Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

URI NG TEKSTONG PANG-AKADEMIK

1. Pang-Agham-Panlipunan mahalagang malinang sa mambabasa ang


kanyang mapanuring pag-iisip upang matiyak niya kung ang mga
ipinakilalang mga pangyayari ng sumulat ay mga katotohanan o
propaganda lamang
2. Pang-Agham humihingi ng mga kasanayang tinataglay ng mga
siyentipiko, ang mambabasa ay kinakailangang magtaglay ng mahusay
na palaisip at marunong maghinuha at gumawa ng mga hula o
prediksyon
3. Panghumanidades ang mambabasa ay dapat magkaroon ng
kakayahang sumuri sa mensaheng ipinaaabot ng may-akda sa
pamamagitan ng teksto. Marunong magpahalaga sa mensahe ng teksto
at maramdaman din ang damdaming kanyang nadarama, maunawaan
at mapahalagahan ang mga adhikain at pangarap ng awtor.
4. Pampropesyunal dapat na marunong ang mambabasa na kumuha
ng pangunahing ideyang nais iparating ng sumulat tungkol sa
larangang tinutukoy sa teksto. Dapat ding marunong kang kumilala ng
mga detalyeng ibinigay ng sumulat na makapagbibigay-linaw sa
mensahe ng teksto at maiaaplay ang mga ito sa iyong pang-araw-araw
na buhay.

MGA HULWARAN NG ORGANISASYON NG TEKSTO

1. Depinisyon kapag nais bigyang-kahulugan ang isang di-pamilyar na


termino o mga salitang bago sa pandinig. Ito ay nagtataglay ng tatlong
bahagi:
a. termino o salitang binibigyang-kahulugan
b. uri, class o specie kung saan kabilang o nauuri ang
terminong binibigyang kahulugan
c. mga natatanging katangian nito (distinguishing
characteristics) o kung paano ito naiiba sa mga katulad na uri

Sa pagbibigay ng kahulugan, may tatlong paraan na maaaring gamitin


ang isang manunulat. Una ay ang sinonim o paggamit ng mga salitang
katulad ang kahulugan o kaisipan.

Halimbawa:
Pangungusap: Filipino ang ating pambansang wika.
Depinisyon: wika lenggwahe (pangngalan)
Pangungusap: Tayong lahat ay mga Pilipino, ang wika ni Propesor Rovira.
Depinisyon: wika sabi (pandiwa)
Pangalawa ay ang intensib na pagbibigay ng kahulugan o ginagamit
ang tatlong bahagi ng depinisyon.
Halimbawa:
Ayon kay Webster, ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng
mga tao sa pamamagitan ng mga pasalita o pasulat na simbulo. Ito ay tumutukoy
rin sa kabuuan ng mga salita at paraan ng pagsasalita na pekulyar sa isang etnik,
cultural o nasyunal na pangkat. Halimbawa nito ay ang Nihonggo ng Hapon, ang
Chavacano ng mga Kastilang creole na naninirahan sa Mindanao at ang Ivatan ng
mga katutubo sa Basco at mga pulo ng Batanes.
Pangatlo ay ang ekstensib na depinisyon. Dito pinalalawak ang intensib
na depinisyon sa pamamagitan ng paggamit ng ibat ibang metodo tulad ng
pag-uuri, analohiya, paghahambing, pagkokontrast, paglalarawan,
pagpapaliwanag, pagbibigay-halimbawa, pagbanggit ng hanguan o awtoridad
at dimensyong denotasyon (kahulugan ay galing sa diksyunaryo) at
dimensyong konotasyon (matalinghagang kahulugan o kayay galing sa
personal na karanasan).
Halimbawa:
Wika. Ano nga ba ang wika? Maraming nagsasabi na ang wika ay mga tunog
na lumalabas sa bibig ng tao. Ito raw ay kasangkapan sa pakikipagtalastasan.
Tunay, ngunit hindi kasangkapang mekanikal lamang. Higit dito ang kalikasan ng
wika.
Higit sa panlipunang tungkulin ng wika, ito ang sumasalamin sa kaluluwa ng
isang indibidwal at ng buong bansa. Salamin ito ng mga katangiang mental,
emosyunal at ispiritwal ng sinumang indibidwalidad. Masasalamin din sa wika
ang mga katangiang kultural ng isang bayan, bawat pangkat at bawat bansa.
Mahalaga ang wika sa sinumang tao at sa alinmang lipunan. Wika ang
nagdadamit sa ating mga pansarili at pangkalahatang kamalayan. Ito ang
nagbibigay-katawan sa kaluluwa. Wika nga ni Samuel Johnson, Language is the
dress of thought. Pinangalawahan pa ito ni Thomas Carlyle na nagsabing,
Language is the garment of thought, however it should rather be, language is the
flesh garment, the body of thought.
Ang wika ay simbolo rin ng kalayaan. Ang bayang walang sariling wika ay
walang kalayaang pampulitika o kaya ay kalayaang pangkaisipan. Samakatwid,
ang wika ay kasangkapan sa paglaya, kung paanong ito ay maaari ring gamitin
bilang instrumento ng pang-aalipin o dominasyon.

2. Pag-iisa-isa o Enumerasyon Itinatala ang mga mahahalagang


impormasyon tungkol sa paksang tinatalakay. Ginagamit ang mga
signal na bilang panimula, una, ikalawa, susunod, pagkatapos, bilang
pagwawakas, gayundin, sa katunayan, halimbawa
a. Simpleng Pag-iisa-isa pagtalakay sa pangunahing paksa at
pagbanggit ng mga kaugnay at mahahalagang salita.

Halimbawa:
Ang pagsasalita ay kailangang idebelop upang higit na maging epektib
tayong tagapagsalita. Ang mahusay na pagsasalita ay nakakakuha ng sapat
na atensyon ng mga tagapakinig. Upang maging mahusay tayong
tagapagsalita, kailangan nating sanayin ang sarili at angkinin ang mga
sumusunod na mungkahi sa pangangailangan sa mabisang pagsasalita:
a. Magkaroon ng sapat na kaalamn sa paksa,
b. Magkaroon ng sapat na kasanayan sa pagsasalita, at
c. Magkaroon ng tiwala sa sarili.
Ang sumusunod ay mga kasangkapan ng isang nagsasalita:
a. Tinig
b. Bigkas
c. Tindig
d. Kumpas
e. Kilos

b. Komplikadong Pag-iisa-isa pagtalakay sa pamamaraang


patalata ng pangunahing paksa at mga kaugnay na kaisipang
naglilinaw sa paksa. Tinatalakay nang sunud-sunod o nang
magkakahiwa-hiwalay at magkakaugnay na talata ang mga
bagay na inisa-isa.
Halimbawa:
Ang Kompyuter Networking
Ang computer network ay interkoneksyon ng mga kompyuter na ginagamit ng
mga tao sa iisang lugar. Kalimitang ginagamit ang ganitong sistema ng mga
kumpanya upang mapadali ang ugnayan o komunikasyon sa pamamagitan ng
pagpapadala ng impormasyon anumang oras at saan mang panig ng mundo.
Maraming ibat ibang organisasyon ang gumagamit ng mga kompyuter na
matatagpuan sa ibat ibang lugar maging sa ibang bansa. Ang sumusunod ay ang
mga layunin ng networking ng mga kompyuter.
Resource Sharing
Ang pinakauna sa lahat ng layunin ng networking ay ang pagkakaroon ng
access o pagkakataon na mabasa o makitya ng bawat indibidwal ang ibat ibang
impormasyong abeylabol sa network. Nangangahuluigan lamang na sinuman ang
may kailangan ng impormasyon, malayo man o malapit, ay kinakailangang
mabigyan ng pagkakataon na makuha o makita ang impormasyong kanhyang
kailangan. Ang impormasyon na makikita sa kompyuter ay likha sa ibat ibang
panig ng mundo.
High Reliability
Ang ikalawang layunin ng networking ay ang pagkakaroon ng high reliability o
ng pagkakaroon ng tumpak o wastong impormasyon. Ang isang impormasyon ay
maaaring makuha o makita sa ibat ibang kompyuter na may interkoneksyon
(multiple CPUs) sakaling magkaroon ng suliraning hindi inaasahan. Kapag nawala
ang impormasyon bunga ng pagkasira ng hardware, ang back-up na impormasyon
ay maaaring makuha sa ibang kompyuter na nakanetwork dito.
3. Pagsusunud-sunod o Order sunud-sunod ang paglalahad ng mga
kaisipan o ideya na siyang nagpapalinaw sa bumabasa. Ginagamit ang
mga signal na sa (petsa), noong, di nagtagal, ngayon, bago, nang, mula
(petsa), hanggang (petsa)
a. Sikwensyal-Kronolohikal. Ang sikwens ayon sa diksyunaryo
ay mga serye o sunud-sunod na mga bagay na konektado sa
isat isa at ang kronolohiya naman ay ang pagkakasunud-
sunod ng mga bagay.

Sikwensyal ang isang teksto kung ito ay kinapapalooban ng


serye ng pangyayaring magkakaugnay sa isat isa na
humahantong sa isang pangyayari na siyang pinakapaksa ng
teksto. Batayan ng order ng ganitong mga teksto ay ang
panahon o ang pagkakasunud-sunod na pagkakaganap ng
mga pangyayari. Gamitin ang ganitong organisasyon sa mga
akdang naratib tulad ng kwento, talambuhay, balita, at
historikal na teksto.
Halimbawa:
Pinatay si Ninoy Aquino sa panahon ng pamamahala ni Marcos. Umuwi ang
kanyang byuda, Cory Aquino. Ang pagpatay na ito ay nagpagising sa natutulog na
bansa. Ang tila wala ng pagkatinag na diktadurya ay unti-unting humina.
Tumawag ng isang snap election ang diktador. Napilitan ang byudang
kumandidato laban sa diktador. Siya na isa lamang housewife ang humamon kay
Marcos. Gustong dayain ng diktador ang byuda. Muling nagising ang mga tao.
Dumagsa sa EDSA at doon, sa loob ng apat na araw, naganap ang hindi
inaasahan. Nagtagumpay ang mga tao. Nahirang na pinuno ng bansa si Corazon
Aquino.

Kronolohikal naman ang teksto kung ang paksa nito ay mga


tao o kung ano pa mang bagay na inilalahad sa isang paraan
batay sa isang tiyak na baryabol tulad ng edad, distansya,
tindig, halaga, lokasyon, posisyon, bilang at dami.
Halimbawa:
Ang pag-iisang dibdib nina Francisco Mercado Rizal at Teodora Alonso
Realonda ay biniyayaan ng labing-isang anak siyam na babae at dalawang
lalaki. Sila ay sina: Saturnina, ang panganay sa magkakapatid na
pinalayawang Neneng; Paciano, ang kuya ni Jose na kanyang tinawag na
Uto at naging ikalawang ama; Narcisa, ang ikalawang babae sa
magkakapatid na nakilala sa tawag na Sisa; Olimpia, ikatlo sa mga babae
na may palayaw na Ypia; Lucia; Maria o Biang; Jose na pinalayawang Pepe
at naging pambansang bayani ng Pilipinas; Concepcion o Concha na
namatay sa gulang na tatlo; Josefa na kanilang tinawag na Panggoy;
Trinidad o Trining; at Soledad, ang bunso sa labing-isa at binansagang
Choleng.

b. Prosidyural isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga


gawain upang matamo ang inaasahang hangganan o resulta.
Halimbawa, kung pagluluto ang gagawin, may tamang
prosesong dapat na sundin upang maging masarap ang
pagkaing ihahanda. Kung pagkumpuni naman ng sirang
makina, may mga tamang prosidyur din na dapat gawin
upang maisaayos ang sira nito.

4. Paghahambing at Pagkokontrast nagbibigay-diin sa pagkakatulad


at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya at
maging ng pangyayari. Ang mga sumusunod na signal ay karaniwang
ginagamit: gayunpaman, ngunit, gayundin, sa kabilang dako, hindi
lamang

May dalawang paraan ang hulwarang ito:


a. Halinhinan (alternating) ang pagtalakay sa katangian
b. Isahan (block) magkasunod na pagtataya sa katangian ng
dalawang paksang pinaghahambing at kinokontrast.

Ganito ang karaniwang balangkas ng dalawang paraan ng


pagtalakay ng tekstong hambingan at kontrast:

Halinhinan Isahan
I. Pagkakatulad ng A at I. Mga Katangian ng
B A
A. Pagkakatulad 1 A. Katangian 1
B. Pagkakatulad 2 B. Katangian 2
C. Pagkakatulad 3 C. Katangian 3
II. Pagkakaiba ng A at B II. Mga Katangian ng
A. Pagkakaiba 1 B
B. Pagkakaiba 2 A. Katangian 1
C. Pagkakaiba 3 B. Katangian 2
C. Katangian 3

You might also like