Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

https://ejournals.ph/article.php?

id=7757

Simplicio R. . Bisa

Ang wikang Filipino, tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang lugar. Sa lugar na ito,

gumamit ang mga tao ng wikang magbubuklod sa kanila. Sa wikang ito naipahayag ang nabuo

nilang karunungan, paniniwala, sining, batas, kaugalian, pagpapahalaga, at iba pang kaangkinang

panlipunan. Ang mga ito, na kultura sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat henerasyon sa

pamamagitan din ng wikang yaon.

Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga ng pakikisalamuha ng mga

katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na may naiibang kultura - ang wikang ginagamit

na kasangkapan sa pakikipamuhay ay yumaman sa salita. May mga salitang hiram at ligaw na

ganap nang inangkin. Sa paggamit sa mga katawagang ito sa mga pahayag na may kayarian o

kaanyuang katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay nagkaroon

narin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino, at naging kasangkapan na

sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino.

https://ejournals.ph/form/print.php?id=7898

Buhay-Ritwal: Ang Ritwal sa Kamalayan at Kulturang Pilipino

Salanga, Elyrah Loyola

Discipline: Sociology, Cultural Studies

Abstract: Layunin ng panimulang pag-aaral na ito na alamin kung ano ang konsepto ng ritwal sa
Pilipinas, at kung paano ito tinatanggap o ginagamit ng mga Pilipino sa kanilang kamalayan at kultura.
Dahil panimulang pag-aaral pa lamang, babalikan ang mga naunang pananaliksik tungkol sa ritwal at
ilalatag ang mga eksena o yugto ng paggamit ng pagriritwal sa bansa. Gayunpaman, hindi ito paguulit
lamang ng mga pananaw. Layunin ring ipakilala ang isa pang anggulo ng pagsipat. Kadalasan, ang mga
naunang pag-aaral sa ritwal ay nakatuon lamang sa aspektong pagtatanghal. Subalit kung babalikan ang
mga elemento ng pagriritwal, makikita na nakapaloob ito sa isang konteksto. Mayroon itong
sinusundang daloy o salaysay. Samakatuwid, mayroon ding aspektong naratibo. Ang aspektong ito ang
tatangkaing iugnay sa muling pagtalakay sa mga ideya ng mga naunang pag-aaral. Sa pangkalahatan,
imumungkahi ng pag-aaral na ang ritwal ay pumapaloob sa isang naratibong siyang nagiging daluyan ng
talastasan ng kapangyarihan at diwa.
https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/katipunan/article/view/KA2016.00102

Ang Pagtuturo ng Wika at Kulturang Filipino sa


Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12)
Galileo S. Zafra

Abstract

Naglalahad sa papel ng isang dulog sa pagtuturo ng wika na lumilihis na nakagawiang pagtuturo na


may diin sa gramatika at komunikasyon. Ang ipinapanukalang dulog ay nagpapatingkad sa ugnayan
ng wika at kulturang Filipino. May ibat ibang aspekto ang ugnayang ito ngunit itinatampok ang
pagtingin sa wika bilang daluyan o sisidlan ng kultura. Gayumpaman, hindi humihinto
ang pananaw na ito sa enumerasyon lamang ng mga tao, lugar, bagay, pangyayari, konsepto, at iba
pang sagisag-kulturang Filipino, at sa halip, laging iginigiit na ang kultura ay dinamiko, kolektibo, at
may ginagalawang konteksto. Naglatag din ng isang kongkretong modelo, at halimbawang
aplikasyon, sa pagsusuri ng mga cultural domain o pangkulturang larang na nakatuon sa wika. Sa
huling bahagi ng papel ay iminungkahi kung paano puwedeng ituro sa konteksto ng K-12 ang
wika at kultura na nakabalangkas ayon sa wika ng paglalarawan, wika ng pagbuo ng kahulugan,
wika ng pagtugon, at wika ng paglahok.

You might also like