Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

HANS

1. Sino si Pedro Pelaez ayon sa kanyang mga kalaban? Sino naman siya ayon sa kanyang mga
tagasuporta?

Iniugnay si Padre Pedro Pelaez sa pagpaplano ng rebelyon ayon sa mga kalaban nito. Siya ang
sinisising tagapamuno ng pag-aalsa kasama ang kaniyang kaibigang si Padre Ignacio Ponce de
Leon. Naging patok si padre pelaez sa mga mamamayan noon dahil sa kaniyang katangiang-puri
kaya ganun na lamang ang naing sama ng loob ng mga prayle sa kaniya. Ipinagtanggol niya ang
mga karapatan ng mga paring sekular sa tuwing pinagkakaitan ito ng mga prayle. Ang kaniyang
katapatan sa sekular na kaniyang kinabibilangan ang nagpasama sa imahe nito sa mata ng mga
prayle.

Inilarawan si Padre Pelaez ng kaniyang mga kakampi o ang mga Pilipinong nakakakilala sa kaniya
bilang matalino, huwaran, at may mabuting loob. Ayon nga sa kanila, siya ang dakila at dangal ng
mga mamamayang Pilipino at pawang kathang-isip lamang ng mga prayle ang mga paratang na
inakusa sa kaniya. Pinakita nila kung gaano siya kakuntento sa mga biyaya at mga pangyayaring
naganap sa kaniyang buhay kaya hindi niya magagawa na mamuno ng rebelyon. Para sa kanila,
walang bahid-dungis ang pagkatao ng pari at minahal siya ng kaniyang klerong kinabibilangan niya.
Ipinagtanggol niya ang karapatan ng mga paring sekular laban sa mga ganid na pari kaya ganun na
lamang kapositibo ang naging tingin sa kaniya ng mga Pilipino.

ANDREA
2. Ano dapat ang pagkakaiba ng responsibilidad ng mga paring sekular at ng mga
misyonero/prayle/regular (the religious)? Nasusunod ba ang pagkakaibang ito sa Pilipinas?

Malaki ang pagkakaiba ng responsibilidad ng mga paring sekular at mga misyonero/prayle/regular


kung titignan dahil karaniwang binibigyan ng tungkulin ang mga paring sekular bilang mga coadjutor
o mga taga-tulong ng mga misyonero o mga prayleng regular, samantalang karaniwang binibigyang
prayoridad ang mga paring misyonero ang pamamahala at pamumuno ng mga parokya.

Sa ilang pagkakataon, hindi nasunod ang pagkakaibang ito sa Pilipinas. Maraming mga prayleng
sekular ang naging taga-pamahala rin ng ilang malalaking at mahahalagang mga parokya at ilang
halimbawa nitoy sina Fr. Florentino Ramirez ng Ermita at Agustin Mendoza ng Sta. Cruz na naging
taga-pamahala ng dalawa sa pinakamalaking parokya sa Maynila, at dito ay makikitang nalagpasan
nila ang mga ibang mga prayle upang makakamit ng mataas at mahalagang posisyon sa simbahan
at mga parokya.

CHANTAL
3. Bakit raw hindi nasusunod ang pagkakaiba ng responsibilidad na tinutukoy sa tanong 2?

Maraming mga balakid na nagiging dahilan kung bakit hindi nasusunod ang pagkakaiba ng
responsibilidad ng paring sekular at isang prayle. Ang pagkakaiba ng wika ang isa sa mga
pangunahing dahilan. Hindi sanay ng wikang Tagalog ang karamihan ng mga Prayle dahil sila ay
karaniwang Peninsulares at sanay lamang sila sa wikang Espanyol. Dahil dito, hindi nila kayang
magturo ng salita sa mga Indio at ang mga paring sekular ang gumagawa ng trabaho na ito.

Isa pa sa balakid ay ang distansiya ng parokya o ng simbahan na nakakaapekto rin sa paggawa ng


responsibilidad ng mga pari. Walang karapatan o basbas ng Santo Papa ang mga paring sekular
upang magbinyag at nagdudulot ito ng problema. Kapag mayroong mga Indio sa kabundukan na
hindi pa nabibinyagan at nasa bingit ng kamatayan, hindi na sila nabibinyagan dahil hindi sila
nakakababa mula sa bundok o walang pera ang Indio upang bayaran ang prayle. Namamatay silang
hindi nabinyagan.

Dapat rin nating alalahanin na kakaunti lamang ang mga paring sekular at ang mga prayle at dahil
dito napipilitan silang gawin ang gawain ng isa upang masigurado na magagawa nila ang kanilang
isinumpang tungkulin sa harap ng Diyos. Kahit na ganito, hindi pa rin binibigyan ng sapat na
pagkilala ang mga paring sekular dahil hindi sila Espanyol o Peninsulares.

JEFF
4. Paano ipinagtanggol ng manipesto ang mga paring sekular?
Ipinagtanggol ng maipesto ang mga paring sekular gamit ang canon law, pagkontra sa mga
kasinungalingan ng mga prayle, at pagbanggit ng mga tanyag na mga paring sekular. Una, binanggit
ang canon law kung saan dapat hindi pwedeng maging kura paroko ang mga prayle kung sapat na
ang bilang ng mga sekular na pari. Hindi raw tama na bigyan ng pribilehiyo ang mga prayle sa mga
lugar na marami nang paring sekular dahil nawawala ang kapangyarihan ng mga paring sekular at
naabuso ng mga prayle ang mga pribilehiyong ito. Ngunit, pinaniniwala pa rin ng mga prayle sa mga
Indio na wala silang kapangyarihan at kakayahan. Ang sagot ng manipesto sa mga pahayag na ito
ay ang sulat ni Senor Don Francisco Lopez de Adan kung saan sinabi niya na hinangaan niya ang
kapasidad, talino, at talento ng mga Pilipino. Sinabi rin sa manipesto na ang dahilan kung bakit wala
masyadong Indio na nag-aaral ay ang mga prayle. Hindi raw dahil tamad ang mga Indio kundi
walang insentibo sa kanila ang edukasyon dahil kontrolado pa rin ng mga prayle ang kanilang
buhay. Ngunit, hindi lubos na nawala ang diwa ng mga Indio at may iilan na nagsumikap mag-aral.
Sinabi ni Padre Velarde na finally, even the pure Indios have produced great men, such as a certain
Maximo who was parish priest of Manila. Binanggit din sa manipesto ang ilan sa mga tanyag na
mga paring sekular upang ipakita na tunay ang kakayahan nila. Halimbawa nito ay sina Don Manual
Endaya y Haro na naging canon ng katedral ng Cuenca, si D. Narcisso na ibinigay ang lahat ng
naipon niyang pera para sa pagpapaganda ng kaniyang simbahan, at si Padre Pelaez na naging
tagapagtanggol ng klerong sekular kapag may banta mula sa mga prayle.

You might also like