Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Sinasabing nagsimula ang modernong panitikang Malay sa mga hikayat , isang akdang

romantiko sa tuluyan. Isa sa mga pangunahing impluwensiya sa pag-unlad ng


modernong kathang Malay ang mga panulat ni Abdullah bin Abdul Kadir Munshi (1797-
1856). Sa kanyang paglalakbay sa arkipelagong Malay, itinala niya ang kanyang mga
personal na obserbasyon atkritisismo ukol sa tradisyonal at kontemporaryong lipunang
Malay. Ang pinagsamang indibidwalismo at realismo sa panulat ni Abdullah ay bago sa
mundo ng panitikang Malay. Bago noon, tanging ukol sa mga makabalaghang prinsipet
prinsesa sa mga makalangit na kaharianang mga namayaning katha. Noong mga 1920-
1930, unang nalathala ang mga nobelat maikling kuwento. Sa simula, walang layuning
pamapanitikan ang mga ito, maliban sa layuning didaktibo o pagkintal ngmabubuting aral.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, umiral ang isang bagong pagmumulat
pampanitikan. Mula sa Unibersidad ng Malaya, nabuo ang samahang Asas 50 na
nagpasiglasa klimang pampanitikan at nagbigay-daan sa diskurso at eksperimentasyong
pampanitikan. Naging islogan ng Asas 50 ang Sining para sa Lipunan. Bagaman
patuloy na sumulat angmga manunulat ukol sa mga suliranin ng lipunan, hindi nila
tinalikuran ang pansining na aspektong pagsusulat. Ang Kuala Lumpur ang naging sentro
ng modernong panitikang Malay noong dekada 60. Hindi nalalayo sa ating Carlos
Palanca Award for Literature, nagbigay-daan ang Dewan Bahasa Dan Pustaka sa
panghihikayat na malimbag at mabigyan ng parangal ang mga kathang batikang
manunulat. Ilan sa mga makabagong manunulat na namumukod-tangi sina Shahnon
Ahmad at si Anwar Ridhwan. Mababanaag sa mga nobela ni Ahmad ang kuwento ng
buhay ng mga magsasaka mula sa isang nagkakaunawaang pananaw at sa paraan
ngpagsasalaysay sa masidhi at makapangyarihan. Sa mga maikling katha ni Ridhwan,
mabisaniyang nagamit ang pamamaraang eksperimental at makabago upang umayon sa
karanasang Malay.
Ang Ikatlong Baytang
Ni Shanon Ahmad

KUNG UMABOT NGA ang mga bagay-bagay sa inabot nga nito gaya ng sabi mo,
Manang, mabuti. Wala nang dapat pag-usapang palitan pa.
Mahihirapang ibaba siya sa hagdang kahoy. Pag nadulas ang tao sa itaas,
madudulas din ang tao sa ibaba. Babagsak ang nanay.
Kailangang maghanda ka ng duyan para upuan ng nanay. Hindi rin naman madali
yang buhatin siya. Lalo na nga ngayong nag-umpisa nang umulan. Marami sa mga pilapil
sa taniman ng palay ang sira na. nagkakalayo-layo nang mga sais hanggang dose piye.
Mapapagod lang ang nanay kung bubuhatin siya hanggang sa main road. At kailangan
mo pang maghintay ng taksi.
Hindi naman pwedeng maghintay lahat ng mga taga-baryo sa ospital. Kailangan
din silang makauwi rin. Maiiwan siyang maghirap mag-isa.
Ikaw na mismo ang kumausap sa nanay. Kung makapagsasalita lang siya, siya na
mismo ang magsasabi sa iyo na hindi niya gustong umalis.
Tama ka. Kung mabubuhay siya, doon na siya magpagaling sa bahay. Kung hindi
naman, doon na siya mamatay sa bahay.
Lahat ay depende na sa Diyos.
Bayaan mo nang sabihin ng tao ang gusto nila. Gagawin natin ang utos ng
relihiyon. Kausapin mo ang mga kamag-anak natin. Pag sinabi nilang hindi na siya
kailangang dalhin sa ospital, huwag na. pag sinabi nilang pakanin siya ng mga ugat na
bigay ni Ingkong Kenali, pakanin mo. Kung ayaw niyang kumain, pakainin mo pa rin.
Huwag kang mahihiya kay Ingkong Kenali. Kung maraming beses mong paiinumin
ng gamut ang nanay at wala naming nangyayari, sabihin mo sa Ingkong. Deretsahan.
Alam niya ang lahat. Tanungin mo siya kung ano ang mabuti mong gawin. Pag sinabe
niyang tawagin mo si Udeng Batang Besar ang Manggagamot sa Dasal, tawagin mo.
Pagsinabi niyang tawagin si Useng Kapak Api, tawagin mo. Pag sinabe niyang tawagin
si Wahab ang nagtuturo ng Dasal, tawagin mo. Pag sinabi niyang tawagin ang
Manggagamot Saad Cik Awang The sa Durian Burung, tawagin mo. Patulong ka kay
Kaseng. Kay Kitol, Kay Cik Awang Dollah.
Pag wala pa ring nangyari, umpisahan mo nang basahin ang kapitulong Yasin ng
Koran. Ilagay mo ang tubig na may asin na nasa bao malapit sa ulo ng nanay. Madali
nang patakan siya sa labi niyon pag gumamit ka ng kapirasong tingting ng
palmerang areca. Maghanda ka ng maraming nganga. Pag tumawag ka ng baging
manggagamot, maghanda ka ng bagong insenso. Kumuha ka ng bagong lagayan ng
tubig. Lagyan mo ng apog ang nganga. At huwag mong kalilimutan ang bayad sa kanya.
Siguraduhin mong parating may hustong pagkain sa kusina. Maraming bibisita.
Siguruhin mong maraming kape. Patulong ka kay Leha na magsangag ng kape. Patulong
kang gilingin iyon. Dapat ay parating puno ang bigasan. Kung hindi, patulong ka kay Kiah,
ang asawa ni Cik Awang Dollah, sa pagtutuyo ng palay. Patulong kang bayuhin iyon.
Maghanda ka rin ng ilang latang biskwit na matigas. At ng tatlo o apat na maskadang
tabakong java. Pabantayan mo kay Kiah ang kanin at ang ulam. Kumuha ng sampung
ekstrang kati ng isang tamban. At sampung kati ng uryo. Ilagay mo sa patungan
salansaran. Pabantayan mo kay Leha ang kape.
Kung hindi husto ang pera, magbili ka ng ilang kabang bigas. Kung hindi pa kasya,
ipagbili mo ang kalabaw na lawit ang sungay. Sa nanay naman iyon e. Ipinamumutol pa
niya iyon ng damo, pinaiinom, at tinatabingan ang bahay niyon. Ingatan mong di
masaktan ang damdamin ng ibang tao gaya ng pag-iingat mo sa pangangatawan ng
Nanay.
Dapat ay ganyan, Manang. Bago namatay ang tatay, humingi siya ng mga bagay
na wala sa panahon. Hindi mo pa siguro nalilimutan. Kaya kung gusto ng Nanay ng
pakwang Thai, patulong ka kay Usup na makakuha niyon. Lagi naman siyang pumupunta
ng Haadyai. Makabibili siya niyon sa Padang Besar o Kodiang. Kung gusto ng nanay ng
prutas ng palmerang kelubi,humingi ka kay Ya Chen. Madalas pumunta ng gubat si Ya
Chen para manghuli ng kalapati. Kung gusto niya ng bendita, mag tanong ka kung sinong
galing sa Mecca at humingi ka ng ilang patak ng uwi nila. Pero kung pilit niyang gustuhing
mamatay sa banal na lugar, deretsahan mong sabihin sa kanya na di natin kaya iyon.
Maiintindihan naman niya. Sa medaling sabi, huwag mong pasasamain ang kanyang
loob, kung meron ka rin lang magagawa. Kung talaga na lang maikli ang buhay niya,
siguraduhin mong mamamatay siyang maligaya. Ayaw naman nating magreklamo siya
sa langit sa ibang araw.
Alagaan mo sana siya, Manang.
Alagaan mo siya gaya ng pag-aalaga natin sa baryo. Kung gusto niyang umuwi
ako, pati ng asawat mga anak ko, sabihin mong deretsahan sa kanya na hindi naming
kaya. Wala kaming pera. Masyadong mahal ang pasahe. Maiintindihan naman niya iyon.
Kung wala ring mangyayari sa tubig na may asin sa bao at sa nganga, umpisahan
mo nang basahin ang Yasin. Huwag kang maghintay nang matagal. Hilingin mo kay
Hamid ang lider sa dasal na dasalin ito: Sa ngalan ni Allah, ang Maawain, ang
Mahabagin. Pagkatapos mo sa kapitulo na iyon, ulitin mo.
Patulong ka kay Jab ang matanda sa Moske. Pagnatapos na siyang magdasal,
ulitin mo ang kapitulo. Huwag ipasa-pasa ang Koran para lang mabasa ng kung sino.
Ipabasa mo sa kanila doon sa kuwarto ni Nanay. Basahin mo ang Yasin sa kanan ng
ulo ng nanay.
Huwag mo siyang iiwan, Manang. Umupo ka sa kaliwang tabi niya, malapit sa
kanyang ulo. Lagi mong papatakan ng tubig ang kanyang labi. Huwang mong kalilimutan.
Huwag ka nang mag-iikot sa kusina. Hayaan mo na si Leha. Si Kiah, ang asawa ni Cik
Awang Dollah.
Dapat parating sarado ang mga bintana sa kuwarto ng nanay. Basta laging sarado.
Ganyan ang gusto niya. Paano natin malalaman ang gusto ng Diyos? Maraming bisita
kahit hindi pinagsasabihan. Mas mahirap pag mas maraming tao. Pag maraming tao,
mas marami ang iinis sa kanya.

Pag may nagpilit magbukas ng bintana, sabihin mong ayaw ni nanay. Walang
kwenta kung anuman ang sabihin ng mga tao. Siya naman ang nanay natin.
Tayo lang naman ang anak niya. Wala na ang tatay. Kaya tayo na lang tatlo ni
Nanay. Matanda na siya at sakitin. Hayaan mo nang mamatay siyang payapa. Doon na
tayo magkita-kita sa langit.
Dasalin mong mapunta siya sa langit. Dasalin mo rin na sana ang Tatay na santaon
nang namamatay ay pumasok din sa langit. Wala silang tigil sa kasasabing iisa lang ang
Diyos. Si Allah. Wala silang nakakalimutang oras sa dasal. Regular din ang isang buwang
pag-aayuno nila. Lagi silang naglilimos. Ang hindi lang nila nagaway bumisita sa Mecca.
Pero hindi naman obligasyon iyon pag wala kang pera. Sa may pera lang iyon. Gusto ni
itay na makasali sa giyerang banal. Nilabanan niya ang putris na hindi binyagan sa
malapit sa Bukit Selembau sa Guar Cempedak. Ganoon din si inay. Hindi siya lumaban
pero siya ang naghasa sa sable ni Itay. Basta si Allah ang huling hahatol. Kung tayo ang
tatanungin, nagawa na ni Itay at Inay ang lahat na dapat gawin ng mga muslim. Puwera
lang pumunta sa Mecca. Makapangyarihan ang Diyos. Basta magdasal na lang tayo.
Huwag kang iiyak. Hindi dapat. Iyan lang ang isang bagay na ipipilit ko sa iyo. Alam
kong mahirap. Santaon nang namamatay ang Tatay. Kung desisyon ng Diyos na sundan
siya ni INay, hayaan mo na ito. Pero huwag kang iiyak. Walang naiiba sa kamatayan.
Nag-umpisa tayong patay. Binigyan tayo ng buhay. Saka tayo mamamatay. Saka tayo
mabubuhay nang walang hanggan. Ito ang parang mga baytang na dapat gamitin kapag
umaakyat sa isang puno. Pag umiyak ka, parang pinipigilan mo si inay na makarating sa
ibabaw.
Nasa ikalawang baytang tayo ngayon. Si Inay, ikaw, ako, lahat ng mga kamag-
anak natin na nabubuhay pa. May dalawa pang parte. Apat na lahat. Masuwerte si Itay.
Nakarating na siya ikatlong baytang. Kung gusto ng diyos, papasok na rin si Inay sa
parting iyon, iiwan tayong maghihirap sa ikalawa. Magiging maligaya silang dalawa.
Hayaan mo na siyang payapang makapunta sa ikatlong baytang. Huwagkang iiyak.
Huwag sana, ha?
Ang iba-ibang problema ang pagbili ng balabal, ang pagpunit doon, ang pag-
aayos ng ataul, ang pagdarasal sa patay, ang pista sa pagbasa ng mga dasal Kulhu, ang
paghukay ng paglilibingan, ang pagpapaligo sa bangkay, ang pagkatam sa table, ang
pabulong na pagbigkas ng Pahayag ng Pananampalataya sa patay, ang insenso, ang
pagpapasok ng ataul sa hukay, ang pagbasa ng Koran sa tabi ng hukay, ang tatlong araw
at gabing handaan, ang mga handa makaraan ang pito, labing-apat at apatnapung araw,
makaraan ang sandaan iyan ay di dapat pag usapan nang naririnig ni Nanay.
Maghihirap ang kanyang loob pag nalaman niya. Malulungkot siya, manghihina ang loob.
Wala siyang dapat na marinig ni isang salita.
Pag-usapan nyo iyon sa labas ng kuwarto. Tanungin mo si Ingkong Kenali, ang
Matandang Jab at ang Lider sa Dasal na si Hamad tungkol sa kanilang masasabi doon
sa beranda. Alam nila ang tungkol sa patay at sa paglilibing.
Tantyahin mo kung gaano kataas si Inay bago ka bumili ng balabal. Magdagdag
ka ng isang yarda sa magkabilang dulo. Kung maaari huwag kang bibili ng tela sa hindi
binyagan. Kailangang napakalinis ni Inay pagpunta niya sa ikatlong baytang. Doon, dapat
na wala siyang kamantsa-mantsa.
Hayaan mong si Cik Awang Dollah ang Pumunit sa balabal. Alam nila kung paano
pumunit at mag-ikit ng balabal. Ni isang hibla hindi dapat mawala. Ang punit ay hindi
dapat makarating sa gilid. Huwag na huwag ninyong iparinig kay nanay sa kuwarto ang
pagpupunit. Mag-iisip iyon. Doon na sa bahay ni Cik Awang Dollah gawin ang pagpunit.
Nakalipat na ba sa bagong lupa si Manong Mud? Kung hindi pa, siya ang pagawain
mo ng ataul. Kung wala na siya sa baryo, dapat tawagin mo na si Sanung. Mahusay na
tagagawa si Manong Mud. Magaspang ang trabaho ni Sanung. Wala siyang ingat.
Kinakatam ni Manong Mud nang makinis ang kahoy at pinapako niyang mabuti iyon,
pinagtatama niyang mabuti.
Tawagin mo lang si Sanung pag wala na si Manong Mud. Babantayan mo siya lagi.
Pagawin mo nang tama, kailangang nasa tabi ka niya. Huwag mong hayaang magaspang
ang kahoy. Siguruhin mong nakapakong mabuti. Baka nakalimutan mo na ang ginawa
niya sa ataul ni Haji Lebar. May bungi ang kahoy sa iba-ibang parte, ang paanan ay hindi
lapat kaya nagmukhang panghuli ng isda ang ataul. Kung pagagawin mo si Sanung,
bantayan mo siya. Hindi dapat makapasok sa ataul ang tubig sa hukay. Sabihin mo sa
kanya kung gaano kataas si Inay. Kung gaano kahaba, kaluwang at kalalim ng hukay.
Kapag tinubig ang hukay, gaya ng sa tatay, dapat na lapat na lapat ang mga table
para lumitaw na iisang piraso lang ang mga iyon. Hindi dapat makapasok ang tubig bago
pa man magsabog ng lupa sa ibabaw.
Sabihin mo sa kanya na dapat lapat ang mga tabla. Manang, maraming beses
mong sabihin sa kanya.
Magtanong-tanong ka pag hindi ka sigurado sa anuman. Magpapayo si Ingkong
Kenali basta magtanong ka.
Pagawa mo kay Hama dang Lider ng Dasal ang pagpapaligo sa bangkay, ang
paglalagay ng insenso at ang pagdadasal sa patay. Magpaputol ka na sa iba ng puno ng
saging na pagpapatungan ng bangkay habang pinaliliguan iyon. Dalawang puno lang
tama na. pinakamagaling ang punong saging na malaki. May sagingan doon sa malapit
sa bukid natin, hindi ba? Paputol mo ang dalawang hindi pa nagbubulaklak. Ang sakwa
ng saging na malaki ay hindi masyadong malagkit. Pagtaliin mo ang dalawang puno ng
damong rhea o murang kawayan. Isang tali sa isang dulo para sa paanan ni Nanay, at
isa para sa ulunan. Mas medaling mailalagay ni Hama dang Lider sa dasal ang ulo ni
Nanay sa kanyang kandungan.
Iakyat mo ang banga ng tubig na nasa ibaba ng hagdan sa harapan, para
makapaghugas ang mga tao nang sunod sa ugali natin. May naiiwan pa bang insensong
sandalwood na ginamit natin sa tatay? Tiyakin mo nga kung naroon pa sa lagayan damit.
Hayaan mo na ring si Hamad ang Lider ng Dasal ang magdasal sa patay. Lider
naman siya sa konggregasyon. Alam niyang lahat ng pasikot-sikot ng tamang dasal.
Kung sabihin niyang imbitahin mo ang Matatanda sa eskuwelang relihiyoso sa Kampung
Raja Betang, imbitahin mo. Ibigay mo ang pera sa iba para ayusin nila ang paglilimos.
Ipagawa mo kay Ya Chen, kung abala ka sa ibang bagay. O kay Usup.
Ihanda mo na agad ang barya. Tama na ang sampung dolyar na mga baryang
sasampung sentimo. Ipamigay mo lang lahat. Bigyan mo na rin ng tig-sasampung
sentimo ang mga batang lalaki doon sa tabi ng eskuwelahang Koran.
Matapos dasalin ang Pahayag ng Pananampalataya kay Allah at sa kanyang
Propeta sa tainga ni Nanay, ihanda mo ang dalawang dolyar paa kay Hama dang Lider
ng Dasal. Huwag mong ipakikita sa iba na nagbigay ka. Sabihin mong panigarilyo lang
iyon, aayaw pa siya sa una at isasauli sa iyo. Ilagay mo sa bulsa niya sa jacket at saka
lumayo ka na. Ngingiti iyon o hindi depende sa gusto niya.
Bago mo umpisahan ang lahat ng ito, tingnan mo muna ang lagay ni Inay. Ipabasa
mo araw-gabi ang Yasin kung hindi na puwede ang gamut, pag talagang mukha na
siyang pagod na pagod, hindi na makapagsalita, iba nang mag-isa, at mukhang wala
nang pag-asang talaga, saka ka lumabas sa beranda at umpisahan mo nang aregluhin
ang lahat.
Alam mong may ilan diyang magsasabing di ka dapat mag-umpisa ng pag-aareglo
bago pa mapikit ang mata ni Nanay. Bale walang daldal lang yan. Hamong magdadaldal
sila hanggang gusto nila. Hindi naman natin mapipigilan si Nanay na sundan si tatay sa
susunod na baytang. Ayaw nating makaalis si Nanay. Pero ginagawa lang natin ang
obligasyon.
Kung sumunod na nga si Nanay kay Tatay, pasalamat tayo sa Diyos at pinapasok
pa silang sabay sa ikatlong parte. Iiwan nila tayo sa ikalawa. Pag hindi naman umalis si
Nanay, pasalamat tayo sa Diyos at hinayaan pa niyang mabuhay si nanay at mabuhay
sa tulo ng kanyang pawis na kasama mo sa baryo.
Pasalamat ka sa diyos, anuman ang gusto niya. Kung tawagin niya si nanay, hayaan mo
ito at pasalamat ka sa diyos. Kung ayaw naman ng Diyos na umalis pa si Nanay,
tanggapin natin ito at pasalamat sa Diyos.
Hindi lamang matutulungan mo ang nabubuhay pa pag nag-umpisa ka na ng mga areglo
bago mamatay si Nanay, makatutulong ka rin sa kanya.
Hindi dapat pang pagtalunan ang pagkamatay ni Nanay. Wala nang dapat pang
aksayahing oras. Kung tinawag na siyang umalis, dapat umalis siya agad. Hindi siya
dapat mag-alanganin pa. kung nagawa nang lahat ang areglo, agad din siyang
makaaalis. Pag tanghali siya umalis, makakaharap niya sina Gog at Magog sa hapon.
Matapos siyang tanungin at masagot naman niya, puwede siyang bumiyahe uli.
Pag umalis siya sa hapon, ang tanungan ay tapos na pagdilim.
Huwag ka nang maghintay pa ng ibang bibisita sa patay. Sino pa ba sa buong baryo
kundi tayo lang naman? Wala naman tayong kilalang maraming tao. Halos wala. Hindi
naman tayo humingi ng tulong sa iba. Wala namang ibang taong humingi ng tulong sa
atin. Ano pa ba ang maibibigay natin kundi dasal? Wala naman tayong naibibigay na iba
pa, wala tayong hinihinging iba.
Hindi naman natin inintindi na walan-wala tayo. Hindi naman natin iintindihin kung
mamatay tayong walang-wala. Mahirap lang tayo. Kaya pasalamat tayo sa paghihirap
natin.
Manang, gawin mo ang lahat para makaalis nang madali si Nanay.
Hindi naman kailangang magpahukay ng libingan hanggang di ginugusto ni Nanay na
sumunod na kay tatay. Pero dapat markahan mo na ang lugar agad. Kailangang malapit
sa tatay, sa ilalim ng punong saga na malapit sa silungan ni kitol. Tandaan mo ng mga
pira-pirasong kahoy.
Pag huling oras na niya, patulong ka kay Kaseng at sa tatlo o apat pang iba. Mas
medaling humukay ng libingan kaysa magpaligo sa bangkay o gumawa ng ataul.
Makapaghuhukay habang dinadasalan ang patay. Sinumang nakatira sa baryo ay
mabubuhay sa pag-aasarol ng lupa. Nakabungkal na tayo ng bukid na walu-walong
ektarya, ito e hukay lang na sais piye ang lalim.
Huwag mong intindihin ang hukay. Iba na ang pag-usapan natin. Pag tinawag mo si
Kaseng, tatawagin mo siya uli. Hindi gagawa ng nitso sa ilalim ng hukay para sa bangkay.
Kailangang ataul ang gamitin. Pag nakahukay na ng apat na piye sa ilalim ng punong
saga, aabot na ang naghuhukay sa tubig. Isipin mo na lang kung ano mayroon sailalim
na sais piye. Kailangang mapakong mabuti ang ataul para hindi pasukin ng tubig.
Matapos mapaliguan at mabalutan ang bangkay, itanong mo kay Hama dang Lider sa
Dasal kung kalian iyon dapat ibaba sa hagdan. Tumulong ka sa unang pagbuhat sa
nanay. Mag-ingat sa pagbaba ng bahay. Ayaw nating mahulog ang ataul, gaya ng muntik
nang mangyari sa tatay. Maglagay ka kaya ng bagong baytang kung pwede, yari sa kahoy
na rambai. Dapat may kakapitan sa mgakabila. Huwag kang gagamit ng kawayan.
Madulas at maraming buko iyon. Baka masalubsob pa ang kamay ng tao. Gumamit ka
ng yantok Malacca.
Sa madaling sabi, ingatan ang paglalabas sa Nanay. Takpan ninyo ang ataul ng telang
batik na itinakip naten sa tatay.
Huwag ninyong itatawid sa bukid ang ataul gaya ng ginawa sa tatay. Nag-uulan na.
marami sa pilapil ang nadudurog. Marami sa pilapil ay makitid para tapakan ng mga tao.
Doon kayo dumaan sa paanan ng bundok. Malayo iyon, pero hindi peligroso.
Kailangang luwagan ninyo ang pasukan sa malapit sa lupa ni Cik Awang Dollah. Kung
hindi, baka hindi magkasya ang ataul. Masyadong makitid ang daanan. Kung mahirap
luwagan iyon, gibain ang bakod at magtayo na lang ng bago sa ibang araw.
Ang matarik na parte ng Becah Badung ay hindi magiging peligroso kung uukaan ng mga
sandosenang baytang. Pag nadulas doon sa lumot o damo kaya, lahat ay babagsak.

Dumadaan ang mga baboy-damo doon sa papaikot sa malapit sa paanan ng bundok.


Patingnan mo sa ilang bata kung may malalaking langgam doon. Nag-aabang ng
malalambot na binti ang langgam. Minsan naman may alupihan at alakdan na nag-
aabang ng makakain. Madalas nagtatayo ng bahay sa ibabaw ng mga puno ang putakti.
Linisin muna ninyo ang daraanan bago maglibing.
Ang umakyat sa mga baytang ng moske ay isang naiibang parte rin. Maraming ng haligi
ang inanay kaya nabulok na. Buhatin ninyo ang ataul at diretso sa beranda kung puwede.
Isang grupo ang mag-aalsa buhat sa itaas, may tutulak naman buhat sa ibaba. Dahan-
dahan, Manang, dahan-dahan.
Kapag tapos nang dasalan ang bangkay, dalhin na iyon sa hukay, at matapos madasalan
siya sa tainga, puwede mo nang alalahanin ang iba-ibang handaan.
Paumpisahan mo na ang pagbasa sa Koran sa gabi ring iyon. Ituloy mo nang tatlong
araw at tatlong gabi gaya ng ginawa natin para sa tatay.
Ipagbili mo ang bigas sa kamalig kung kailangan mo pa ng dagdag na pera. Isangla mo
ang tres-kwartong ektarya ng mga punong langsat sa malapit sa latian. Patayin mo ang
lahat ng inahin. Patayin mo rin ang dalawang gansa ni nanay.
Kailangang may pera kang madadampot agad sa lahat ng oras. Kailangan mong
magbayad sa pitong gabing pagbabasa ng Koran sa libingan. Pagkaraan ng tatlong gabi,
maghanda ka para magpahinga na ang kaluluwa ni Inay. Pagkaraan nga pitong araw,
handa ulit. Pagkaraan ng labing-apat na araw, isa pa. At pagkaraan ng sandaang araw.
Isa pa uli.
Kung kailangan nating isanla ang lahat at mabaon sa utang, hindi bale. Ipagbili mo ang
kahit ano basta makapaghanda ka. Ang magyayari sa ating pagkabuhay ay nasa
kagustuhan ng Diyos.
Bayaan mong sabihin ng iba na inuubos lang natin an gating pera, huwang mo silang
intindihin. Basta maligaya tayo. Pagtahimik ang Nanay, gagaan an gating kalooban.
Ano ba ang nalalaman nila, Manang?
Pakaingatan mo si Nanay. Mahirap lang tayo. Pero kuntento. Kailangang pasalamat tayo
sa diyos dahil sa hene-henerasyon nating paghihirap.
Sa ganyang paraan tayo pinagpapala ng Diyos.
Tatang Utih (tula mulang Malaysia)
Tatang Utih
Usman Awang (Malaysia)
(salin ni Lilia Quindoza Santiago)

I.

May isa siyang asawang yayakapin hanggang kamatayan


Limang anak na dapat kumain araw-araw
Isang lumang dampang nilulukob ng sinaunang paniniwala
Kapiraso ng pagas na lupaing binubungkal.

Banat at lipakin ang balat ng kamay,


Nahirati sa pagpapatubo ng pawis,
O Tatang Utih!
Kapuri-puring magbubukid.

Dahil sinasalakay pa rin silat nililigalig ng malarya


Kahit umuusal siya ng milyong dalangin
Tinawag ng maybahay ang arbularyo sa nayon
Upang ipanlunas ang mga dalit at bulong.

Muwi ang arbularyong dala-dalay


Salapit isang manok na dumalaga.

II.

Sa kabayanay nagtutungayaw ang mga pinuno


Tungkol sa halalan at kalayaan ng bayan
Tungkol sa di mapipigil na kaunlaran ng estadong malaya
Nanganga ko ng gintong tulay ng kasaganaan sa dako pa roon.

Nang ngumiti na ang tagumpay


Nagsialis ang nakakotseng mga pinuno
Liyad ang mga dibdib
Ah, ang mga mahal na alipiy kumakaway.

Saan man may bangketet pagpipista


Masasarap ang ihaw na manok na hain sa kanila
Mga manok na nagmula
Sa kanayunang pinangakuan ng kasaganaan.

Nakaluhod pa rit naghihintay si Tatang Utih


Nagtataka: saan papunta ang pinunong sakay ng limosina?
Tahanan ng Isang Sugarol
salin ni Rustica Carpio
Ang maputing ulap sa maaliwalas na langit ay matingkad na nakukulayan, parang bahaghari. Mabilis na papunta
sa kanluran ang lumulubog na araw.
Dahil tapos nang magalaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ng balon. Sandali siyang napapikit nang
maramdamang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya, gustong mawala ang mga bituing nakahihilo. Si
Siao-lan, ang anak niyang babae na tatlong taong gulang ay hubad na nakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro
ng tubig.
Inay, tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay. Si Ah Yue iyon na mas matanda kay Siao-
lan ng mga tatlo o apat na taon. Nagdidilig siya ng mga gulay na Chai-sim sa kabilang gilid. Nang makitang
tapos nang maglaba ang ina, mabilis siyang tumakbo para kunin ang mga labada at isampay sa alambreng
nakatali sa dalawang poste sa loob ng kubong walang dingding.
Hindi sinagot ni Lian-chiao si Ah Yue. Tumango lamang siya, nakatayo pa rin at nakapikitnagpipilit na
mabawi ang lakas. Payat siya at maliit, mga biente-singko anyos, at nakasuot ng kupas na asul na sam-fu. Medyo
nakangiwi ang kanyang mga labi. May pangit at nangingitim na bukol sa kanyang noo. Halatang napalo siya ng
isang matigas na bagay kamakailan lamang. Malaki ang kanyang tiyan. Madaling mapansing nagdadalantao siya
at malapit nang manganak.
Nang dumilat si Lian-chiao, nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito at isa-isang isinampay ang mga damit sa
alambre. Dahil mataas ang alambre, kailangang tumingkayad siya at tumingala. Habang minamasdan ang maliit
na katawan niyon at ang alanganing paraan ng pagsasmpay ng mga damit sa alambre, biglang nahabag si Lian-
chiao. Mahina niyang sinabi, Ah Yue, mag-ingat ka. Baka ka mahulog!
Opo!, sagot ni Ah Yue. Bigla iyong pumihit, nangangambang tumingin at nagtanong, Inay, luto nab a ang
hapunan? Kung hindi, kagagalitan at bubugbugin na naman tayo ni itay!
Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyang kinabahan. Kahit mayroon pang kaning lamig
na natira sa pananghalian, lulutuin pa ang mga gulay. Kapag walang nakain, pag-uwi ang asawa niyang sugarol,
tiyak na may mangyayari. Hindi sinasadyay nahipo niya ang namamagang bahagi ng noo. Tuamahip ang
kanyang puso. Nagmamadali siyang naligo sa tabi ng balon at pagkatapos ay tinulungansi Siao-lan sa paglilinis
ng katawan nito. Pinuno niya ang dalawang bald eng tubig at kinarga ang mga ito sa pingga pauwi.
Ang nakahilis na sinag ng lumulubog na araw ay tumama sa kanyang katawan, sa malaki at bilog na tiyan, sa
dalawang umuugang balde ng tubig sa pingga, sa umiika niyang paa, at sa hubad na si Siao-lan na naglalakad sa
kanyang likuran, palinga-linga.
Pagod na si Lian-chiao sa walang tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siya puwedeng magbagal ng kilos. Mabilis
niyang sinindihan ang apoy sa pugon, hiniwa ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba
pang kasangkapan sa kusina.
Ang pugon ay yari sa luwad at may mga gatla na sa ibat ibang bahagi. Sa tabi ng pugon ay may maliit na
lalagyan ng panggatong. Wala na iyong laman. Kinakailangang isantabi muna ni Lian-chiao ang sipit ng kalan
para manguha ng panggatong. Tumulong si Siao-lan at may dalang isa o dalawang piraso tuwing papasok,
ikinakalat sa lahat ng lugar.
Abala sa gawain si Lian-chiao.Tinanglawan ng liwanag na namumula sa apoy ang mga guhit ng pagod at puyat
sa kanyang mukha. Walang makasisisi sa kanya. Mula alas-sais ng umaga, nang bumangon siya para maghanda
ng almusal, hindi na siya natigil sa paggawa hanggang ngayon maliban sa sandaling pahinga noong tanghalian.
Noong umagay nanguha siya ng mga punla ng palay at itinanim sa bukid, at noong hapon ay nagsibak siya ng
kahoy na panggatong at namitas ng ta-feng-ho isang damong panggamot nagagamitin niyang pampaligo
pagkapanganak. Malapit nang isilang ang sanggol at hindi maaaring hindi siya handa. Kung hindi niya ihahanda
agad ang mga kailanga, anong mangyayari sa bahay kung bigla na lang siya ipasok sa ospital? Walang alam ang
sugarol niyang asawa kundi humilata sa kama sa kuta ng opyo at magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee
Shop. Kung hindi niya aasikasuhin ang mga bagay-bagay ngayon, sino ang tutulong sa kanya? Bukod sa gawain
sa bahay, kailangan niyang lagyan ng pataba ang mga gulay at pipino na nakatanim sa gilid ng kanyang bahay,
at bunutin ang ligaw na damo. Kung hindi ay bubugbugin siya ng kangyang asawa kapag nagging masama ang
ani. Masakit pa nga ang kanyang noo dahil sa suntok nito dalawang araw na ang nakararaan dahil nagkamali
siyang sagutin iyon.
Sssst Inilagay niya sa kawali ang mga dahon ng kamote. Ang buong bahay ay napuno ng bango ng
nilulutong gulay.
Nakaupo si Siao-lan sa loobg ng bahay, dinidilaan ang mga labi at tinitignan ang nakatatandang kapatid na
nakatyao pa rin sa kuwadradong bangko sa labas.
Di kaginsa-ginsay isang tinig na tila tunog ng basag na kampana na nagbuhat sa labas ng pinto. Ah Yue! Hindi
ka ba natatakot mahulog diyan? Ang taas ng naaakyat mo, ha? Gusto mo nab a dalawin ang hari ng kadiliman?
Itay Nagsasampay lang ako, kiming sagot ni Ah Yue.
Halos kasimbilis ng kidlat, isang parang-kawayang lalaki ang pumasok sa bahay at sandaling tumayo, galit.
Lintik! Gabi nay hindi pa luto ang hapunan. Umalis ka ba para hanapin ang kalaguyo mo?
Sandali na langmaluluto na Ipiprito ko na lang ang inasinang isda. Pagkatapospagkatapos ay puwede na
tayong maghapunan. Walang lakas ng loob si Lian-chiao na tumingala man lamang. Inilagay niya sa isang
plato ang pinipritong talbos ng kamote at naglagay pa ng ilang patak ng langis sa kawali. Bahagyang nanginginig
ang kanyang mga kamay habang hinuhugasan ang inasinang isda. Hindi siya naglakas-loob na tumutol sa ingay
ng kanyang asawa.
Si Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan ng isang tunay na manghihithit ng opyo:payat at matangkad,
may maiitim na ngipin at namumulang mga mata. Matapos nakapamaywang na sinigawan ang bawat isa,
nagsimula siyang maghubad, at marahas na nagtanong, Handan a ba ang tubig na pampaligo?
Ihahanda ko na ang tubig,ihahanda ko na
Mabilis niyang itinabi ang siyansi, ibinuhos ang isang kaldero ng kumukulong tubig sa isang balde na kauuwi
lamang niya. Pagkatapos ay binuhat iyon nang dalawang kamay sa luma at sira-sirang banyo. Yukung-yuko siya
dahil sa bigat ng tubig. Umaalog ang malaki niyang tiyan, at nakangiwi ang maputlang mukha, nagpapakita ng
hirap at marahil ay kawang-pag-sa.
Sumagitsit sa kawali ang inasinang isda dahil sa init ng mantika.
Masusunog na ang inasinang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagal mong kumilos. Wala kanga lam kundi
kumain! Walang tigil sa pagmumura sa asawa si Li Hua habang ang babaey papunta sa banyo.
Nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata, nanginginig sa takot. Hindi sila nagkalakas-loob na
magsalita. Kabisado na nila ang nangyayari, baka natalo na naman sa sugal si Li Hua.
Pagkatapos kumain at habang pinupunasan ang nagmamantikang nguso, kinuha ni Li Hua ang lalagyan ng tsa.
Humigop siya ng kaunting tsa at pagkatapos ay, Pwe!, lumura sa lupa. Niligis ng kanan niyang paa ang malapot
na laway sa sahig.
Inaakalang aalis na naman ang lalaki, mabilis na ibinaba ni Lian-chiao, na kumakain pa, ang mangkok at
chopsticks, at nagkakandautal na, Ama ni Ah Yue, aalis ka na naman? Akoy
Ano? Hindi ako aalis! Napakalakas ng boses ni Li hua. Natalo ako ng biente dolyar ngayong hapon sa Hsiang
Chi Coffee Shop. Bakit hindi ako babalik para makabawi ang natalo sa akin? Pag hindi ako nanalo ngayong gabi
hindi ko na tatawagin ang sarili kong eksperto sa madyong!
Puwede bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ng dalawampung itlog kay Ying Malapit na akong
manganak. Kailangang bumili ako ng ilang itlog para lutuin sa luya at alak. Minasdan ni Lian-chiao ang malaki
niyang tiyan. Masyadong mahina at mababa ang kanyang boses.
Nang marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si Li Hua. Lalong pumula ang mga mata
niyang dati nang namumula. Ibinuka niya ang bibig, ipinakikita ang dalawang hanay ng bungi-bungi at maiitim
na ngipin. Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa iyong bumili ka ng masarap ba pagkain kung wala kang pera?
Kung kaya mong mag-order, bakit hindi mo kayang magbayad?
Lumura na naman sa sahig ang lalaki at dinilaan and nguso. Humakbang ang mahahaba niyang binti at lumabas
ang tila-kawayan niyang katawan.
Nakatayo sa gitna ng bahay si Lian-chiao, nakabuka ang medyo laylay na bibig, natitigilan at hindi makakilos.
Mahangin at maginaw nang gabing iyon. Habang nakahigang walang tinag sa matigas na higaang kahoy, hindi
makatulog si Lian-chiao. Naglalakbay ang kanyang isip. Kahit pago na pagod siya at mabigat na ang mga mata
pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, gising na gising pa rin ang kanyang isip.
Ang mga lumipas na pangyayari ay parang ulap sa bundok na mabagal na pumapailanglang sa lambak, naaanod,
naaanodkasinggaan ng usok. Sa lahat ng mga taong patay na o buhay pa, ang larawan ng kanyang ina ang
namumukod na lumalantad. Sa kagustuhang magkaapo kaagad, pinag-asawa nito ang tila bulaklak na anak
niyasi Lian- Chiao na kinse anyos pa lamang noon. At ang masama pa, sa kasabikang magkaroon ng mainam
na buhay pagtanda niya, at laban sa payo ng mga kamag-anak at kaibigan nila, pinili niya para maging manugang
si Li Hua, na anak ng nooy isang mayamang negosyante. Lahat ng kanyang pag-asa ay nabigo. Isang taon
pagkaraang makasal si Lian-chiao at lumipat ng bahay, ang inay namatay sa kanser sa dibdib. Paano niya
malalaman na dahil sa ipinagkasundong kasal, mawawala sa kanyang anak ang katahimikan at kaligayahan sa
buong buhay nito?
Nagbuntung-hininga nang malalim si Lian-chiao. Nanlabo ang kanyang mga mata dahil sa luhang napigil ang
pagpatak. Ngayon, ang taong lumilitaw sa isip niya ay ang kanyang asawa, ang walang silbi at tila kawayang
siLi Hua. Winaldas niyang lahat ang manang iniwan ng ama niya. Marami siyang bisyo: pagsusugal, paglalasing,
paghithit ng opyo, pagpunta sa bahay-aliwaneksperto siya sa lahat ng ito. Ang pinakamalakas na dagok kay
Lian-chiao ay ang pagkamapamahiin ni Li Hua. Naniniwala ito sa manghuhulang nagsabi na pulos babae ang
isisilang ni Lian-chiao at hindi ito kailanman maghahatid sa kanya ng yaman o suwerte. Sa madaling sabi, si
Lian-chiao ang pinanggagalingan ng kasawiang-palad. Dahil dito, napakasama ng pakikitungo niya kay Lian-
chiao.
Walang magawa si Lian-chiao kundi tahimik na pagtiisan ang hindi makatwiran at kung minsan ay malupit na
pakikitungo nito sa kanya. Kung nagkaroon siya ng lakas ng loob na magmaktol at mangatwiran, mandidilat
agad iyon, at luluraan sa mukha mismo, humihiyaw, Ikaw ang sumpa ng pamilya! Sinong may sabi sa iyong
magpakasal ka sa akin? Luka-luka! Kung gusto mong lumayaw, puwede ka nang lumayaw ngayon din. Alis!
Alis! Sinong pumipigil sa iyo?...
Tumulo sa pisngi ang luha ni Lian-chiao. Dahan dahan siyang bumaling.
Nasipa na nina Ah Yue at Siao-lan ang kumot. Mahimbing na natutulog ang dalawa, magkayakap. Kinuha ni
Lian-chiao ang kumot at itinakip sa kanila. Pumikit siya ngunit hindi pa rin makatulog. Nag-aalala siya. Malapit
na siyang manganak. Makukunan kaya siya? Mahirap sabihin. Sa kabila ng kanyang pagbubuntis, kailangan
niyang magbuhat ng mabibigat na bagaykasimbigat ng animnapu o pitumpung katies araw-araw. Mga ilang
araw pa lang ang nakararaan ay bumagsak siya habang nagsisibak ng kahoy na panggatong. Sino ang
gagarantiyang hindi naapektuhan ang bata sa loob ng kanyang tiyan? Halimbawang malaglag ang bata, at
mamatay siya, sino ang humahalinghing, Ang tiyan komasakitdalhin agaddalhin ninyo ako sa ospital
Ano? Ngayon na? Mananalo ako sa larong ito. Sandali. Pung! Ang galing! Ang gandang pitsa ito. Ito talaga
ang kailangan ko. Ha, ha! Quadruple! Unang apat, pangalawang aptisang libo dalawang daan at walumpu at
dalawang libo limang daan at animnapu!
Malaki and panalong iyon. Nagsimula siya sa ilang chips lamang ngunit ngayon ay isang bunton na ang nasa
harap niya. Tuwang tuwa si Li Hua at hindi niya mapigil ang kakatawa, maluwang na maluwang ang nangingitim
na bibig. Habang sinasamsam at inaayos ang mga chips, ngumiti siya sa taong nakaupo sa harap niya. Ha, ha,
Lumpong Chun! Napakagaling nitong siyamnapung libong galing sa iyo! Napakagaling! Ha, ha
Ai-yoyo
Hoy lumakad ka na. Manganganak na ang misis mo!, may humimok kay Li Hua.
Walang magawa si Li Hua kundi hilingin sa isang miron na maglaro para sa kanya. Galit na tinignan niya si
Lian-chiao at nag-aatubiling tumayo. Pumayag ang maybahay ng towkay na ipaarkila sa kanya and Morris Minor
nito sa dalawang dolyar bawat oras, at dodoblehin sa gabi.
Tinulungan ng maybahay si Lian-chiao na makasakay sa kotse. Si Li Hua, na umuungol pa ay nagpunta sa
kasilyas sa likod ng kapihan.
Bagamat hindi na gaanong humihilab ang tiyan niya,balisa si Lian-chiao. Bigla siyang nakakita ng ilaw ma
mabilis na papalapit sa dako nila. Bahagyang kumislap ang munting ilaw, dahil marahil sa hangin. Habang
papalapit iyon ay nakita niya si Ah Yueng pangku-pangko ang nakababatang kapatid. Kapwa sila umiiyak at
namumula na ang kanilang mga mata.
Ah Yue, Ah Yue! Bakit dinala mo rito ang kapatid mo? Sisipunin kayo! Lumabas sa kotse si Lian-chiao,
nilapitan ang maliliit na batang babae, hindi malaman kung ano ang gagawin.
Humagulgol ng iyak si Siao-lan Kaagad siyang inaliw ni Lian-chiao.
Habang pinapahiran ang luha a ilong, marahang nagssaita si Ah Yue, Nagising ako sa iyak ni Siao-lan.
Hinahanap niya ang nanay. Hindi ko Makita si nanay sa bahay. Naisip kong baka narito kayo, kaya dinala ko
siya dito
Nang malaman ni Ah Yuen a papunta sa ospital ang kanyang ina, kumbot ng kaunti ang ilong nya at ang bibig
niya ay lumaylay sa mga sulok. Luhaan ang mga mata niya.
Kokak,kokakUmiiyak ang mga palaka sa mga pilapil sa gawing kaliwa ng maliit na kalsada. Binasag ng
malungkot nilang pagkokak ang katahimikan ng gabi.
Muling bumugso ang hangin. Tuluyan nang namatay ang ilaw sa gasera. Si Lian-chiao at ang lahat ng bagay sa
kanyang paligid ay dagling nakulong sa kadiliman. Hindi siya makasulong at hindi din siya makaurong ilang
sandal siya tumayo roon, walang tinag at hindi malaman ang gagawin. Parang hinihiwa ng isang matalim na
kutsilyo ang tiyan niya. Natutuliro siya at nahihilo. Kras. Nalaglag ang gasera mula sa nanginginig niyang
mga daliri,nagkapira-piraso. Hindi na maisip ni Lian-chiao kung ano ang nangyayari. Sinapo niya ng dalawang
kamay ang kanyang ulo, nagpupumilit na manatili siyang nakatayo.
Pagkalipas ng ilang sandali, medyo nanumbalik ang lakas ni Lian-chiao at unti-unting nasanay ang mga mata
niya sa dilim. Lumakad siyang muli, mabagal, hindi matatag. Kung ilang beses na halos madapa siya dahil sa
madulas na kalsada. Madalas siyang huminto dahil sa sumusumpong na sakit. Tatayo siya, yuyuko ng mababa
hanggang ang sakit ay humupangunit ilang sandal lamang.
Narating din sa wakas ni Lian-chiao ang Hsiang Chi Coffee Shop. Napakaliwanag s loob at maingay: ang
kalantog ng mga pitsa ng madyong sa mesa, ang maingay na boses ng mga sugarol, umuungol o tumatawa
Nanghihinang itinaas ni Lian-chiao ang kaliwang kamay at kumatok sa pinto.
Marahil ay buhos na buhos ang mga isip ng tao sa pagsusugal, o baka naman napakahina ng katok niya. Walang
lumapit para buksan ang pinto. Hindi na matiis ni Lian-chiao ang sakit, at kumatok uli siya ng buong lakas.
Isang matabang babae ang nagbukas ng pinto. Iyon ang maybahay ng may-ari ng kapihan. Si Lian-chiao na
nakasandal ng mabuti sa pinto ay bumagsak sa loob.
Noon una ay nagulat ang matabang babae sa pagpasok niya. Ngunit nang matanto niya kung sino ang babae,
maliksi niya itong tinulungan at inakay papasok.
Si Li Hua, na dadampot na lamang ng pitsa ay namangha rin s pagdating ni Lian-chiao. Ngunit nakapagpigil siya
at mabagsik na nagtanong, Anong nangyari? Bakit gabing-gabi na ay narito ka pa? Pung! Teka, teka! Red
Center ba yon? Ha! Maganda! Magaganda ang pitsa niya at medyo ninenerbyos siya, matamang nakatingin sa
mesa.
Tinulungan ng maybahay ng towkay si Lian-chiao na maupo sa silyang rattan. Sapo ng dalawang kamay ni Lian-
chiao ang kanyang tiyan, Ah Yue, huwag kang umiyak. Mabait ka di ba? Alagaan mong mabuti and kapatid
mo. Uuwi ang nanay pagkaraan ng dalawa o tatlong araw. Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi ang tatay ninyo
Habang inaaliw si Ah Yue, napaiyak na rin si Lian-chiao. Hindi niyang makayang isipin na aalis siya ng mga
ilang araw, iiwan ang dalawang munting bata sa bahay na walang mag-aalaga sa kanila.
Ibinaba ni Ah Yue ang nakababatang kapatid at sa pagitan ng mga hikbi, Inay, dadalawin ko kayo bukas, kasama
ang kapatid ko. Sasabihin ko kay Itay na isama kami roon. May isa pang dolyar sa aking lata ng sigarilyo.
Dadalhin ko iyon para magamit mo muna
Magiliw na hinawakan ni Lian-chiao ang munting ulo ng anak. Hindi siya makapagsalita dahil sa pag-aalala.
Lumabas si Li Hua. Kinagalitan ang dalawang bata gaya ng dati. Pagkatapos ay pumasok sa kotse, binuhay ang
makina at pinatakbo.
Patuloy ang madyong sa Hsiang Chi. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa, Khe-ta khe-ta at
paminsan minsan ng malakas na pung!
Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang ihip ng hangin. Isang munting ilaw ang mabagal na
kumikilos sa daan. Si Ah Yue, pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na kapatid, mabagal at atubiling
naglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay
Kung Mangarap Ka Nang Matagal
November 1, 2011 at 10:33pm

Kung Mangarap Ka Nang Matagal


(Kabanata Labingwalo)

KUMATOK SA PINTO SI KWANG MENG kahit nakabukas ang pinto at nakikita niya si Boon Teik
na nakaupo sa sopa at nagbabasa.
Tuloy, tuloy, sabi ni Boon Teik na tumayot inilahad ang isang kamay. Upo ka! Upo ka! Nasa kusina
ang misis kot tinatapos ang pagluluto ng ating hapunan. Me-I! tawag nito, Narito na si Kwang
Meng!
Lumabas ang asawa nito, kasunod si Anne.
Me-I, ito ang kapitbahay nating si Kwang Meng, at saka bumaling sa kasunod na nagsasabing ,
Palagay koy magkakilala na kayo ni Anne, pinsan ni Me-I.
Binati ni Kwang Meng ang kabiyak ni Boon Teik. Maraming beses na niya itong nakita noon. Mukhang
wala pa itong dalawampu, may maliit na pangangatawan at nakasalaming gaya ni Anne. Talagang
namamana pala iyon ng pamilya, naisip niya na natutuwa. Nagulat siyang naroon si Anne.
Iiwan muna namin kayong mga lalaki, humihingi ng paumanhin si Me-I. Pasensiya ka na, Kwang
Meng, may gagawin pa kaming mga babae sa kusina, kundiy hindi tayo makapaghahapunan.
Oo ba, sagot ni Kwang Meng.
Nahihiyang nginitian siya ni Anne, nasisiyahang nagulat siya sa pagkikita nila. Nagpunta na
kapagkuwan ang mga babae sa kusinang nasa likod ng flat.
Ano ang gusto mong inumin, Kwang Meng? tanong ni Boon Teik.
Tama na ang isang beer.
Kumuha si Boon Teik ng maiinom nila sa kusina. Iginala ni Kwang Meng ang mga mata sa buong salas.
Simple ngunit may panlasa ang mga gamit doon. Light green ang pinta ng kuwarto. Nakasabit sa
dingding ang ilang print ng Van Gogh at Cezanne at batik na gawa ng mga local artists. Palibhasay
walang ibang nakasanayan kundi dingding na puti, naakit si Kwang Meng sa berdeng silid. May isang
mahabang bookshelf na puno ng libro roon at saka isang record player na may katabing maraming
long-playing records. Nagsabit ang asawa ni Boon Teik ng kurtinang batik na green at gold katerno ng
mga cushoion covers para sa sopa at dalawang armchair. Sa itaas, isang malaking Japanese paper
lampshade na puti ang nakabitin, at nakatayo naman sa isang sulok sa likod ng mga armchair ang isang
lampstand na may pulang lampshade. Sa ibabaw ng maliit, makitid at papahabang coffee table ay
nakasalansan ang mga magazine, kasama ng isang bowl na Ikebana, ang Japanese-style na pag-aayos ng
mga bulaklak. Hindi na-imagine ni Kwang Meng kailanman na mapagaganda at mapaaaliwalas ang
isang flat ng Housing Development Board. Ang bahay nila mismoy sama-samang kuwarto lamang na
mauuwian; walang pagtatangkang gawin itong isang lugar na matitrhan. Ang magagawa nga naman ng
kaunting pagsisikap! Interes lamang iyon, ang pangangailangang magkaroon ng interes, isang
pangangailang nagsasabi kung may interes sa buhay at pamumuhay ang sinuman, naisip niya.
Bumalik si Boon Teik na dala na ang mga inumin.
Gusto ko ang pagkakaayos ng lugar nyo, Boon Teik.
Hindi kami gumasta ng malaki riyan, sabi ni Boon Teik. Si Me-I ang pumili ng karamihan sa mga
furniture namin. Mahilig siyang mamili sa dating C.C.C. Junk Shop sa Newton Road gayundin sa mga
tindahan sa Sungei Road na nagbebenta ng mga kung anu-anong luma. Alam mo siguro yon, kilala rin
iyon bilang Thieves Market.
Narinig na ni Kwang meng ang lugar na iyon, pero wala siyang nabalitaan kundi napakabaho ng mga
kanal doon. Tiyak na enterprising si Me-I dahil hindi man lang siya napigil ng mabahong amoy. Aywan
niya kung totoo ang balita na noong araw, ipinagbibili roon ng mga magnanakaw ang mga nakulimbat
nila, kaya kapag may isang napagnakawan, nagpupunta na ito sa Thives Market umagang-umaga
kinabukasan upang mabawi ang ninakawa sa kanya. Siyempre pay binibili niya uli ito; ngunit sa mas
murang halaga. Doon siguro nito nakuha ang pangalan.
Ilang nakapasong halaman na ferns at cacti rin ang nasa salas ni Boon Teik.
Talagang dapat kong purihin ang panlasa mo. Parang kulungan ng baboy ang bahay namin kung
ihahambing dito, sabi ni Kwang Meng.
Pero hindi iyon ang talagang lugar mo! Hintayin mong makapa-asawa kat magkaroon ng sarili mong
flat. Natitiyak kong magagawa mo roon ang lahat ng gusto mong gawin. Parang kulungan din ng baboy
ang bahay ng mga magulang ko, at tumira kami roon hanggang noong bagong ikasal ni Me-I. Noong
nakatira pa ako roon, hindi ako gumgawa ng kahit ano liban sa mag-ayos ng kuwarto ko. Iba na
ngayon. Bahay na namin ito.
Maganda talaga ang pagkakaayos mo, bati ni Kwang Meng sa pangatlong pagkakataon.
Sa palagay koy napakahalaga nito kung paano namumuhay ang isang tao. Ang isang bahay o tahanan
gaya ng buhay, ay nababatay sa kung paano mo inaayos. Ganoon ang dapat maging pakiramdam natin
para umayos pati ang sariling buhay natin. Nararamdaman kong hindi ganito ang ginagawa nating
ngayong, lalo na tayong mamamayan ng postwar generation. Pasakay-sakay lang tayo, walng
direksiyon. Sa eskuwela, ito ang pinipilit kong ituro sa aking mga estudyante. Mahalagang matutuhan
nila ito.
Magiging isang mabuting teacher ka, Boon Teik.
Pinipilit ko. Lahat tayoy dapat magpumilit. Anuman ang ginagawa natin, dapat natin itong
pagbutihin.
Kahit walang kahulugan ang trabahong ginagawa mo? tanong ni Kwang Meng.
Walang bagay na talagang walang kahulugan, pagpapalagay ni Boon Teik.
Napakalakas ng pagpapalagay na iyon kaya ibig tuloy maniwala ni Kwang Meng, bagaman hindi siya
naniniwala. Pero sinabi niya iyon na parang kapani-paniwala, naisip ni Kwang Meng, tulad ng dapat
gawin ng isang mabuting guro. Hindi naman talagang ang himig ng awtoridad ang nagdulot doon,
kundi ang himig na nagsasaad ng katotohanan. Hinangad ni Kwang Meng na totoo na sana iyon.
Ngunit sa halip, sinabi niya, Hindi ako lubos na naniniwala. May mga bagay at trabahong talagang
walang kahulugan. Iniisip niya noon ang sariling trabaho niya.
Maaaring walang kahulugan iyon sa tingin, pero hindi naman talaga. Depende iyan sa paraan ng
pagtanaw mo. Naniniwala akong dapat itong tanawin mula sa malawak na pananaw ng lipunan. Isang
social animal ang tao, dapat muna nating tanggapin ito. Nakabilang siya sa isang lipunan, at para
makakilos ang lipunan, kinakailangang magkaroon ng ibat ibang uri ng gawain. Ngunit anumang
kategorya o uri ng gawain, ang nagkakaakma silang lahat na parang isa-isang bahagi ng isang
masalimuot na makinarya, gaya ng isang relos halimbawa. Sa gayon, makikita mong mahalaga ang
kahit isang maliit na piraso, ang bawat bahagi ng kabuuan.
Siguro nga. Pero hindi bat ito rin ang simulaing ginamit ng mga tao noong unang panahon para
pangatwiran ang pangangailangan nilng makapang-alipin? Parang ganito rin ang sinabi ng isang Greek
philosopher, di ba? Hindi ko lang matandaan ang pangalan.
Pero hindi natin tinatanggap ang pang-aalipin ngayon, sabi ni Boon Teik.
Tinatawag lang natin ito sa ibang pangalan, pero iyon din. Ang mapilitang gumawa ng mga tarbahong
walang kahulugan sa lipunan ay parang sapilitang pagpasok sa isang uri ng pang-aalipin.
Hindi naman, tutol ni Boon Teik.
Dahil walang hilig sa pakikipagtalo, nanatiling tahimik si Kwang Meng. Walang kabuluhan para sa
kanya ang pagtatalo dahil bibihirang tanggapin ng isa ang katwiran ng isa pa; bibihirang makumbinsi
ang isa at baguhin pagkatapos ang sariling palagay niya, tama man iyon o mali. Hindi, hindi ako
maaakit na makipagtalo, pasya niya. Magiging dahilan lang iyon para mainis sa kin si Boon Teik o
mainis ako sa kanya; at ayokong mainis kay Boon Teik.
Dapat mong maunawaang napakakumplikado ng makabagong lipunan; at habang lalong nagiging
makabago ang anyo ng lipunan, lalo itong nagiging kumplikado at sopistikado; at sa ganitong uri ng
lipunan, napakaraming mahahalagang uri at kategorya ng mga gawaing itinatakda sa tao, mula sa
pinakamababa hanggang sa pinakamataas. Tunay na ang kalawakan ng pagkakaiba-iba ang
nagtatalaga ng antas ng pagkasulong ng isang lipunan.
Tumigil si Boon Teik, naghihintay marahil na ipagpatuloy ni Kwang Meng ang pakikipagtalo. Dahil sa
walang tinanggap na sagot, nagpatuloy si Boon Teik, Maaaring hindi makatarungan sa tingin itong
theory of human function ng tagasibak ng kahoy at taga-igib ng tubig, pero ito ang talagang essence ng
demokrasya.
Hindi ko sinasabing hindi ito tama; hindi ko rin tinututulang maaaring demokratiko ito; ang masasabi
ko lang ay napakalungkot nito, sumaisip ni Kwang Meng ngunit hindi ito ipinarinig sa kaibigan.
Alam kong malungkot ito ngunit hindi ito maaaring tutulan, sabi ni Boon Teik na parang nabasa ang
nasa isip ni Kwang Meng. Pero sa huli, ang talagang problemay kung paano maipauunawa sa mga tao
na sa kabila ng pagiging mababa at kabagut-bagot ng trabaho nilay mahalagat makabuluhan ito sa
maayos na pagkilos ng lipunan, dagdag ni Boon Teik.
Pero hindi pa rin yon makapagbibigay sa kanila ng anumang kasiyahan. Hindi pa rin non
magagawang kawili-wili ang trabaho nila, di ba? salag ni Kwang Meng.
Hindi nga, sang-ayon ni Boon Teik. Pero kung malalaman nilang makabuluhan ang trabaho nila,
kung malalaman nilang may naiaambag iyon, kung makikita nilang nakatutulong sila sa pag-unlad at
pagsulong ng lipunan, maaaring makatagpo sila ng kasiyahan sa katotohanang instrumental sila sa
pagbabago ng lipunan, kaya magiging mas mainam na lipunan iyon para sa kanilang mga anak, at sa
magiging anak ng kanilang mg anak. At kung hindi man kasiyahan ang matgpuan nila, kaunting
ginhawa o pampalubag-loob ma lang.
Paano iyon magagawa, Boon Teik?
Tungkulin iyan ng ating mga pulitiko. Kailangang bigyan nila ng edukasyon ang mga mamamayan
upang malaman nila ito.
Hindi bat ginagawa na rin iyan ng mga pulitiko natin?
Oo.
At babahagyang ginhawa ang natatagpuan natin.
Dumating sa bahaging ito ang mga babae mula sa kusina. Nakahain na ang hapunan.
Nakakahawig ng sa kanila ang flat, sa kusina rin inilagay ng mga Lim ang kanilang hapag-kinan, isang
maliit na kuwadradong apatan ang silya. Ngunit malinis at masaya ang kitchen-cum-dining room nila,
napipintahan ng lemon yellow. May mga sariwang bulaklak na nakalagay sa bote sa ibabaw ng mesa,
ilang tangkay ng Golden Shower Orchids.
Ilang lutong nonya ang inihanda ni Me-I. Nalaman ni Kwang Meng pagkaraan na ito at si Anne ay
buhat sa matandang angkan ng Pernakan, at naroon na sa poook na iyonang mga ninuno nila nang
mahigit isandaang taon. Ang mga Pernakang ito na lalong kilala bilang nonya at baba ang matatandang
Straits-born Chinese na lumuwas sa Malaya at Singapore maraming salinlahi na ang nakalilipas. Sa
loob ng mga taon, nakabuo sila ng natatanging anyo ng kulturang bagaman ethnically Chinese ay may
ilang impluwensiyang Malay sa paraan ng kanilang pagdadamit, pagsasalita at sariling uri ng
maaanghang na pagkain. Naiibigang mabuti ni Kwang Meng ang huli, paborito niya ang nonya at laksa
mula sa pulo ng Penang, ang nasi lemak o kaning may lasang buko, angotak-otak, sambal at curry, at
ang kuay. Nang gabing iyon, nasi lemak ang niluto ni Me-I.
Gusto mo ba ng mga lutong nonya, Meng? tanong ni Anne.
Hmmmmmm! Ang sarap, Me-I, pagpupuri ng Kwang Meng.
Oy, masarap ding magluto ni Anne, sabi ni Me-I.
Namula si Anne. Hindi kasing-husay mo, nginitian ni Anne ang pinsan.
Ikaw ang dapat magsabi niyan Kwang Meng, sabi ni Boon Teik. Kailangang matikman mo ang luto
ni Anne.
Tama, sa susunod, si Anne ang paglulutuin namin para sa iyo, sabi ni Me-I.
Pagkahapunan, bumalik ang mga lalaki sa salas. Nagdala ng dalawang beer si Boon Teik samantalang
naiwan para magligpit ang mga babae.
Dalawang taon na silang kasal, sabi sa kanya ni Boon Teik. Kaga-graduate lanl niya noon ng T.T.C. at
kae-enroll ni Me-I bilang estudyante. Nang unang ilang buwan, nakipanirahan sila sa mga magulang ni
Boon Teik pero hindi naging mabuti iyon. Wala silang privacy sapagkat napakalaki ng pamilya ng mga
magulang niya. May mga tiyuhin, tiyahin, at iba pang nakikitira bukod sa talagang pamilya. Hindi
talagang angkop iyon para sa pagsisimula ng isang kakasal na mag-asawa. Pagkaraay sinuwerte sila.
Nag-apply sila at nakakuha ng sarili nilang flat. Naging napakasaya nila roon.
Dinama ni Kwang Meng ang kapaligiran sa flat ng kanyang kaibigan. Taglay nito ang tahimik na
kapanatagan at kaluwagang sumasalamin sa mapayapang kalagayan ng pagsasama ng mag-asawa.
Naniniwala niyang ang isang matagumpay na pag-aasawa ay higit na maganda kaysa alinmang bagay.
Tunay na isang mainam na bagay ang pagkakaroon ng marital bliss; pero hindi lahat ng pag-aasawa ay
nagiging maligay. Pumasok sa isip niya si Hock Lai at Cecilia. Kakatwa, ngnit laging nadarama ni
Kwang Meng na hindi magiging mabuti ang darating na pag-iisang-dibdib ng dalawa. At lalo pang
kakatwa, nadama niyang kapwa nararamdaman nina Hock Lai at Cecilia iyon, at mas nararamdaman
ito ni Hock Lai kaysa kay Cecilia. Ngunit ipinapapatuloy nil ito, buong kasiyahan at buong
pagwawalambahala! Napakasaya kahit sa harap ng panganib! Sa loob ng isang taon, kundi man bago
dumating ang isang taon. Mambababae si Hock Lai, at sa loob ng ilang taon, makakasanayan ito ni
Cecilia, tatanggapin niya ito (Parang negosyo ito, alam mo namang kailangan kong mag-entertain,
sasabihin iyon ni Hock Lai), hanggang sa matutuhan nitong magpalipas ng oras sa paglalaro ng
mahjong.
Nagpatugtog ng isang plaka si Boon Teik. Isang Brahms symphonoy iyon, sabi nito, at saka lumabas
para kumuha ng marami pang beer. Tumayo si Kwang Meng at tumingin-tingin sa mahabang
bookshelf. Marami-raming collection ng libro si Boon Teik, kramihan dooy paperbacks sa literatura,
history at politics.
Masyado ka palang palabasa, sabi ni Kwang Meng kay Boon Teik nang makabalik na ito sa silid.
Oo, enjoy ako sa pagbabasa. Ganon din si Me-I. Hindi naman kami pala-labas, bihira rin kaming
dumalo sa mga social functions. Kung minsan, nanonood kami ng sine. Wala rin kaming telebisyon.
Parang takot kaming bumili. Nalaman kong nagiging addict doon ang mga tao. Masama iyon sa palagay
ko.
Sana marami na rin akong nabasa, sabi ni Kwang Meng.
Hindi pa naman huli para magsimula ka, Kwang Meng. Welcome ka para hiramin ang mga libro ko.
Kahit anong oras. Tutal, diyan ka lang nakatira sa katabiing pinto.
Salamat. Pero tamad na tamad na akong bumasa.
Wala iyon. Mabubuhos ang loob mo kapag nagsimula ka na. Magsimula lang ang dapat; at maiinam
na libro lang ang dapat mong basahin. Sa ganon hindi ka mababagot. Literature na ang
pinakamagandang pagsimulan. Marami kang matututuhan sa literatura.
Agad namang namili ng ilang libro si Boon Teik para kay Kwang Meng.Crime and Punisment ni
Dostoyevsky, To Have and To Have Not ni Hemingway, at ang The Maneater of Malgudi ni Narayan.
Sus, aabutin ako ng siyam-siyam sa pagbabasa niyan!, sabi ni Kwang Meng.
Huwag kang magmadali. Hindi mo naman kailangang isauli iyan agad. Unahin mo si Narayan, payo
ni Boon Teik, siguradong matatawa ka riyan.
Sinamahan na sila ng mga babae makaraang tapusin ang mga ligpitin sa kusina. Bawat isa sa kanilay
may dalawang maliit na puswelo ng black coffee.
Hinihiram mo ang ilang libro ni Boon Teik? tanong ni Anne. Patingin kung alin-alin iyan.
Iniabot dito ni Kwang Meng ang mga libro.
A, nakakatawa ang isang ito, sabi ni Anne na itinataas ang kay Narayan.
Dapat tayong bumili ng iba pang libro niya, sabi ni Me-I sa kanyang asawa.
Wala akong makita, sagot ni Boon Teik. Napuntahan ko nang lahat ng bookshop dito, wala talaga.
Sana mayroon ditong magagandang bookshops.
Hindi alam iyon ni Kwang Meng. pero talaga namang hindi pa siya nakapagbasa-basa sa isang
bookstore kahit kailan.
Tapos na ang plaka, Teik, sabi ni Me-I.
Lumapit si Boon Teik sa record player.
Huwag ka nang magpatugtog ng bago, sabi ng asawa nito. Kausapin na lang natin ang ating mga
bisita.
Kaya pinalipas nila ang oras sa pag-uusap. Nakapagsalita nang mas marami si Kwang Meng kaysa
karaniwan niya at hindi niya ito namalayan.
Pagkatapos, gaya ng inaasahan sa kanya ng lahat, nagprisinta si Kwang Meng na maihatid pauwi si
Anne. Nagpaalam sila kina Boon Teik at Me-I at lumakad sa pasilyo pababa sa hagdanan upang
hintayin ang lift pagkaraan.
Sa lansangan, malamig at nakakapresko ang hangin.
Naging matahimik si Kwang Meng sa oras na ito. Itinuro niya kay Anne ang kumpol ng mga
punongkahoy.
Rain trees, sabi nito. Hindi ba matanda na silat maganda?
Oo. Kung minsan, kumikinang sila kapag maliwanag ang buwan sa gabi.
Gusto ko silang makita kapag maliwanag ang buwan, sabi nito.
Tumango siya. Sumakay sila sa isang bus papauwi sa bahay ni Anne. Walang laman ang bus. Abala ang
konduktor sa pagbibilang ng mga baryang nakatago sa isang malaking bag na may strap na nakabitin
sa balikat nito. Pagkaraang makuha ang bayad ng dalawa sa pasahe, hinid na sila pinansin nito. Kapwa
sila nag-iisa, magkasama.
Nang papauwi na siya pgkaraan, naramdaman niya ang bigat ng mga libro sa kamay niya, nagbibigay
ng kung anong katiyakan.Isang sakasisiyang gabi iyon para sa kanya, at nakipagkasundo siyang
makikipaglaro ng badminton kay Boon Teik sa darating na Linggo ng umaga at isasama sa swimming si
Anne sa sinusundang Sabado ng hapon. Pagdating ng bahay, humiga siyat madaling nakatulog.

You might also like