Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Mga Piling Tula ni Jose Rizal

To the Flowers of Heidelberg


Germany 1886
Ang tulang ito ay iniaalay ni Pepe sa mga Pilipinong naghihirap mula sa kamay
ng mga mapangabusong Kastila at para magbigay inspirasyon sa kanyang baying
sinilangan.

Mi Ultimo Adios
Bagumbayan 1896
Ang tulang ito ay iniaalay ni Pepe sa mga taong makakabasa ng kanyang tula
particular na ang mga Pilipino at sa mga susunod na henerasyon.

Mga Gabay na Tanong:


1. Anu ang nais ipahiwatig ni Jose Rizal sa tula?
2. Ang tula ba ay naglalaman ng Diwa ng Pagkamakabayan o Pagmamahal sa
Bayan?
3. Paano mo maisasabuhay sa kasalukuyan ang diwa ng tula?

Capaciete | 1
To the Flowers of Heidelberg

Germany 1886

Peace to my country - faithful land

Faith whereon its sons may stand,

And virtue for its daughters care;

All those beloved creatures greet,

That still around home's altar meet.

Isinasaad sa tulang ito, na para bang gusto ni Rizal dalhin ang mga bulaklak ng
Heidelberg sa Pilipinas upang mapaganda ang ating bayan. Sa ganitong paraan, nais
ipamahagi ni Rizal sa Pilipinas at sa mga Pilipino ang kagandahang kanyang nakikita sa
ibang bansa.Ang mga bulaklak nsa Heidelberg ay nagpapahiwatig ng kapayapaan, pag-
ibig, at karangalan na nais ibigay ni Rizal sa atin. Ito ay isang napakagandang tula na
isinulat ni Rizal dahil sa matinding lungkot na nadama niya sa pagtira sa ibang bansa.

Ang tula ay nagpapakita ng pagmamahal nito sa bayan sa pamamagitan ng bulaklak.


Inilalarawan ni Rizal ang inspirasyong mapadama ng bulaklak na ito sa mga Pilipino.
Napakatindi kasi ng kahulugang dala ng isang bulaklak sa isang tao. Isang damdamin na
tutulak para maipagpatuloy ang iyong adhikain dahil sa inspirasyong dala nito. Ang
bulaklak na ito ang magbibigay ng kapayapaan sa bayan, kabutihan sa mga kababaihan
at katapangan sa mga kalalakihan. Inihambing din ni Rizal ang bulaklak sa kanyang sarili.
Parang inilalarawan dito ni Rizal ang kanyang katayuan bilang dayuhan sa ibang bansa
na kahit ang kanyang anyo o katawan ay nabubuhay dito, ang kanyang kaluluwa o
pagkatao ay nakatanim sa kanyang Inang Bayan, ang Pilipinas. Gaya ng mga bulaklak
na maiiwan ang bango at halimuyak nito sa lupang kanyang tinubuan.

Kagaya ng mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa, kahit na sila ay


malayo sa bayang sinilangan, nagsusumikap pa rin silang mapaunlad ang buhay na
naiwan niya sa Pilipinas. Ang kanilang pagsusumikap ay nakakatulong din na mapalago

Capaciete | 2
ang ekonomiya ng bansa kaya masasabing mong sila ay makabayan. Ngunit kahit
nasaan mn sila mapunta, gugustuhin parin nilang makabalik sa Pilipinas dahil sa
pagmamahal nila sa bayan.

Capaciete | 3
Mi Ultimo Adios

Bagumbayan 1896

Others are giving you their lives on fields of battle

Fighting joyfully, without hesitation or thought for consequences

To die to give you life, to die beneath your skies.

Beneath that cold tomb I shall feel on my brow

Let the song the bird sings be a canticle of peace

Sa kanyang mga huling sandali, ipinahiwatig ni Rizal na alalahanin


ang kanyang mga nagawa. Nais nyang kilalanin sya higit sa lahat bilang isang taong
ibinigay ang sarili sa bayan. Bayani man o hindi ang
mahalaga ay bigyang saysay ang kanyang mga nagawa at kung posible ay
tularan ito ng kanyang mga kababayan. Kapayapaan laban sa karahasan, pag-ibig
tungo sa kalayaan. Gusto niyang maging inspirasyon siya at ang kanyan mga gawa sa
mga susunod na henerasyon.

Inilarawan ni Rizal sa tula ang kanyang pagpapahalaga sa Inang Bayan, sa mga


mamamayan, sa mga ingat yaman, at sa mga kultura nito. Ipinakita nya ang kanyang
pagmamahal dito sa kaniyang mga huling sandali. Marahil ay binalikan nya ang mga ala
ala ng kanyang pagkabata hanggang sapagkamulat tungo sa paghangad ng isang
perpektong konsepto ng isang bayan. Sinasalamin ng tula ang kanyang wagas na pag-
aalay sa kanyang buhay para sa kalayaan ng Inang Bayan. Isa itong kulminasyon sa
kadakilaan nya at sa mga minithi nya mula noong sya ay namulat sa mundo at sa lipunan.
Ito ang kanyang panghuling mensahe sa kapwa Pilipino ukol sa paghahangad ng
kasarinlan, pakikipaglaban para sa kapayapaan at kung ito ma'y makamit ay
pangangalagaan ng kahit pa pagbubuwis ng sariling buhay.

Ang diwa ng tulang ito ay nagsasalamin ng pagmamahal natin sa bayang ating


kinagisnan. Sa diwang nasambit ay masasabing matagal na itong ginagawa sa
Capaciete | 4
kasalukuyan ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino ay matiyagang nag-aaral, nagsusumikap
magtatrabaho at nag-aalay ng buhay sa pagtatanggol para sa kanilang bayan. Ito ang
pamamaraan ng mga kasalukuyang Pilipino para maipakita nila ang pag-ibig nila sa
Pilipinas. Sa kasalukuyan naipapakita natin ang pag-ibig natin sa bayanpamamagitan ng
pausbong ng ekonomiya ng bansa na dala ng konseptong globalisasyon.

Capaciete | 5
Mga Piling Sanaysay ni Jose Rizal

Ang Katamaran ng mga Pilipino


La solidaridad, Madrid 1890
Ang sanaysay na ito ay isinulat ni Jose Rizal upang ipahayag ang sanhi ng
katamaran ng mga Pilipino at para maging gabay din ito sa pag-asenso ng bansa.

Liham Para sa mga Kababaihan ng Malolos


London, England 1889
Ang sanaysay na ito ay isinulat ni Jose Rizal upang magbigay suporta at
magbigay ng papuri sa mga Kababaihan ng Malolos na lumaban sa kanilang
karapatang makapag-aral.

El Filibusterismo
Ghent, Belgium 1891
Ang nobelang ito ay isinulat ni Jose Rizal upang Ihayag ang nadarama ng
mga Pilipinong nagigipit dahil sa pang-aabuso ng mga prayle sa kanilang lipunan.

Mga Gabay na Tanong:


1. Anu anong isyu at kaganapan sa lipunan ang binigyang linaw ni Jose Rizal sa
sanaysay/nobela?
2. Paanong ipinagtanggol at ipinagmalaki ni Jose Rizal ang lahing Pilipino sa
sanaysay/nobela na ito?
3. Paano mo maihahalintulad ang mga isyung tinukoy ni Jose Rizal sa
kasalukuyan?

Capaciete | 6
Ang Katamaran ng mga Pilipino

La solidaridad, Madrid 1890

The Europeans themselves who reproach of the residents of

the colonies so much, how do they live in tropical countries?

And yet they live and eat better, they work for themselves to get rich, with the

hope of a future, free and respected, while the poor colonist, the indolent colonist, is

badly nourished, has no hope, toils for others and works under force and compulsion

Binigyang diin ni Rizal ang mga kaganapan na nagging sanhi ng katamaran ng mga
pinoy. Unang una ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas na Pumutol sa anumang
ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa Asia Dahil sa Galleon Trade na naksentro lamang
ang komersyo sa Mexico. Pangalawa, pinilit na pinagtrabaho ang mga Pilipino sa
pamumuno ng mga Espanyol para magtrabaho sa mga daungan, gumawa ng mga
daanan at iba pang pampublikong gawain dahil sa banta na rin ng gyera mula sa
kalabang bansa at kalapit na pulo tulad ng Mindanao. Panagatlo, dahil dinis armahan ng
mga Espanyol ang mga katutubo, tuluyan silang nawalan ng depensa laban sa mga uma-
atakeng pirate mula sa Sulu at Mindanao na nagging sanhi ng pagkalagas ng mga
populasyong ng mga katutubo sa Visayas at sila ay naging mga nomad mula sa pagiging
sibilisado nila. Pang-apat, ang systema ng edukasyon, mga dasal at mga kaalamn
patungkol sa relihiyong katoloiko lamang ang itinuturo sa mga Pilipino na wala namang
kaugnayan sa pagpapaunlad ng bansa.

Panglima, ang mga Kastila mismo ang napapakita ng katamaran sa mga


nasasakupan niya. Pumapasok lamang ang isang opisyal sa trabaho ng alas dyes na
umaga hanggang sa tanghali. Pang-anim, ang malawak na pasugalan na
pinangungunahan ng mga prayle at mga opisyal ng gobyerno. Pangpito, ayon sa turo ng
mga prayle sa mga Pilipino, madaling mapasok sa kaharian ng Diyos kung ikaw ay isang
mahirap na siya namang sinunod ng mga mananampalatayang Pilipino. At ang panghuli,

Capaciete | 7
ang mataas na kaltas ng buwis sa kita ng mga Pilipino mula sa force labor hanggang sila
ay inalis na sa trabaho, naiiwan tuloy silang gipit sa pera. Sinabi ni Rizal na sa isang oras
na pagtatraho ng Pilipino ditto ay katumabas ng isang araw na trabaho sa Europa dahil
ang Pilipinas ay mas mainit kesa sa Europa.

Ang sanaysay na ito ay nag papaliwang ng mga sanhi sa nagging katamaran ng mga
Pilipino sa loob ng maraming taon. Dahil sa malupit na pamumuno ng mga kastila tayo
ay naging sunod sunurang aso nila. Inalipin, dinisarmahan at pianabayaang mapahamak
mula sa kamay ng mga bandido. Habang sila ay nagpapakasaya sa mga biyayang bigay
ng likas na yaman ng Pilipinas, ang Pilipino naman ay nagpapakahirap sa ilalim ng araw.
Naging mga uto uto ang mga Pilipino mula sa turo ng simbahang Katoliko na
pinamumunuan ng mga prayle. Ang mga bagay na ito ang humubog sa pagiging tamad
ng mga Pilipino. Ngayong natamasa na ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga kamay
ng mga Kastila, namumuhay na ng payapa ang mamamayan nito.

Nagagawa na rin nila ang gusto nilang makuha sa buhay pero mayroon pa ring mga
Pilipino ang naghihirap sa mga panahong ngayon. Ang katamaran parin ang
pangunahing suliranin ng mga Pilipino ngayon dala siguro ng klima sa Pilipinas at
impluwensya ng pasugalan na hanggang sa ngayon ay talamak pa rin. Ang ganitong ugali
at Gawain ng ibang Pilipino ang bumabagal sa proseso ng pagasenso ng ekonomiya ng
Pilipinas. Pinuna siguro ito ni Rizal para tayo ay magbago at maging kapaki-pakinabang
na mamayan ng Pilipinas.

Capaciete | 8
Liham Para sa mga Kababaihan ng Malolos

London, England 1889

Now that you have set an example to those who, like you, long to have their

eyes opened and be delivered from servitude, new hopes are awakened in us and we now

even dare to face adversity, because we have you for our allies and are confident of victory

No longer does the Filipina stand with her head bowed nor does she

spend her time on her knees, because she is quickened by hope in the future

Inihayag sa sanaysay na ito ang pakikipaglaban ng mga kababaihan sa kanilang mga


krapatan tulad ng karapatan nilang makap-agaral at hindi pumasok sa kumbento. Ang
layunin ng liham nito ay para hindi lang sa mga dalagang taga-Malolos, kundi ay iparating
sa mga iba pang Pilipina ang kanilang kahalagahan sa bayan at mga responsibilidad nila
sa pamilya at iba. At ito ay naipakita sa kanyang introduksyon. Ang mga bulaklak na
walang bango. Sapagkat karamihan sa mga kababaihan sa Pilipinas ay pawang mga uto-
uto sa mga mas makakapangyarihan sa kanila. Tila nagpapaapi sila at hindi lumalaban
para sa kanilang karapatan. Mapapansin din natin dito na kahit kabaligtaran ang kasarian
ni Rizal ay nabibigyan niya pa rin ng matinding pansin ang mga kababaihan. Siguro ay
dahil sa mga pakikisalamuha niya na rin sa mga iba at mga nakaka-relasyon niya.

Parang nagulat siya sa katapangan ng mga dalagang taga-Maloslos sa kabila nang


pagtingin niyang ang mga babaeng Pilipina ay hindi ito magagawa. Napahanga siya dito.
Noon, mahirap talagang ipagpilitan ang sarili sa mga mga taong may mas mataas na
puwesto kesa sa iyo dahil nga sa mas marami silang kayang gawin laban sa iyo at marami
ding nasisilaw sa mga salaping ibinabayad nila sa iba. Kaya para sa kanya ay puwede
itong maging inspirasyon lalung-lalo na sa mga kababaihan. Bahagi rin ng liham ang
pagpapaalala ni Rizal sa lahat na matutong tignan at alamin ng mabuti ang lahat ng mga
bagay kung ito ba ay tama man o mali. Maging mapag-husga kung kinakailangan. At ito
ay nakasalalay sa pagpapamulat na ginagawa ng mga ina sa kanila. Bukod sa totoong

Capaciete | 9
relihiyon, nabanggit din niya na mahalaga ding matutunan ng mga bata ang pagkakaroon
ng mabuting karangalan, pagiging matapat, respeto at pagmamahal sa mga kababayan,
at paggalang sa Diyos.

Sa kasalukuyang henerasyon, Nagkaroon na ng mga karapatang tumutulong sa kanila


para umasenso dahil na rin sa ginawang pakikibaka ng mga kababaihang Pilipino noon
na siyang nagbunga sa kasalukuyan. Patuloy pa rin ipinagtatanggol ng mga kababaihan
ngayon ang kanilang mga karapatan tulad ng grupong Gabriela na kasangga ng mga
kababaihan kapag sila ay pinagkaitan ng kaniang mga karapatan. Napakalayo na ng
pagkakaiba ng mga Pilipinong kababaihan ngayon kesa noon. Pinapakita lamang nito
kung gaano na kalayo ang nakamit na tagumpay ng mga kababaihang Pilipino.

Capaciete | 10
El Filibusterismo

Ghent, Belgium 1891

Sa pamamagitan ng pasulat ni Rizal ng El Filibusterismo, inaungkat niya ang ilan sa


mga isyu na kanyang na siyasat sa lipunan tulad ng mga isyung nakakabilangan ng mga
prayle. Ang mga isyung ito ay mga pagpapayaman sa kanilang mga asyenda, pang-aakit
sa mga babae, panggugulo, pagliligpit sa mga kaaway atbp. Ito lamang ay ilan isyu na
inilarawan niya gamit ang kanyang nobela. Dahil sa nobelang ito, si Rizal ay
nakakatanggap ng mga pagtuligsa at pagbabanta bilang isang kilos ng panggigipit.
Patunay lamang ito na masyadong naapektuhan ang mga prayle sa mga obra maestra
ni Rizal, dahil sino bang tao ang papatol sa mga di totoong pasaring. Kaya sa kilos na
ginawa ng mga prayle laban kay Jose, pinatunayan lng nila na makatotohanan ang mga
isyung nalathala ni Rizal sa kanyang aklat.

Sa nobelang ito, hindi ko masasabing ipinagtanggol at ipinagmalak ni Jose ang mga


Pilipino dahil ang kuwento ay nakasentro sa mga plano ni Ibarra. Isang plano na hihikayat
sa mga Pilipino para gumawa ng rebolusyon na siyang maghahatid sa Pilipino sa
kapahamakan. Ang El Filibusterismo ay nobela ng paghihiganti at trahedya na pansiriling
kagustuhan lamang ng pangunahing karakter ang nasusunod sa kuwento. Ginawa ang
nobelang ito dahil si Rizal mismo ay nakaranas ng ganitong mga isyu. Ito ang paraan ni
Rizal para ipakita ang mga katiwaliang nangyayari sa Pilipinas. Kung babasahin mo ang
nobelang ito, tiyak na aalab sa galit ang iyong maramdaman laban sa mga prale at
Espanyol noon dahil sa mga trahedyang sinapit ng mga tauhan ng kuwento.

Hanggang ngayon, masasabi pa rin natin na nangyayari pa rin ang mga isyung
tinukoy ni Rizal sa kanyang Obra Maestra. Ilan sa mga isyung ito halimbawa ang
kurapsyon, pagliligpit sa mga kaaway at panggugulo. Sa kasalukuyang henerasyon, hindi
na ang mga prayle ang gumagawa nito kahit sinong tao, ginagawa na ang mga isyung
nasabi. Politiko, pulis, sindikato, at marami pang iba sila ang mga kasalukayang
makasalanan sa mga isyung ito. Nakakalungkot mang isipin na namana natin ang mga
ginagawa ng mga Espanyol noon. Isang napapakapanlulumong katotohanan dahil ito

Capaciete | 11
mismo ang naglalagay sa atin sa kahirapan. Ang mga inosenteng Pilipino ang nagiging
biktima ng mga ganitong gawain.

Capaciete | 12

You might also like