Nang muling magtagpo sa kanto. Ang aking nakitay parang litrato Na ang ngiti ay hindi totoo.
Kay rami nang nagbago
Nang tayo ay nagkalayo Kay rami na ring naglaho Tulad ng ngiti sa labi ko.
Mga alaalay muling bumalik
Ang pusoy naging sabik Ngunit wala man lang naiimik Na kahit isang titik.
Sandali akong nainggit
Sa iyong payong na bitbit Naalala ang mahigpit kong kapit Sa kamay mong kumakawalang pilit.
Kasabay ng iyong yapak
Ang ulan na pumapatak Puso koy hindi nagalak Tila ikaw ay itinutulak
Bakit nga ba akoy umasa
Na ang tulad moy lilingon pa? Nakakalungkot lang talaga Na ako ngayoy mag-isa na.
Mag-isa na lumalakad At pilit na naghahangad Na may makakadaupang palad Na sasabay sa aking lumakad.
Sasabay at hindi mang-iiwan
Kahit pa sa ilalim ng bwan Kung saan walang kasiguraduhan Kung ano ang aming pagdadaanan.
Di sana tulad ng ating pinagdaanan
Na walang kinahinatnan At wala ring pinatunguhan kundi paghihiwalayan.
Paghihiwalayang nagdulot ng sakit
Na ayaw ko nang maulit. Tama na ang aking sinapit Sa ating pagsasamang mapait. Mapait kaya dapat nang limutin. Ibaon at 'di na dapat ungkatin. Akin na lamang hihintayin Ang lalaking akoy iibigin.
Ang oras ay hindi na dapat huminto
Kapag tayoy muling magtagpo sa kanto. Nais kong makita ay isang litrato Ng lalaking ang ngiti ay totoo.