Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Glosaryo

Andap - pag-unlad

Aliterasyon - Nauukol ito sa pag-uulit ng naunang tunog na katinig.

Birang - belo

Biyaya - pagpapala

Bulalakaw - kometa

Bulong - lihim na usapan

Busilak - dalisay

Bureau of Corrections - Isang Kagawaran ng Pamahalaan na nakatuon sa mga


taong nabilanggo.

Dinggin - pakinggan

Dipa - Tumutukoy sa haba ng nakabukang mga kamay.

Durungawan - bintana

Euphemismo - Tinutukoy nito ang paggamit ng mga salitang mas magandang


pakinggan kaysa ekspresyong palasak o bulgar.

Hulapi - Tumutukoy sa panlaping ginagamit sa huling bahagi ng salita.

Idyoma - Mga pahayag na di-tuwirang nagbibigay ng kahulugan.

Imahen - Tumutukoy sa nabuong larawan sa isipan.

Imahinasyon - guni-guni

Irony o Kabalintunaan - Nauukol ito sa paggamit ng salita na ang ibig sabihin ay


ang kabaligtaran nito.

Istatistika - Isang pagsusuri at pagbibigay kahulugan ng mga bilang na datos.

Kapayapaan - katahimikan

Katiting - kaunti

109
Konteksto - ang tawag sa kultural,historikal, sikolohikal na elementong
nakapaloob sa teksto na kabahagi sa pagbibigay ng kahulugan sa ipinahayag
(berbal o di-berbal) man.

Kumalansing - tumunog

Layunin - tunguhin

Lingkod - naninilbihan

Linsil - mali

Mababakas - magmamarka

Makaligtaan - makakalimutan

Metonimya - Ito ay tumutukoy sa pagpapalit ng katawagan ng mga bagay na


magkaugnay.

Nagtipanan - nagsama

Nakapiit - nakakulong

Nalaman - nabatid

Naliwanagan - namulat

Nalugod - nasisiyahan

Natanggal - naalis

Nauunawaan - naiintindihan

Onomatopeya - Nauukol ito sa pagbubuo o paggamit ng mga salita buhat sa tunog


ng mga bagay-bagay.

Pagguhit - pagdrowing

Paggunita - pag-alala

Paghahalintulad o Analohiya - Itoy isang uri ng tambalang pagtutulad.

Paghanga - admirasyon

Pagkapariwara - Pagtahak ng maling landas.

Paglalakbay - biyahe

110
Paglalarawan - Ito ay nagbibigay-kulay sa katangian ng isang bagay, tao, lugar o
pangyayari.

Paglitaw - paglabas

Pagmamalabis o Hyperbole - Tinutukoy nito ang paglalarawang lampas sa


normal na larawan ng katotohanan.

Pagsasatao o Personipikasyon - Ang mga bagay na inilalarawan ay pinakikilos ng


tulad ng isang tao.

Pagsipat - pagsilip

Pagsusuri o Rebyu - Isang proseso ng pagpapahalaga sa isang akdang


pampanitikan.

Pagtutulad o Simili - Gumagamit ang makata ng mga salitang panulad na gaya ng,
tulad ng, kapara ng, tila, o kaya ay mga panlaping panulad na mala-, sing-, kasing-,
magkasing- at iba pang uri nito.

Pagwawangis o Metapora - Tuwiran ang pagtutulad ng dalawang bagay na


magkaiba.

Panghihinayang - pagkahabag

Panitikan - Tumutukoy sa kalipunan ng mga katha.

Panlapi - Isang morpemang ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng


isang salita.

Paraiso - kaluwalhatian

Parang - kabukiran

Posporo - apuyan

Pumalapag - bumaba

Pun - Nauukol ito sa paglalaro sa mga salita o paggamit ng isang salita na ibat iba
ang kahulugan.

Repleksyon - Tumutukoy sa pananaw, opinyon at ideya.

Requirements - Tumutukoy sa mga kailanganin sa paaralan, opis at iba pa.

111
Simbolismo - Isang bagay na nagrerepresenta, tumatayo o kaya naman ay
nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan, paniniwala, aksyon o kaya naman ng isang
bagay.

Sinapo - sinambot

Sining o Kariktan - Nagbibigay ng pangkalahatang impresyon sa bumabasa ng tula.

Sukat - Tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.

Supil - kontrolado

Taglay - angkin

Talinghaga - Mga pahayag nagpapakilala sa kagnadahan ng ating wika.

Taludtod - Tumutukoy sa bahagi ng saknong.

Tayutay - Isang matalinghagang pahayag na nagbibigay ng mabisang kahulugan


upang lalong maging mabisa at makulay ang isang paglalarawan.

Teoryang Pormalismo - Ito ay nagbibigay-pansin sa anyo ng literatura.

Tinanglawan - inilawan

Tugma - Tumutukoy sa pagkakapareho ng mga tunog sa hulihan ng bawat taludtod.

Tula - Ito ay ang pinakawika ng damdamin, buhay at kaluluwa ng isang makata.

Tulang Liriko - Ang indayog ng mga taludtod at ang pagsising-isang tunog ng mga
huling pantig bukod pa ang paggamit ng maririkit na paglalarawan.

Tulang Elehiya - Isa sa mga uri ng tulang liriko na nagsasaad ng mapanglaw na


damdamin. Kadalasang paksa nito ay kamatayan o matinding kalungkutan.

Unlapi - Tumutukoy sa panlaping ginagamit sa unang bahagi ng salita.

112
Sanggunian
Aklat

Anastacio, Teresita M. at Ferido, Melodina G. 2013. Bukal 9. Lungsod ng


Quezon, Manila: Brilliant Creation Publishing Co.

Atienza, Obdulia L. et. al. 1995. Panitikang Filipino (Pangatlong Edisyon).


Lungsod Quezon: Katha Publishing Co.

Cabaysa, William G. et. al. 1994. Panitikang Kayumanggi (Pangkolehiyo).


Lungsod ng Navotas: 24 K Printing Co.

Kahayon, Alicia H. et. al. 1989. Panitikang Filipino (Kasaysayan at Pag-unlad).


Lungsod ng Navotas: Navotas Press.

Elektroniko

Tagalog Lang. 2002. Ano ang Tulang Liriko?. Nakuha noong Nobyembre 30,
2017 sa https://www.tagaloglang.com/ano-ang-tulang-liriko/.

Benedicto, JM. Enero 5, 2013. Tayutay. Nakuha noong Nobyembre 29, 2017 sa
https://www.slideshare.net/jastinemicobenedicto/mga-tayutay.

Lhenn. 2014. Ano ang Tula?. Nakuha noong Nobyembre 26, 2017 sa
http://lawrence-makatangpinoy.blogspot.com/2011/02/tula-ano-ang-tula-mga-uri-
ng-tula.html.

113

You might also like