Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Giselle V.

Gigante
BSE 3-1 Filipino

Prop. Erwina Y. Tadifa


Teoryang Pormalismo

A. Teoryang Pampanitikan

Panimula
Bago natin talakayin ang mga konsepto ng Teoryang Pormalismo, tuklasin muna natin ang
katuturang nakapaloob sa teorya at sa Teoryang Pampanitikan. Alamin natin maging ang kabuluhan ng
Teoryang Pampanitikan.
Ang Teorya ay pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang
makalikha ng malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito.
Ang Teoryang Pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at ang mga paraan sa
pag-aaral ng panitikan. Ito ay isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na
naglalarawan sa tungkulin ng panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng
tekstong panitikan na ating binabasa.
Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-aaral na ito. Katotohanan kaysa kagandahan ang
mababakas sa teoryang ito. Kahit sino, ano mang bagay at lipunan ay dapat makatotohanan ang
paglalarawan o paglalahad. Nagpapahayag din ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad. Gabay ang
mga teoryang pampanitikan upang higit na maintindihan ang nais iparating o iyong pokus ng may-akda sa
kanyang sinusulat.
Teoryang Pormalismo
Ang Teoryang Pormalismo ay tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa anyo
o pagkabuo ng isang teksto at hindi sa nilalaman nito. Ang ganitong atensyon sa mga aspetong pormal ay
hindi nangangahulugang hindi kinikilala ang posibilidad ng moral at panlipunang misyon para sa
panitikan.
Ayon sa mga pormalista, ang panulaan ay hindi panulaan dahil lamang gumagamit ito ng
temang tumatalakay sa kondisyon ng tao, kung hindi dahil sa proseso ng wika. Ayon nga kay Jacobson
(1921), ang panulaan ay anyo ng wika na ang oryentasyon ay sa sarili nitong anyo o porma. Kung ano ang
mensahe o tinutumbok ng wika ay sekundaryo na lamang.
Ang pinag-utangan ng teoryang ito ay masugid na tinalunton ng mga kilalang kritiko, kabilang
ang isinulat ni Coleridge na itinuturing niyang buhay dahil sa kaisahang nakapaloob dito.
Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang
tuwirang panitikan. Matuklasan at maipaliwanag ang anyo ng akda. Tanging ang pisikal na katangian ng
akda ang pinakabuod na pagdulog na ito.
Hindi lamang mahalaga ang pagbabalangkas kundi ang pagsusuri na rin na ginamit bilang proto-
structure. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan,istilo,o paraang artistiko ng teksto.
Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas sa teksto mismo.
May sariling daigdig ang akda. Sa pormalismong pananaw, nasa anyo ng akda ang kasiningan
nito. Ang isang akdang pampanitikan ay may sariling buhay at umiiral sa sariling paraan. May mga
elemento ang isang akdang pampanitikan at ang bawat isa ay kaugnay ng iba pang elemento;
magkakaugnaypugnay ang mga elemento upang maging mahusay ang akda.
Isa sa mga tinitignan ay ang kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag na kabilang
ang sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda at kariktan.
Ang tungkulin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng
pagkakasulat ng akda. Kaugnay nito, napakahalaga ng teksto sa paggamit ng Teoryang Pormalismo.
Katunayan, kailangang masuri ng akda ang mga tema o paksa ng akda, ang sensibilidad ng mga tauhan at
pag-uugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda.
Mga Halimbawa

Pagtatapat
Ni Lope K.Santos

Ibig kong kung ikaw ay may iniisip,


Sa ulo mo'y ako ang buong masilid.
Ibig kong kung iyang mata'y tumititig,
Sa balintataw mo ako'y mapadikit.
Ibig kong tuwi mong bubukhin ang bibig,
Ang labi ko'y siyang lumasap ng tamis;
Ibig kong sa bawa't pagtibok ng dibdib,
Bulong ng dibdib ko ang iyong marinig.

Hangad kong kung ika'y siyang nag-uutos,


Akung-ako lamang ang makasusunod.
Hangad kong sa iyong mga bungang-tulog,,
Kaluluwa ko lang ang makapupulot.
Hangad kong sa harap ng iyong alindog,
Ay diwa ko lamang ang makaluluhod.
Hangad kong sa "altar" ng iyong pag-irog,
Kamanyang ko lamang ang naisusuob.

Nasa kong kung ika'y may tinik sa puso,


Dini sa puso ko maunang tumino.
Nasa kong ang iyong tampo't panibugho'y,
Maluoy sa halik ng aking pagsuyo;
Nasa kong ang bawa't hiling mong mabigo,
Ay mabayaran ko ng libong pangako;
Nasa kong sa bawa't luha mong tumulo,
Ay mga labi ko ang gamiting panyo.

Nais kong sa aklat ng aking pagsinta,


Ang ngalan ng lumbay ay huwag mabasa.
Nais kong sa mukha ng ating ligaya,
Batik man ng hapis ay walang makita.
Nais kong ang linis ng ating panata'y,
Huwag marungisan ng munting balisa,
Nais kong sa buhay nga ating pag-asa'y,
Walang makatagpong anino ng dusa.

Mithi kong sa lantang bulaklak ng nasa'y


Hamog ng halik mo ang magpapasariwa;
Mithi kong sa minsang pagsikat ng tala,
Ay wala nang ulap na makagambala;
Mithi kong ang tibay ng minsanang sumpa'y,
Mabaon ko hanggang tabunan ng lupa.
Mithi kong kung ako'y mabalik sa wala,
Ay sa walang yao'y huwag kang mawala.
Talambuhay ni Lope K. Santos
Si Lope K. Santos (25 Setyembre 1879 1 Mayo 1963) ay
isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong
kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900
dantaon.[1] Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang
abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng
Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.
Talambuhay
Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K.
Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-
asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga
katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang
titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang
pangalan, upang asang padasino das(Kolehiyo Pilipino),
matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de
Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at
sa Escuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa
siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga
manunula na maihahambing sa larangan
ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa
wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng
babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos
ng Surian ng Wikang Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang
pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala
rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg.
Sariling buhay
Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong 10 Pebrero 1900, at nagkaroon sila ng
limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ay
hinangad ni Santos na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.
Sa larangan ng politika
Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging
gobernador naman si Santos ng Nueva Vizcaya mula 1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya
bilang senador para sa ika-labindalawang distrito ng bayan. Nahalal at nagsilbing gobernador si Santos sa
lalawigan ng Rizal noong 19101913 at sa Nueva Vizcaya noong 19181920. Nahalal siyang senador
noong 1921 at naging direktor ng Institute of National Language [Kawanihan ng Wikang Pambansa]
noong 19411945. Kasama siyang pundador ng Congreso Obrero de Filipinas at naging pangulo
ng Unin del Trabajo de Filipinos. Bilang mambabatas, siya ang kumatha ng batas hinggil sa Araw ni
Bonifacio upang pagpugayan ang dakilang Tagalog na naghasik ng himagsikan laban sa mga mananakop
na Kastila. Sinikap din niyang pagbuklurin ang mga tribung minorya nang mabawasan ang karahasang
laganap noon.
Parangal
Pinarangalang Paham ng Wika at Haligi ng Panitikang Filipino si L.K Santos, dahil sa
kaniyang malaking ambag sa paglinang ng wikang Tagalog at pagsusulat ng sari-saring uri ng panitikan.
Bayani ng Bukid
Ni Al Perez

Akoy magsasakang bayani ng bukid


Sandatay araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
Ang kaibigan ko ay si Kalakian
Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at sa paglilinang
Upang maihanda ang lupangmayaman.
Ang haring araw di pa sumisikat
Akoy pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring laging nasa hagap
At tanging pag-asa ng taong masipag.
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong aking bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Silay umaasa sa pawis kot gawa.
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
ang aniy dumami na para sa lahat

Kapag ang balanay may pagkaing tiyak


Umaasa akong pusoy magagalak.
At pagmasdan ninyo ang aking bakuran
Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.
Sa aming paligid mamamalas pa rin
Ang alagang hayop katulad ng kambing
Baboy, manok, patot alay na pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin.
Akoy gumagawa sa bawat panahon
Nasa aking puso ang taos na layon
Na sa bawat tao, akoy makatulong
At nang mabawasan ang pagkakagutom.
Akoy magsasakang, bayani ng bukid
Sandatay araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit.
Talambuhay ni Al Perez

Isang kilalang artist na ipinanganak sa Hagonoy,


Bulacan si Al Perez. Nagtapos ito noong 1968 sa University of
Santo Tomas sa kursong Fine Arts. Para lalong tumingkad ang
kanyang career sa arte, ipinagpatuloy niya ito sa pamamagitan
ng pag-aaral sa The Artist League of New York U.S.A. noong
1984 at sa School of Usual Act New York, U.S.A. noong 1996.
Dahil dito, ang kanyang pagiging alagad ng sining bilang isang
pintor sa mga paglalakbay sa ibat ibang bansa, kanyang
ipinakita ang kagandahan ng kanyang mga obra sa
pamamagitan kanyang pagiging representative ng ating
bansang Pilipinas. Ang kanyang mga likha ay hinangaan
katulad ng kanyang mga obrang may mga romantikong
paghagod ng brush sa kanyang mga nude na babae, flowers,
still life, mga rural scenes ng Pilipinas, subalit mas kilala siya
sa paggawa ng mga simbahan. Sa husay ni Al Perez,
naging representative siya ng ating bansa sa Philippine Trade
Center sa New York at San Francisco sa Amerika noong 1984, sa Cuban Biennale sa Havana noong 1986,
at sa Singapore International Festival of Arts noong 1988. Dahil sa pagiging aktibo sa sining, nagkaroon
ng isang matagumpay na pagtatanghal si Al Perez sa Dubai, United Arab Emirates noong 1987. Matapos
noon, nakasama siya bilang isa sa delegado sa China upang masdan ang mga pamamaraan sa mga art
galleries at museums doon. Taong 1989, nakasama siya sa First Filipino Visual Arts Festival Exhibit sa
San Francisco, U.S.A. kasunod sa Takatsuki, Yokohama, Japan. Noong 1992, naging bahagi din siya ng
ASEAN promotional exhibit sa Hudson Bay sa Toronto, Canada at sa International Water Color Exhibit
sa Kashion, Taiwan. Ang mga kasunod naman niyang solo exhibit at sa Philippine Center sa New York at
sa Rizal Center sa Chicago, Ilinois, U.S.A.
Mga Sanggunian:

Aklat
San Juan, Gloria P. et. al., 2005, Panunuring pamapanitikan, Sta. Cruz, Manila: Booklore
Publishing Corporation.

Elektroniko
Bagon, A. Marso 16, 2012. Mga Teoryang Pampanitikan. Hinango noong Agosto 28, 2016 mula
sa http://aprilmbagonfaeldan.blogspot.com/2012/03/mga-teoryang-pampanitiikan-pat-v.html
Banquito, M. Hunyo 30, 2016. Teoryang Pormalismo. Hinango noong Agosto 27, 2016 mula sa
https://prezi.com/q7t1nbps4gai/teoryang-pormalismo/
Cteedtech. 2009. Dulog Pormalismo. Hinango noong Agosto 26, 2016 mula sa
https://cteedtech2009.wikispaces.com/MGA+TEORYANG+PAMPANITIKAN
Filipino Guru. Disyembre 12, 2011. Teoryang Pampanitikan. Hinango noong Agosto 28, 2016
mula sa http://ranieili2028.blogspot.com/2011/12/teoryang-pampanitikan.html
Kadipan. ________. Teoryang Pampanitikan. Hinango noong Agosto 28, 2016 mula sa
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html
Mabait, M. Hulyo 9, 2014. Pormalismo. Hinango noong Agosto 26, 2016 mula sa
http://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-36790003
Maylimbo, D. Oktubre 7, 2015. Teoryang Pormalismo. Hinango noong Agosto 28, 2016 mula sa
https://donamaylimbo.wordpress.com/2015/10/07/teoryang-pormalismo/
Mular, M. Hunyo 12, 2011. Teorya. Hinango noong Agosto 27, 2016 mula sa
https://melodymular.wordpress.com/2011/06/12/mga-teoryang-pampanitikan-at-mga-uri-nito/
Pama, M. Enero 13, 2013. Dulog Pormalismo. Hinango noong Agosto 29, 2016 mula sa
http://cr0xxavenzare.blogspot.com/2013/01/teoryang-pormalismo.htmlPanitikan sa Filipino.
__________. Layunin ng Teoryang Pormalismo. Hinango noong Agosto 28, 2016 mula sa
https://www.facebook.com/PanitikanSaFilipinoIvViii/posts/284937934985810
Rosie. _________. Teoryang Pormalismo. Hinango noong Agosto 27, 2016 mula sa
http://rosiefilipino10.weebly.com/teorya-ng-pampanitikan.html#/
Villarina, W. ________. Pagsusuri ng mga Tulang Pilipino. Hinango noong Agosto 27, 2016
mula sa http://wilmarvillarinalcoser.blogspot.com/
Wikipedia. ______. Talambuhay ni Lope K. Santos. Hinango noong Agosto 28, 2016 mula
https://tl.wikipedia.org/wiki/Lope_K._Santos
__________. __________. Teoryang Pampanitikan. Hinango noong Agosto 27, 2016 mula sa
http://documents.tips/documents/teoryang-pampanitikan-558444ef01a58.html#

You might also like