Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAARALANG PAREF SOUTHRIDGE

Mataas na Paaralan- Departamento ng Filipino


Akademikong Taon 2017-2018

%
Unang Mahabang Pagsusulit

Pangalan: ________________________ Iskor:


Baitang at Pangkat: _________ Panunumpa ng Katapatan Petsa:______________
Nanunumpa ako sa harap ng aking guro at mga kamag-aral na
kukunin ko ang pagsusulit na ito nang may katapatan at integridad.
Hindi ako mangongopya o hahayaang mangopya ang kamag-aral
ko sa akin. Ginagawa ko ang panunumpang ito bilang Kristiyano at
Anak ng Diyos. _________________
Lagda ng Mag-aaral

I. Maramihang Pagpili (10 puntos)


Panuto: Bilugan ang titik ng tamang kasagutan sa bawat bilang.

1. Sino ang Unang Hari ng Bembaran?


a. Diwatandaw Gibon c. Minangodaya a Linog
b. Dinaradiya Rogong d. Mabowaya Kaladanan

2. Bakit kinatatakutan ang espiritwal na kakambal ni Diwatandaw Gibon na si Pinatolo i kilid?


a. sapagkat may nakakatakot itong itsura.
b. dahil sa dumadalaw ito sa panaginip
c. dahil walang palagiang anyo
d. sapagkat pumapatay ito sinuman ang masalubong

3. Ilang taon namalagi si Diwatandaw Gibon sa Kaharian ng Minangoaw kasama ang kanyang
anak at asawa?
a. isang taon c. limang taon
b. tatlong taon d. sampung taon
4. Kaharian ng Bembaran: Diwatandaw Gibon:: Kaharian ng Minangoaw:_________________?
Sino ang hari ng Kaharian ng Minangoaw?
a. Tominaman sa Rogong c. Mabowaya Kaladanan
b. Minangodaya a Linog d. Dinaradiya Rogong

5. Bakit gustong bumalik ni Diwatandaw Gibon sa kanyang kaharian?


a. para muling pamunuan ang kanyang kaharian
b. dahil nangulila siya sa kanyang lupang sinilangan
c. dahil muli siyang mag-aasawa
d. para makita ang kanyang mga nasasakupan

6. Anong utang ang pinag-aawayan ng datu ng Moro at Agyu?


a. isandaang tambak ng sera c. lawak ng teritoryo
b. hindi pagbabayad ng buwis d. lahat ng nabanggit

7. Bakit palipat-lipat ng tirahan sina Agyu?


a. dahil kakaunti na lamang ang pinagkukuhaan nila ng pagkain
b. sapagkat nasalanta sila ng kalamidad
c. naghahanap ng lugar na payapa at malayo sa kaaway
d. nagtatago sa pagkakautang

8. Maituturing na anong akdang pampanitikan ang Agyu?


a. alamat c. tula
b. epiko d. maikling kuwento

9. Ang sumusunod ay mga katangian na pinakita ni Tanagyaw sa epikong Agyu, anong


katangian ang hindi kabilang dito?
a. masunurin c. mapagmalasakit
b. magalang d. matapat
10. Sa iyong palagay, ano ang mangyayari kina Agyu kung hindi sila umalis sa kanilang bayan?
a. mananatili ang kapayaan sa pagitan ng dalawang panig.
b. walang katahimikang mararanasan ang kanilang bayan
c. maraming tao ang mamatay sa hidwaan
d. wala sa nabanggit

II. Panuto: Tukuyin kung anong karunungang-bayan ang bawat bilang. Kung ito ba ay bugtong,
salawikain, kasabihan at sawikain.

___________1. Kapag maikli ang kumot, matutong mamuluktot.


___________2. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroonan.
___________3. Kaibigan sa harapan, kaaway sa talikuran.
___________4. Walang sumisira sa bakal kung hindi ang sarili niyang kalawang.
___________5. Pinagpapala ang mga taong may busilak ang puso.
___________6. Butot balat, lumilipad.
___________7. Ako ay may kaibigan, lagi kong kasama saanman.
___________8. Mag-ingat ka Joaquin, may isa kang kaibigan na ahas, wika ni Delio kay
Joaquin.
___________9. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda at hayop.
___________10. Hindi bawat makinang ay ginto. Hindi bawat maputla ay tanso.

III.Panuto: Magbigay ng limang salita na binahagi ng inyong mga kaklase at gamitin ito sa
makabuluhang pangungusap.
Halimbawa:

Ang Salita ng Araw Salin sa Filipino Pangungusap


email sulatroniko Nagpadala ako ng sulatroniko kay
Reuben tungkol sa gaganapin na
reunion party ng aming batch.

Ang Salita ng Araw Salin sa Filipino Pangungusap


1.
2.

3.

4.

5.

III. Pagbuo ng Talata (5 puntos)


Sumulat at ibigay ang pangunahing ideya ng kasabihan na Edukasyon ang susi sa kaunlaran.
Bumuo ng makabuluhang pagpapaliwanag na ginagamitan ng pang-abay na pamanahon at
panlunan. Ipaliwang ito ng hindi lalagpas sa limang pangungusap. Maging direkta at tapat sa
paglalahad.
Pokus na tanong:
1. Bakit sinasabing susi ang edukasyon sa kaunlaran?
2. Saan matatamo o makukuha ang tamang edukasyon at saan ito unang nagmumula?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Pamantayan sa Pagmamarka:
5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos

Napakahusay na Mahusay na Katamtaman na Papausbong na Nangangailangan ng


naipaliwanag ang naipaliwanag ang naipaliwanag ang naipaliwanag ang gabay sa
pangunahing ideya pangunahing ideya pangunahing pangunahing pagpapaliwanag ng
ng kasabihan at ng kasabihan at ideya ng ideya ng pangunahing ideya
nabigyang diin ang nabigyang diin ang kasabihan at hindi kasabihan at hindi ng kasabihan at hindi
pokus na tanong; pokus na tanong; gaano nabigyang gaano nabigyang nabigyang diin ang
nakakitaan nang nakakitaan nang diin ang pokus na diin ang pokus na pokus na tanong;
napakahusay na mahusay na tanong; tanong; hindi nakakitaan ng
paggamit ng pang- paggamit ng pang- nakakitaan nang nakakitaan ng paggamit ng pang-
abay. abay pagtatangka iilang o bilang na abay.
paggamit ng pang- paggamit ng pang-
abay. abay.

You might also like