Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Published:Nov.

22, 2017 4:47pm

Kabilang ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa na may


malaking problema sa mabigat na daloy ng trapiko, batay sa pag-
aaral na ginawa ng isang research firm na nakabase sa Serbia.

Sa 2015 Traffic Index ng Numbeo, isang multi-national research


firm, nakasaad na pangsiyam ang Pilipinas sa 88 bansa na may
matinding problema sa trapiko.

Ayon sa Numbeo, ang datos nila ay batay sa overall commuting


time, commuting public's dissatisfaction, traffic inefficiencies at
carbon dioxide emissions.

Sa kanilang pag-aaral, lumitaw na kakain ng 45.50 minuto ang


isang pasahero o motorista sa Pilipinas bago nito marating ang
kaniyang destinasyon sa may distansiyang 12-kilometro.

Sa listahan ng mga bansa na may pinakamatinding trapiko,


nanguna ang Kenya, na sinundan ng Egypt, Bangladesh, Bolivia,
Nigeria, Jordan, Iran, South Africa, Pilipinas at Thailand.

Lumilitaw naman mas mabuti ang lagay ng trapiko sa mga bansang


Turkmenistan, Austria, Bosnia, Herzegovina, Estonia at Cyprus.

Kapag lungsod ang usapan


Samantala, pagdating sa city category, pang-12 ang Manila sa mga
lungsod sa mundo na may malaking problema sa daloy ng trapiko,
ayon sa Numbeo.

Gumugugol ang isang pasahero o motorista sa Manila ng 53.82


minuto para makarating sa kaniyang destinasyon na may layong 12
kilometro.

Sa listahan ng mga lungsod na matindi ang bigat ng trapiko,


nanguna ang Mumbai sa India, na sinundan ng Nairobi (Kenya),
Pune (India), Cairo (Egypt), Kolkata (India), Miami (Florida, USA),
Tehran (Iran), Recife (Brazil), Pretoria (South Africa), Denver
(Colorado, USA) at Jakarta (Indonesia).

Nang hingan ng reaksiyon, sinabi ni Metropolitan Manila


Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino na
dapat tingnan din ang positibong aspekto ng pag-aaral ng Numbeo.

Binigyan-diin ng opisyal ang indikasyon ng pag-unlad umano ng


ekonomiya at pati na ang populasyon.

Gayunman, sinabi ni Tolentino na ang pag-aaral ng Numbeo ay


patunay na kailangan ding magkaroon ng epektibong transport
system sa bansa at decentralization sa Metro Manila.

It (Numbeo report) speaks of the need for ten more MRT lines for
Metro Manila. It speaks of the need to really disperse the industries
in Metro Manila to other surrounding areas, ani Tolentino sa
panayam ng GMA News TV's News To Go nitong Huwebes. -- FRJ,
GMA News

You might also like