.
Abala sila sa pagkukulay ng mga drowing na nasa papel ng bawat isa nang bigla na
lamang mag-kwento ang isa sa mga estudyante niya na si Sarah.

Alam mo ba Teacher Annie, iniwan na kami ng nanay ko. Panimula nito.


Bahagya mang nagulat ay mataman siyang nakinig sa kwento ng bata.

Bakit niya kayo iniwan?

Kasi po may iba na siyang asawa.

Sino nang nag-aalaga sa inyong magkakapatid? Nalaman na niya mula rito na apat
silang magkakapatid.

Si Tatay ko po. Patay na po yung dalawa kong kapatid. Isa nalang po ang natira. Bale
dalawa nalang po kami. Ako po yung nag-aalaga sa kanya kapag nagbebenta ng ice
cream si Tatay.

Mas lalo siyang napuno ng kuryosidad sa kwento ng buhay ni Sarah. Bakit namatay ang
mga kapatid mo?

Yung si Kuya ko po namatay sa ospital dahil daw po sa inspeksyon tapos iyong isa ko
pong kapatid, bigla nalang nagkasakit kaso wala kaming pampadoktor kaya namatay
nalang po siya.

Hindi na alam ni Annie kung ano pa ang magiging reaksyon sa kwento ng bata. Sa mura
nitong edad ay marami na itong pinagdaraanan sa buhay. Naikumpara na naman tuloy
niya ang naging buhay niya sa buhay nito sampu ng iba pang mga bata. Sadyang
napakapalad niya pala sa pagkakaroon ng medyo may kaginhawahang buhay.
Samantalang noon ay madalas pa siyang magreklamo sa kanyang mga magulang kapag
may mga bagay siyang hindi nakukuha.

Yung bago pong asawa ng nanay ko, nagtutulak po iyon ng droga. Dati nakikita ko po
sila ni nanay na parehong gumagamit non. Dagdag pa nitong kwento.

Hinawakan niya sa kamay ni Sarah, Basta huwag mong tutularan yon ha. Kahit iniwan
na kayo ng nanay mo, magsikap ka pa rin sa pag-aaral. Payo niya dito. Huwag mong
pababayaan ang isa mo pang kapatid at magpasalamat nalang tayo kay Papa Jesus
dahil nandiyan pa si Tatay para alagaan kayo.

Tumulo ang mga luha sa mata ni Sarah at mas lalo lang din siyang nakaramdam ng
habag para sa bata. Nangako po yon si Nanay sa akin na ibibili niya daw po ako ng
damit nung birthday ko at tsaka po kakain kami sa labas pero hindi naman po niya
tinupad.

Pati siya ay naluluha na rin ngunit pinipigilan lamang niya. Kailangan niyang maiparating
sa bata na dapat itong maging matatag sa kabila ng mga pagsubok na pinagdadaanan
nito. Niyakap niya si Sarah at pinatatahan.

Hayaan mo sa Pasko, ako nalang ang magreregalo sayo ng damit. At kakain rin tayo sa
labas. Basta ipagpatuloy mo lang ang pag-aaral. At isipin mo lang na dapat paglaki mo
ay matupad mo ang mga pangarap mo at mabili mo gamit ang sariling pera lahat ng
bagay na kailangan mo. Sa ngayon, ang tangi mo lang magagawa ay mag-aral ng mabuti
hanggat may pagkakataon ka. At syempre ang magdasal. Kahit wala na si nanay,
andyan pa naman si tatay. Alagaan niyo ang isat isa. Pati na rin si kapatid.

Teacher Annie, sana po makaalis nalang ako dito.

Paglaki mo Sarah, pagsikapan mo yan na magkaroon ng magandang buhay para


makaalis ka dito.

Sa pag-alis ni Annie sa lugar na iyon ay mayroon siyang naiuwing kwento sa kanyang


puso at sinigurado niya sa kanyang sarili na babalik siya sa susunod na linggo upang
muling makapiling ang mga batang uhaw sa karunungan, sa pagmamahal at sa
pag-aaruga.

Sa pagdating ng sumunod na Linggo ay muli nga siyang bumalik sa Helping Land.


Nilapitan niya ang isa sa mga una niyang naging estudyante. Miko, bakit wala si Sarah
ngayon? tanong niya dito.

Kinuha po siya ng nanay niya kahapon teacher. Isinama po siya sa Batangas.


Napatango na lamang siya at lihim na ipinagdarasal na sana ay nasa mabuti itong
kalagayan. Natupad ang hiling ni Sarah noong isang linggo. Ang makaalis sa lupain ng
Tondo. Sana nga lang ay gabayan at protektahan ito ng Maykapal. Sabik si Sarah na
matuto. Sampung taon na ito ngunit may kabagalan pa itong magbasa sa Ingles. Balak
niya sana itong tutukan doon.
Hindi bale, marami pa namang bata ang gusto ring matuto. Aniya sa kanyang sarili.
Marahil ngayong araw ay may panibagong kwento na naman siyang maririnig kasabay
ng pagbabahagi niya ng kaalaman sa mga batang ito

You might also like