Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Balita

Cardente, tinanghal na Bb. Christmas Tree 2014

Disyembre 5, 2014 tinanghal na Bb. Christmas Tree 2014 si Cardente.

Ang kompetisyon ay inilunsad ng Kolehiyo ng Kagawaran ng Edukasyon-


Student Body Organization 2014-2015 opisyales na ginanap sa BSU
auditorium.

Alinsunod ito sa ginanap na isang linggong selebrasyon sa CTE.

Nilahokan ito ng tatlong naggagandahang mag-aaral ng CTE na may ibat


ibang kurso at sila ay sina; Kareisha Fate Cardente (BSE-Eng 3), Jean Lopez
(BECEED-3) at Christine Joy Borres (Math-2).

Bawat kalahok ay dumaan sa masusing interbyu sa mga namamahala.


Tatlo lamang ang sumali at silay pasok na sa final round.

Hindi maipagkakailang namayani sa gantimpalang natanggap si


Cardente. Siyay tinanghal na Best in Gown, Most Friendly at Students Choice
Award.

Nasungkit naman ni Lopez ang Best in Talent at si Borres ilang Best


Congeniality.
Lathalain

Dugo

Duguan. Umiiyak. At ballot sa utik ang buong katawan. Ito ang sinapit
ng isang musmos matapos mahiwalay sa kanyang mga magulang.

Tatlong taong gulang pa lamang ng maranasan ko ang kahimbal-himbal


na pangyayari. Waring ramdam ko pa ngayon ang dugong umaagos sa aking
noo. Bumabalik pa rin ang takot na dulot ng aksidenteng walang salarin na
masisisi.

Tirik na ang araw ng lumisan ako kasama ang aking mga magulang sa
bahay patungong palayan. Masaya at sabik kaming anihin ang palay na
pinaghihirapan naming itanim. Pakanta-kanta pa ako habang nilululan ang
gitna ng daan. Tuwang-tuwa naman si ama sapagkat ang bata ko pa ngunit
marunong na akong kumanta ng Paper Roses at mga kanta ni Bon Jovi.
Maging ang mga ibon ay parang sumasabay sa aking pag-awit.

Habang patungo sa palayan ay isa-isa kong binati ang aking mga


pinsan. Nakakaakit silang panoorin na para bang humihikayat sa akin na
sumali. Sa mga sandaling iyon ay sadyang umiba ang ihip ng hangin at sinabi
ni ama, Gang? Gusto mo bang sumali sa kanila? Sige, pumunta ka na doon
maglaro ka.

Lumiwanag ang aking mukha nang marinig ko ang mga katagang iyon.
Talaga? sabik na sabik kong tugon. Walang pag-alinlangan na tumakbo ako
sa mga matutulis na bato patungo sa pinaglalaruan ng aking mga pinsan.
Mababakas sa aking mga hakbang ang kasabikan at tuwa. Ang ngitiy kasing
ganda ng asul na ulap sa umagang iyon. At sa mga sandaling iyon din pala
babalutin ng takot at lagim ang aking kamus-musan. Sapagkat sa aking
pagtakbo ay natisod ang kaliwa kong paa sa bato at iyon ang dahilan upang
matumba ako sa isang matulis na bagay. Gulat at namanhid ang buo kong
katawan. Isang liwanag na lamang ang aking nakikita. Bakit? At iyon na
lamang ang huli kong naaalala.
Pagkakataong Nauwi sa Kahapon

Pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon

Mahalimuyak ang pagpapabutingting ng araw kasabay

You might also like