Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

1.

Magandang pamintana,

masamang pangkusina.

Paliwanag: Sa modernong panahon, maaaring ipakahulugan ito na magandang idispley na siyota, pero tamad sa
kitchen! O kaya'y walang alam na gawaing bahay ang kasintahan o asawa, ngunit seksi o makisig pumorma.

2.

Ang matuod nga katahom,

makita sa tagiposuon.

Paliwanag: Kawikaan ito ng Hiligaynon. Nakikita umano ng puso ang tunay na ganda o x-factor. Kaugnay nito ang
loob na isa pang katutubong konsepto ng Filipino. Paano makikita ang tunay na ganda? Huwag magsalamin.
Gamitin ang pag-ibig at pag-unawa.

3.

Kadalasan, ang karikta'y

ginagawang isang bitag

upang siyang ipanghuli

Noong ibig ipahamak.

Paliwanag: Totoo hangga ngayon, at ginagamit pa ring padron kahit sa telenobela, gaya ng Marimar. Ang pisikal na
ganda ay malimit umanong pang-akit upang ibulid sa masama ang isang tao.

4.

Ang puri at ang dangal,

mahalaga kaysa buhay.

Paliwanag: Ang dangal at puri ay halos magkasingkahulugan at tumutukoy sa honor sa Ingles. Kaugnay ng
puri ang chastity, virginity, at respect ngunit hindi limitado rito ang pakahulugan. Muli, ang dalisay na loob ang
isa pang katangian ng kagandahan, at gagamitin kahit ng Katipunan.

5.

Maong ni makapoy a lupa

Nen say makapoy a kanunutan.

Paliwanag: Pangasinense ito, na ang ibig sabihin ay Mabuti na ang pangit na mukha, huwag lang pangit na pag-
iisip. Ano ang pangit na pag-iisip? Maaaring ito ay pagbabalak ng masama, pagkabagabag ng loob, mahalay
na pagnanasa, at iba pa.

6.

Sa paggianan yo makas ta lapaorera,

ay ana lamang yo ulag.


Paliwanag: Mula ito sa Gaddang, na ang literal na salin ay Kung saan naroroon ang magagandang bulaklak,
naroroon lagi ang uod. Bulaklak karaniwan ang talinghaga sa babae, at ang uod na nagiging paruparo ay panumbas
naman sa lalaki. Hindi lahat ng paruparo ay lalaki; ang paruparong bukid mula sa awiting-bayan ay pasaring sa
baklang transvestite.

7.

Mabuti't masamang ginto

Sa urian natatanto.

Paliwanag: Makikilatis ang ganda ng isang tao o bagay kung iyong susubukin. Ito ang paalaala ng kawikaan. Kaya
hindi dapat masilaw agad sa panlabas na anyo. Magpigil. Bago maloko ng peke.

8.

Sa maliliit na damp

nagmumula ang dakila.

Paliwanag: Isang aspekto ng kagandahan ang kadakilaan. At gaya ng ipinapahiwatig ng salawikain, ang mga
dakilang tao ayisinisilang na dukha. Gayunman, ang nasabing kahirapan ay hindi sagka upang makamit niya ang
tagumpay.
10.

Minsan nag chuchupaan bolawan i oran

Sa di ta inged na tomo den

So tarintik sa tambira inged ami.

You might also like