Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

PAG IINTAY SA ULAN

Isinalin sa Filipino ni: Kristna Isabel G. Alcala

WAITING FOR RAIN


Akda ni : Ma. Rachelle Tesoro

Sa aking pananaw, ang aking buhay ay isang pagkakmali. Pagkakamali ng aking nanay. Sa
murang edad ng aking nanay, ako ay isinilang. Nabuo ako sa isang maliit na silid tulugan ng
kanilang kasambahay ng noong mga panahon na iyon ay bumibili ng tuyo sa tindahan. Sa
ikalawang palapag mg bahay maririnig ang pagpapalitan ng salita ng mga magulang ng aking
nanay, patungkol sa hindi magandang asal na ipanapakitang aking nanay mag mula noong siya
ay mag dalaga. Pinangangambahan ng aking lolo nab aka matulad si nanay kay lola na isang
kalapating mababa ang lipad. Nasaksihan ng aking nanay ang paglapat ng palad ni lola sa mukha
ni lolo.

Kinakailangan pang operahan si nanay upang ako ay mailuwal. Pinapakita niya sa akin ang
peklat na bakas ng kahapon. Bilang isang batang musmos,, ako ay nabighani sa mga bakas sa
ilalim ng kanyang pusod. Pinapakita niya ito sa akin upang ipaalala kung anong hirap ang
kanyang dinanas, mailuwal lamang ako sa mundong ito.

Pinangalanan akong Carlissa de Vera Santiago. Santiago, and apelyido ng aking nanay sa
pagkadalaga sapagkat nakalimutan sumipot ng aking tatay noong magpipirmahan na ng mga
papeles. Nakalimutan na rin kami ng tatay ko ng tuluyan, ngunit hindi na rin naman naming siya
hinahanap.

Ang aking pangalan ay Carlissa na dapat ay Clarissa, sapagkat masama ang sulat ng aking
nanay. Ako ay labing dalawang taong gulang. Wala pa akong buwanang dalaw, ngunit sambit sa
akin ng aking nanay na para itong Pasko hindi mahalaga ang pag aantay nito. Maaaring isa
akong halamang huli kung mamulaklak. Sabi ni nanay wala akong dapat ipangamba, bagkus
dapat pa akong matuwa sapagkat mahaba ang aking pagkabata, kumpara sa iba. Siguro
nangangamba ang aking nanay simula noong may nagbabago na sa aking katawan. Natatakot
siya na baka matulad ako sa kanya at kay lola na mababa lamang ang lipad.

Hindi kasundo ni Nanay sina lolo at lola. Walang kasundo si nanay, maliban siguro sa akin. Palagi
niyang sinasabi na bigyan ko siya ng mahigpit na yakap. Siguro ito ay akin nalang nakasanayan,
ngunit alam ko kung saan ako lulugar lalo na kung siya ay may pinag dadaanan. Nasa tabi niya
lamang ako at nakikinig sa mga hinaing siya sa buhay na sana lubayan na siya ng mga tao sa
paligid niya. Sa tuwing sinasambit niya ang mga salitang ito, alam ko ng dapat ko ng ayusin ang
mga gamit ko at maghintay ng tamang pagkakataon upang makaalis sa bayan. Hindi na
problema sa akin ang pag iimpake ng damit na sapat lang na magkasya sa isang maleta. Laman
naman ng isang maleta ay sapatos, komiks, mga kuwaderno at litrato, naisip kong ito ay
mahirap ayusin. Sapagkat nakikita ko rito ang mga ala-ala ng mga bayan na nilisan namin.
Narito ang sapatos na ibinigay sa akin ng isang kapitbahay. Kasama rin ditto ang napanalunan
kong komiks mula sa isang estudyanteng nakipag kompetensya sa paglalaro ng trumpo. Ang
kuwaderong may mga guhit ng babae at lalaki, isang maliit na kahaoy na may kurbang Birheng
Maria, isa sa mga katuwaang binili ni nanay. Sa ilalim nito ay mga gamit ko sa eskwelahan at
isang nakatagong supot na may lamang isang ballot ng mababangong pasador. Nag aantay na
itoo ay mabuksan.

Simula noong bata pa ako, hindi kami nagtatagal ni nanay sa isang lugar. Inaalimura niya ang
bahay ni lolo at lola kaya palagi kaming lumilipat.

Tarlac, Laoag, Batangas, balik sa Maynila at napadpad sa Iloilo. Sa dami ng lugar na pinag
tuluyan naming, nakalimutan ko na ang iba. Ngunit ngayon narito kami sa Daet, saa baryon g
Sta. Ana.

Sabi ni nanay, mura lamang ang renta ng bahay dito sa probinsya. Pagtuturo ng piyano ang
hanapbuhay ni nanay, ang tanging bagay na magaling siya bukod sa pang-aakit ng lalaki.

Pumapasok ako sa pampublikong paaralan kung kalian ko lang magustuhan, madalas ako ay nag
mumuni muni lamang sa bayan upang tumingin sa bahay ng ibang tao. Malalaking bahay,
matataas na bakod, magagarang sasakyan at mga asong nagbabantay sa bahay. Maliit na
barung barong, sirang bintana, bubong na may gulog sa takot nab aka liparin sa lakas ng ihip ng
hangin.

Umupo ako sa gilid at pinagmasdan ang mga ito ng ilang oras. Kinuha ko ang aking kuwaderno
at iginuhit ang aking nakikita.

Lagging sinasabi ni nanay na hindi dapat magpatali kanino man. Sa mga susunod na buwan,
babalik na naman kami sa kalsada upang maglakbay at mag hanap ng matutuluyan habang
nakatingin sa malayo at nag iisip kung saan kami dadalhin ng hangin. Ganito lamang ang
sistema ng buhay naming ni nanay. Naglalakbay kami sa pamamagitan ng bus, tren, bangka o
barko habang hawak hawak niya ang aking kamay at nagsasalita tungkol sa gobyerno, bagong
simula habang nakatingin sa kawalan.

Alas singko na ng hapon, naglalakad ako sa maduming kalsada, sinisipa ang tigkal ng alikabok na
tila ba nakikipag kompetensya sa usok ng tambutso ng mga sasakyan.
Ang ginagamit kong bag ay kulay asul na pamana sakin ng aking pinsan na unti unti ng
bumubukas.

Umalis ako ng silid aralan at tumakbo papunta sa may eskinita patungo sa malliit na bahay sa
likod ng puno ng mangga. Ang pader ng bahay ay may pintang puti ngunit sa paglipas ng
panahon ay nagiging itim na at tila ito aty bibigay na ngunit kumakapit parin sa pag asa na
maayos muli.

Sa pag bukas ko ng pinto, tumama ito sa isang kahoy dahilan upang makagawa ng malakas na
ingay.

Nay? Pagtawag ko sa aking nanay.

Aking nakalimutan na bawal sumigaw kapag may estudyante si nanay sa bahay.

May narinig akong hindi magandang tunog sa piyano na tila ba isang pasyenteng may malalang
ubo.

Luis! Pagtawag ko sa isang estudyente ni nanay. Nagmamadali kong pumunta sa kusina at sa


salas. Sa aking pag mamadali, hinahabol ko ang aking hininga at kumukurap na mata.

Nakaupo sa harapan ng piyano ang isang lalaki, hirapang basahin ang mga piyesa. May
magulong buhok at ang noong hindi na maalis sa pag kakakunot, siya si Luis.

Katabi ni Luis si nanay na nakaupo sa isang upuan na kinuha sa kusina. Tinatapik ni nana yang
gilid ng piyano gamit ang lapis, na umaayos sa tono ng piyesa. Bumaling ang tingin ni nanay sa
akin at sumenyas na ako ay tumahimik, tumago sa sa maalikabok na sopa para making kay Luis.

Nabighani na rin naman ako sa ibang estudyante ni nanay. Madalas nila akong tinutukso habang
kumakanta.

Car-lie, Car-lie, nakaupo sa may piy-no ohh, hay, mahal niya si ahhh!!

Noong akoy siyam na taong gulang tumibok ang aking puso sa isang ordinaryong labing limang
taong gulang na lalaki. Tumutogtog siya ng piyesa na Beethoven ng paulit ulit at hindi
nagkakamali.

Bawal aakong lunmapit sa estudyante ni nanay habang siya ay nagtututo kaya naman
pinapanuod ko sila ng patago, nag tatago ako sa likod ng pinto. Ngunit kapag naririnig ko na ang
yabag ng mga paa ay magmamadali akong aalis at duon tatawa ng malakas si nanay.

Yung estudyante ni nanay hindi naman marunong tumugtog ng piyano! Hindi man lang
marunong mag basa ng piyesa; kinakabisado lamang niya ang mga numero sa piyesa. Isang
pagkakataon, naiwan niya ang kanyang libro sa bahay, dinala ko ito sa banyo, ang tanging lugar
na aking alam kung saan ako mag iisa. Maingat kong binura ang mga numero na nakasukat sa
piyesa.

Noong sumunod na araw, pinakinggan ko ang kanyang pagtugtog habang ako ay nakatago sa
likod ng pinto, naririnog ko ang mga maling nota na kanyang pinipindot dahil sa panginginig ng
kanyang kamay.

Sabi ni nanay, tumingin lamang sa kamay habang tumutugtog ng piyano, kailangan mo lang
magtiwala sa sarili mo upang magawa mo ng tama.

Habang si nanay ay tumutogtog ng piyano at sumasayaw sa mga magagadang katawan ng


lalaki, ako naman ay gumuguhit sa aking mga papel ng mga bahay sa aking paligid at mga
mukha ng taong dumadaan sa harap ko.

Kinagabihan, nahiga na kami ni nanay sa kama, hinawakan niya ang aking kamy at inilagay sa
ilalim ng kanyang damit. Pinadama niya sa akin ang peklat ng kahapon sa kanyang tiyan.
Binulong niya sa akin na huwag akong magmamadai sa buhay.

Kapag natutuog si nanay, siya ay humaharok ng malakas na gumagawa ng ingay na tila isang
malaks na kulog sa nag aaalburutong langit.

Sa probinsya ng Daet, sisikat ang araw dahilan upang maging mainit ang panahon at susundan
ng malakas na ulan. Nakatingin kami sa kawalan ni Luis, habang ang kanyang kamay ay
natatabing sa kanyang mata at ako ay dumudura ng mga subyang ng buto ng pakwan na nasa
pagitan ng aking ngipin.

Dumadagundong na ang kalsda kung saan kami nakatayo.

Nakikita mo naba silang parating? Tanong ko kay Luis.

Umiling lamang si Luis.

Hindi pa naming nakikita pero naririnig na naming dumadating ang banda papalapit na sa amin.
Naririnig namin ang mga hampas sa tambol at pag ihip sa instrumentong tanso

Nabighani yata si tatay sa iyong nanay. Sambit ni Luis.

Hindi ako nag salita. Dinura ko ulit ang buto ng pakwan sa aking bibig.

Tinititigan niya akong mabuti habang sinasabi sakin na dapat kong malaman.

Dumating na ang banda, nararamdaman ko na ang pag dagundong mga mga instrument at
nakakasilaw na liwanag mula sa pompyang na tinatamaan ng sikat ng araw. Pinapanuod naming
sila habang naglakakad silang palayo sa amin, mga lalaking tumatagaktak ang pawis sa kanilang
putting kasuotan.

Kasunod ng bandang ito ay ang karo ng patay, may mga nagmamaktol sa kalungkutan at may
mga nagmamaktol sa maalinsangang panahon. Sa likod ng mga ito ay ang mga taong
naglalamay at nakikiramay, suot suot ang mga malulungkot na kulay ng damit.

Parating na sila! Sambit ko habang tinuturo ang karo ng patay.

Pinanuod naming ng tahimik ang martsa, habang nakikinig sa malungkot na musika.

Noong araw na dumating kami ni nanay sa probinsya ng Sta. Ana, mayroon ding martsa ng
patay. Sa pagbaba naming ng bus, habang kinukuha an gaming bagahe ay may dumaan na karo
ng patay. Noong panahon na yun, nanay ni Luis ang ililibing.

Kapag nawala si nanay maari ba akong sumama sayo? Tanong ko kay Luis.

Hindi. Sagot ni Luis habang nakakunot ang noo at may pisil pisil na bato sa kanyang kamay.

Sa pag layo ng karo ng patay sa aming harapan, mabilis kaming tumakbo ni Luis habang
nagtatawanan at nag sisigawan. Humahampas ang hangin sa aming mga mukha at ang mga
kamay ay nakabukas at nagpapadala sa ihip ng hangin.

Kalian kaya darating? Tanong ni nanay habang nakatayo sa may pinto at nakatingin sa kawalan.

Tumingin naman ako sa aking papel na may mga pinta.

Sino po bang inaantay ninyo? Sagot ko kay nanay.

Bumaling ang tingin niya sa akin, kahit madilim, nakikita ko parin ang kanyang labing mapula.
Nagpagala-gala ang kanyang mga kamay sa hangin, sa kanyang buhok at sa kanyang damit.
Masasabi ko lamang na napaka ganda ng aking nanay. Ipinipinta ko ang kanyang mukha,
iginuguhit ko bawat detalye sa kanyang mukha.

Saan tayo kumukuha ng pera, Nay? Tanong ko kay nanay.

Tumingin siya sakin at humalukipkip.

Nagtuturo ako ng piyano, Carlie.

Itinaboy ko ang gamu-gamo na pumasok sa loob ng bahay, ngunit dumami sila at dumapo sa
bumbilya ng ilaw sa taas ng ulo ni nanay.

Nay, si Luis lamang ang estudyante mo at isang matabang babaae na tumutugtog sa simbahan.
Habang sinasabi ko ang mga katagang iyon, ako ay patuloy na gumuguhit. Habang ginuguhit ko
ang bulaklaking damit ni nanay, napaisip ako n asana mayroon akong makukulay na pang pinta
nang sag anon maiguhit ko si nanay ng mas maganda.

Tumingin ka sa palagid mo Carlie, itong bahay na ito ay sa atin, iyang piyano na iyan ay wala na
sa tono pero maswerte parin tayo kasi may natutuluyan tayo at may estudyante pa ako. Anong
pumasok sa isip mo at pumasok iyang mga yan sa isip mo? Sabi ni nanay.

Mayaman ang tatay ni Luis, hindi nga lamang kagandahang lalaki, nagtataka lamang ako kung
binibigyan ka niya ng pera o.

Biglaniyang hinampas ang lamesa sa harapan dahilan ng muntik na pagkatapon ng bagoong.

Huwag mo akong kakausapin hanggat hindi ka nahingi ng paumanhin. Sambit ni nanay.

Ngayon niya lamang nabanggit ang mga katagang iyon at sa tono ng kannyang boses, ako ay
nanibago. Ang nanay kong palatawa at palabiro; siya itong palaging humihingi ng tawad;

Carlie, Carlie, wag kang magagalit pero kailangan na nating umalis ng bayan na ito bukas.
Patawad, mahal. Huwag tayong mag diwang ng pasko roon, alam mo naming walang buhay ang
bahay ng lolo mo. Tara na, Carlie, alam kong mahirap, nasa kalagitnaan na ng taon sa
eskwelahan pero

Ang babaeng ito na nakatayo sa aking harapan ay hindi tumatawa, hindi nagbibiro ang
babaaeng ito ay ang aking nanay.

Alam kong ito ay parating; naisip ko na ang pangyayaring ito maraming beses na, alam ko na rin
ang aking gagawin sakaling dumating man ito. Umupo ako sa kubeta, hinawakan ang masakit na
tiyan. Tatlong oras na akong nagkukulong sa banyo, nag iintay sa isang magadnang pangyayari
sa buhay ko. Kinakalampag na ni nana yang pinto ng banyo habang sumisigaw:

Carlie! Lumabas ka diyan! Carlie!

Sa masikip na silid, na may sira sirang sahog at gripong hindi gumagana ay duon ako nanatili.
Naka upo sa kubeta habang nag sisindi ng posporo upang labanan ang mapanghing amoy.

Jesusmaryosep! Hindi ka nangananak! Iyan lamang ang iyong buwanang dalaw! Sabi ni nanay.

Pinapakalma ng kasera ng bahay namin si nanay. Ang kasera ng bahay naming ay wala ng asawa
at tumutuloy sa kabilang pinto ng aming bahay.

Dumating na ang matagal kong hinihintay, tinitiis ang sakit na nararamdaman ko sa aking tiyan
at sa aking likod. Habang ang aking salwal ay nasa tuhod, nanginginig pa ang aking kamay at
dahan dahan kong binuksan ang kulay rosas na supot. Inamoy ko ang mabangong laman ng
supot. Amoy ng babae. Amoy ng pagkababae.

Lumabas na ako ng banyo at hinarap ang mga mura na lumalabas sa bibig ng nanay ko, pero
sanay na din naman ako. Tiningnan ko ang nanay ko na parang kapantay ko na siya.

Pinahid ko sa aking mukha ang unang dugo na lumabas sakin. Sabi sakin ni nanay, para daw
hindi ako tubuan ng tagihawat sa mukha.

Magiging mas matangkad ka pa sa nanay mo. Sabi ng kasera.

Gusto kong bumangon, gusto kong maging mataas sa lahat. Gusto ko maging isang baton a
lalabanan ang pagsubok sa buhay at hinding hindi ako babagsak. Sabi ko sa sarili ko.

Habang tumitingin ako sa nanay ko, lumiliit ang tingin ko sakanya. Para na lamang siyang isang
maliit na baton a magpapatangay nalang sa hangin.

Kalian kaya darating? Sabi ng nanay ko ng gabing iyon.

Hinihintay niya ang ulan..

Ang damit niyang basing basa ng pawis, na pati kili kili niya ay basa na din.

Simula noong hinampas niya yung lamesa sa harap ko at sinabing huwag ko siyang kakausapin
hanggat hindi ako humihingi ng paumanhin, nag simula na siyang lumabas kasama si Mr. De
Leon, tatay ni Luis. Ito ang paraan niya para galitin ako. Nakikita sila na magkasamang
naglalakad sa palengke, kumakain sa labas, at nanunuod ng sine. Sumisimba din silang mag
kasama ang babaeng bumili ng pigurin ng Birheng Maria ng biro lamang.

Habang kumakanta ng Ama Namin, kinuha ni nanay ang kamay ni Mr. De Leon at hinalikan sa
pisngi noong Peace Be With You. Pinunasan naman ni nanay gamit ang likod ng kanyang kamay
ang pulang marka na naiwan sa pisngi ni Mr. De Leon.

Sinundan ko sila sa bahay ni Mr. De Leon; may magandang bahay na may bakod at may garahe.
Imbis na puno ng mangga ang nakatanim, ang mga nakatanim dito ay mga puno na hindi nag
bubunga ng mga prutas o bulaklak. Naging matunog ang paglalakad nila nanay at Mr. De Leon
sa damuhan na tila ba may plastik ng kendi na tinatapakan.

Ang bahay na iyon, madalas kong napapanaginipan iyon. May mga matitigas na kahoy,
magagandang upuan, mga obra na nakasabit sa pader, at may kanya kanyang silid tulugan
bawat tao. Gusto kong tumira sa bahay na iyon, gusto kong matulog sa kama ng hindi kami nag
hahati ni nanay. Gusto ko rin ng mga kapatid na tutulungan ako sa mga takdang aralin sa
paaralan.
Carlie Jusko, Carlie.

Tumatarak na ang mata ni nanay, natatakot ako. Pinisil niya ng napaka higpit ang aking kamay,
hinawakan niya ang kobre kama.

Carlie may mali

May umaagos na dugo sa kama naming ni nanay.

Mas maayos nang ganito, sabi ni nanay habang may musika.

Kasal siya, higit sa lahat, hindi ko siya mahal. Sambit ulit ni nanay.

Para kay nanay, ang mga lalaki ay masarap lang hawakan at magalig lang mang hawak. Hindi ko
nakikita si Mr. De Leon na kakaiba sa lahat. Katulad lang din siya ng lahat. At ayaw niya na
mapunta ako kay Luis.

Mag iimpake na ako at inaayos ko na ang damit kong parang bola. Sa kabilang maleta, naroon
ang aking mga obra na nakabilot parang diploma ang supot na may lamang pasador na
ngayon naka bukas na. Hindi na ako mag dadala ng ala-ala ngayon.

Hinalikan ko ang kasera sa makinis niyang pisngi; niyakap ko si nanay at sinabing;

Paumanhin, nanay. Hindi ako aalis dito. Mas mabuti na siguro na mag hiwalay muna tayo.

Pumunta ako sa silisd kung saan kami natutulog, na may kulay asul na kurtina at may lumang
kama. Ang madilim at maalikabok na salas, kung saan naroon ang piyano. Ang kusina na may
lamesa na hindi pantay ang mga paa.

Tinawag ako ni nanay.

Lumingon ako sa kanya.

Saan ka pupunta? Tanong ni mama sa akin.

Hahanap ako ng lugar na tutuluyan ko. Sagot ko kay nanay.

Sa lugar kung saan may sarili na akong buhay at may sariili na akong desisyon.

Naglakad ako palayo at hindi lumingon pa sa likod, hindi ko na siya tiningnan. Naglakad ako
kalsada ng mabagal, hindi tumatakbo na may dalang dalawang maleta. Tumigil ako sa harap ng
bahay nina Luis, may dilaw na damo at puno na may bakod.

Mas tatangkad ka pa, sa susunod nating pagkikita. Sabi ni Luis na nakatayo sa labas ng bahay
nila.
Mas matangakad talaga ako sayo, Luis. Sagot ko naman.

Ngayon, wala ng libing o banda. Hihinto ang bus sa kalsada, hindi ako kakaway ng paalam
sapagkat hindi naman ito ang aking tahanan, wala naman akong tahanan. Aalis ako ng
nanganagarap na sana magka totoo ang tahanan na matagal tagal ko nang inaasam.

Huminto ang bus at bumukas ang pinto, sumakay si nanay ng basing basa ang buhok habang
tumatawa.

Carlie! Hindi na tayo aalis!

Lumipas ang mga araw, hindi na makayanan ng langit at bumuhos na ang napaka lakas na ulan.
Hindi makapag laro sa labas sapagkat basa ang kalsada. Kaya nanitili nalang kami ni Luis sa
kwarto naming ni nanay. Habang si nanay at ang kasera ay nasa kusina inaayos ang kisame na
may tumutulong tubog galling sa ulan.

Gusto ko ng bahay. Iyong bahay na matatawag kong akin, iyong bahay na nakikita sa mga papel
na pinamimigay kung saan saan, iyong bahay na nakatayo sa malaking lupa tapos
magkakamukha; magkakamukha ng bintana, bubong at garahe. Para kung papasok man ako sa
bahay ng kapitbahay alam ko kung saan kung banyo, kwarto, salas at pindutan ng ilaw. Ang
pinag kaiba lang ay iyong mga upuan at amoy ng bahay.

Kapag may tumutulo sa kisame, nilalagyan naming ni nanay ng batsa sa pare parehong lugar
kada taon. Sabi ni Luis.

Alam ba ng tatay mo kung saan ito ilalagay? Tanong ko kay Luis.

Hindi ko alam, siguro nakalimutan na niya. Naglakad ako nun sa salas at nadulas, nabali leeg ko
noon. Sabi ni Luis.

Kapag ako nag karoon ng sariling bahay, magandaang ang ipapagawa kong kisame. Siguro
walang piyano sa loob ng bahay. Pero may sariling bahay para lang doon na magturo ng piyano.
Nang sa ganon, sakin lamang bahay na iyon, para sa sarili ko lamang. Sabi ko kay Luis.

Gusto mo mag isa? Tanong ni Luis.

Hindi ako mag kakaron ng kasera, sapagkat sarili ko na ang bahay, o kaya naman asawa ng
kasera. Isasama ko nalang sa bahay sina lolo at lola at saka ang mga tita at tito ko. Magkakaroon
kami ng salu-salo. Sabi ko kay Luis.

Naririnig naming ni Luis ang malakas na pagbuhos ng ulan, katulad ng pag dagundong tambol sa
martsa ng patay.
Humiling ka, Luis.

Madaming tumatakbo sa aking isipan; kailangan nating mag sindi ng kandila ng paulit ulit para
sa mga kahilingan natin. At sa huling kandila na aming sinindihan, nanahimik kami habang
nakikikinig sa nag aalburutong langit.

At ang mga kamay kong masasabi kong may mga mata, nahanap ang daan patungo sa kanya.

You might also like