Kakamustahin kita kahit alam kong ito'y isang malaking katangahan dahil alam kong masaya ka na Alam kong masaya ka na sa piling ng iba Habang ako'y patuloy sa pananariwa sa mga ala-ala Paulit-ulit pinaniniwala ang sarili na akin ka Paulit-ulit na pinagsisiksikang may pag-asa pa Dahil hindi ko kayang bitawan ang mga bagay na sa akin ay nagpapasaya Mali pala Dahil ako'y walang kakayahan Walang kakayahang bitawan ang isang bagay na ni minsa'y di ko nahawakan Heto nanaman ako, nagsisisi, nanghihinayang Sa mga panahong minahal mo ako ngunit ika'y binalewala Sa mga pagkakataong pwede kitang mahalin ngunit di ko ginawa Bakit kaya? Bakit mas pinili kong pairalin ang katangahan? Bakit ko hinayaang magpatuloy sa pagtakbo ang mga kamay ng orasan? Mahal, pasensya na kung noo'y paulit ulit kitang itinaboy at sinaktan Kung paulit ulit kitang pinagtulak-tulakan Pasensya na kung makailang ulit kang natisod sa kakahabol Pasensya na kung hinayaan kong malanta ang pag-ibig mong namukadkad at sumibol Pasensya na kung lahat ng bagay ay ngayon ko lang napagtanto Sadyang bilog ang mundo Mga biro ng tadhana'y di nakakatawa Dahil ngayo'y mahal na kita Ngunit ayaw mo na Tuluyan ka nang sumuko, bumitaw, lumisan nang di man lang nagpaalam Kaya kahit isang oras, minuto, o kahit ilang segundo lang ay nais ko sanang humiram Pakiusap, mahal, kahit isang saglit lang Isang saglit lang at di na ako muli pang magpaparamdam Dahil ngayon ko lang nabigyan ng pagkakataong dinggin ang mga tinig Ang mga sigaw ng puso kong noo'y ayaw kong marinig Isang saglit lang at di na ako muli pang magpaparamdam Dahil ngayon ko lang nagawang palayain ang pakiramdam na noo'y ayaw kong maramdaman Ngayon ko lang naintindihan Ngayon ko lang lubusang nauunawaan kung gaano ka kahalaga Ngayon lang kung kailan pag-aari ka na ng iba Kailan kaya? Kailan muling mabibigyan ng pagkakataon ang "Ikaw" at "Ako"? Kailang nga ba magtatagpo ang tamang panahon at tamang tao? Kailan pa? Kailan pa ba kung sa ngayo'y masaya ka na sa kanya? Kaya pahiram muna Sa kanya'y hihiramin muna kita. Masyadong magulo Di ko maintindihan , masyadong nakatutuliro Kaya kahit masyadong makasarili Wala akong pake Kung nagbago na ba ang iyong pakiramdam Kaya pahiram Pahiram ng mga oras na noo'y hindi ko naibigay Pahiram ng isang saglit upang mabigyan ng pagkakataong mahawakan ang iyong kamay Maaari pang ipinta natin muli ang papel natin sa mundo Maaari pa tayong bumuo ng sarili nating kwento Bigyan natin ng pagkakataon ang mga pusong nagpupumiglas Upang pareho tayong lumaya at makaalpas Ako lang pala Ako lang pala ang nasa likod ng mga rehas Ako lang pala ang bilanggo ng nakaraan at nais makatakas Dahil ikaw, may iba ka nang mahal Sa ating dalawa, ako lang pala ang nag-iisang hangal Hindi ka pala papayag kung sasabihing kong pahiram Dahil hindi mo sya kayang iwan at saktan Kagaya ng ginawa ko sayo Na ngayo'y pinagsisisihan ko Ngunit kung ipahihintulot ng panaho'y nais kitang mahalin Paulit-ulit kong hihilingin sa mga bituin At kapag tama na ang panahon, hanapin mo ako Dahil alam kong ikaw ang tamang tao Mahabang landas lang ang lalakbayin Ngunit umaasang sa bandang huli tayo'y pagtatagpuin Hindi na kailangan pang magpaalam Hihintayin ko ang panahong iyon na hindi ko na kailangan pang manghiram.