Ang Pugo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Pugo

Ang ibong pugo noong dakong unay


Tiglimang daliri ang taglay sa paa
Nakalilipad daw nang mataas siya
Kaya kalawakay nararating niya

Itong ibong pugo ayon sa alamat


Sa lahat ng ibon ay pinakatamad
Di gaya ng ibang kusang naghahanap
Niyong makakain sa labas ng pugad.

Ang ibong kilyawan maya at iba pa


Laging naghahanap ng pagkain nila
Ngunit itong pugo ay hindi talaga
Sa daraang uuod doon umaasa.

Ngunit isang araw ay di nakatagal


Itong ibong tamad sa gutom na taglay
Sinalakay niya ang ibong kilyawan
Upang mga itlog ay kanyang makamtan.

Kilyawan ay nabigla at nahulog siya


Sa kalapit pugad na ari ng maya
Pugad ay bumagsak at langgam na pula
Ang sa ulo namay tumama pala.

Nagalit ang langgam puno ay inakyat


At saka ang maya ay kanyang kinagat
Sa tindi ng sakit mayay napalundag
At saka sumigaw nang kay lakas-lakas

Ginising ng sigaw ang Haring Kuwago


Kaya ngat nagalit at nagtanong ito
Sinisi ang pugo sa nangyaring gulo
At isang parusa ang ipinataw rito

Tig-isang daliri sa bawat paa niya


Ang ipinaputol sa pugong may sala
At simula noon lakas ay nag-iba
Lipad na mataas ay din a makaya.

You might also like