Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Mc Steven B.

Crisostomo EIM II-A

Tekstong Prosidyural

Paano Magluto ng Adobong Baboy

Isa ang Adobo sa pinakapaboritong ihain ng mga Filipino sa kani-kanilang hapag

kainan dahil sa bukod sa madali itong iluto, maaari ka ring mag-eksperimento

ng ibat-ibang klase ng luto nito. Bukod sa karne ng baboy, pwede ring mag-

adobo ng manok, seafoods o pagsamahin ang karne ng baboy at manok.

Mga Sangkap ng Adobong Baboy

500 grams ng karne ng baboy, hiwaan ng naaayon sa gustong lake

3 piraso ng bawang na pinitpit

1 kutsaritang pamintang buo


3 dahon ng laurel

1/2 tasa ng toyo

1/3 tasa ng suka

1 kutsarang asukal

asin

mantika

Paraan ng pagluto ng Adobong Baboy

1. Paghaluin ang karne ng baboy, bawang, dahon ng laurel, paminta at toyo sa kaldero

at imarinate ng 30 minuto.

2. Ilagay ang kawali sa kalan na may mahinang apoy sa loob ng 40 minuto o hanggang

lumambot ang karne. Magdagdag ng tubig kung kinakailangan.

3. Ilagay ang suka at hayaang kumulo sa loob ng 10 minuto.

4. Maglagay ng asin at asukal ng naaayon sa iyong panlasa.

5. Hanguin ang karne at isantabi muna ang sabaw o sauce.

6. Sa kawali, iprito ang karne hanggang magkulay brown.

7. Ibalik ang karne sa sabaw o sauce at pakuluan ng kahit 1 minuto.

8. Ilagay sa lalagyan ang Adobong Baboy at ihanda ito sa hapag kainan.


Tekstong Argumentativ

Smoking Kills, Di Nga Ba ? (Argumentativ)

Parami na nang parami ang namamatay dahil sa bawat paghithit ng isang istik ng

sigarilyo. Sa kasalukuyan, 28.3 porsiyento ng mga Pilipino, edad kinse pataas ang

naninigarilyo. May malaking katanungan na nabuo sa isip ko dahil sa obserbasyong ito,

"Ano nga bang ikinaganda ng panininigarilyo?".

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, lagi kang makakakita ng mga taong panay

buga ng usok mula sa kani-kanilang sigarilyo. Naging parte na ito ng pamumuhay ng

lipunan. Ilan sa mga rason ng mga tao kung bakit sila nahuhumaling sa paggamit ng

sigarilyo ay ito raw ay nakakawala ng pagod at nakapipigil sa antok kapag nasa gitna

sila ng pagtatrabaho, may ilan namang nagsasabi na nagiging "in" sila kung gumagamit
nito. Nakababahala na ang patuloy na pagrami ng mga gumagamit ng sigarilyo kahit na

hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang masamang epekto nito sa kalusugan. Pikit mata

ang ilan na mga adik sa sigarilyo tungkol sa maaaring kahinatnan ng kanilang

kalusugan kapag patuloy silang nagpakalulong sa paghithit sa mga ito. Ayon sa pag-

aaral, naglalaman ng 4, 800 na kemikals ang usok mula sa sigarilyo, 69 dito ay

maaaring magdulot ng kanser. Isa ring katotohanan na mas maagang namamatay ang

mga naninigarilyo kaysa sa mga hindi gumagamit nito pero maaari pa ring

maapektohan ang mga taong ito kung makakalanghap sila ng usok mula sa sigarilyo.

Maaari pa ring malagay sa bingit ng kapahamakan ang mga tao kahit hindi sila humithit

ng sigarilyo.

Nakakapangamba ring malaman na mismong pangulo natin ay lulong sa

paggamit ng sigarilyo at hindi ito magandang tingnan para sa isang taong dapat sana'y

modelo ng bansa. Nakikita naman nating may aksyong ginagawa ang pamahalaan

ngunit parang kulang pa ang pagpapaalala nila sa mga tao. Kailangan nilang mas pag-

igihin ang pagmungkahi ng mga solusyon at pagsasabatas ng mga ito upang supilin

ang adiksyon ng mga tao sa sigarilyo. Kailangan nilang mas maghigpit para

makasigurong ligtas ang mamamayang Pilipino mula sa mga negatibong epekto ng

paninigarilyo.

Walang anumang kapaki-pakinabang sa paggamit ng sigarilyo. Kailangan rin

siguro ang pagkilos at kooperasyon ng mamamayan at hindi lamang tuluyan na iasa sa

pamahalaan ang paghahanap ng solusyon sa palaki nang palaking isyu na ito. Mas

mapapabilis ang pagwakas sa masamang epekto ng paninigarilyo, kung sisimulan ng

mga "smokers" ang pagbabago at pag-eensayo ng kontrol sa sarili.


Tekstong Impormatibo

Habang ang oras ay patuloy sa pag-ikot. At ang araw ay patuloy sa pag daan.

Patungo sa bagong panahon. Na mumulat na ang mga tao sa mga modernong bagay

na nag bibigay ng malaking tulong sa buhay ng tao. At sa mga pagbabagong ng yayari

sa ating bangsang kinagisnan. Halimbawa na lamang nito ang teknolohiya na may

malaking ambag sa buhay ng tao . Pati na rin sa pag unlad ng ekonomiya. Ngunit di

maiaalis dito ang mga positibo na may kasamang negatibo na maidudulot sa

pamumuhay ng isang tao.

Ang teknolohiya ay napakaimportante sa lahat ng tao sa mundo, lalo na sa mga

kabataan ngayon na siyang kinahuhumalingan at kinaaadikan ng mga tao ngayong

panahon.Ngunit di maikakaila na ang paggamit nito ay may kaakibat na negatibo sa

pamumuhay ng isang tao. hindi lahat nito ay mabuti ang naidudulot . kailangan parin

nito ang masining na paggamit at maingat sa lahat ng bagay. sa paggamit nito ay

kailangan alamin muna kung ano ba ang tamang proseso , paano ba ang gumamit nito

magkaroon dapat ng limitasyon sa paggamit nito . Sapagkat ang lahat ng sobra ay

nakakasama at nagsisilbing lason,na siyang hadlang sa pag kamit ng minimthi

Ayon sa http.teknolohistang pinoy.wordpress.com na mula paman noon at

hanggang ngayon marami nang mga tao na nagtatalo talo dahilan sa kung ang

teknolohiya ba ay may masamang naidudulot sa pamumuhay ng isang tao.Hindi iyan

mawawala sapagkat lahat ng bagay maganda man ito may kapangitan ding tinatago.

dahil sa teknolohiyang ito naipapadali ang mga gawain lalo na sa mga kabataan ngayon

kapag sila ay may mga gawain na na aangkop sa mga pag aaral nila . ito ang
pinagkukunan nila ng mga ibat ibang inpormasyon.At naipapaunlad din nito ang ating

lipunan. Subalit laging tandaan ma ang teknolohiya ay nakakatulong ngunit gaano man

ito nakatulong ay ganun ito nakakapahamak kung pabanayaan ang sarili at pag inabuso

ito. Disiplina ang kailangan.

Ayon naman sa cjefo1.blogspot.com na ang teknolohiya ay may napakalaki na

ang naitulong nito sa mga tao at kabataan simula't sapol na naimbento ito .. Noon wala

pana man masyadong masama naidudulot nito ngunit habang tumatagal umaabuso na

ang ibang tao sa paggagamit nito kaya marahil ngayong panahon marami na ang

gumagamit na walang disiplina sa sarili at walang limitasyon sa pagamit nito kaya

naman napapahamak ang mga tao dahil sa sariling ginagawa.

May malaki nang naitulong ang teknolohiya sa buhay ng tao imbes na itoy

abusuhin. Mas mabuti na ito'y payamanin. At alamin at piliin lamang ang mga

positibong bagay na maidudulot nito sa pamumuhay ng tao.

Tekstong Deskriptibo

Ang Ginto sa ating Kapaligiran

May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at

sa pang araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at

pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing ginto saating

mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring ito ay

mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi lahat ng ginto ay makinang,

mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.


Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng

hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan. Mga

punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng ibat-

ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.

Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating

kinakailangan sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga gulay

na masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay pula.

Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay na walang kasing sarap

dahil ito ay walang katulad at natural ang pagtubo.

Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na

malayang umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig ay

minsay malinaw na kasing linaw ng paningin natin at minsay kulay asul na nag

papahiwatig na ito ay malalim.

Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang katangian nito,

ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan ang kulay, at ang

dagat na nagdadagdag kagandahan sa paligid.

At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan sa

oras ng pagmulat ng ating mga mata, ang araw na nagbibigay saatin ng liwanag, ang

araw na bilog na mas malaki pa sa ating planeta, araw na nagbibigay saatin ng buhay

at pag-asa sa araw-araw.

You might also like