Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kay gandang pagmasdan ang isang Christmas Tree na Puno ng mga palamuti at dekorasyon.

Ito
ay nagpapaalala sa atin na ang Pasko ay papalapit na. Sino po ba sa atin ang mayroong Christmas Tree sa
bahay? Diba po nakaugalian na nating mga Pilipino ang maglagay ng mga dekorasyon sa Christmas Tree
ng sama- sama bilang isang pamilya? Ang nakaugaliang tradisyong ito ay nagbibigay sa atin ng kagalakan
dahil nakikita natin na ang sarili natin pamilya ay nagkakaisa sa pagdating ng Pasko.

Mapapansin po natin ang Christmas Tree na nasa ating gawing kaliwa ay napaka lungkot. Wala
po siyang dekorasyon at palamuti. Tila ba naghihintay ang Christmas Tree na ito sa atin na siya ay lagyan
at bihisan ng kanyang mga palamuti upang makita ang tunay nitong rikit at ningning.

Kaugnay nito, kami po ay kumakatok sa inyong mga busilak at mapagbigay na puso para sama-
samang lagyan ng dekorasyon ang Christmas Tree na ito. Ang halaga ng bawat Christmas Balls at
Poinsettia na inyong mabibili ay mapupunta sa mga batang aming tutulungan sa pagsapit ng Pasko.

Ito po ay ating sama- samang iaalay sa misa at saka isasabit sa Christmas Tree. Parang tulad ng
ating nakaugalian kapag naglalagay ng dekorasyon ng Christmas tree sa ating mga tahanan kasama ang
ating mga pamilya. Maraming maraming salamat po. Pagpalain nawa kayo ng Poong Maykapal.

You might also like