Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

Gloria M.

Arroyo
(2001-2004 at 2004 - 2010)
Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal
noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20,
2001 - Hunyo 30, 2010). Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating
pangulong si Diosdado Macapagal.
Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na
naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at
Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod
bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim
ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos
maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang
kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunladat sumali sa lumalaking
bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa
pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang
demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito
bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo
Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko. Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng
noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa gitna ng
lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng
Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong
kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon Hunyo 30,
2004.
Joseph Estrada
(1998-2001)

Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak 19 Abril 1937), na mas kilala bilang Joseph
Ejercito Estrada, o Erap ang ika-13 Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001. Siya
ay nahalal na Mayor o Alkalde ng Maynila noong 13 Mayo 2013.
Siya ay isang dating aktor at nagsilbi bilang alkalde ng San Juan, senador at pangalawang
pangulo bago naging pangulo ng Pilipinas noong 1998. Siya ay napatalsik sa pagkapangulo
noong 2001 matapos akusahan ng korupsiyon na humantong sa impeachment at
pagpoprotesta ng mga tao sa tinatawag na "EDSA II". Siya ay nahatulang nagkasala sa kaso
ng pandarambong at nahatulan ng Reclusion perpetua. Siya ay humiling ng kapatawaran at
pinatawad ni Gloria Arroyo noong 2007.

Si Joseph Estrada ay ipinanganak noong 19 Abril 1937 sa Tondo, Maynila kina Emilio
Ejercito, Sr., na isang Inhinyeriya|inhinyero at Maria Marcelo. Siya ay pinatalsik sa kanyang
mga pag-aaral na pang-primarya sa Ateneo de Manila University at kalaunang pumasok sa
kursong inhinyerya sa Mapua Institute of Technology. Huminto sa pag-aaral si Estrada sa
kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya
ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-
comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o
mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na
Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula. Si Estrada ay nagpakasal
kay Dra.Loi Estrada Lusa "Loi" Pimentel Estrada at nagkaroon ng 3 anak: sina Jinggoy
Estrada, alkalde ng San Juan (19922001) at Senador (2004), Jackie Ejercito (na ikinasal
kay Beaver Lopez na anak ng Meralco chairman Manuel Lopez) at Jude Ejercito. Si Estrada
ay may lima pang ibang mga anak sa ibang mga babae: sina JV Ejercito]], Jojo Ejercito sa
dating modelong si Joy Rowena, si Jerika, Jake at Jacob Ejercito sa dating aktres na si
Laarni Enriquez. Si Estrada ay kapatid ng aktor na si George Estregan at tiyuhin ng aktor na
si Gary Estrada.
Fidel Ramos
(1992-1998)

Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak 18 Marso 1928) ay ang ikalabing-


dalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas(30 Hunyo 1992 30 Hunyo 1998).
Sa ilalim ni Ferdinand Marcos, siya ay inatasan na maging pinuno ng Philippine
Constabulary noong 1972, hepe ngIntegral National Police noong 1975, at pangalawang
pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981.
Sa ilalim ni Corazon Aquino, siya ay nagsilbing chief of staff ng Sandatahang Lakas ng
Pilipinas at kalaunang Kalihim ng Pambansang Pagtatanggol.
Siya ay nahalal na Pangulo ng Pilipinas noong 1992.

Isinilang siya noong 18 Marso 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak
nina Narciso Ramos at Angela Valdez.
Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin
siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Masters in Business
Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry
training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia.
Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader
ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam.
Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang
komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Kabilang sa mga medalya at
parangal na natanggap niya bilang sundalo ang Philippine Legion of Honor, ang Gold Cross,
ang Philippine Military Merit Medal, ang United StatesLegion of Merit, ang French Legion
of Honor at ang U.S. Military Academy Distinguished Award.
Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.
Corazon Aquino
(1986-1992)

Si Mara Corazn Sumulong Cojuangco-Aquino (ipinanganak bilang Mara


Corazn Sumulong Cojuangco) (25 Enero 1933 1 Agosto 2009[2]) na lalong mas kilala
sa palayaw na Cory ay ang ikalabing-isang Pangulo ngRepublika ng Pilipinas at kauna-
unahang babaeng naluklok sa nasabing pwesto (25 Pebrero 1986 30 Hunyo 1992).
Tinagurian siyang Ina ng Demokrasya dahil sa pagsuporta niya sa pagpapanumbalik ng
demokrasya saPilipinas. Ipinanganak siya sa Tarlac nina Jose Cojuangco Sr. at Demetria
Sumulong. Nakapag-aral siya sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang
Pranses. Siya ay kabiyak ni Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. , ang pinaslang na lider ng
oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa
pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong 25
Pebrero 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa. Siya ay ina ng artistang si Kris
Aquino at ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas na si Benigno Aquino III. Pumanaw siya
noong 1 Agosto 2009 at inlibing noong ika-5 ng Agosto.

Si Mara Corazn "Cory" Sumulong Cojuangco ay ipinanganak noong 25 Enero 1933


sa Paniqui, Tarlac at ikaapat na anak nina Jos Cojuangco, Sr. at Demetria Sumulong. Ang
kanyang mga kapatid ay sina Pedro, Josephine, Teresita, Jose, Jr. at Maria Paz. Ang
kanyang ama ay isang kilalang negosyante sa Tarlac at politiko at apo sa tuhod ni Melecio
Cojuangco na kasapi ng Kongreso ng Malolos. Ang kanyang ina ay mula sa maimpluwensiya
sa politikang pamilyang Sumlong ng Rizal. Ang isang kasapi ng kanilang angkang si Juan
Sumulong ay tumakbo laban kayManuel L. Quezon noong 1941. Si Aquino ay nagtapos sa St.
Scholastica's College sa Manila sa kanyang elemetaryang edukasyon at lumipat sa
Assumption Convent sa unang taon ng mataas na paaralan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang
kolehiyo dito. Siya ay tumungo sa Mount Saint Vincent sa New York City kung saan
nagmajor saMatematika at Wikang Pranses. Siya ay nagboluntero para sa pangangampanya
ni United States Republican presidential candidate Thomas Dewey laban sa Pangulo ng
Estados Unidos Harry S. Truman noong 1948 halalang Pagkapangulo. Pagkatapos ng
kolehiyo ay bumalik sa Pilipinas upang mag-aral ng Batas sa Far Eastern University na pag-
aari ng mga in-law ng kanyang kapatid na si Josephine Reyes. Siya ay nag-aral ng isang
taon. Pinakasalan niya si Sen. Ninoy Aquino na anak ng dating Ispiker na si Benigno S.
Aquino, Jr.. Sila ay nagkaroon ng limang anak: Mara Elena (ipinanganak noong 18 Agosto
1955), Aurora Corazn (ipinanganak noong 27 Disyembre 1957), Benigno Simeon
III(ipinanganak noong 8 Pebrero 1960), Victoria Elisa (ipinanganak noong 27 Oktubre
1961) at Kristina Bernadette (ipinanganak noong 14 Pebrero 1971).
Ang kanyang asawang si Ninoy Aquino ay kasapi ng Partido Liberal at naging pinakabatang
gobernador sa bansa at kalaunang pinakabatang senador sa Senado ng Pilipinas noong
1967. Si Corazon ay nanatiling isang may bahay sa buong karera sa politika ng kanyang
asawa. Si Ninoy ay naging isang nangungunang kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos. Si
Ninoy ay pinaniniwalang malakas na kandidato laban kay Marcos sa halalan ng
pagkapangulo noong 1973. Dahil ipinagbabawal sa Saligang batas ng Pilipinas ang ikatlong
termino para kay Marcos, nagdeklara ng Martial Law sa Marcos noong 21 Setyembre 1972 at
binuwag ang Saligang Batas ng 1935 na nagpatagal sa kanyang pagluklok sa pagkapangulo.
Dahil sa Martial Law, si Ninoy ang isa sa mga bumabatikos na ipinabilanggo ni Marcos at
hinatulan ng kamatayan. Noong 1978, nagpasyang tumakbo si Ninoy sa 1978 halalan ng
Batasang Pambansa. Noong 1980, dahil sa pamamagitan ni PangulongJimmy Carter ng
Estados Unidos, pinayagan ni Marcos si Ninoy na tumungo sa Estados Unidos kung saan
siya nagpagamot para sa kanyang karamdaman sa puso habang nasa bilangguan. Ang
pamilya Aquino ay tumira sa Boston. Noong 21 Agosto 1983, nagpasya si Ninoy na bumalik
sa Pilipinas nang hindi kasama ang kanyang pamilya.
Ferdinand Marcos
(1965-1986)

Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos (11 Setyembre 1917 28 Setyembre 1989) ay


ang ika-10 Pangulo ngRepublika ng Pilipinas mula 30 Disyembre 1965 25 Pebrero 1986.
Siya ay isang abogado at nagsilbing kasapi ngKapulungan ng mga Kinatawan ng
Pilipinas mula 1949 hanggang 1959 at kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959 hanggang
1965 bago naging Pangulo ng Pilipinas noong 1965 para sa apat na taong termino. Sa
kanyang unang termino, sinimulan ni Marcos ang paggugol sa mga gawaing pampubliko
kabilang ang pagtatayo ng mga lansangan, tulay, mga health center at mga eskwela.
Kanyang napanatili ang kanyang kasikatan sa kanyang unang termino at noong 1969 ay
muling nahalal bilang pangulo para sa ikalawang 4 na taong termino. Gayunpaman, ang
kasikatan ni Marcos bilang pangulo ay bumagsak sa kanyang ikalawang termino. Ang
pagbatikos kay Marcos sa kanyang ikalawang termino ay nagmula sa panlilinlang sa
kanyang 1969 kampanya at talamak na korupsiyon sa pamahalaan. Nagkaroon din ng isang
pangkalahatang kawalang kasiyahan ng mga mamamayan dahil ang populasyon ay patuloy
na mabilis na lumalago kesa sa ekonomiya na nagsanhi ng mas mataas na kahirapan at
karahasan. Ang NPA ay nabuo noong 1969 at ang MNLF ay nakipaglaban para sa
pakikipaghiwalay sa Pilipinas ng Muslim Mindanao. Sinamantala ni Marcos ang mga ito at
ang ibang mga insidente gaya ng mga pagpoprotesta ng mga manggagawa at mga
estudyante at pambobomba sa mga iba't ibang lugar sa bansa upang lumikha ng isang
kapaligiran ng krisis at takot na kanyang kalaunang ginamit upang pangatwiranan ang
kanyang pagpapataw ng Batas Militar o Martial Law. Sa panahong ito, ang popularidad ni
Senador Benigno Aquino Jr. at ng oposisyongPartido Liberal ay mabilis na lumago. Sinisi ni
Marcos ang mga komunista para sa nakakahinalang pambobomba ng rally ng partido
Liberal sa Plaza Miranda noong 21 Agosto 1971. Ang isang isinagawang pagtatangkang
pagpaslang sa kalihim ng pagtatanggol ni Marcos na si Juan Ponce Enrile ang isang
dahilang ibinigay ni Marcos upang ipataw ang Martial Law ngunit ito ay kalaunang inamin
ni Enrile na peke. Noong 23 Setyembre 1972 ay idineklara ni Ferdinand Marcos ang Batas
Militar o Martial Law at binuwag ang Kongreso ng Pilipinas na nag-aalis ng tungkulin sa
mga senador at kinatawan. Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ng
kapangyarihang lehislatibo o paggawa ng batas si Marcos. Noong 1973, pinalitan
ang Saligang Batas ng Pilipinas ng 1935 ng isang bagong Saligang Batas at si Marcos ay
nagmungkahi ng mga amiyenda sa bagong Saligang Batas na pinagtibay noong 1976 na
nagbibigay sa kanya ng kapangyarihan na magpapatuloy na magsanay ng mga
kapangyarihan sa ilalim ng 1935 Saligang Batas at ng lahat ng mga kapangyarihang
ipinagkaloob sa Pangulo at Punong Ministro ng 1973 Saligang Batas gayundin ng mga
kapangyarihang paggawa ng batas hanggang sa iangat ang Batas Militar. Sa ilalim ng Batas
Militar ipinabilanggo ni Marcos ang mga 30,000 politikong oposisyon, mga bumabatikos na
mamamahayag at mga aktibista kabilang si Senador Benigno "Ninoy" Aquino. Mula
1973, ginawang pag-aari ng pamahalaan ni Marcos ang mga pribadong negosyo at naging
pag-aari ni Marcos o ibinigay sa kanyang mga crony o kamag-anak. Itinatag ni Marcos
ang kapitalismong crony at mga monopolyo sa mga mahahalagang industriya gaya ng buko,
tabako, saging, pagmamanupaktura, asukal at iba pa na nagbigay ng malaking pakinabang
sa kanyang mga crony. Si Marcos ay mabigat na umutang sa dayuhan na umabot ng 28
bilyong dolyar noong mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986 mula kaunti sa 2 bilyong
dolyar noong maluklok si Marcos bilang pangulo noong 1965. Kanyang hinirang ang mga
opiser ng militar upang mangasiwa sa ilang mga korporasyon at inutos niyang kontrolin ng
militar ang lahat ng mga pampublikong utilidad at media. Ang mga hukumang sibilyan ay
inalisan ni Marcos ng kapangyarihan at autonomiya. Ang mga sahod ng mamamayan ay
nangalahati at ang pambansang sahod ng Pilipinas na hinahawakan lamang ng
pinakamayamang 10 porsiyento ng populasyon ng Pilipinas ay tumaas mula 27 % to
37%.[2] Ang kritiko ni Marcos na si Benigno Aquino, Jr. ay natagpuang nagkasala ng
hukumang militar ng pagpapabagsak ng pamahalaan ni Marcos noong 1977 at hinatulan ng
parusang kamatayan. Nagkaroon ng sakit sa puso si Aquino habang nakabilanggo at pinili
ni Aquino na tumungo sa Estados Unidos sa halip na gamutin ng mga doktor na nag-
atubiling masangkot sa kontrobersiya. Upang makamit ni Marcos ang pag-endorso
ng Papa na dumalaw noong Pebrero 1981 at Simbahang Katoliko sa kanyang rehime,
inangat ni Marcos ang Martial law noong 17 Enero 1981 bagaman ang lahat ng mga
kautusan at atas na inilabas noong Martial Law ay nanatiling may bisa. Ang isang bagong
halalan ay idinaos noong 1981 kung saan nanalo si Marcos ng isa pang anim na taong
termino bilang pangulo. Pagkatapos ng tatlong taon, bumalik si Ninoy Aquino sa Pilipinas
noong 21 Agosto 1983 kung saan siya pinaslang sa ng paliparan na kalaunang tinawag
na Ninoy Aquino Intenational Airport. Natagpuan ng komisyong hinirang ni Marcos na ang
sabawatang militar ang nasa likod ng pagpaslang kay Ninoy ngunit mga nasangkot na
kasapi ng militar kasama si Fabian Ver ay pinawalang sala sa isang paglilitis ng pamahalaan
ni Marcos. Ang kamatayan ni Aquino ang nagtulak sa kanyang balong si Corazon Aquino na
tumakbo sa 1986 snap election laban kay Marcos. Ang mga iniulat na pandaraya ng kampo
ni Marcos sa 1986 halalan at mga karahasan ay humantong sa pagbibitiw ng kalihim ng
pagtatanggol na si Juan Ponce Enrile at military vice-chief of staff Fidel Ramos. Ito ay
humantong sa Himagsikang People Power na nilahukan ng mula isang milyon hanggang 3
milyong katao noong 1986 dahil sa kawalan ng pagtitiwala ng mga mamamayan sa
pamumuno ni Marcos. Ito ay nagtulak kay Ferdinand Marcos at kanyang pamilya na
lumikas sa Hawaii, Estados Unidos kung saan siya namatay noong 1989. Sinasabing mula 5
bilyon hanggang 10 bilyong dolyar ang nakamkam ni Marcos mula sa kabang yaman ng
Pilipinas sa 20 taon niyang panunungkulan. Ang mga 4 bilyong dolyar lamang ang
nagawang mabawi ng pamahalaan ng Pilipinas kabilang ang $684 milyon na itinago ni
Marcos sa mga Swiss bank account.
Diosdado Macapagal
(1961-1965)
Si Diosdado Pangan Macapagal IPINANGANAK NOONG 28 Setyembre 1910 NAMATAY
NOONG

21 Abril 1997 ang ikasiyam na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (30 Disyembre 1961-30
Disyembre 1965). Siya ay ama ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin sa
Pilipinas. Inilunsad niya agad ang programa sa dekontrol.Ibig sabihin, wala nang limitasyon
sa importasyon at palitan ng piso sa dolyar. Bilang pag-alinsunod sa kahilingan ni
Macapagal, ang Kodigo ng Repormang Panlupa, ay ipinasa ng Kongreso. Ito ay nilagdaan ni
Macapagal noong Agosto 8, 1963 upang maging ganap na batas. Sa ilalim ng
Administrasyon ni Macapagal ay nalipat ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12
sa halip Hunyo 4 Tinawag na lamang na Araw ng Pagkakaibigan ng mga Pilipino at
Amerikano ang Hunyo 4.

Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya
ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong 28
Setyembre 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan
at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-
Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa
politika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay
presidente.
Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging
pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo,
ang sumunod na Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo
Macapagal , at Diosdado Macapagal, Jr.
Carlos P. Garcia
(1957-1961)
Carlos Polistico Doi Garcia (1896-1971), Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1957
hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol
sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina
Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman
Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa
Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang
politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan
(Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging
gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942,
at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng
mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano
sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado. Noong 1953 si Garcia ay
nanombrahan bilang Bise Pangulong na kabilang sa Tiket Nasyonalista na
pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa
isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang
mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng
Suliraning Panlabas.
Ramon Magsaysay
(1953-1957)

Si Ramn' '"Monching" del Fierro Magsaysay (31 Agosto 1907 17 Marso 1957) ay ang
ikapitong Pangulo ngRepublika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na
nagsilbi hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong
kanyang sinasakyan.
Siya ay isinilang sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto, 1907 kina Exequiel
Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal
College (na ngayon ay kilalang Pamantasang Jose Rizal).
Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago
magdigmaan. Nang bumagsak ang Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa
Kanlurang Luzon" at pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26
Enero 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang pamunuan
ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at
naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at
naging ikatlong pangulo ng Pangatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang
pangulo ay si Carlos P. Garcia.
Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang
pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis
Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa
kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya".
Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng
Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan
niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral.
Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong
kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17
Marso 1957.
Elpidio Quirino
(1948-1953)
Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang
ikaanim na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Abril 17, 1948-Disyembre 30, 1953).
Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino
at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the
Philippines) noong 1915. Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng
Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional
Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa
bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948. Kinaharap ng
administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang
Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli
niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.
Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya
sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.
Manuel Roxas
(1946-1948)
Si Manuel Acua Roxas (1 Enero 1892 15 Abril 1948) ay ang
ikalimang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (28 Mayo 1946 15 Abril 1948).
Isinilang si Roxas noong 1 Enero 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay
mamatay, ang lalawigang Capiz ngayon ay lalawigang Roxas. Sina Gerardo Roxas at Rosario
Acua ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas
(University of the Philippines) noong 1912 at naging topnotcher sa Bar Exams. Nag-umpisa
siya sa pulitika bilang Piskal Panlalawigan. Nagsilbi sa iba't-ibang kapasidad sa ilalim
ngPamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of
Representatives at sa sumunod na taon ay naging Speaker of the House. Pagkatapos
maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly,
nagsilbi (19381941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel
Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng
mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya.
Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang
pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni
Heneral Douglas MacArthurkasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga
Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J.
Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal
ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay
politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong 23 Abril
1946 laban kay Sergio Osmea. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga
nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong 15 Abril 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya
ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados
Unidos sa Clark Air Base wala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio
Quirino.
Sergio Osmena
(1944-1946)
Si Sergio Osmea y Suico (Setyembre 9, 1878 Oktubre 19, 1961), higit na kilala ngayon
bilang Sergio Osmea, Sr. ay ang ikaapat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Agosto 1,
1944 Mayo 28, 1946). Siya ang ama ni dating Senador Sergio Osmea Jr. at lolo nina
Senador Sergio Osmea III, John Osmena, dating Gobernador Lito Osmena ng Cebu at
Mayor Tomas Osmena. Isinilang siya noong Setyembre 9, 1878 sa Lungsod ng Cebu. Si
Osmea ay nanguna sa mga nagtapos ng primarya sa kanyang paaralan. Nag-aral ng
sekundarya sa Seminario ng San Carlos sa Cebu. Nagtungo siya sa Maynila at nag-aral sa
San Juan de Letran, kung saan nakilala niya si Manuel L. Quezon. Nang sumiklab ang
rebolusyong Pilipino noong 1896, bumalik sa Cebu si Osmea. Ipinadala siya ng lokal na
liderato ng Cebu para ibalita kay Emilio Aguinaldo ang sitwasyon sa Cebu. Noong 1900,
naging tagapag-lathala at patnugot siya ng pahayagang El Nuevo Dia. Nagbalik siya sa
Maynila para mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Sto. Tomas, kung saan ay muli silang
nagkita ni Quezon. Noong 1903, siya at ang kanyang mga kamag-aral ay pinahintulutan ng
Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na kumuha ng eksamen sa bar kahit tatlong taon pa
lamang ang kanilang natapos. Si Osmea ay pumangalawa sa naturang eksamen sa bar.
Jose Laurel
(1943-1945)

Si Jos Paciano Laurel y Garca (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay ang ikatlong
Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Oktubre 14, 1943-Agosto 17, 1945) sa ilalim ng mga
Hapon mula 1943 hanggang 1945. Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9,
1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong
1915. Pagkatapos ay, Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging
Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang
Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim
ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing
pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa
sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan
ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959,
namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.
Manuel L. Quezon
(1935-1944)

Si Manuel Luis Quezon y Molina (19 Agosto 1878 1 Agosto 1944) ay ang
ikalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre 1935 1 Agosto 1944). Siya
ang kinilala bilang ikalawang pangulo ng Pilipinas, kasunod niEmilio Aguinaldo (na ang
administrasyon ay hindi kinilala ng ibang bansa sa mga panahong iyon at hindi kinilala
bilang unang pangulo sa mga kapisanang internasyunal).

Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler, sa lalawigan ng Tayabas (tinatawag na


ngayong Aurora) noong 19 Agosto 1878. Ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M.
Quezon. Anak siya nina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina, kapwa mga guro. Nagtapos
siya ng pag-aaral mula sa Colegio de San Juan de Letran noong 1893. Bilang isang binata,
nakilahok siya sa pag-aalsa laban sa mga Kastila. Nakipaglaban din siyang kasama ng mga
Pilipinong Nasyonalista sa panahon ng Digmaang Pilipino-Amerikano, bilang katulong ni
Emilio Aguinaldo. Naipakulong siya dahil sa gawaing ito. Makaraang palayain, nanumpa
siya ng katapatan sa Estados Unidos.
Naging manananggol si Quezon sa Baler. Noong 1906, nahalal siya bilang gobernador ng
lalawigan ng Tayabas, ngunit nagbitiw upang makapangampanya para sa Asambleya ng
Pilipinas, kung saan nakamit niya ang pagiging pinuno ng Asambleya. Mula 1909 hanggang
1916, nagsilbi si Quezon sa Estados Unidos bilang naninirahang komisyonero para sa
Pilipinas. Sa panahong ito naipasa ang Batas Jones (Jones Act), nagtatanggal sa Komisyon
sa Pilipinas ng Estados Unidos at nagbibigay ng mas mataas na antas ng pamamahala sa
mga Pilipino. Dahil dito, itinuring na bayani si Quezon nang muli siyang magbalik sa
Pilipinas.
Sa sumunod na dalawang taon, naglingkod siya bilang pangulo ng Senado ng Pilipinas.
Noong 1935, nanalo si Manuel L. Quezon sa unang halalan ng pagkapangulo ng Pilipinas sa
ilalim ng bagong Komonwelt ng Pilipinas, laban kina Emilio Aguinaldo at Obispo Gregorio
Aglipay. Muli siyang nahalal noong 1941.
Pagkaraan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas sa panahon ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, tumakas siya papuntang Australya, at pagkaraan nagtuloy sa Estados Unidos.
Sa dalawang bansang ito niya pinamunuan ang pamahalaan ng Pilipinas habang malayo sa
bansa.Nagkasakit ng tuberkulosis si Quezon at namatay sa Saranac Lake, Franklin
Country, New York noong 1 Agosto 1944 sa edad na 66.[1] Unang inilibing ang kanyang labi
sa Arlington National Cemetery. Pagkaraan, ang kanyang labi ay inilibing muli sa Maynila,
sa Manila North Cemetery at inilipat sa Lungsod Quezon sa loob ng monumento saQuezon
Memorial Circle.
Ipinangalan sa kaniya ang Lungsod ng Quezon sa Kalakhang Maynila at ang lalawigan
ng Quezon.Siya rin ay tinawag bilang 'Ama ng Wikang Pambansa'
Emilio Aguinaldo
(1898-1901)

Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869Pebrero 6, 1964) ay isang Pilipinong heneral,
pulitiko at pinuno ng kalayaan, ay ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Enero 20,
1899Abril 1, 1901). Isa siyang bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas.
Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang
magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng
Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang
kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados
Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados
Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899
hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901,
makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados
Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas
ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa
halalan ni Manuel Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa
Konseho ng Estado ng Pilipinas. Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.
Benigno Noynoy Simeon Cojuangco Aquino III
(2010-2016)

Si Benigno Noynoy Simeon Cojuangco Aquino III ay isinilang noong ika-8 ng Pebrero
taong 1960 sa Manila. Siya ay ang pangatlo at ang tanging lalaki sa limang supling
nina Benigno Aquino, Jr, na Bise Gobernador ng Tarlac noon, at Corazon Aquino, ang
kauna-unahang babaing naging presidente ng Pilipinas. Siya ay may apat na kapatid na babae,
sina Maria Elena (Ballsy) Aquino-Cruz, Aurora Corazon (Pinky) Aquino-Abellada, Victoria Eliza
(Viel) Aquino-Dee, at Kristina Bernadette Aquino-Yap (Kris). Noong 1965 hanggang 1981, siya
ay nag-aral sa Ateneo de Manila Universtity mula elementarya hanggang kolehiyo. Noong
1981, si Noynoy ay nagtapos sa Ateneo de Manila University ng Bachelors Degree in
Economics. Pagkatapos noon, sinamahan niya ang kanyang pamilya sa Newton,
Massachusetts upang lumayo sa magulong pamamahala sa Pilipinas ng regimeng Marcos.
Noong 1983, pagkatapos ng dalawang taong pananatili sa Estados Unidos, bumalik si Noynoy sa
Pilipinas kasama ng kanyang pamilya kasunod ng asasinasyon sa kanyang amang si Ninoy
noong Augusto 21, 1983. Nagkaroon siya ng maiksing panunungkulan at miyembro
ng Philippine Business for Social Progress, bilang assistant of the executive director of
PBSP. Pagkatapos noon, siya ay naging assistant Retail Sales Supervisor sa Mondragon
Industries Philippines, Inc atAssistant Promotions Manager ng Nike Philippines, Inc.
Mula 1986 hanggang 1992, habang presidente ng Pilipinas ang kanyang inang si Cory Aquino, si
Noynoy ay naging bise president ng Intra-Strata Assurance Corporation, kumpanya ng
kanyang tiyuhing si Antolin Oreta Jr.Noong Augusto 28, 1987, na ikalabing-walong buwang
panunungkulan ng dating pangulong si Corazon Aquino, si Noynoy ay nabaril sa gitna ng bigong
rebelyon sa Malacaang Palace na pinamunuan ni Gregorio Honasan. Tatlo sa kanyang apat na
tauhan ang namatay at isa ang sugatan sa pagliligtas sa kanya. Limang bala ang tumama kay
Noynoy, at isa roon ay nakatatak pa sa kanyang leeg.
Noong 1993 hanggang 1998, nagtrabaho si Noynoy sa Central Azucarera de Tarlac, na pag-
aari ng kanyang pamilya-Cojuangco sa Hacienda Luisita bilang assistant for
administration mula 1993 hanggang 1996, pagkatapos noon siya ay naging manager for field
services mula 1996 hanggang 1998.
Kasunod ng pagkamatay ng kanyang inang si dating presedente Corazon Aquino noong Augusto
1, 2009, maraming Pilipino ang nag-udyok sa kanya na tumakbo bilang president. At noong
Septembre 9 taong ding iyon, inanunsiyo ni Noynoy na siyat tatakbo bilang pangulo sa halalang
2010, na nangyari noong May 10, 2010.
Dahil maraming Pilipino ang naniniwala at nagmamahal sa kanya, siya ay nanalong presidente
at iprinoklama noong June 9, 2010 ng Kongreso ng Pilipinas.
Noong Hunyo 30, 2010, siya ay nanumpa bilang ika-15th presidente ng Pilipinas, sa
Quirino Grandstand sa Rizal Park, kapalit ni Gloria Macapagal Arroyo.
Siya ay mas kilala ngayon bilang Noynoy Aquino o PNoy (maiksing pantawag katumbas ng
President Noynoy). Si Noynoy ay ikaapat sa kanyang henerasyon na pumasok bilang politico;
and kanyang ninunong si Servillano Mianong Aquino ay naging delegado ng Kongreso ng
Malolos, ang kanyang lolo na si Benigno Aquino, Sr. ay nanungkulan mula 1919 hanggang 1944
sa lehislatibong posisyon at ang kanyang mga magulang na sina Benigno Aquino, Jr.
atCorazon Aquino ay naging myembro ng Partido Liberal.
Rodrigo Rody Roa Duterte
(2017-)

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ipinanganak noong ika-28 ng Marso taong 1945. Siya ay isang
Pilipinong abogado, politiko, at ang ika-16 at kasalukuyang Presidente ng Pilipinas. Kilala rin
siya sa pangalang Digong, Siya ang unang pangulo mula sa Mindanao at ang pinakamatandang
naging presidente sa kasaysayan ng Pilipinas sa edad na 71 (dating rekord na hawak ni Sergio
Osmea sa edad na 65).

Nag-aral si Duterte ng Political Science sa Lyceum of the Philippines University at nagtapos


noong taong 1968. Tinapos naman niya ang kanyang abogasiya noong taong 1972 sa San Beda
College of Law. Pagkatapos nito ay nagtrabaho siya bilang abogado at taga-usig ng Davao City,
isa sa pinakamalaking lungsod ng Pilipinas. Si Duterte ay naging bise mayor ng Davao City bago
naging alkalde ng lungsod noong 1986. Isa siya sa mga alkalde ng Pilipinas na may
pinakamahabang nagugol sa serbisyo, umabot ito ng pitong termino at higit na 22 na taon.

Noong May 9, 2016, nanalo si Duterte sa halalan bilang pagkapangulo. Nakakuha siya ng
39.01% ng mga boto laban sa katunggali na si Mar Roxas mula sa Liberal party. Sa kanyang
kampanya, ipinangako niyang mababawasan ang krimen sa pamamagitan ng pagpatay sa libu-
libong mga kriminal. Ang kanyang domestic policy ay nakatutok sa paglaban sa iligal na droga
sa pamamagitan ng pagtugis sa mga pinaghihinalaang nagbebenta at gumagamit ng droga.
Noong Abril 2017, tinatayang higit 7,000 katao ang namatay mula sa mga lehitimong operasyon
ng pulisya atvigilante-style killings. Si Duterte na binansagang "The Punisher" ng Time
magazine, ay iniuugnay rin ng Amnesty International at Human Rights Watch sa ekstrahudisyal
na pamamaslang sa higit 1,400 na pinaghihinalaang kriminal gamit ang vigilante death
squads sa panahong ito ay alkalde pa ng Davao.

You might also like