Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

CANOSSA ACADEMY

Calamba City
INTEGRATED BASIC EDUCATION
PAASCU Accredited Level II
SY 2017-2018

Preliminaryong Pagsusulit sa Filipino 11

Pangalan:____________________________ Petsa:_______________________
Baitang at Seksyon: _____________________
Lagda ng magulang:__________________
Guro: Bb. Leziel Jayne M. Maraa

I. KAALAMAN ( 15 puntos)
A. PAGPILI ; Isulat ang:
A- kung WASTO ang isinasaad ng unang pangungusap at MALI ang pangalawa
B- kung WASTO ang isinasaad ng pangalawang pangungusap at MALI ang una
C- kung parehong WASTO ang isinasaad ng dalawang pangungusap
D- kung parehong MALI ang isinasaad ng dalawang pangungusap
__________1. A. Ang salitang lingua franca ay nangangahulugang wika at lengguwahe
B.. Ang salitang wika ay nagmula sa wikang malay .
__________2. A.Unang wika ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao.
Tinatawag din itong katutubong wika.
B. Sa wikang ito hindi naipapahayag ng tao nang mabuti at maayos ang kanyang mga ideya at
kaisipan.
__________3. A. Sa saligang batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating
Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino.
B. Si Pangulong Diosdado Macapagal ang siyang nagpatupad ng paggamit ng wikang Filipino
sa mga opisyal na transaksyon at dokumento tulad ng pasaporte

__________4. A. Ang balbal ay antas ng wika na kung saan ang mga salitang binabanggit ay sa particular na
lalawigan lamang maririnig.
B. Ang teoryang YO-HE-HO pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
__________5. A. Ang creole ay ang barayti ng wikang nagsimula sa Pidgin ay naging likas na wika o unang
wika na ng taong isinilang sa komunidad ng Pidgin.
B. Ang wika ay hindi tulad ng paggawa ng serbesa at pagbe-bake ng cake o ng pagsusulat,
sapagkat ito ay likas na umusbong sa isang tao simula noong ipinanganak.

__________6. A. Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang


unique o natatangi lamang sa tao.
B. Monolingguwalismo ang wikang tawag sa mga bansang Sout Korea, Pransya, England dahil
iisang wika lamang ang kanilang ginagamit.
__________7. A. Tunog ang batayang sangkap ng wika,makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng
tunog.
B. Subalit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan,
Ang pinakamakabuluhang tunog sa tao ay may kahulugan.

__________8. A. Ikatlong wika ang tawag sa wikang may simbolong L3 na natututuhan ng isang tao habang
lumalawak ang kanyang ginagalawang mundo dahil itoy isa ring wikang nagagamit sa
maraming pagkakataon sa lipunan
B. Ang wika ay puro at walang kahalong barayti. Sinasabing wlang buhay na wika ang ganito
sapagkat kailanman ay hindi maaaring pare-pareho ang pagsasalita ng lahat ng gumagamit ng
isang wika.

__________9. A. Noong taong 2013, ay nadagdagan ng pito ang labindalawang local o panrehiyon na wika at
Diyalekto para magamit sa Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education
B. 1937, iprinoklama ni Pangulong Manuel Roxas ang wikang Tagalog upang maging batayan
Ng wikang pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bias ng Kautusang tagapagpaganap.

__________10. A. Taong 1959, mula sa Tagalog ito ay pinalitan ng tawag na Pilipino.

B. Saligang batas ng 1973, ang wika ay tinawag na Filipino.

ANALOHIYA: Panuto; Suriin ang kaugnayan sa isat-isa ng unang pares ng mga salita at ibigay ang
kasagutang hinihingi sa bawat bilang.

11. Teoryang POOH POOH: Nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin;


______________________: Ang wika ay nagmula sa mga tunog ng nalilikha sa kalikasan o kapaligiran.
12. Charles Darwin: ang bawat wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.
_________________: Ang wika ay masistemang balangkas nng mga tunog na pinili at isinaayos sa
pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
13. Paz, Hernandez, at Peneyra : ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang
minimithi o pangangailangan natin.
Henry Allan Gleason, Jr.: __________________________________________________________________
14. Teoryang Bow wow: Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa panggagaya sa mga
tunog ng kalikasan
____________________: Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang
nililikha sa mga ritwal
15. Electricity: dagitab; pyramid: _________________________________________
PROSESO
Bigyang kahulugan ang bawat antas ng wika sa sariling pagkaunawa.( 2 puntos bawat isa) Magbigay ng
Halimbawa at gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.( 3 puntos bawat isa)
(16-30)
Antas ng Wika Kahulugan sa sariling Pangungusap
salita
Pampanitikan

Pambansa

Lalawiganin

Kolokyal

Balbal

PAG-UNAWA( 15 pts)
Basahin ang mga sumusunod na artikulo at sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa ibabang bahagi nito. (
2 puntos bawat isa) Gawing gabay ang pamantayan sa huling pahina.

UNANG ARTIKULO

Marami ang nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating sa pag-angkop ng mga teknikal na
ideya at salitang hiram mula sa Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang nasusulat
dito, nananatili pa ring problema ang istandardisasyon nito at ang pangingibabaw ng wikang Ingles na lumalabas maging
sa paggamit ng Taglish o paghalo ng Filipino at Ingles. Isang problema pa rin ang paraan ng pagsulat ng mga salitang
Ingles sa Filipino. Inilabas ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 2001 ang Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino na nagsasabing kung ano ang baybay, siya ring sulat. Kaya isusulat ang salitang Ingles gaya ng
magnetic sa magnetik, ang sa ekwipment, at ang census bilang sensus. Nilinaw ni Dr. Lakandupil Garcia,
propesor sa Filipino ng De La Salle University-Dasmarias, ang paggamit sa binagong alpabeto sa talakayang 2001
Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino: Paglilinaw at Paglalapat Ngunit tila hindi pa rin ito
sapat sa paglinang ng iisang pamantayan sa wikang Filipino upang maging ganap na pambansang wika ito. Para sa iba,
walang kaganapan at linaw ang pamantayan kung hindi mismo ang bawat Pilipino ay matutong kumalinga kung ano man
ang wikang pambansa na ating kinagisnan at bagkus at tangkilin na lamang.
http://varsitarian.net/news/20081117/wikang_filipino_kumusta_na

31-32. Mula sa unang akda, ano ang suliraning kinakaharap ng wikang pambansa?

__________________________________________________________________________________________
IKALAWANG ARTIKULO
May mga salitang naibaon na sa limot, may 'di na mauunawaan ng karamihan, may umuusbong, may bumabalik ngunit
may iba nang pakahulugan. Gaya ng mga gamit sa katawan, sumasabay din daw sa uso ang wikang Filipino. At kahit
nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating wika, patuloy nitong pinag-uugnay ang mga Pinoy kahit saan man at kahit ano
man ang kanilang katayuan.
Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya at mga bagong paraan ng komunikasyon tulad ng text messaging at
social media, hindi maiiwasan na may mga sinaunang salita na nababaon na sa limot o nalilipasan na ng panahon. Ang
hindi paggamit ng ilang salitang Pinoy ay inihalintulad ni National Artist for Literature Virgilio Almario sa pera na
nawawala sa sirkulasyon."Hindi naman namamatay 'yon kaya lang hindi nagagamit, hindi in currency," paliwanag ni
Almario na siyang pinuno ngayon ng Komisyon ng Wikang Filipino. "Parang fashion lang 'yan, uso-uso. Kapag hindi
nagbago ang lengguwahe at hindi sumunod sa uso, mamamatay (ito)," dagdag niya.Sinabi pa ni Almario na buhay ang
wika kapag nakasasabay ito at bumabagay sa tawag ng panahon.
Paliwanag naman ni Prof. April Perez, ng University of the Philippines-Filipino Department, malaki rin ang
nagagawa ng teknolohiya at modernisasyon sa paggamit ng ilang salita.

http://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/376707/ang-pagsabay-sa-uso-ng-wikang-filipino/story/

33-34. Batay sa ikalawang artikulo, paano nagkaroon ng kaugnayan ang wika sa pagbabago ng panahon?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

IKATLONG ARTIKULO

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang
kinagagalawan. Ito ang bumubuklod sa mamamayang Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao. Sa pagsisimula ng paggamit ng mga
Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon, binuhay nito ang sibilisasyon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating
bansa. Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaroon ng isang wika na naiintindihan ng lahat. Mas mabilis ang naging
daan para sa transportasyon at komunikasyon na nagbigay daan para mas dumami ang ideya at opinyon. Pinagkaisa nito ang mga
nakasanayang tradisyon. Nagbigay daan ito sa mas positibong pagbabago at naibahagi ang ibat ibang kultura at paniniwala. At
higit sa lahat, napanatili nito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba't-ibang paniniwala.

Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating kasangkapan sa pagkakaunawaan at
pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig ng Pilipinas.

http://www.pasiggreenpasture.com/filipino-wika-ng-karunungan-tungo-sa-kaunlaran
35-36. Mula sa ikatlong artikulo, paano nagkaroon ng positibong pananaw ang wikang pambansa?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
37-39. Ano ang pagkakatulad ng mga nakalahad na artikulo hinggil sa ating wikang pambansa?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
PAGLALAHAT
40-45. Batay sa nailahad na mga artikulo, ano ang pinakamabisang paraan ng pagsusuri sa pagbabagong
pinagdaan ng ating wika?
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
Puntos Rubric para sa bilang 16-25, 31-36
2 puntos Ang pangungusap ay wasto. Maayos na nailahad ang diwa ng nais ipahayag.
1 puntos Ang pangungusap ay wasto subalit hindi nailahad ang diwa na nais ipahayag.
Walang puntos Mali o walang naibigay na puntos na sagutan.

Puntos Rubric para sa bilang 26-30


5 Mahusay at bukod-tangi ang pagpapaliwanag at nakapagbigay ng patunay
4 Nakapagbigay ng tiyak na paliwanag at ilang patunay
3 May katanggap-tanggap at tiyak na pagpapaliwanag.
2 Nakapagbigay ng pagpapaliwanag ngunit hindi malinaw o may pagkukulang.
1 May tugon o sagot pero may pagkakamali sa pagpapaliwanag o walang kaugnayan sa paksa.
0 Mali o walang naibigay na kasagutan.

Puntos Rubric para sa bilang 37-39


3 Ang mga paghahambing na ginawa ay katangi-tangi at makabuluhan.
2 Ang paghahambing na isinagawa ay mahusay at tama.
1 Ang paghahambing na isinagawa ay tama ngunit may ilang punto na nangangailangan pa ng
malalim na pag-unawa.
0 Mali o walang naibigay na kasagutan.

Puntos Rubric para sa Pagpapaliwanag ( 40-45)


5 Mahusay at bukod-tangi ang pagpapaliwanag at nakapagbigay ng patunay
4 Nakapagbigay ng tiyak na paliwanag at ilang patunay
3 May katanggap-tanggap at tiyak na pagpapaliwanag.
2 Nakapagbigay ng pagpapaliwanag ngunit hindi malinaw o may pagkukulang.
1 May tugon o sagot pero may pagkakamali sa pagpapaliwanag o walang kaugnayan sa paksa.
0 Mali o walang naibigay na kasagutan.

Ang wika ay susi ng puso at diwa, tuluyan ng taot ugnayan ng bansa

Pagpalain kayo ng Poong Maykapal!

You might also like