Negrito Indones Malay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga Negrito

Ang mga Negrito. Sa migration theory, ang unang dumating na mga tao sa Pilipinas ay ang mga
Negrito. Tinatawag din silang Atis o Actas. Naglakbay sila sa mga lupaing tulay mula sa kalupaang Asya
nang may 25,000 taon na ang nakalilipas. Noong panahog iyon, ang ating bansa ay nakakabit sa Asya sa
pamamagitan ng mga tulay na lupain na sa kalaunan ay lumubog sa ilalim ng karagatan.

Negrito - Mga unang Ninunong Pilipino

Ang mga Negrito ay maliliit na mga tao. Kulang ang taas nila sa limang talampakan. Tinagurian silang
"negritos" dahil sa kanilang maiitim na balat, maikli at kulot na kulot na mga buhok, makapal na mga labi
at pangong ilong. Halos wala silang damit. Wala silang pamahalaan, walang kasulatan, at walang
permanenteng tahanan. Naglilibot sila sa kagubatan at nabubuhay sa pamamagitan ng pangangaso
gamit ang pana, pangingisda, at pagkuha ng mga ligaw na mga halaman at mga prutas.

Ngayon, mayroon pang mga Negrito sa mga burol ng Zambales. Sila ay napinsala sa pagputok ng Bulkang
Pinatubo noong 1991.

Mga Indones
Ang mga Indonesian. Sa migration theory, ang mga Indonesian ay ang mga unang dayuhang dumating
sa Pilipinas sa pamamagitan ng dagat. Dumating sila ng may mga 5,000 taon na ang nakalipas. Silay
naglayag sa mga bangka mula sa Timog Asya. Napaalis ang mga Negrito tungo sa mga bundok at ang
mga Indonesian ang nanirahan sa kapatagan.

May dalawang uri ng mga Indonesian. Ang unang uri ay matataas, maputi ang balat, malapad ang noo,
matatangos ang ilong at manipis ang labi. Bandang huli na ng dumating ang pangalawang uri. Higit na
pandak at maiitim sila, malalaki ang ilong, makapal ang labi at malaki ang panga.

Higit na maunlad ang mga Indonesians kaysa sa mga Negrito. Mayroon silang mga permanenteng
tahanan. Gumagamit sila ng apoy sa pagluluto ng kanilang mga pagkain. Nabubuhay sila sa
pamamagitan ng pangangaso, pangingisda, at maliit na sakahan. Pinipinturahan nila ang kanilang
katawan ng mga makukulay na larawan.

Ngayon, ang minoryong tribong Indonesian ay matatagpuan sa liblib na bahagi n gating bansa. Ang mga
ito ay ang mga Apayao, mga Gaddang, mga Ibang, at mga Kalinga ng Hilagang Luzon; mga Tagbanuas ng
Palawan; at Bagobo, mga Manobo, mga Mandaya, mga Bukidnon, mga Tiruray, at mga Subanon ng
Mindanao.
Mga Malay
Ang mga Malay. Sa migration theory, ang mga Malay ay dumating pagkatapos ng mga Indonesian, mga
2,000 taon na ang nakalipas. Dumating din sila sa pamamagitan ng mga bangka mula sa Timog Silangang
Asya. Katamtaman ang kanilang taas, kayumanggi ang balat, maitim ang mata, pango ang ilong at may
tuwid at maitim na buhok. Napaalis nila ang mga Indonesian tungo sa kagubatan at nanirahan sila sa
kapatagan.

Ang mga Malay ay higit na maunlad kaysa sa mga Indonesian. Nanirahan sila sa higit na malaking mga
pamayanan. May pamahalaan sila, kasulatan, musika, mga sining at mga agham. Nabubuhay sila sa
pamamagitan ng agrikultura, pangingisda, pagmimina, at pangangalakal.

May mga alamat na naglalarawan sa pagdating ng mga Malay. Ang salaysay na ito sa Panay ay
tinaguriang Maragtas. Isinasalaysay dito kung paano ang unang sampung datung Malay na umalis sa
Borneo ay dumating sa Panay. Binili nila ang mga lupain ng mga Negrito at nanirahan sa ibang mga pulo.
Si Datu Puti ang namumuno sa mga datung Malay at si Marikudo naman ang namuno sa mga Atis. Ang
alamat na ito ay ipinagdiriwang sa tanyag na pista at sayaw na Ati-Atihan.

Ang mga Pilipino ngayon ay galing sa Malay o lahing kayumanggi. Kaya, mayroong mga Malay na Muslim
sa Mindanao, Jolo, at Palawan. Mayroon ding mga Kristiyanong Malay sa buong bansa. Mayroon ding
mga tribung Malay gaya ng mga Igorot, mga Ifugao, mga Bontok, at mga Tinggian sa Luzon.

Ang migrasyon ng tao galing ibang bansa ay naging tulay upang sila'y tawagin nating mga unang Pilipino
na ating mga ninuno.

You might also like