Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Social poems

Social Poems is a dramatic poetry which tackles social issues and can be a highly effective tool
in portraying one's take on societal issues, with an aim to bring awareness and bring about
positive change. Some of the best topics to write social issue poetry about are: education, drugs,
crime, racism, population control, government, neglect, abuse, war (political, religious, societal),
sexism, violence, censorship, welfare, eating disorders, same-sex marriage and disease.
Social Poems is a poetry written to express the people's emotions, thoughts and beliefs about the
society. It is filled with ideas and imaginative awareness of experience or situations which has
the ability to influenced anyone who would read it. Through social poems, we seek the truth
about life. It could also be to express the desire to change the society, or to improve what they
couldn't do. This poetry helps everyone to have a chance to speak out their minds and fight what
they think is right. This was written for them to be reminded about humanity.

Tumatayog, lumalawak ang mga bilding at resort

Habang naninila ang mga turista,


negosyanteng Amerkano,
Hapones, Aleman,
luwa-matang nananagpang
ng abubot
at tanawing katutubo
bukod pa sa likas na yaman ng bayan,
may tulirong inang nag-alok ng sanggol,
ng sariling sanggol,
sa Ermita, dahil ayaw
na ang kanyang bunso'y dilat na tupukin
ng apoy ng lagnat.

At nagtatayugan, nangagsisilawak
ang commercial complex, ang hotel at resort,
ang convention center.

Palotsinang kahon, kalawanging pala na sinunung-


sunong ay tumapon
nang ang sintusinto'y tumpok ng basahan,
tumpok ng basahang
masagasa
ng itim na kotse sa Welcome Rotunda;
samantala, sa Batasan
ay nagbabangayan sa piling pusisyon
ang sandakot
na de-susing pulitiko.

At nagtatayugan, nangagsisilawak
ang commercial complex, ang hotel at resort,
ang convention center.

Sa Constitution Hillkapirasong lungaw


na pinagtapunan sa nakararaming ayaw bigyang-puwang sa bayang
sarili, tambakang ang laging nangagbabangkete't
nabubundat ay ang mauugong na bangaw at langaw
may gusgusing ingkong,
lupagi sa lupang sahig-barumbarong,
na nakitang
ngumangatngat nang tulala
sa bituka'y atay ng bangkay ng apong namatay sa gutom.

At nagtatayugan, nangagsisilawak
ang commercial complex, ang hotel at resort,
ang convention center.

Pinatalsik
ng poong-maylupa sa asukarera,
o tulad ng kapwa dustang magbubukid
ay kinulimbatan ng tahana't lupa
ng isang higanteng dayong korporasyon;
katutuntong lamang sa lubak ng lunsod
magbuhat sa dawag ng iniwang baryo;
walang ipakai't makain ay wala,
isang ama ang naghampas
ng ulo ng anak sa pader ng Recto
habang hawak-hawak ang dalawang paa.

At nagtatayugan, nangagsisilawak
ang commercial complex, ang hotel at resort,
ang convention center.

Sa liyab ng sunog sa isang pabrika sa South Diversion


Road,
mga manggagawa'y pilit kinapkapan
bago palabasin;
maraming nagasak;
maraming nasawi, tigmak pa ng pawis,
nang mangagsitalon mula sa mataas na mga palapag,
at ang inilimos ng kapitalista
ng kapitalistang ayon sa dekreto'y bawal
pagwelgahan
ay hindi pa maibili ng abang kabaong.

At nagtatayugan, nangagsisilawak
ang commercial complex, ang hotel at resort,
ang convention center.

You might also like