Filipino Reviewer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Filipino Reviewer

Nobela- pinakamakulay, pinakamayaman, at pinakamakabuluhan

Uri Ng Nobela

Nobelang Historikal-

Pokus Ng Pandiwa

1. aktor-pokus o pokus sa tagaganap

Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na
"sino?".
(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)
Halimbawa:
Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa amin.
Bumili si Rosa ng bulaklak.
Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.

2. pokus sa layon

Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "ano?".


(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)
Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Halimbawa:
Nasira mo ang mga props para sa play.
Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
Binili ni Rosa ang bulaklak.

3. lokatibong pokus o pokus sa ganapan

Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "saan?".
(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)
Halimbawa:
Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.
Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam.
Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.
Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.

4. benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap


Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "para
kanino?".
(i- , -in , ipang- , ipag-)
Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
Halimbawa:
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.

5. instrumentong pokus o pokus sa gamit

Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?".
(ipang- , maipang-)
Halimbawa:
Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.
Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.

6. kosatibong pokus o pokus sa sanhi

Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na
"bakit?".
(i- , ika- , ikina-)
Halimbawa:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.

7. pokus sa direksyon

Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na
"tungo saan/kanino?".
(-an , -han , -in , -hin)
Halimbawa:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.

Pangabay

Pangabay Na Ingklitik

Mga katagang lagging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan.


(-ba, kasi, kaya, na, daw/raw, din/rin)

Hal. :

Nailigtas ba ang mga minerong nabarahan sa minahan?

Kumain muna sila bago umalis.

Alangan naman yata kung sila pa ang lumapit sa atin.

Pang Abay Na Pamanahon- tumutukoy ito sa panahon kung kailan ginawa ang isinasaad na aksyon ng
pandiwa .

Hal. : Maaga siyang nakarating sa kanilang bahay.

Pang Abay Na Panlunan - tumutukoy ito sa pook pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pan
diwa.sumasagot ito sa sagot na saan.

Hal. : Pumunta si elsa sa super market.

Pang Abay Na Pamaraan- tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng
pang diwa

Hal. : Taimtim na pinaka kikinggan ang kanyang awitin.

Anyo Ng Pagpapahayag

"Ang 4 (Apat) na Uri ng Pagpapahayag"

Pagsasalaysay may layuning mag-ulat ng mga pangyayari sa isang maayos na paghahanay.


-nagkukwento
-nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkakaugnay.

Paglalarawan may layuning maipamalas sa kausap o mambabasa ang katangian, kaanyuan, kulay,
hugis, anyo ng isang tao, bagay, pook, pangyayari, o isang gawain.

-paghambingin ang dalawang magkaibang katangian, kaanyuan, kulay, hugis, anyo ng isang tao, bagay,
pook, pangyayari, o isang gawain.

Pangangatwiran layunin nitoy makaakit sa mga sanhi at dahilan ng mga bagay.


-ito ay may layong mapatunayan sa tulong ng mga halimbawa o patunay at mapalitaw ang kabisaan o
katotohanan ng bagay o pangyayaring binibigyan ng katwiran.

Paglalahad layunin nitoy magpaliwanag.


-pagbibigay ng katuturan o kahulugan sa isang natatanging paksa.

You might also like