Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Kalupi

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-
barong upang mamalengke. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay
tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas
na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng
pagpapaaral ay dumating na. Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay
hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Nang dumating siya sa
panggitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng
isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata
ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.

Ano ka ba? bulyaw ni Aling Marta. Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!

Pasensya na kayo, Ale, sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na supot na naglalaman ng
tigbebente habang takot siyang nakatingin kay Aling Marta. Hindi ko ho sinasadya. Nagmamadali
ho ako, e.

Pasensya! sabi ni Aling Marta.

Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok sa palengke. Dumating siya sa tindahan ng


tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang
bestida upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi at napansin ng kaharap ang kanyang anyo.

Bakit ho? tanong nito.

Ha?! Nawawala ho ang aking pitaka, sagot ni Aling Marta.

Eh, magkano ho naman ang laman?

Eh, sandaan at sampung piso ho.

Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang
nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo
ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at
binatak ang kanyang leeg.

Nakita ring kita! ang sabi niyang habang humihingal. Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano?
Huwag kang magkakaila!

Ano hong pitaka? Wala ho akong kinuha sa inyong pitaka.

May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos
sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod.

Iho ano ang pangalan mo? ang tanong niya sa bata.

Andres Reyes po.

Saan ka nakatira? ang muling tanong ng pulis.

Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inuutusan lang ho niya
akong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.

Naalala ni Aling Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay
naiinip na sa pag hihintay.

Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka? ang tanong ng pulis kay Aling Marta.
Siya ho at wala ng iba, ang sagot ni Aling Marta.

Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito? mabalisik na tanong ng pulis sa bata. Magsabi ka
ng totoo, kung di ay dadalhin kita.

Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya, sisiguk-sigok na sagot ng bata. Maski kapkapan
ninyo ko nang kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.

Tumindig ang pulis, Hindi ho natin karakarakang madadala ito ng walang ebidensya.
Kinakailangang kahit paanoy magkakaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang
dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?

Tinamaan ka ng lintik na bata ka! Sabi niyang pinanginginigan ng laman. Ang bisig nito ay halos
napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod.

Aaaaah Napahiyaw ang bata sa sakit.

Halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matigas na bisig ni Aling
Marta. Siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang habas na tumakbo, patungo
sa ibayo ng maluwag na daan.

Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na
sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid. Wala siyang makita kundi ang
madidilim na anino ng mga mukang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi
siya makapag- angat ng paningin. Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat ito ng paningin at
ang mga mata ay ipinako sa maputlang muka ni Aling Marta.

Maski kapkapan nyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin. sabing pagatul-gatol na nilalabasan
ng dugo sa ilong. Hindi ko po kinuha ang iyong pitaka!

Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng isang naroon ay marahan
itong napailing. Patay na naisaloob ni Aling Marta sa kanyang Sarili.

Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo, Matabang na nagsabi ang pulis sa kanya.

Makaka alis na po ako? Tanong ni Aling Marta.

Maari na sabi ng Pulis.

Naalala nya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay nai- uwi
na. Tanghali na sya ay umuwi.

Sang ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay? tanong ng kanyang anak.

E. . . e, Hindi magkantuntong sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan ang mag-ama.

Ngunit, Marta,ang sabi ng kanyang asawa, Eh, naiwan ang iyong pitaka ditto. Kanina, bago ka
umalis ay kinuha ko iyon sa bestida mo at kumuha ako ng pambili ng Tobacco. Pero, nakalimutan
kong isauli. Saan ka kumuha ng ipangbili mo niyan?

biglang-bigla, anakiy kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan
ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang
mahina at gumagaralgal na tinig nito; Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa kin.
Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinanganga-pusan ng hininga at sa
palagay na niya ay umiikot ang buong paligid; at bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay wala
siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawat anak, at ang papaliit na
lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?
- Wakas -

You might also like