Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ANO ANG PAGBASA?

Ang pagbasa ay pagkilala ng mga simbulo osagisag ng nakalimbag at pagpapakahulugan ointerpretasyon sa


mga ideya o kaisipan na gustong manunulat nailipat sa kaisipan ngmambabasa Ito ay nangangailangan ng
kakayahangpangkaispan dashil alam ang tunog(ponema) ngnaisulat na letra.

* Sa Webster's Dictionary, ang pagbasa ay isang kilos o gawa ng isang taong bumabasa ng aklat,sulatin at iba
pa.

* Carmelita S. Lorenzo, et. al., ang pagbasa ay ang tiyak at madaling pagkilala ng ayos at pagkakasunod-sunod
ng mga salitaupang makabuo ng mga ideya at kahulugan.

* Ang pagbasa ng anumang uri ng katha ay nagkakabisa sa ating isip, damdamin at kaasal (Belvez et al., 2004)

* At para kay

McCarthy

(1999), ay may isang proseso ng pagbibigay kahulugan sa mga titik na bumubuo sa mga salita na nakalimbag sa
bawat pahina.

* Ang editor-in-chief ng The American Heritage at awtor Your Heritage Dictionary of Words na si William
Morris, ay nagbigay ng kahulugan sa pagbasa bilang pagkilala sa mga nakasulat sa salita.

* Ipinaliwanag naman ni

Lapp at Flood

(1978) na lahat ng pakahulugan sa pagbasa ay patungo sa dalawang kategorya.

(1) ang pagbibigy-kahulugn sa mga kodigo/simbulo; at

(2) ang pagbibigay-kahulugan sa nabasa.

* Ang pagbasa ay tiyak at maayos na pagkilala sa pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng kahulugan
at kaisipan (

Angeles, Feliciana S.

Ayon kina Angelita Romero et. al. ilang iskolar sa pagbasa ang nagbigay ng katangian s proseso ng pagbasa.

1. Ang pagbasa ay nagsisilbing komunikasyon ng manunulat sa mambabasa Pinipilit ng isang mambabasa na


makuha ang kaisipang nais iparating ng manunulat.

2. Ang pagbasa ay prosesong biswal sapagkat, malaki ang kinalaman ng maayos na paningin sa pagbabasa.

3. Ang pagbasa ay aktibong proseso, prosesong pagiisip. dahil ang mambabasa ay nagbibigay ng kanyang
reaksyon sa paraang pisikal ,emosyonal at intelektwal batay sa kanyang nabasa.
ANG PROSESO NG PAGBASA

Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita. Bilang proseso, ito ay may
apat na hakbang ayon kay William S. Gray(1950), ang kinilalang Ama ng Pagbasa: (1)persepsyon,
(2)komprehensyon, (3)reaksyon, at (4)integrasyon (Belvez, et al., 1990; Villamin, et al., 1994; Resuma at
Semorlan, 2002).

Persepsyon Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga
tunog.

Komprehensyon Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.

Reaksyon Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama


sa teksto.

Integrasyon Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga
bagong karanasan sa tunay na buhay.

Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo, teorya o pananaw tungkol sa pagbasa. Tunghayan ang
mga paniniwala tungkol sa pagbasa batay sa mga modelong makikita sa tsart: (A)teoryang itaas-
pababa (top-down), (B)teoryang ibaba-pataas(bottom-up), (C)teoryang interaktibo, at (D)teoryang
iskema.

Teoryang Itaas Pababa (Top-Down)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Itaas Pababa:

Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang
dating kaalaman at karanasan.

Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang
ibig sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.

Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).

Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dating kaalaman (prior knowledge) at mga kaalaman
(schema) na nabubuo na sa kanyang isipan batay sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid.
Nakabubuo siya ng mga palagay at hinuha at ito ay iniuugnay niya sa mga ideya na inilahad ng may-akda
sa teksto.

Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang saykolinguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic
guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay nagsisilbing taya kung saan siya ay bumubuo ng
sariling hula, hinuha at ipotesis kaugnay ng tekstong binasa. Sa teoryang ito, ang mambabasa ang sentro
ng proseso ng pagbasa sa halip na ang teksto dahil ang mambabasa ay madalas nang may dating
kaalaman o iskema tungkol sa paksa. Samakatuwid, sa teoryang ito, ang mambabasa ay higit na
nakapokus sa kung ano ang alam niya upang maunawaan ang binabasa.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model, concept-driven model, at whole to part model
(Goodman, 1985 at Smith 1994).

Mga Proponent ng Teoryang Itaas Pababa:

Kenneth S. Goodman (1985) at Frank Smith (1994)

Teoryang Ibaba Pataas (Bottom Up)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Ibaba Pataas:

Ito ay salungat sa teoryang top-down.

Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad
ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo.

Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na nangangahulugang ang pag-unawa ng isang


bagay ay nag-uumpisa sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa itaas (up), sa utak
ng mambabasa matapos maproseso sa tulong ng mata at utak o isipan.

Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel
o tabula raza.

Ayon kay Smith(1994), ang impormasyon ay hindi nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto.

Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven model o part to whole model. Ibig sabihin, higit na umaasa
ang mambabasa sa mga impormasyong nasa teksto.

Mga Proponent ng Teoryang Ibaba Pataas:

Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough (1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985)

Teoryang Interaktibo
Pagpapaliwanag ng Teoryang Interaktibo:

Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay
may dalawang direksyon (McCormick, 1998).

Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng


teksto at ng mambabasa. Itoy nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-
unawa sa teksto.

Samakatuwid, nagkakaroon ng epektibong pag-unawa sa teksto kapag ginagamit ng isang mambabasa


ang kaalaman niya sa estruktura ng wika at sa bokabularyo kasabay ang paggamit ng dating kaalaman
(schema) at mga pananaw.

Mga Proponent ng Teoryang Interaktibo:

David E. Rumelhart (1985); Rebecca Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at Robert Ruddell,
Robert Speaker (1985)

Teoryang Iskema (Schema)

Pagpapaliwanag ng Teoryang Iskema:

Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay nagiging
dating kaalaman (prior knowledge). Itoy nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang
alam na o hindi alam ng mambabasa.

Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at Pearson,
1984).

Metakognisyon sa Pagbasa

Ayon kay Flavel (1976), ang metakognisyon ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan at kasanayan
sa pagkontrol sa sariling proseso ng pag-unawa. Ito rin ang mataas na kasanayang pampag-iisip na
kinapapalooban ng aktibong pagkontrol sa mga prosesong kognitibo sa pagkatuto. Ang isang mahusay
na mambabasa ay metakognitibo kapag naiintindihan nila ang kanilang sarili bilang mambabasa at
nagagamit nila ang angkop na estratehiya sa pagbasa.

Sa pamamagitan ng metakognisyon, nalalampasan ang kognisyon dahil nagagawa nitong malinang sa


mambabasa ang may kamalayang paggamit ng mga estratehiyang kognitibo at pahalagahan sa halip na
simpleng gamitin lamang ang mga ito. Binibigyang-diin din ng metakognisyon ang malawakang control sa
mga proseso sa halip na sa mga tiyak na estratehiya o gawain.

Ang prosesong metakognisyon sa pagbasa ay binubuo ng tatlong uri (Schunk at Zimmerman, 1998).
Prosesong Metakognisyon

Kaalaman ng mambabasa sa kanyang sariling kahinaan at kalakasan sa pagbasa Kaalaman ng


mambabasa kung aling estratehiya ang angkop na gamitin ayon sa sitwasyon Kaalaman ng
mambabasa sa pagsubaybay sa kanyang pag-unawa kung kalian siya hindi nakauunawa

Ayon kay Graves, et al. (2007), ang isang metakognitibong mambabasa ay itinatanong sa sarili ang
sumusunod: naunawaan ko ba ang sinasabi ng awtor?; ano ang ginagawa ko kapag hindi ko naunawaan
ang aking binabasa?; ano ang maaari kong gawin upang lalong maunawaan ko ang sinasabi ng awtor?;
may magagawa ba ako upang mas lalong maalala ang binasang teksto?; anong mga estratehiya sa
pagbasa ang aking kailangang gamitin kaugnay ng teksto?

You might also like