Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pananaliksik sa

filipino

Ipinasa ni: jayson f. lajarca

Seksyon: css-c11b

Ipinasa kay: maam igama


SUICIDE/ PAGPAPATIWAKAL:

Ang pagpapakamatay, na kilala rin bilang isang matagumpay na pagkitil sa sarili, ay "hakbang na pagkitil
ng sariling buhay". Ang pagsubok o hindi nakakamatay na pagpapakamatay ay pananakit ng sarili na may
pagnanais na wakasan ang buhay ngunit hindi nagbubunga ng kamatayan. Ang Assisted suicide o
tinulungang pagpapakamatay ay kapag tinulungan ng isang indibiduwal ang isang tao para hindi
direktang kitilin ang kanilang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigay ng payo o sa pamamagitan
ng pagbigay ng paraan para itoy maisakatuparan. Ito ay salungat sa euthanasia kung saan ang ibang tao
ang aktibong kumikilos para sa pagsasakatuparan ng kamatayan ng isang tao. Ang suicidal ideation o
pagbuo ng imahinasyon ng pagpapakamatay ay ang pag-iisip ng pagkitil sa sariling buhay.

MGA DAHILAN NG PAGPAPATIWAKAL KUNG BAKIT ITO NANGYAYARI:

MGA KARAMDAMANG PANGKAISIPAN:

kadalasan, may mga karamdamang pangkaisipan sa panahon ng pagpapakamatay na tinatantiyang nasa


hanay na mula 27% hanggang sa mahigit sa 90%. Sa mga nananatili sa psychiatric unit, ang panganib ng
kanilang pagsasakatuparan ng pagpapakamatay sa buong buhay nila ay humigit-kumulang 8.6%. Ang
kalahati ng lahat ng taong namamatay sa pagpapakamatay ay may major depressive disorder o masyadong
malubhang karamdamang depresyon kasama na dito ang sakit na schizophrenia, bipolar disorder o
posttraumatic stress disorder na natatamo ng mga tao.

PAGGAMIT NG DROGA O ALAK:

Ang pag-abuso sa droga o alak ang ikalawang pinaka-karaniwang salik ng panganib para sa
pagpapakamatay pagkatapos ng malubhang depresyon at bipolar disorder. Ang kapwa pabalik-balik na
pag-abuso ng alak o droga pati na rin ang malubhang paglalasing ay nauugnay.

PROBLEMA SA PAGSUSUGAL:

Ang problema sa pagsugal ay nauugnay sa pinatinding imahinasyon ng pagpapakamatay at mga pagsubok


nito kumpara sa pangkalahatang populasyon.[36] Sa pagitan ng 12 hanggang 24% ng mga sugarol ang
sumubok na magpakamatay. Ang bilang ng pagpapakamatay sa kanilang mga asawang babae ay tatlong
beses na mas mataas kaysa sa pangkalahatang populasyon.[37] Kabilang sa mga ibang salik na
nagpapataas ng panganib sa mga problemang sugarol ang pangkaisipang karamdaman, pagkalulong sa
alak at droga.
MGA MEDIKAL NA KONDISYON:

May kaugnayan sa pagitan ng posibilidad na magpakamatay at mga problema sa pisikal na kalusugan


kasama ang: hindi gumagaling na pananakit, pinsala sa utak sanhi ng bagay na tumama sa ulo (traumatic
brain injury), kanser, mga sumasailalim sa hemodialysis, HIV, systemic lupus erythematosus, ang ilan
lamang dito. Ang pagkakatukoy sa kanser ay halos dinodoble ang mga naunang panganib ng
pagpapakamatay.

PANGKAISIPAN AT UKOL SA PAKIKISALAMUHA NA MGA KONDISYON:

Ang ilang pangkaisipan at ukol sa pakikisalamuha na mga kondisyon ang nagpapalaki ng panganib ng
pagpapakamatay kabilang ang: kawalan ng pag-asa, kawalan ng ligaya sa buhay, depresyon at
pagkabagabag. Ang kakulangan ng kakayahan para lutasin ang mga problema, kawalan ng kakayahan na
dating mayroon ang isang tao, at kakulangan ng kakayahan para kontrolin ang bugso ay mayroon ring
papel. Sa mga mas nakakatanda, ang pag-iisip na pagiging pasanin sa iba ay mahalaga.

MEDIA:

Ang media, kasama na ang internet, ay may mahalagang papel. Ang paglalarawan nito ng
pagpapakamatay ay maaaring may negatibong epekto na may maraming bilang, lantad at paulit-ulit na
pag-uulat na pumupuri o dumadakila sa pagpapakamatay bilang ang siyang may pinakamalaking epekto.
Kapag ang detalyadong paglalarawan kung paano magpakamatay sa pamamagitan ng isang partikular na
pamamaraan ay isinasadula o isinasalarawan, ang pamamaraan ng pagpapakamatay na ito ay maaaring
dumami sa buong populasyon.

MGA PARAAN NG PAGKITIL NG BUHAY:

PAGBIBIGTI

Ang pagbibigti o hanging ay isang paraan ng pagkitil ng buhay. Pagsabit ng kanyang sarili sa isang
mataas na lugar gamit ang isang tali na ilalagay sa kanyang leeg upang di makahinga.

PAGGAMIT NG FIREARMS O MGA BARIL:

Isang paraan ng pagpapatiwakal ay ang pagbabaril sa sarili. Isa itong paraan sa pagkitil ng buhay
PAGHULOG:

Isang paraan ng pagkikitil ng buhay ay paghulog sa isang mataas na gusali. Ito kay nakamamatay depende
sa sitwasyon ng iyong pagkahulog

PAGINOM NG LASON/OVERDOSE:

Isang paraan ng pagkitil ng buhay na ang paraan ay pag inom ng lason o pesticide o pag overdose ng
gamot sa sarili. Paraan ito upang d kayanin ng katawan ang epekto ng kanyang ininom at maari itomg
makamatay

CUTTING/PAGHIWA

Isang paraan ng pagpapakamatay ay ang paghiwa sa pulso ng isang tao. Paraan ito upang umagos ang
dugo sa paraang paghiwa. Pagtigil ng pulso ang paraan upang ikamatay ito.

DATOS
Ang bilang ng kaso sa Estados Unidos na namatay sa pamamagitan ng pagpapakamatay. Ayon sa datos
dumarami ang kaso ng pagpapakamatay ang pag gamit ng mga baril na umaabot sa 78% habang ang
pagbibigti naman ang sumunod na bilang 70-65% habang ang paghulog naman ang sumunod na biling
30% habang ang paglason ay 10-5 % at ang cutting ay 4% -wikipedia (2015)

KASAYSAYAN:

Sa sinaunang Athens, ang isang taong nagpakamatay nang walang pahintulot ng estado ay pinagkakaitan
ng karangalan ng isang normal na paglibing. Ang tao ay ililibing nang mag-isa, sa malayong lugar ng
lungsod, nang walang lapida o palatandaan. Sa Sinaunang Greece at Roma, ang pagpapakamatay ay
itinuring na isang katanggap-tanggap na pamamaraan ng pagharap ng pagkatalo sa militar. Sa Sinaunang
Roma, kahit na dati nang pinapahintulutan ang pagpapakamatay, sa kalaunan ito ay itinuring na isang
krimen laban sa estado dahil sa mga pang-ekonomiyang gastos nito. Ang isang ordinansa para sa krimen
na ginawa ni Louis XIV ng Pransiya noong 1670 ang mahigit sa mas grabe na parusa na ito: ang bangkay
ng isang tao ay hinihila sa mga kalsada, nang nakadapa, at pagkatapos ay ibibigti o itatapon sa tambak ng
basura. Dagdag pa rito, ang lahat ng ari-arian ng taong iyon ay kukumpiskahin. Ayon sa kasaysayan, ang
mga tao sa simbahang Kristiyano na sumubok na magpakamatay ay pinaparusahan ng pagtiwalag sa
relihiyon at ang mga namatay sa pamamagitan ng pagpapakamatay ay inililibing sa labas ng mga
sagradong libingan. Sa huling bahagi ng ika-19 na siglo ng Great Britain, ang pagtatangkang
magpakamatay ay itinuring na katumbas ng pagtangkang pumatay at maaaring parusahan ng pagbitay. Sa
ika-19 na siglo sa Europa, ang pagpapakamatay ay nag-iba ang pagturing mula sa sanhi ng kasalanan sa
sanhi ng pagkabaliw.

EDAD:

Sa maraming bansa, ang bilang ng nagpapakamatay ay pinakamataas sa kalagitnaang edad hanggang 60 o


sa nakakatanda. Gayunpaman, ang absolute number o tiyak na bilang ng nagpapakamatay ay
pinakamataas sa pagitan ng 15 hanggang 29 na taong gulang dahil sa bilang ng mga taong nasa grupo ng
edad na ito. Sa Estados Unidos, ito ay pinakamataas sa amerikano na lalakeng mas matanda sa 80 taong
gulang, kahit na ang mga kabataan ay mas madalas na sumubok na magpakamatay. Ito ang pangalawang
pinaka-karaniwang sanhi ng pagkamatay sa mga kabataan o adolescents at sa mga batang lalake ay
pangalawa lamang sa aksidente ang ikinamatay.

You might also like