Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Si Martin Luther King, Jr.

(15 Enero 1929 - 4 Abril 1968), ay isa sa


mga pangunahing pinuno ng kilusang para sa mga karapatang sibil ng
mga Amerikano. Naging ministro ng mga Bautista sa pamamagitan ng
pagsasanay, si King ay naging aktibista ng karapatang sibil sa simula
ng kanyang karera, na nagpasimuno ng Montgomery Bus Boycott at
tumulong sa pagbuo ng Southern Christian Leadership Conference.
Ang kanyang pagpupursige ay nagdulot sa Martsa
sa Washington noong 1963, kung saan ay inihayag niya ang kanyang
talumpating Mayroon akong Pangarap ("I Have a Dream"), na
nagpataas sa kamulatan sa kilusang karapatang pangsibil at
nagpakilala kay King bilang isa sa pinakadakilang orador sa kasaysayan ng Amerika. Noong 1964, si
King ay naging pinakabatang taong nakatanggap ng Nobel Peace Prize para sa kanyang
pagpupursige na wakasan ang pagkakahiwalay-hiwalay, at diskriminasyon sa pamamagitan ng hindi
pagsunod sa pamahalaan at mga gawaing mararahas.

Si King ay pinaslang noong 4 Abril 1968, sa Memphis, Tennessee. Anak siya ni Martin Luther King,
Sr.

Kapanganakan: 15 Enero 1929

Lugar ng kapanganakan: Atlanta, Georgia, USA

Kamatayan: 4 Abril 1968 (edad 39)

Lugar ng kamatayan: Memphis, Tennessee, USA

Kilusan: African-American Civil Rights


Movement and Peace Movement

Pangunahing organisasyon: Southern Christian Leadership


Conference
Si Nero ay ipinanganak na Lucius Domitius Ahenobarbus
noong Disyembre 15, AD 37, sa Antium, malapit sa Roma.
Siya ang nag-iisang anak na lalaki ni Gnaeus Domitius
Ahenobarbus at Agrippina na kapatid ni
Emperador Caligula.

Ang ama ni Nero ay apo ni Gnaeus Domitius


Ahenobarbus at Aemilia Lepida sa pamamagitan ng
kanilang anak na si Lucius Domitius Ahenobarbus. Si
Gnaeus ay apo ni Mark Antony at Octavia Minor sa
pamamagitan ng kanilang anak na babae na si Antonia
Major. Sa pamamagitan ni Octavia, siya ang pamangkin
sa tuhod ni Caesar Augustus. Ang ama ni Nero ay isang
praetor at kabilang sa mga kawani ni Caligula. Ang ama
ni Nero ayon sa mananalaysay na si Suetenius ay isang
mamamatay tao at manloloko na hinatulan ni
emperador Tiberio ng paghihimagsik, pangangalunya at pakikipagtalik sa kamag-anak(incest). Siya
ay nakaligtas sa mga paratang na ito nang si Emperador Tiberio ay mamatay. Si Gnaeus ay namatay
sa sakit na edema(o dropsy) noong 39 nang si Ner ay tatlong taong gulang.

Ang ina ni Nero ay si Agrippina ang Nakababata, na apo sa tuhod nina Caesar Augustus at ang
kanyang asawang si Scribonia sa pamamagitan ng kanilang anak na si Julia ang Nakatatanda at
kanyang asawang si Marcus Vipsanius Agrippa. Ang ama ni Agrippina na si Germanicus, ay apo ng
asawa ni Augustus na si Livia, sa isang panig at nina Mark Antony at Octavia sa kabilang panig. Ang
ina ni Germanicus na si Antonia Minor ay anak na babae nina Octavia Minor at Mark Antony. Si
Octavia ay ikalawang nakatatandang kapatid ni Augustus. Si Germanicus ay isa ring ampong anak ni
Tiberio. Ang ilang sa mga mananalaysay ang nagsasabi na pinatay ni Agrippina ang kanyang ikatlong
asawa na si emperador Claudius.

Si Nero Claudius Caesar Augustus Germanicus (Disyembre 15, 37 Hunyo 9, 68) na ipinanganak
bilang Lucius Domitius Ahenobarbus ay kilala rin sa pangalan na Nero Claudius Caesar
Germanicu, o sa maigsi niyang pangalang Neron[2] (ne-RON) ay ang ika-lima at huling Emperador
Romano ng Dinastiyang Hulio-Claudian. Si Neron ay inampon ng kanyang tiyuhing si Claudius na
maging tagapagmana ng trono. Siya'y umupo sa trono noong Oktubre 13, 54 AD pagkamatay ni
Claudius.

You might also like