Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

CANOSSA ACADEMY

Calamba City
INTEGRATED BASIC EDUCATION
PAASCU Accredited Level II
SY 2017-2018
Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 10

Pangalan:____________________________ Petsa:_______________________
Baitang at Seksyon: _____________________ Guro: Bb. Leziel Jayne M. Maraa

Pangkalahatang Panuto: 1. Unawain at sundin nang mabuti ang mga panuto.

2. Isulat nang malinaw at maayos ang inyong mga kasagutan.

KAALAMAN ( 15 puntos)
Basahin ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang may-akda ng obrang Ang kwento ng isang oras na nagmula sa Missouri, US.

a. Kate Chopin
b. Maya Angelou
c. Lualhati Bautista
d. Elizabeth Browning

2. Ang mga mata mo ay tulad ng bituin sa kalangitan Ano ang ginamit na pagpapahayag dito?

a. Pagtutulad
b. Personipikasyon
c. Pagwawangis
d. Pang-uyam

3. Ibigay ang uri ng tayutay na ginagamit sa pahayag na ito. Ang kanyang mata na waring nagmamakaawa sa
akin.
a. Sinekdoke
b. Personipikasyon
c.Ironiya
d. Apostrope

4. Nadudurog ang kanyang puso sa tindi ng dalamhati. Ano ang ipinatatalastas dito?
a. Pagpapalit-tawag
b.Pagmamalabis
c. Pagwawangis
d.Personipikasyon

5. Inaawitan ako ng mga alon sa dalampasigan. Anong uri ng tayutay ito kabilang?
a. Personipikasyon
b. Pagwawangis
c. Paglilipat-wika
d. Pagtutulad

6. Anong tayutay ang tinutukoy nito? Durog ang katawang bumagsak sa sahig si Mitsuo.
a. Pagtutulad
b. Pagbibigay katauhan
c. Pagmamalabis
d. Pagwawangis

7. Ang panalangin ay mabisang sandata sa buhay. Ano ang ginagamit na pagpapahayag dito?
a. Pagwawangis
b. Personipikasyon
c. Pagtutulad
d. Onomatopeia

8. Ikaw ang payong ng aking buhay silungan ng init hatid ay proteksyon sa panahong masungit.

a. Simile
b. Personipikasyon
c.Metapora
d. Paglilipat-wika.

9. Magkasundong-magkasundo sila sa lahat ng bagay, paanoy kumakain sila sa iisang pinggan. Ano ang ibig
sabihin ng pahayag na may diin?

a. magkaibigan
b. magkasundo
c. ayaw maghugas ng pinggan
d. magkasama sa iisang bahay

10. Abalang abala ang lahat sa opisina maliban kay Adrian na nagbibilang ng poste. Ano ang katumbas na
kahulugan ng pahayag?

a. walang silbi
b. walang magawa
c.walang trabaho
d. walang mapagkaabalahan

11.Layunin ng dulang ito na mangutya at mang-insulto maging sa orihinal na aktor nito.

a. komedya
b.parse
c.parodya
d.tragikomedya

12. Ang dulang ito ay umusbong noong panahon ng Espanyol na naglalayong itanghal ang kultura o tradisyon
ng ibang lahi.

a. komedya
b. melodrama
c. parody
d.saynete

13. Ito ang elemento ng tula na nagbibigay ng imahe sa isip ng mambabasa o masusing paglalarawan.

a. aliw-iw
b.larawing-diwa
c.saknong
d. tugma

14. Ito ay ang pagkakagrupo ng mga taludtod.

a. saknong
b. sukat
c. tugma
d. taludturan

15. Ito ay isa sa mga teoryang pampanitikan na tumatalakay sa kalakasan at kahalagahan ng mga kababaihan sa
lipunan.
a. Feminismo
b. Feminista
c. Magna Carta for Women
d. Womens right

KASANAYAN (15 puntos)

SARILING PAGSASAGOT

Bumuo ng pangungusap gamit ang nakalahad na uri ng tayutay sa panaklong. ( 2 puntos bawat isa)

16-17. ( Pagtawag)

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

18-19. ( Pagmamalabis)
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

20-22. Mula sa kwentong Ang Kwento ng isang oras gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan
sa isang relasyon?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Bumuo ng tulang tumatalakay sa KAPAYAPAAN O KALIKASAN. ( 8 puntos)

a. 2 saknong b. kinakailangang may tugma, c. quatrain( 4 na taludtod sa bawat saknong)
PAG-UNAWA ( 15 puntos)
Unang Akda

Paano Nagkaanyo ang Mundo?

Si Odin kasama ang dalawang kapatid na sina Vili at Ve ay nagawang paslangin ang higanteng si Ymir. Ito ang
dahilan kaya hindi magkasundo ang mga Aesir at mga higante. Lumikha sila ng isang mundo mula sa katawan nito at ibat
ibang bagay mula sa ibat ibang parte ng katawan nito. Binuo nila ang gitnang bahagi ng mundo o ang mundo ng mga tao
mula sa katawan ng higante. Mula sa laman at ilang buto nito ay lumikha sila ng kalupaan at mga bundok. Ginamit nila ang
dugo nito upang makalikha ng karagatan at ibat ibang anyo ng katubigan. Ang mga ngipin at ilang buto nito ay nagsilbing
mga graba at hanggahan. Ang bungo nito ay inilagay sa itaas ng mundo at nagtalaga ng apat na duwende sa apat na sulok
nito. Ang mga duwendeng ito ay pinangalanang Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga. Ginamit nila ang kilay ni Ymir upang
lumikha ng kagubatan sa buong mundo na magpoprotekta upang hindi makapasok dito ang mga higante. Tinawag nila itong
Midgard o Middle-Earth. Ang utak ni Ymir ay ginawang mga ulap. Lumikha sila ng isang lugar para sa mga liwanag na
nakakawala sa Muspelheim, isang mundo na nag-aapoy at inilayo nila ito sa mundo. Ang mga liwanag nito ang nagsisilbing
mga bituin, araw at buwan. Ang maitim subalit napakagandang anak na babae ng isang higante na pinangalanang Gabi ay
nagkaroon ng anak na lalaki sa isang Aesir god at tinawag niya itong Araw. Si Araw ay isang matalino at masayahing bata.
Binigyan ng mga diyos sina Gabi at Araw ng kani-kanilang karwahe at mga kabayo at inilagay sila sa kalangitan. Sila ay
inutusang magpaikot-ikot habang nakasakay sa mga kabayo nila. Ang mga pawis na tumutulo sa kabayo ni Gabi ay siyang
nagsisilbing hamog sa umaga. Dahil sa sobrang liwanag at init ni Araw ay naglagay ang mga diyos ng bagay sa mga paa ng
kabayo nito upang hindi ito masunog. May isang mangkukulam na naninirahan sa silangang bahagi ng Middle-Earth ay
nagsilang ng dalawang higanteng anak na lalaki na nasa anyo ng isang asong-lobo. Si Skoll ang humahabol sa araw at si
Hati naman ang humahabol sa buwan. Ang magkapatid na ito ang dahilan ng paghahabulan ng araw at buwan kaya
nagkakaroon ng paglubog at paglitaw ng araw. Yugto ng Pagkatuto Mula sa mga uod sa katawan ni Ymir nilikha ang mga
duwende. Ang mga ito ay naninirahan sa mga kuweba sa ilalim ng mundo at naghahatid ng mga bakal, pilak, tanso at ginto
sa mga diyos. Lumikha din sina Odin ng iba pang mga nilalang tulad ng light-elves na nakatira sa itaas ng mundo na
tinatawag na Alfheim, mga diwata at espiritu at pati na rin mga hayop at isda. Ito ang simula ng pagkakaroon ng anyo ng
mundo.
Norse Mythology, kinuha noong Nobyembre 5, 2014 mula sa (http://www.wattpad.com/71491550-norse-mythology)

31-32. Mula sa unang akdang nabasa, ano ang paniniwala nila pagdating sa mga diyos?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
Epiko ni Gilgamesh

Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng
pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa
kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na
naway makalaya sila sa kaniya.
Tinugon ng diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na
lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh.
Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si
Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng
Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay
Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina
Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang
dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman Habang nakaratay si Enkido
dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi niya sa kaniyang kaibigan ang ganito: Ako ang pumutol sa
punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang
nangyari sa akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit
din ng sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang
mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang
kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay
nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla,
ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik Sa bahay kung saan
ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at luad ang kanilang karne. Ang damit nilay parang
mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman.
Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang
buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na minsay naging mga diyos tulad
nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok.
Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana,
ang hari ng Kish, na minsay inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si
Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga diyos at tagapag-
ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: Sino ang nagdala sa iyo rito? Nagising
akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot.Pinunit ni Gilgamesh
ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, Sino sa mga
makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit
ganyan ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong paniwalaan
bagaman itoy nagdudulot ng katatakutan, sapagkat itoy nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring
dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis. At nagluksa si Gilgamesh.
Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng
sinoman sa pamamagitan ng panaginip.

33-34. Mula sa epikong binasa, ano ang paniniwala ng mga tao tungkol sa panaginip?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking musmos na supling.

Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yariy munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mot nananabik na akoy sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sayo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ikay hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ikay itinanghal na gererong marangal,
Akoy malulunod sa luha ng paggunita.

Maging sa iyong halakhak.

Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw bay lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
Munting mandirigma, sinong anito sa iyoy nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyot nagpapasigla ng buhay?
Ikaw bay kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ikay tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yaoy iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon akoy nasa kaluwalhatian.
Ngayon, akoy ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ikay magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ikay irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, akoy kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluway ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyoy humulma.

http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/08/hele-ng-ina-sa-kaniyang-panganay.html
35-36. Mula sa ikatlong akda, paano nakatulong ang larawang-diwa upang maikintal ang mensahe ng persona?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
37-39. Mula sa tatlong artikulong nabasa ,ano- ano ang pagkakatulad ng bawat isa tungkol sa kaisipang
pampanitikan?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

40-45. Ano ang nakakaimpluwensya sa paglalathala ng sariling akda sa hatirang pangmadla?

PAMANTAYAN 3 2 1 0
Pagpapaliwanag Ang pagpapaliwanag ay Ang pagpapaliwanag ay May tugon o sagot subalit Mali o walang naibigay na
makabuluhan. Maayos na nailahad makabuluhan. may pagkakamali sa pagpapaliwanag
ang diwa na nais ipahayag. pagpapaliwanag o walang
kaugnayan sa paksa.

Puntos Rubric para sa bilang , 31-36

2 puntos Ang pangungusap ay wasto. Maayos na nailahad ang diwa ng nais ipahayag.
1 puntos Ang pangungusap ay wasto subalit hindi nailahad ang diwa na nais ipahayag.
Walang Mali o walang naibigay na puntos na sagutan.
puntos

Puntos Rubric para sa bilang 37-39

3 Ang mga paghahambing na ginawa ay katangi-tangi at makabuluhan.
2 Ang paghahambing na isinagawa ay mahusay at tama.
1 Ang paghahambing na isinagawa ay tama ngunit may ilang punto na nangangailangan pa ng malalim na pag-unawa.
0 Mali o walang naibigay na kasagutan.

PAMANTAYAN 3 2 1 0
Pagpapaliwanag Ang pagpapaliwanag ay Ang May tugon o sagot subalit Mali o walang
makabuluhan. Maayos na pagpapaliwanag ay may pagkakamali sa naibigay na
nailahad ang diwa na nais makabuluhan. pagpapaliwanag o walang pagpapaliwanag
ipahayag. kaugnayan sa paksa.
Pangangatwiran Ang pangangatwiran ay Ang pangangatwiran May pangangatwiran pero Mali o walang
katangi-tangi at na isinagawa ay di nakamit ang naibigay na
makabuluhan tama. pangangailanan. pangangatwiran

You might also like