Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MAKRONG KASANAYAN SA WIKA: PAGSASALITA AT PAKIKINIG

1. 1. KAHULUGAN Ang pakikinig ay isang aktibong gawain. May nagaganap na pagpoproseso sa


isip ng tagapakinig na kung saan nagbibigay kahulugan ang mga tunog at salita. Ang mga tunog
na naririnig ay nabibigyang interpretasyon, nasusuri ang ating kaalaman sa estraktura ng wika at
naisasaisip ang mensahe, impormasyon at pahiwatig na napakinggan. Ang uri at layunin sa
pakikinig ay lumilinang sa kasanayan sa pakikipag-ugnay sa kapwa at kapaligiran. Sa mabuting
pakikinig, tayo ay nagiging disiplinado sa ating pagbibigay ng atensyon at paggalang sa kapwa.
Ang pakikinig ayon kina Howatt at Dakin, ay kakayahang kumilala at umunawa sa sinasabi ng iba.
Ito ay sumasaklaw sa pag-unawa sa diin at pagbigkas ng nagsasalita, sa kanyang gramatika at
talasalitaan, at sa mensaheng nais niyang maiparating. Ayon naman kay Alcantara, ang
pakikinig ay isang komplikadong kasanayan na nangangailangan ng hirap at atensyon.

2. 2. 1. Pansariling kahandaan tungo sa pakikinig. 2. May tiyak na layuning maging gabay sa


pakikinig. 3. Tukuyin ang menshaseng ipinaparating ng tagapagsalita. 4. Ituon ang atensyon sa
mensahe ng tagapagsalita. 5. Hintayin munang matapos ang tagapagsalita bago magbigay ng
reaksyon o pagpupuna.

3. 3. 4. Pagtanda sa narinig (Remembering) sa bahaging ito, kailangang pakatandaang mabuti at


itanim sa isipan ang mga narinig na binibigyang kahulugan upang magkaroon ng akmang tugon o
pidbak. 5. Pagtugon (Feedback) - Ang pagtugon ng tumatanggap ng mensahe ay maaaring sa
pamamagitan ng kanyang reaksiyon sa mukha, paggalaw ng kanyang katawan o kaya ay pagbitiw
ng mga katagang maaaring sumasang-ayon o kaya ay sumasalungat.

4. 4. 3. Mapanuring Pakikinig - Ebalweytib o selektib ang pakikinig na ito. Mahalaga rito ang
konsentrasyon sa napakinggan. Bukod sa pag-unawa ng napakinggan, ang tagapakinig ay
bumubuo ng mga konsepto at gumagawa ng mga pagpapasya ng balyu sa uring ito ng pakikinig.
4. Implied na Pakikinig - Sa pakikinig na ito, tinutuklas ng isang tagapakinig ang mga mensaheng
nakatago sa likod ng mga salitang naririnig. Ang hindi sinasabi nang tuwiran ay inaalam ng
tagapakinig sa uring ito ng pakikinig.

5. 5. 1. ORAS. Sadyang may mga oras na ang ating pandinig ay handing making, ngunit may oras
ding kulang iyon sa kahandaan o kayay ganap na walang kahandaan. 2. TSANEL. Madalas, ang
daluyan na tunog ay nagiging sagabal sa pakikinig. Kung nais ng isang taong maging malinaw ang
pagdinig sa kanyang mensahe, siya ay nakikibagay depende sa kung ano ang tsanel na gamit
niya. 3. EDAD. Ibat iba ang antas ng kasanayan sa pakikinig ng bawat tao. Isang batayan ng
pagkakaiba-iba ng antas ng kanilang kasanayan ay ang edad. Karaniwang mahina pa ang
kakayahan ng mga bata sa pagbibigay-kahulugan ng narinig samantalang karaniwang humihina
naman ang pandinig ng mga matatanda.

6. 6. 4. KASARIAN. May mga taong higit na nakikinig sa babae kung gaanong may iba namang sa
lalaki. Kung ano ang preperensya nila, malamang na higit na magiging epektibo ang pakikinig nila
kung ang nagsasalita ay ang kasariang higit nilang pinapaburan. 5. KULTURA. Hindi maihihiwalay
ang kultura sa pakikinig. Sa pagbibigay-kahulugan sa mga tunog na naririnig, ang isang tao ay
lagging naiimpluwensyahan ng kulturang kanyang kinabihasnan at kinalakihan. 6. KONSEPTO SA
SARILI. Ang konsepto sa sarili ng ibat ibang tao ay maari ring makaimpluwensya sa proseso ng
komunikasyon. Iba-iba ang konsepto sa sarili ng bawat tao. Kung gayon, maaari ring magkaiba-
iba ang pagpapakahulugan nila sa mga tunog na narinig nila.

7. 7. 1. Mga Suliraning Eksternal nakapaloob dito ang mga distrakyong awral tulad ng ingay na
likha ng bel, makina o malakas na usapan. Ang mga problema sa pasilidad tulad ng di-
komportableng upuan, at ang labis na mainit o malamig na temperatura sa silid ay maaari ring
maikategorya sa ilalim ng uring ito. 2. Mga Suliraning Mental ilang halimbawa nito ay ang
preokupasyon o pag-iisip ng ibang bagay tulad ng mga problema o pangangarap ng gising.
Maikakategorya rin sa ilalim nito ang pananakit ng ulo at kakulangan ng pag-iisip. 3. Iba pang
mga tanging salik may iba pang ispesyal na salik na maaaring maging sagabal sa pakikinig. Ilan
sa mga ito ay ang labis na pagiging mahirap o kompleks ng isang konsepto o labis na kadalian
niyon na maaaring kawalan ng interes ng tagapakinig, lubos na nagkasalungat na opinion ng
nagsasalita at tagapakinig at distraksyong biswal tulad ng mannerism at ang anyo ng pagsasalita.

8. 8. 4. MAKINIG SA PAGITAN NG BAWAT LINYA - Nararamdaman ng tagapakinig kung nagsasabi ng


totoo o hindi ang tagapagsalita. Ang mga clue ay maaaring nakita sa tono ng tagapagsalita, sa
hitsura ng mukha o kilos. 5. MAGTANONG Kung may alinlangan o kalabuan sa sinabi ng
tagapagsalita, kailangang magtanong. 6. HINDI KAILANGANG MADISTRAK NG KAPALIGIRAN
Huwag gawing hadlang sa pakikinig ang ambiance ng kapaligiran, hitsura, punto, gawi, kilos ng
tagapagsalita. Pagtuunan ang mensahe at hindi sa kapaligiran.

9. 9. 7. MAGBUKAS ANG ISIP Huwag sarhan ang isip lalo na kung taliwas o hindi tugma sa iyong
paniniwala ang sinasabi ng tagapagsalita. Tandaang ang layunin ng pakikinig ay makakuha ng
impormasyon. 8. GAMITIN ANG IYONG BRAINPOWER Limiin, bigyan ng ebalwasyon at isipin
ang mga sinasabi ng tagapagsalita upang kapag dumating ang debate o tanungan ay mas
epektibo itong magagawa. 9. MAGBIGAY NG FIDBAK O TUGON Magkaroon ng eye contact sa
tagapagsalita. Maging mahinahon sa pagtatanong. Iwasan ang kilos mayabang. Ang epektibong
tagapakinig ay nagbibigay ng berbal o di berbal na sagot o pahiwatig sa sinasabi ng
tagapagsalita. Ang iyong sagot ay tinatawag na tugon o fidbak.

10. 10. TIGER siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang
sasabihin ng nagsasalita. BELWILDERED tagapakinig na kahit anong pilit ay walang
naiintindihan sa narinig.

11. 11. FROWNER siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi nang may tanong at pagdududa.
RELAXED isa siyang problema sa isang nagsasalita.

12. 12. MGA MUNGKAHI PARA MAGING EPEKTIBONG TAGAPAKINIG 1. Pakinggan huwag lamang
ang mga salita kundi maging ang mga kahulugan. 2. Tulungan ang kausap na linawin ang
kanyang mensahe. 3. Ipagpaliban hanggat maaari ang iyong mga paghuhusga. 4. Pagtuunan ang
mensahe. 5. Pagtuunan din ng pansin ang istruktura ng mensahe. 6. Patapusin ang kausap.

13. 13. - Ayon kina Espina at Borja mula sa aklat ni Bernales, 2013, ang pagsasalita ay ang
kakayahang ipabatid ang nasasaisip o nadarama sa pamamagitan ng pagbigkas. Ito ay
karaniwang nangangahulugang pag-uusap ng hindi kukulangin sa dalawang tao. - Ayon kina
Belvez et al, ang pagsasalita ay karaniwang nangangahulugan ng pag-uusap nang hindi
kukulangin sa dalawang tao: ang nagsasalita at ang kinakausap.
14. 14. 1. Naipapaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita. 2. Nagiging
kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao. 3. Nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensya ng
saloobin ng nakikinig. 4. Naibubulalas sa publiko ang opinyong at katwirang may kabuuhan sa
kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya sa
pagpapatupad ng mga ito.

15. 15. Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga participant nito. Kung
gayon, malaki ang impluwensya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng
komunikasyon. Ang mga skailangan sa pagsasalita ay ang mga sumusunod: 1. KAALAMAN
kailangan may sapat na kaalaman hinggil sa ibat ibang bagay. Kailangang alam mo ang paksang
pinag-uusapan, sapat na kaalaman sa gramatika, sapat na kaalaman sa kulturang pinanggalingan
ng wikang ginagamit mo, sa iyong kultura at maging sa sa kultura ng iyong kausap. 2.
KASANAYAN sa pagsasalita kailangan ng kasanayang maaaring linangin. Kinakailangang may
sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon. Sa pagkakataong ito,
kailangan ng presence of mind. Kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pasasalita tulad
ng tinig, tindig, galaw, kumpas at iba pang anyo ng di-berbal.

16. 16. 3. TIWALA SA SARILI Isang mahalagang taglayin ng taong nagsasalita ay ang pagkakaroon
ng tiwala sa sarili. Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi
palakibo. Paminsan-minsan ay napipilitan siyang magsalita, nailalantad ang kanyang mahinang
tinig, garalgal na boses, mabagal na pananalita, pautal-utal na pagbigkas o di kayay panginginig
o paninigas, o pag-iwas ng tindig o labis na pagpapawis. Sa ganitong paraan, mahihirapan kang
makakuha ng atensyon at tiwala ng mga taong makikinig sa iyo sapagkat sino ang magtitiwala sa
isang taong wala namang tiwala sa kanyang sarli mismo.

17. 17. Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang panghikayat sa kanyang
tagapakinig o hindi kayay kakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyang tagapakinig sa
kanyang sinasabi. Ang mga sumusunod ay mga kasangkapan sa pananalita: 1. Tinig - itinuturing
na pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. 2. Bigkas kinakailangan maging mataas at
malinaw ang pagbigkas ng isnag taong nagsasalita. Ang maling pagbigkas ng mga salita ay
nagbubunga ng ibang pagpapakahulugan sapagkat ang wika natin ay may napakaraming
homonimo (mga salitang magkapareho ang baybay, ngunit magkaiba ngparaan ng pagbigkas).

18. 18. 3. Tindig kinakailangan ang magandang ayos ng pagtindig habang nagsasalita. 4. Kumpas -
ang kumpas ng kamay ay mahalaga rin sa pagsasalita sapagkat kung wala nito, ang nagsasalita
ay magmumukhang parang isang robot. Ngunit, kinakailangan sa paggamit ng kumpas ay angkop
sa diwa ng salita o mga salitang binabanggit. 5. Kilos - ay maaaring makatulong o makasira sa
isang nagsasalita.

19. 19. Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na xenophobia o stage fright. Ito
ang takot na mapagtawanan bunga ng maling grammar, maling bigkas, masagwang tindig o
postyur, kakatawang ideya o anyong pisikal. Ito ang takot na hindi tanggapin ng madla bunga ng
kawalan o kakulangan ng tiwala sa sarili at di- pagkaalaman kung ano ang sasabihin at kung
paano iyon sasabihin. May ibat ibang dahilan ang stage fright. Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod: a. Takot sa malaki at di-pamilyar na madlang tagapakinig. b. Di-kaaya-ayang
karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla.
20. 20. c. Kakulangan o kawalan ng karansan sa pagsasalita sa harap ng madla. d. Dadaming
kakulangan o insekyuriti bunga ng anyong pisikal. e. Kakulangan o kawalan ng kahandaan, at f.
Kakulangan o kawalan ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

21. 21. a. Magkaroon ng paositibong atityud. Isiping kaya mong magsalita sa harap ng madla. Isipin
ding hindi ka nag-iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa mga unang segundo o
minute ng pagsasalita. b. Magtiwala sa iyong sarili. Isiping mayroon kang mahalagang ideya na
ibabahagi sa madla. c. Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong mga tagumpay at kabiguan, ang
iyong mga kalakasan at kahinaan, ang iyong mga kagandahan at kapintasan. Isiping maging ang
mga taong may depekto ay maaaring magtagumpay. d. Magkaroon ng marubdob na
pagnanasang maging mahusay na tagapagsalita.

22. 22. e. Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon ng karanasan kung
hindi mo susubukan. f. Magpraktis ka nang magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na
pangkat hanggang sa paharap sa malaking madla. g. Isipang ang mga madlang tagapakinig ay
palakaibigan at hindi mapanghusga. h. Magbihis nang naaayon sa okasyon. i. Mag-imbak ng
maraming kaalaman. j. Dumating nang maaga upang maging pamilyar sa lugar at sa madlang
tagapakinig. k. Magdasal. Humingi ka ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.

23. 23. Maraming katangiang dapat taglayin ang isang tagapagsalita upang maituring siyang
epektibo. Ilan sa mga katangiang ito ay ang sumusunod: a. Ang isang epektib na tagapagsalita ay
responsible. Isinasaalang- alang niya ang kanyang responsibilidad sa kanyang tagapakinig, sa
kanyang paksa at sa kapwa niya tagapagsalita. b. Magiliw siyang magsalita at kawili-wiling
pakinggan. c. May malawak na kaalaman hinggil sa paksang kanyang tinatalakay.

24. 24. d. Siya ay palaisip. e.Siya ay palabasa. f. Mayroon siyang mayamang koleksyon ng mga ideya
at babasahin. g. May interes siya sa paksang kanyang tinatalakay. h. Siya ay obhetibo.
Tinatanggap niya ang ideya ng iba, taliwas man sa kanyang paniniwala. i. Mayroon siyang sense
of humor. Nagpapatawa siya kung kinakailangan upang makuha ang atensyon ng kanyang mga
tagapakinig.

25. 25. j. Gumagamit siya ng mga angkop na salita. k. Nirerespeto niya ang pagkakaiba-iba ng
kanyang mga tagapakinig. l. Sapat at angkop ang lakas ng kanyang tinig. m. Malinaw at wasto
ang bigkas niya sa mga salita. n. Gumagamit siya ng mga angkop na kumpas at kilos. o. Hindi
niya iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng kanyang mga tagapakinig. p. Maingat siya sa
paggawa ng mga kongklusyon, paratang at batikos.

26. 26. q. May panunuunan siya ng paningin sa kanyang mga tagapakinig. r. Angkop ang kanyang
kasuotan sa okasyon at mainam na tindig o postyur. s. Paniniwalaan at isinasabuhat niya ang
kanyang sinasabi. t. Wala siyang mga nakakasagabal na mga kilos o pag-uugali. u. Maayos at
lohikal ang kanyang presentasyon mula sa simula, gitna hanggang wakas. v. Iniiwasan niya ang
labis na mapalabok na pananalita

27. 27. w. Binibigyan niya ng diin ang mga mahahalagang konsepto o kaisipan. x. Alam niya kung
kalian tatapusin ang pagsasalita. y. Iniiwasan niya ang magyabang o himig-pagyayabang. Dapat
siya ay mayaman sa kanyang bokabularyo. z. Taglay niya ang angkopa at inaasahang gawi,
personalidad at karakter. MGA SANGGUNIAN: Bernales, Rolando A. 2009. Komunikasyon sa
Makabagong Panahon. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc. Montera, Godfrey. 2013.
Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Cebu City: Likha Publishing House, Inc.
________________. Modyul sa Filipino 1 Sining ng Komunikasyon. Mindanao State University,
Marawi City.

You might also like