Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Si Ferno de Magalhes (pinakamalapit na bigkas /fekhnw ji magalyysh/) (1480Abril

27, 1521; Fernando de Magallanes sa Kastila, Ferdinand Magellan[2] sa Ingles) ay


isang eksplorador na Portuges na naglayag para sa Espanya. Siya ang kauna-unahang
nakapaglayag mula sa Europa pakanluran patungong Asya, ang unang Europeo na nakatawid
ng Karagatang Pasipiko, at ang namuno ng unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon
ng daigdig. Bagaman nasawi siya sa Pilipinas at di nakabalik sa Europa, 18 sa kanyang mga
tripulante at isang barko ang nakabalik sa Espanya noong 1522, at natupad ang pangarap na
paglibot sa buong mundo. Namatay siya sa Pilipinas sa Labanan sa Mactan.[2]

Kapanganakan at kabataan
Si Magallanes ay ipinanganak noong mga 1480 sa Vila Nova de Gaia, malapit sa Porto sa
Probinsiyang Douro Litoral o sa Sabrosamalapit sa Vila Real sa Probinsiyang Trs-os-Montes
e Alto Douro sa bansang Portugal. Siya ang anak nina Rodrigo de Magalhes, alcaide-mr
ng Aveiro (14331500) (na anak nina Pedro Afonso de Magalhes at asawa nitong si Quinta
de Sousa) at ni Alda de Mesquita. Siya ang kapatid ni Leonor o Genebra de Magalhes na
asawa na may supling ni Joo Fernandes Barbosa. Pagkatapos ng kamatayan ng kanyang
mga magulang nang siya ay 10 taong gulang, siya ay naging isang pahe ni Reyna Leonor sa
korteng makahari ng Portugal dahil sa kanyang angkan. Noong Marso 1505, sa edad na 25, si
Magallanes ay nagpatala sa isang armadao ng mga 22 barko na ipinadala upang maghosto
kay D. Francisco de Almeida bilang unang viceroy ng Portuges na India. Bagaman hindi
lumitaw ang kanyang pangalan sa mga kronika, alam na nanatili siya ng mga 8 taon ng 8 taon
sa Goa, Cochin at Quilon. Si Magallanes ay lumahok sa ilang mga labanan kabilang
ang labanan ng Cannanore noong 1506 kung saan siya nasugatan. Noong 1509, nakipaglaban
siya sa labanan ng Diyus at kalaunang naglayag kasama ng kanyang kaibigang si Francisco
Serro sa unang embahadang Portuges sa Malacca sa ilalim ni Diogo Lopes de Sequeira.
Pagkatapos na dumating sa Malacca noong Setyembre, ang ekspedisyon ay nabiktima sa
isang sabwatan na nagwakas sa pag-urong nito. Si Magallanes ay nagkaroon ng mahalagang
papel na nagbabala kay Segueira at nagligtas kay Francisco Serro na tumuntong dito.
Noong 1511, sa ilalim ng bagong gobernador na si Afonso de Albuquerque, si Magallanes at
Serro ay lumahok sa pananakop ng Malacca. Pagkatapos ng pananakop, siya ay naghiwalay
ng landas. Si Magallanes ay itinaas at sa kompanya ng isang Malay ay kanyang ginawang
alipin at binautismuhan si Enrique ng Malacca. Siya ay bumalik sa Portugal noong 1512. Si
Serro ay lumisan sa unang ekspedisyong ipinadala upang hanapin ang "mga kapuluan ng
pampalasa" sa Moluccas kung saan siya nanatili at nagpakasal sa isangbabae mula
sa Amboina at naging tagapayo ng Sulatan ng Ternate, Bayan Sirrullah. Ang kanyang mga
liham kay Magallanes ay nagbigay impormasyon tungkol sa mga teritoryong lumilikha ng
mga pampalasa. Pagkatapos niyang umalis nang walang pahintulot, si Magallanes ay
nawalan ng pabor. Sa kanyang paglilingkod sa Morocco, siya ay nasugatan at nagtamo ng
isang permanenteng ika. Inakusahan rin siya ng ilegal na pangangalakal sa mga Moro. Ang
mga akusasyong ito ay napatunayang hindi totoo ngunit wala nang mga karagdagang alok ng
trabaho kay Magallanes pagkatapos ng Mayo 15,1514. Kalaunan noong 1515, nakatangap siya
ng isang alok bilang isang tauhan ng isang barkong Portuges ngunit itinakwil. Pagkatapos ng
isang alitan kay Haring Manuel I noong 1517 na tumanggi sa kanyang patuloy na mga
kahilingan na manguna sa ekspedisyon na maabot ang mga kapuluan ng pampalasa mula sa
silangan(i.e. habang naglalayag pakanluran na iiwas sa pangangailangan na maglayag
palibot sa dulo ng Aprika), siya ay lumisan patungo sa Espanya. Sa Sevilla, Espanya,
kanyang kinaibigan si Diogo Barbosa at nagpakasal sa anak na babae nitong si Mara Caldera
Beatriz Barbosa sa ikalawa nitong asawa. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na
sina Rodrigo de Magalhes at Carlos de Magalhes na parehong namatay sa batang edad. Si
Mara Caldera ay namatay sa Sevilla noong mga 1521. Samantala, kanyang inilaan ang
kanyang sarili sa pag-aaral ng pinakakamakailang mga chart na nag-iimbestiga kasama ng
kosmograpong si Rui Faleiro sa bukanan mula sa Atlantiko tungo sa Timog Pasipiko at ang
posibilidad na ang Moluccas ay Espanyol ayon sa demarkasyon ng Kasunduan ng
Tordesillas.

Kamatayan sa Pilipinas
Krus na ibinaon ni Magallanes sa Cebu noong Abril 1521.

Monumento sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Mactan kung saan namatay si Magallanes.

Noong Marso 16,1521(kalendaryong Kastila), natanaw ni Magallanes kasama ng kanyang 150


tauhan ang mga kabundukan ng ngayong Samar at pagkatapos ay dumating sa Suluan at
mula dito ay narating ang Homonhon. Ang mga kasapi ng ekspedisyong ito ang mga unang
Kastila na nakarating sa kapuluan ng Pilipinas ngunit hindi ang mga unang Europeo.
Pagkatapos ng 2 araw, ang mga katutubo ay dumating sakay ng isang bangka at ang ilan ay
sumakay sa barko ni Magallanes at tumanggap ng mga bagay gaya ng mga salamin, ivory at
pulang damit. Kapalit nito, ibinigay ng mga katutubo ang lahat ng kanilang mga pagkain sa
mga ito kabilang ang buko, tuba, saging, isda. Sa pamamagitan ng wikang pagsesenyas, ang
mga katutubo ay nangakong babalik ng mga may sariwang pagkain at pagkatapos ay bumalik
dala dala ang mga buko, tuba, kanin, mga kahel at manok. Sila ay sinamahan ng kanilang
mga pinuno na inilarawan ni Antonio Pigafetta na labis na may tato at nahihiyasan ng mga
ginintuang paha sa braso at mga hikaw at mga naburdahan ng sedang paldang bulak. Noong
Marso 25, si Magallanes ay naglayag mula sa Homonhon at nakarating sa Mazaua. Ang mga
katutubo ay dumating at tumanggap ng mga bagay mula kay Magallanes at pagkatapos ay
lumisan. Pagkatapos ng ilang mga oras, ang dalawang mga balangay ay dumating kasama ng
kanilang pinunong si Rajah Kolambu. Si Kolambu ay nagpadala ng ilang ng mga lalake sa
barko ni Magallanes na nagdadala ng mga regalong isang ginintuang bara at mga luya ngunit
ang mga ito ay tinanggihan ni Magallanes. Nagawang makipagtalastasan ni Magallanes sa
mga katutubo dahil sa naunawaan ng alipin in Magallanes na si Enrique ng Malacca ang wika
ng mga katutubong ito. Nakuha ni Magallanes ang tiwala ni Kolambu at nakipagsanduguan sa
kanya. Noong Marso 31, 1521 ay idinaos ang unang misa ng Romano Katolisismo sa Mazaua.
Noong Abril 4, 1521, si Magallanes at Kolambu ay naglayag patungo sa Cebu. Inalukan ni
Magallanes ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon ng mga regalo at malakas na
pakikipagkalakalan upang mapalapit dito. Noong Abril 14, 1521, binautismuhan sa Romano
Katolisismo ang dalawang mga rajah na sina Humabon at Kolambu. Ang hari ng Cebu na
si Rajah Humabon at ang kanyang reyna ay binautismuhang Katoliko na kumukuha ng mga
pangalang Carlos bilang parangal kay Haring Carlos I ng Espanya at Juana bilang parangal
sa ina ni Carlos. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni Magallanes kay Juana
ang Santo Nio bilang tanda ng bagong alyansa at ibinaon ang isang krus sa Cebu. Dahil sa
impluwensiya ni Magallanes kay Rajah Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon
para sa mga kalapit na hepe na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng
pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa Kristiyanismo. Ang karamihan sa
mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapu-Lapu na isa sa mga pangunahing hepe
sa loob ng isla ng Mactan ang tanging tumutol. Tumangging tanggapin ni Lapu-Lapu ang
kapangyarihan ni Rajah Humabon sa mga bagay na ito. Iminungkahi nina Rajah Humabon at
Datu Zula kay Magallanes na pumunta sa isla ng Mactan at pwersahin ang kanyang
nasasakupan na si Datu Lapu-Lapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Nakita ni
Magallanes ang oportunidad na palakasin ang umiiral na pakikipagkaibigang ugnayan sa
pinuno ng rehiyong Visaya at umayon na pasukuin at patayin ang mapanghimagsik na si
Lapu-Lapu sa isang labanang tinawag na Labanan sa Mactan. Ayon kay Antonio
Pigafetta, tinangka ni Magallanes na hikayatin si Lapu-Lapu na sumunod sa mga kautusan ni
Rajah Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magallanes ay nagpakilos
ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan
sa umaga ng Abril 28, 1521. Pagkatapos ay tinangka ni Magallanes na takutin ang mga ito sa
pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga kabahayan sa ngayong Buaya ngunit kilala noon na
Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay Lapu-Lapu at kanyang mga mandirigma at
umatake kay Magallanes na nasugatan sa braso ng isang sibat at sa hita ng isang kampilan.
Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu si Magallanes na sinaksak at tinaga ng mga
sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan
sa mga tao ni Magallanes ay napatay sa labanan at ang ilang mga katutubong naging
Kristiyano na tumulong sa kanila ay napatay ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu. Walang
opisyal na mga rekord ng bilang ng mga namatay ngunit binanggit ni Pigafetta ang hindi
bababa sa 3 Kristiyanong sundalo kabilang si Magallanes. Ang mga kaibigan ni Magallanes
na sina Raja Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni
Magallanes at nanood sila mula sa kanilang mga bangka sa malayo. Inulat ni Pigafetta na
nagpadala ng mensahe si Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan
ni Magallanes at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila.
Ang tugon ni Lapu-Lapu ay "Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat ng
mga kayamanan ng mundo dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng aming pagwawagi laban
sa mga mananakop ng aming baybayin". Ang ilan sa mga sundalo na nakaligtas sa labanan
at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang ibinigay ni Rajah Humabon. Si Magallanes ay
hinalinhan ni Juan Sebastin del Cano bilang komander ng ekspedisyon na nag-utos ng
mabilis na paglisan matapos ang pagtatraydor ni Humabon. Si Del Cano at kanyang armada
ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng
mundo.
Si Miguel Lpez de Legazpi[1] (15021572) kilala rin bilang si El Adelantado (Ang Gobernador) at El
Viejo (Ang Nakatatanda) ay isang Baskong Espanyol kongkistador na nagtatag ng unang kolonya
sa Pilipinas noong 1565.

Unang bahagi ng buhay

Ipinanganak noong 1502, siya ang pinakabatang anak nina Don Juan Martnez Lpez de Legazpi at
Elvira Gurruchategui. Ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya at lumaki siya sa maliit na bayan
ng Zumrraga, sa Basque sa lalawigan ng Guipzcoa sa Espaa.

Sa gitna ng 1526 at 1527, naglingkod siya bilang councillor sa pamahalaang munisipal ng


kanyang bayan. Noong 1528, matapos magtayo si Hernn Corts ng mga paninirahan sa
Mexico, pumunta siya doon para magsimulang muli dahil sa pagkamatay ng kanyang mga
magulang at ang hindi niya pagtanggap sa kanyang nakakatandang kapatid, na minana ang
lahat ng kayamanan ng kanilang pamilya. Sa Tlaxcala, nagtrabaho siya kay Juan Garcs at
ang kanyang babain kapatid, si Isabel Garcs. Pinakasalan ni Legazpi si Isabel at nagkaroon
sila ng siyam na anak. Namatay si Isabel sa kalagitnaan ng 1550s. Sanggunian
1. Jump up "Miguel Lpez de Legazpi". Karnow, Stanley., "In Our Image, America's Empire in
the Philippines", Random House, Inc., New York, ISBN 0394594759. 1989. - Hinggil sa Miguel
Lopez de Legazpi o Manuel de Legazpi: May kamalian si Stanley Karnow sapagkat ginamit niya
ag pangalang "Manuel de Legazpi" para tukuyin si Miguel Lopez de Legazpi sa sekyong Cast
of Principal Characters, The Spanish ng kaniyang aklat sa pahina 446, ngunit sa Index at sa
kabuoan ng libro ginamit lamang niya ang pangalang "Miguel Lopez de Legazpi"; Nagkamali
rin si Karnow sa paggamit ng taong "1871" (bilang taon ng pagkakatatag ng Maynila para sa
pagka-kabisera) sa seksiyong Cast of Principal Characters, The Spanish, ngunit "1571" ang
ginamit niya sa kalahatan ng aklat, partikular na ang mga nasa pahinang 43-47, 49, at 485

You might also like