Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Krisis sa Marawi Bakbakan sa lungsod ng Marawi sa pagitan ng

pamahalaan ng Pilipinas at ng mga teroristang grupong Maute at Abu


Sayyaf na tumagal nang limang buwan Ang Krisis sa Marawi,[40]
tinatawag ring Labanan sa Marawi,[41] o Pagkubkob sa Marawi,[42] ay
ang limang buwang itinagal na bakbakan sa Marawi sa pagitan ng
puwersa ng Pamahalaan ng Pilipinas at ang mga kaakibat na militante ng
Islamikong Estado ng Irak at ang Levant, kabilang ang mga pangkat ng
Maute at Abu Sayyaf na nagsimula noong ika-23 ng Mayo, 2017.[43]
Ang labanang ito ay naging pinakamahabang digmaan sa pook na
urbano sa makabagong kasaysayan ng Pilipinas.[44]

Inihayag ng pamahalaan ng Pilipinas na nagsimula ang mga pag-atake


nang inilunsad nila ang opensiba sa lungsod upang hulihin si Isnilon
Hapilon ng grupong Abu Sayyaf, pagkatapos makatanggap ng mga ulat
na si Hapilon ay nasa lungsod, maaaring upang makipagkita sa mga
militante ng pangkat ng Maute.[45][46] Isang madugong bakbakan ang
nagsimula nang ang puwersa ni Hapilon ay nagpaputok sa pinagsamang
hukbo ng militar at pulis at nagpatawag ng dagdag na hukbo mula sa
Maute, isang armadong pangkat na nanumpa ng pakikipagalyansa sa
Islamikong Estado at ang mga pinaniniwalaang responsable sa pagsabog
sa lungsod ng Dabaw noong 2016, ayon sa mga tagapagsalita ng
militar.[47] Nilusob ng mga bandidong Maute ang Kampo Ranao at
inokupa ang ilang mga gusali sa lungsod, kasama ang Bulwagang
Panlungsod ng Marawi, Pamantasang Estado ng Mindanao, isang ospital
at bilibid.[47] Inokupa rin ng pangkat ang pangunahing kalsada at
sinunog ang Simbahan ni Santa Maria, Paaralang Ninoy Aquino, at
Kolehiyo ng Dansalan na pinangangasiwaan ng United Church of Christ
in the Philippines (Nagkakaisang Simbahan ni Kristo sa Pilipinas) o
UCCP.[48] Sinalakay rin ng pangkat ang Katedral ng Marawi at binihag
ang isang pari, pati ang ilang mga nagsimba.[49] Noong ika-26 ng
Mayo, 2017, kinumpirma ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na ang
mga dayuhang terorista ay lumalaban kasama ang Maute sa Marawi at
ang kanilang pangunahing layunin ay magtaas ng watawat ng
Islamikong Estado sa Kapitolyong Panlalawigan ng Lanao del Sur at
magpahayag ng wilayat o panlalawigang teritoryo ng Islamikong Estado
sa Lanao del Sur.[50][51] Noong ika-17 ng Oktubre, 2017, isang araw
matapos ang pagkamatay ng mga pinuno ng mga militante na sina Omar
Maute at Isnilon Hapilon, inihayag ni Pangulong Duterte na malaya na
ang Marawi. Gayunpaman, ang Brigadyer-Heneral na si Restituto
Padilla, tagapagsalita ng militar, inihayag naman na ilan sa mga
militante ay nananatili at ang mga operasyon ay magpapatuloy hanggang
sa sila'y mapuksa.[52] Limang araw ang nakalipas, ika-23 ng Oktubre,
inanunsyo ng Kalihim ng Tanggulang Pambansa na si Delfin Lorenzana
na ang limang buwang bakbakan laban sa mga terorista sa Marawi ay
nagtapos na.[53]

You might also like