Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Proyekto

sa
Filipino
Mga Bugtong at mga Salawikain

Ipinasa ni: Britney C. Cutanda


Ipapasa kay: Maam Jean Sharon Boiles
SALAWIKAIN
1. Ngipin sa ngipin
Mata sa mata
Kahulugan: ito ay hustisya, kapag gumawa ka ng masama, ang
kaparusahan ay naaangkop sa iyong krimen.

2. Kung ano ang hindi mo gusto,


Huwag gawin sa iba
Kung ano ang iyong inutang
Ay siya ring kabayaran
Kahulugan: kung gusto mo na respetuhin at maging mabuti sa iyo ang mga
tao, mauna ka na magpakita ng respeto at magandang asal at tiyak na
susuklian din nila ito ng mabuting intensyon.

3. Ang batang palalo at di napapalo


Pag lumaki ang kahalubilo
Sa mundo ng magugulo
Kahulugan: kapag hindi marunong mag-disiplina ang magulang sa
kanilang anak, lalaki itong barumbado.

4. Mansiyon man ang bahay mo


Asal ka namang hunyango
Mabuti pa ang bahay mo ay kawayan
Kung maasahan ka sa lahat ng bayanihan
Kahulugan: hindi dapat hinahayaan ng tao na mabago ng pera ang
kanyang ugali. Mahirap man o mayaman, dapat matutong magpakumbaba

5. Aanhin pa ang damo


Kung patay na ang kabayo
Kahulugan: pwede itong ihambing sa kalikasan, araw-araw, libo-libung
puno ang pinuputol para panggawa ng bahay, darating ang araw na
makakalbo na ang mga bundok dahil dito. At kapag bumagyo at gumuho
ang lupa galing sa bundok, wala ng mga puno para pigilan ang pagbagsak
nito sa mga bahay na malapit.
6. Ang tumatakbo ng matulin
Pag masusugat ay malalim
Kahulugan: matutong pagisipan at intindihin ang kalalabasan ng iyong
desisyon.

7. Kapag binato ka ng bato


Batuhin mo ng tinapay
Kahulugan: huwag mong sabayan ang galit ng iyong mga kaaway.

8. Ang taong tahimik


Kapag nag-isip ay malalim
Ang taong mabunganga
Walang kuwenta ang salita
Kahulugan: hindi dahil tahimik ang isang tao ay wala na siyang alam.
Merong mga tao na pinipili muna nila ang kanilang sinasabi, dahil alam nila
na hindi nasusukat ang talino sa dami ng salita na lumalabas sa bibig.

9. Ang aral ay nakakalimutan sa gitna ng kalituhan


Ngunit ang natural na asal ay hinding-hindi mapag-iiwanan
Kahulugan: matutong intindihin sa iyong puso ang mga pinag-aaralan.
Huwag mag-aral para lang sa pag-susulit, hindi nagtatagal ang ganitong
kaalaman. Intindihin at damdamin ang binabasa para habang-buhay mo
itong magamit.

10. Mas delikado


ang taong edukado
Kahulugan: ang taong may pinagaralan kapag ginamit ito sa kabutihan ay
pakinabang ng sanlibutan, ngunit kapag ito ay ginamit para sa masamang
bagay, marami ang mapapahamak.

You might also like