Mag-iisang daang taon na ang pagkakatatag ng Barangay
Malaya, isang nayon na sakop ng Bayan ng Pililla. Ngunit sa salin- saling salita lamang ng mga matatanda naririnig na ang mga unang mamamayan sa barangay na ito ay buhat o tubong bayan ng Jala- jala, bilang ito ang pinakahuling bayan sa timog bahagi ng Lalawigan ng Rizal.
Sa simula noong unang panahon, ang kalakhang lupain ng
Jala-jala ay isang hacienda, itoy pinamahalaan at naging pag-aari ng isang dayuhang Kastila sa pamamagitan ng encomienda. Ang encomienda ay ang pagkakaloob ng hari ng Spain ng lupain sa kanyang mga lider na ipinadadala sa Pilipinas kapalit ng matapat na paglilingkod ng mga ito. Pagdaan ng maraming panahon, pinanirahan din ito ng mga taong buhat din mismo sa ibang bayan sa Rizal, at maging sa karatig Lalawigan ng Laguna. Matiwasay silang namuhay dito ng masagana at masaya. Sa silangang bahagi ng lugar, may bundok silang napapangahuyan at napapamarilan ng usa at baboy damo. Sa kanluran naman ay may dagat lawa (Laguna de Bay) na nagsisilbi nilang pangisdaan. Pangunahin nilang hanapbuhay ang magsaka, magtanim ng mga gulay, mangisda, at maghayupan. Sa katunayan, nakilala ang lugar sa pag-aalaga ng Baboy Jala-jala, isang uri ng baboy na may malaking bulas at hanggang baywang ng tao ang taas. Batik itim at puti ang kulay ng katawan nito at parang nalahian ng duroc at baboy damo.
Sa ganito sila namuhay nang payapa maging hanggang sa
pagdating ng mestisuhing lalaki na nagngangalang Hermenigildo
KASAYSAYAN NG BARANGAY MALAYA
KABANATA 1: KASAYSAYAN NG BARANGAY | 3
Mereciana (Alias Bindoy). Siya ang itinalagang tagapamahala ng
may-ari sa loob ng walong (8) taon. Matapos ang naitakdang panahon, tuluyang lumipat si Bindoy sa Maynila at doon nanirahan. Pumalit bilang tagapamahala sa hacienda si Demetrio Belleza na isang katutubong mula sa Jala-jala. Naging maayos naman ang pakikisama ng dalawang administrador sa mga tao kayat malaya pa ring nakakapangahoy at nakakakuha ng kawayan at iba pang produkto sa bundok ang mga ito.
Subalit dumating ang taong 1917-1918 kung saan lumaki
ang utang na buwis ng hacienda sa pamahalaang lokal, dahilan kayat napagdesisyunang ipasubasta ito sa halagang kinakailangan upang mabayaran ang pagkakautang. Sa ginanap na subastahan (auction) ay pinalad na manalo ang magkakapatid na sina Francisco, Sesinando, at Gregorio de Borja na nagmula pa sa Pateros, Rizal.
Hinati ng magkakapatid ang
pamamahala sa lupaing Jala-jala. Napunta kay Francisco ang sakop mula sa Ilog Puang hanggang Sitio Bayugo. Ang hangganan o boundary ng Sitio Bayugo hanggang sa Baryo Punta at Palay-palay naman ang pinamahalaan ni Gregorio. Mula sa Palay-palay hanggang sa mga baryo ng Bagumbong at Matikiw naman GREGORIO DE BORJA, isa ang naging saklaw ni Sesinando. sa tatlong magkakapatid na de Borja na nagmula sa Pateros, Taong 1919 nang dumating Rizal. ang magkakapatid sa Jala-jala dala ang mga katibayang dokumento at titulo na nagpapatunay na sila na ang nagmamay-ari ng lupain ng Jala-jala pati na rin ang mga baryong sakop nito. Walang nagawa ang mga mamamayan kundi
KASAYSAYAN NG BARANGAY MALAYA
KABANATA 1: KASAYSAYAN NG BARANGAY | 4
ang tanggapin namay bago na naman silang kikilalaning
panginoon sa hacienda.
Sa unang anim (6) na taon ay naging payapa naman ang
lugar at naging maganda ang pakikitungo ng mga haciendero sa mga taumbayan. Tulad ng dati, malaya nilang nagagawa ang kani- kanilang mga hanapbuhay sa bundok at kapatagan. Ngunit dumating ang isang pangyayari na dahil sa politika, ang dating tahimik na bayan ay nabalot ng kabi-kabilang alitan at kaguluhan. Dumating ang eleksyong lokal sa pagka-Presidente Munisipal (Punong-bayan/Mayor kung tawagin ngayon) at karamihan sa mga mamamayan ang nagpakita ng suporta sa kandidato ng Nacionalista Party na si G. Tomas Rodriguez. Sa kabilang panig naman ay nagpahayag ang mga namamahala sa hacienda na ang susuportahan nila sa darating na eleksyon ay ang pambato ng Partido Democrata na si G. Lucio Aniago.
Inilabas ang resulta matapos
ang eleksyon at si Tomas Rodriguez ang inihayag na nanalo. Dahil sa pagkatalo ng kandidatong sinuportahan ng mga may-ari ng hacienda, nag-umpisa ang hidwaan at hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila at ng taumbayan. Karamihan sa mga napag-alamang pumanig sa nagwaging presidente-munisipal ay Kgg. TOMAS RODRIGUEZ, binawian ng mga sinasakang bukid inihalal na bagong at lupain, ang mga nabawing presidente-munisipal ng Jala- taniman sa mga ito ay ipinamigay jala mula 1926-1931. naman sa mga mamamayang pumanig sa sinuportahang kandidato ng mga namamahala sa hacienda. Naging mahigpit ang mga patakaran, sinumang mahuling kumuha ng kahoy o anumang bagay sa bundok na walang pahintulot ay agad inihahabla at ipinakukulong.
KASAYSAYAN NG BARANGAY MALAYA
KABANATA 1: KASAYSAYAN NG BARANGAY | 5
Hanggang sa nakilala ang isang ginoo na may magandang
loob na nagngangalang Jacinto Manahan, isa siyang lider ng mga manggagawa na napabalitang tumutulong sa mga naaaping magsasaka. Sa pamamagitan ng kanyang mahusay at mabisang paliwanag at pakikipag-usap sa mga magsasaka ay naitatag nila ang samahang Confederacion de Agricola de Filipinas (Kumpederasyon ng mga Magsasaka sa Pilipinas). Dito ay nahalal na tagapangulo ng samahan si G. Manuel H. Roxas (Alias Manoling 27).
Sa kadahilanan namang nagkakaisa ng simulain at
paninindigan ang munisipyo at ang samahang itinatag, pinamagatan na lamang itong Confederacion. Ang kabilang panig naman na binubuo ng ilang mamamayang pabor sa may-ari ng hacienda ay tinawag na Eskirol.
Dahil na rin sa mga kaso ng pagbawi sa mga sinasakang
lupa at bukid ng ilang magsasaka, napagkasunduan ng Confederacion na magsampa ng demanda sa Juzgado Primera Instancia o Court of First Instance sa Pasig. Ito ang hukumang nagsisilbing unang dulugan ng mga paunang isinasampang kaso sa bansa noong panahong iyon. Sa mga naganap na asuntuhan, maraming hirap at pagod rin ang tiniis ng samahan. Humingi sila ng tulong kay Pedro Magsalin ng Taguig na kilala noon dahil sa pagiging kinatawan nito ng Distrito ng Rizal. Sa panig naman ng Hacienda, naging malaking tulong nang makuha nila ang suporta ng nooy Senador Juan Sumulong na taga-Antipolo. Ito ang naging malaking katunggali ng samahan ng mga magsasaka sa kasagsagan ng mga pagdinig sa kaso.
Sa tuwing nagkakaroon ng vista (Fil. pagdinig, Eng.
hearing) sa Pasig, pinamumunuan ni Presidente Municipal Tomas Rodriguez ng Jala-jala ang delegasyon ng Confederacion. Madalas niyang nakakasama doon sina Laureano Cadawas, Leoncio Carungay, Manuel H. Roxas, Fabian Robles, Silvino
KASAYSAYAN NG BARANGAY MALAYA
KABANATA 1: KASAYSAYAN NG BARANGAY | 6
Miranda at iba pang miyembro ng samahan. Kahit masama ang
panahon at maulan, nagtitiyaga silang maglakad ng humigit- kumulang 17 kilometro sa tabing-lawa ng Jala-jala upang makarating sa Pililla. Dahil wala pang Cartera Provincial Road (National Road) noon, sa Pililla pa sila sumasakay ng Raytranco Bus patungong Pasig. Nagdadala sila ng reserbang damit na kanilang binabalot sa nilaib na dahon ng saging bago ilagay sa loob ng kani-kanilang bag upang hindi mabasa ng ulan. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay, kinakailangang mag-ambagan ang mga taumbayan upang may maibayad sa abogado. May mga nagbibigay ng piso, 50 sentimos, 20 sentimos, at iba pang halaga ayon sa kanilang makayanan.
Ngunit sa kabila ng mga hirap na tiniis ng samahan,
nabigo silang maipanalo ang kaso. Gayunpaman, matapos ang pangyayaring ito, pinatunayan ng taumbayan na hindi nila isusuko ng ganoon na lamang ang demanda. Iniakyat nila ang kaso sa Korte Suprema, doon nila idiniretso ang usapin dahil sa wala pang Corte de Apelacion o Court of Appeals noon. Tumagal ang usad ng kaso dahil na rin sa dami ng mga isinagawang pagsisiyasat at pagdinig ng kataas-taasang hukuman. Hanggang sa ibinaba ng korteng ito ang hatol matapos ang apat (4) na taon, at ang naging desisyon, talo pa rin ang Confederacion.
Bunga ng naging pinal na hatol ng Korte Suprema, naging
puspusan na rin ang pagpapaalis sa mga mamamayang hindi kapanalig ng hacienda taong 1929. Lubhang naging magulo ang katayuan ng mga taumbayan sapagkat hindi nila alam kung saan sila patutungo. Sa panahong ito, muling pinangunahan ng mga lider-politikal na sina Rodriguez, Cadawas, Carungay, Roxas, at Robles ang Confederacion para sa isang malaking hakbang. Minarapat nilang lumapit at humingi ng tulong kay Gobernador Eligio Nabal ng Lalawigan ng Rizal. Pinaunlakan naman ng gobernador ang kanilang hinaing dahil na rin sa kapartido niya sa Nacionalista Party ang mga namamahalang ito sa Jala-jala.
KASAYSAYAN NG BARANGAY MALAYA
KABANATA 1: KASAYSAYAN NG BARANGAY | 7
Pinayuhan niya ang mga ito na maghintay ng kaunting panahon
upang makapagsagawa ang kanyang tanggapan ng isang masusing imbestigasyon sa Hacienda.
Hanggang sa inilabas nga ng tanggapan ng gobernador
ang resulta ng isinagawa nilang imbestigasyon. Ayon umano sa kanilang naging pagsisiyasat sa mga legal na dokumento ng hacienda, matagal na nitong hindi nababayaran ang buwis ng sakop nilang humigit-kumulang 80 ektaryang lupain sa pagitan ng Ilog Puang at Ilog Sipsipin. Pinayuhan ni Gobernador Nabal ang Confederacion at ang lahat ng pamilyang pinapalayas sa hacienda na sa lugar na ito muna manatili at magtayo ng sari-sariling bahay habang hindi pa nakakagawa ng aksyon ang pamahalaang panlalawigan.
Nagkataon namang may isang pangkat ng sakatero na
pawang mga kasapi ng Confederacion ang nagtatrabaho sa lupain ni Don Ananias Vicencio na taga-Mandaluyong. May sukat na humigit-kumulang 60 ektarya ang lupain na sumasakop sa isang lugar sa Jala-jala hanggang sa Barrio Niogan. Ito ay may tanimang bukid at malawak na sakahan ng damo na ipinapadala pa sa Fort McKinley upang ipakain sa mga kabayo ng mga Amerikano. Nakiusap ang pangkat kay Don Ananias na pansamantala silang patuluyin sa kanyang lupain sapagkat sila ay pinapalayas na sa hacienda. Naging positibo naman ang pagtanggap nito sa taumbayan at ipinahayag pa ng Don na pinag-iisipan niyang magbigay donasyon ng labinlimang (15) ektaryang lupa para sa kanila.