Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

ANINO NG KAHAPON

Ni: Francisco Laksamana

Tagapag-ulat
Shaima D. Diawe
Arby Jay M. Barnachea

Talambuhay ni Francisco Laksamana

Francisco Laksamana (1877-1966)

Isang kilalang Pilipino na komandanteng hukbo ng mga Espaol. Siya ay


isa ring Pilipinong manunulat na nabuhay noong mga panahong sakop
pa ng mga Espaol at mga Amerikano ang Pilipinas.
Siya ay isang kapampangan na nagmula sa Conception, Tarlac.

Bilang manunulat sa kabila ng pagiging komandante ng mga Espaol,


siya ay nagsulat sa wikang Filipino.

Itinampok siya bilang isa sa mga 99 na kapampangang may naiambag sa


paghubog ng kulturang kapampangan at kasaysayan ng Pilipinas na
Singsing Magazine na inilathala ng Holy Angel University.
Nagsulat din siya ng dagli na inilathala noon sa ibat-ibang pahayagan
gaya ng Balagtas at Renacimiento Filipino.

Mga Tauhan

Modesto Magsikap/ Intong- kasintahan ni Elisea. Ang pumatay kay Cruz at


sumaksak kay Roca.

Elisea Liwayway/ Seang- kasintahan ni Modesto. Anak ni kapitan Ines at


Lucas.
Mga kaibigan ni Elisea at Modesto:
Bebang, Atang, Sinang, Ipang, Mameng, Trineng, Ides, Andoy, Nicanor/ Nano,
Binoy, Dadong

Sarhento Cruz- manliligaw ni Elisea na pinatay ni Modesto.

Tenyente Zosimo Roca- ang pinuno ng nga sibil sa Ilaya. Nanligaw kay Elisea
nung mamatay si Cruz.

Ering- kasintahan ni Tinyente Roca.

Kapitan Lucas Liwayway- ama ni Elisea. Asawa ni ka Ines.

Kapitan Ines Liwayway- ina ni Elisea at asawa ni ka Lucas.

Kapitan Asiang Magsikap- ina ni Modesto. Naging baliw matapos hulihin ang
dalawang bunsong anak.

Kapitan Angel Magsikap- ama ni modesto. Namatay sa pag-aalala lay


Modesto.

Mga kapatid ni Modesto:


Mensiya, Mauro, Daniel.

Victor- nakasama ni Modesto sa kulungan. Ang kasama ni Modesto na


dumalaw sa lamay ng kanyang ama.

Felix at Fabian- mga kasama ni Modesto sa piitan. Sumapi sa mga tulisan.

Toneng- asawa ni Fabian na naghiganti sa pamamagitan ng pagbintang kay


Fabian na siya ang naka patay sa anak niya.

Sisenando Lapus- pangalang ginamit ni Modesto nang siyay madakip upang di


matagpuan ng mga sibil sa Ilaya.

Simon, Bitoy, Miroy, Kulas, Goyo- mga ikinulong at pinaratangang pumatay


kay Sarhento Cruz.

Tisiya, Aling akang- mga babaeng naghihintay sa kanilang asawang ikinulong


sa kwartel ng Ilaya.
Kapitan Mariano- kasalukuyang kapitan sa Ilaya at kagaya sa kura ay sinabi
ng isang hinuli na siyang pumatay raw kay Cruz ngunit di pinaniniwalaan ni
Roca.

Tandang Magdalena- kapitbahay nina kapitan Asiang na nagmungkahi sa


kanila na magdasal sa mapaghimalang bangkal.

Abeng- anak ni Tandang Magdalena at nagmamaneho sa kalesa na bumangga


dahil sa sobrang bilis.

Mengoy- pinagbilinan nina ka Asiang at Angel sa mga anak nito. Ang nagdala
ng sulat ni Modesto sa kaniyang magulang.

Hermano Tibo- matandang may malaking butil ng kwintas at nakiramay sa


pagkamatay ni kapitan Angel.

Aling Belang- ina ni Beatriz, ale ni Elisea na kasama sa pagramay kay ka


Angel.

Beatriz- pinsan ni Elisea.

Senyor Tenyente Cabero- ang pumalit kay Roca nang itoy masakal ni
Modesto.

Mang Siano at Aling Biyang- mag-asawang nagpatuloy kina Intong at Victor


sa dampa nila.

Kulas- kababayan ni Intong na nagbalita sa kanya sa pagkakulong ng kanyang


mga kapatid.

Aling Chimang, aling Petra- Ina nina Pedrito at Binong na bumisita sa


Maynila.

Kabesang Cayetano/ Tano- kapatid ni Kapitan Lucas na taga Maynila at


tinuluyan nina Elisea at ka Ines sa Maynila.

Tiya Nene- asawa ni kabesang Tano. Ina ni Rafaela.

Rafaela- Pinsan ni Elisea na anak nina kabesang Tano at Nene na sumama sa


kastilang manliligaw nito.
Abdul- ang pinuno ng mga tulisan sa bundok Banaba.

Isopo/ Zacarias- taga- Pangasinan na sa kailokohan lumaki at tagapagluto ng


mga tulisan.

Gobernador Rubio- nag balita kay Roca na patay na si Magsikap.

Aling Oria- matandang dalaga na may-ari ng bahay na pawid sa Trozo.

Terio- kababayan ni Intong na nag-aalalang maparusahan dahil sa


pagpapatuloy ng isang tulisan sa bahay na tinitirhan nito.

G. Ventura Pili- kilalang magiting at maibigin na pangalang ginamit ni


Modesto upang makapagpadala ng sulat kay Elisea.

Tagpuan

Bayan ng Ilaya:
Sa Ilog
Sa Kwartel
Sa Bahay ni Modesto
Sa Tubuhan
Bayang P. . .
Bangkal
Bahay pamunuan sa N. . .
Sa maliit na dampa sa sulok ng isang gubat sa San Roque
Maynila

Sa ilog Pasig, sadsaran ng mga bapor.

Daang E. . . Binundok

Sa Sirko

Bundok Banaba
Sa loob ng malaking bahay gamutang hukbo sa lalawigang T. . .
Sa may kalakihang bahay na pawid sa kasuluk-sulukan at looban ng
daang D. . . Trozo
Daang S. . . Santa Cruz
Isang maliit na ilog
Ika-17 ng mayo (1891) sa Union
Saint Louis, EE. UU.
Banghay

Panimula: Nagsimula ang nobela sa paglalarawan sa bayan ng Ilaya sa Luzon.

Nariyan ang pagpurit pagpintas ng mga ibang mula sa bayang karatig at


malayo ay nagsisidatal doon. Hindi nagkaroon ng sabungan at bahay-sagutang
malalaki, datapwat nagkaroon ang bayang Ilaya ng kaakit-akit na ayos ng mga
kabukirang malalawak ng nagsasabog ng malalamig na simoy upang siyay
purihin at kawilihan. pahina 1. . Kabanata 1.

Gitna:

Saglit na kasiglahan:

nang makarinig ng sigaw ang mga taga-Ilaya sa kailaliman ng gabi

Nagpadala ng sulat si Tenyente Roca sa kanilang bahay.

Namatay si kapitan Angel sa pag-aalala kay modesto

Pakikipagpanig ni Modesto sa mga tulisan upang salakayin ang kwartel sa


Ilaya

Tunggalian:

Tao laban sa tao

Patunay:
Sa sandaling itoy bangkay na si Cruz , at akoy wala na rito sa bayan.
Ang sundang koy hindi nangiming tumarak sa kaniyang dibdib: Ganitong
talaga kung manghiganti ang nagaalimpuyo ng kapootan, ang tabak ng di
makaimik na api!

Pahina 22, Kabanata 2


Ako nga aniya, at di iba ang asesino. . . Ang asesino! kasabay na dinukot sa likod
ang isang matulis na sundang at dinaluhong si Roca.

Pahina 116, Kabanata 7

Tao laban sa lipunan

patunay:

Ang pag-uusig kay Modesto mula noon ay lalo nang humigpit. Sa lalong
kapuluan halos at sa bawat kwartel ng nga kawal, gayundn sa mga
pamunuang-bayan ay wala ng napagpupulungan kundi si Modesto.

pahina 239, kabanata 16

Kasukdulan:

Patayin ni Modesto si Sarhento Cruz

Ang pagyurak sa mga taong nagsisimba sa bayang P. . .

Ang pagkakulong ni Modesto sa paratang sa kanya na pagpatay.

Ang pagsaksak ni Modesto kay Tenyente Roca sa lamay ng kanyang ama.

Ang pagsalakay nina Modesto at ang mga tulisan sa kwartel ng Ilaya.

Ang pagkadakip sa mga kapatid ni Modesto.

Ang pakikita ni Modesto Elisea sa naaktuhan ng kapitan Lucas.

Ang pagsaksak ni Modesto sa tatlong kawal sa silang ninaTerio sa Maynila.

Suliranin:
Pagpatay ni Modesto sa manliligaw ni Elisea na si Cruz.

Takot nina kapitan Lucas at Ines na mapasama sila sa pag-uusig sa


pagkamatay ni Cruz.

Pagdududa ni Modesto sa pagmamahal ni Elisea.

Ang pagkamatay ni kapitan Angel at pagdakip sa dalawang kapatid ni Modesto.

Pagkatakot ni Roca dahil may Pilipino nang marunong lumaban sa kanyang


dangal.

Wakas

Kakalasan:

Nang makalaya si Modesto sa pagkabilanggo sa bayang P. . .

Nang magtungo sa Bangkal sina kapitan Asyang at Angel at nakita si Mingoy.

Nang nalaman ni Roca na hindi pa patay si Modesto.

Nang makarating ng Maynila si Kapitan Lucas matapos sumulat.

Nang ibalita ni Modesto kay Elisea na siya ay maayos na namumuhay sa Siant


Louis.

Ang pagkadakip kay Terio at mga kasamahan nito.

Kalutasan:

Ang pagkabasa ni Elisea sa mga sulat ni Modesto na itoy ligtas at di siya


makakaligtaan.

Ang paglaban ni Modesto mag-isa sa tunay na kalayaan na kanyang


hinahangad.

Ang pagbabalik nina Elisea at mga magulang nito sa Ilaya matapos ang anim
na taon.

Ang pagbabati at pagyayakapan ng mga taga-Ilaya sa kalayaan.


Kabisaan:

Bisa sa damdamin

-Sa nobelang ito, napupukaw ang damdaming pagka-makabayan ng mga


Pilipino. Makikita din dito ang paghihirap at inhustisya sa mga kabataang
Pilipino sa panahon ng mga kastila.

Bisang pangkaisipan

-Ito ay may bisa sa isip sapagkat nabibigyan tayo ng mga kaalaman sa


masalimuot na pangyayari sa panahon ng mga kastila hanggang sa tayo ay
sakupin naman ng mga amerikano

Bisa sa Kaasalan

-Ito ay may bisang pangkaasalan sapagkat makikita natin dito ang mga
pag-uugali at tradisyon ng mga Pilipino sa panahon ng mga kastla. Makikita
dito ang asal ng mga dalaga at mga binata sa bayan ng Ilaya. Mga asal na
mabuti at masama.

Mga Tradisyon:

Tradisyong Biograpikal
-Ito ay tradisyong biograpikal sapagkat may kaugnayan sa buhay ni
Laksamana ang Nobela. Isa siyang miyembro ng hukbo ng mga kastila noong
kapanahunan niya, ngunit ipinakita niya sa nobela ang masamang
pamamahala ng mga kastila sa bansa.

Tradisyong Kultural
-Ito ay isa ring tradisyong kultural sapagkat makikita sa nobela ang
tradisyon at kultura ng mga Pilipino.

Patunay:

Ang anyo at kaniyang pananamit na barong puti, salawal na puti ring


nakabiyakis hanggang ibabang-tuhod, at sombrerong kawayan ay
nagpapakilalang siyay tunay na Filipino. (Pahina 30, Kabanata 3)

Ipinagdiriwang ang dakilang pista ng pintakasi sa bayan, kaya lahat ng taoy


nagagalak: handaan kabi-kabila ang mga tagaroon at bibihirang bahay na bato at
pawid ang walang panauhin. (Pahina 32, Kabanata 3)"

Pagdating na pagdating ni Aling Magda ay binalitaan si Kapitang Asiang


na unang nakausap, ng tungkol sa Birheng umanoy milagrosa (mapaghimala), ayon
sa balita naman sa kanya ng isa raw niyang kumpare. (Pahina 69, Kabanata 5)

Huwag kat malapit na raw makalabas sa engkanto si Bernardo, anang


nakaupo sa pala, isang paa na raw lamang niya ang nakakabit sa batong malaki ng
bundok-Sinukuan.
(Pahina 84, Kabanata 6)

Tradisyong Romantisismo
-Ang nobela ay tradisyong Romantesismo dahil ipinakita dito ang
pagmamahalan nina Modesto at Elisea, Pag-ibig ni Modesto sa Kanyang
pamilya at ang pagmamahal at pag-ibig nito sa kanyang bayan.

Patunay:

Kung minamarapat mo, Seang, itoy maging isa pa sa mga saksi ng


tunay kong. . .pagmamahal sa iyo.
(Pahina 9, Kabanata 1)

Kanina pay parang sinaksak ang aking dibdib nang sabihin mong baka
ang anak moy kung napapano na. (Pahina 78, kabanata 5)
Oo, si Elisea, ang pinakagigiliw kong Seang. . . Inaakala mo bang siyay di na
akin? . . . . Oo, mangyayaring hindi na, ngunit ang lalo ko namang maaasahan ay ang
di pag-iiba ng pag-ibig niya sa akin, paris ng di pagmamamliw ng aking puso sa
kaniya.
(Pahina 191, Kabanata 12)

Talagang hindi ko mapagtataksilan ang isa kong mataos na iniibig, ang


piniling maging kasi ng iisa kong puso. . . (Pahina 204, Kabanata 13)

Tradisyong Realismo
-Ito ay tradisyong Realismo sapagkat makikita dito ang makatotohanang
pangyayari sa kasaysayan natin sa masalimuot na pagsakop ng mga kastila.

Patunay:

Karma

Bakit? Sapagkat lalong marami ang nakalulon, nasamid at halos


nabulag sa alikabok na iniwan sa likod ng mabilis nilang pagpapatakbo.
(Pahina 67, Kabanata 5)

Noon napatunayanng lalo ang lakas pumaraan ng salapi: talo ang


pangangayupapa at pagkakabusabos sa harap ng nag-aalab na kapootan ng isang
pinuno. (Pahina 68, Kabanata 5)

Kay-sipag na magkakaingin ang nag linis noon!!!


(Pahina 71, kabanata 5)

Tradisyong Simbolismo
Ang nobela na ito ay puno ng simbolo. Ito ay tradisyong simbolismo
sapagkat ang mga bagay na ginagamit ni Laksamana sa nobela ay puno ng
simbolo.

Bayan ng Ilaya- Mikrososmo ng Pilipinas sa panahon ng mga Kastila.


Modesto Magsikap- Sinisimbolo niya ang mga Pilipinong ipinaglaban ang
kanilang dangal at kalayaan sa mga mapagsamantalang mga kastila.

Elisea Liwayway- Sinisimbolo niya ang isang bagong pag-asa na naging


inspirasyon ng mga Pilipino labanan ang mga Kastila.

Sarhento Roca- Siya ay sumisimbolo sa mga masindaking kastila na tunay na


natatakot sa pagkagising ng diwa ng mga Pilipino.

Tradisyong Arketipal
-Ito ay tradisyong Arketipal dahil may mga pangyayari na paulit-ulit na
makikita sa ibat-ibang akda. Kakikitaan ng arketipal ang nobelang ito dahil
may mga pangyayari na makikita sa iba pang nobela na naisulat sa panahon
ding iyon.

Pananahi ng mga babae habang naghihintay sa kanilang kasintahan.


Paliwanag: Makikita din ito sa nobelang ang Pagsintay walang Puso at Noli me
Tangere.

Patunay:

At pagkatapos nitoy kinuha ang isang maliit na panyong niletrahan at


lumabas na nakiumpok sa dalawang alilang nanunulsi.
(Pahina 218, Kabanata 15)

Tradisyong Imahismo
-Ito ay malalapatan ng tradisyong imahismo dahil sa huling sulat ni
Modesto para kay Elisea, sinabi dito ni Modesto na siya ay nasa bansang
malaya at pantay-pantay ang pagtrato sa mga tao doon. Hindi nya sinabi kung
anong bansa ito ngunit nagkakaroon ng imahen ng ang bansang tinutukoy niya
ay ang Amerika dahil nangyari din ito sa pagitan ng panahon ng mga kastila at
Amerikano.
Tradisyong Pormalistiko

-Sinimulan ang nobela sa paglalarawan ng may-akda sa pangyayarihan ng mga


tagpo sa nobela.

-Hindi sinimulan sa prologo at epilogo.


-Ang Wikang ginamit ay Pampanitikan.

Tradisyog Eksistensyalismo
-Sinusunod ni Modesto ang kanyang saloobin na ipaglaban ang kanyang
dignidad. Hindi niya sinusunod ang payo ng ibang tao dahil siya ay nakatuon
sa kanyang mga plano.

Patunay:

Habulin, aniya, Habulin ang sakim na walanghiya. . . Huwag titirhan


ng buhay. . .!
(Pahina 116, Kabanata 7)

Tema
Ang pagkamulat at pakikipaglaban para sa karapatan, kalayaan,
tradisyon at identidad ng mga Pilipino.

Damdamin:
Poot
Galit
Paghihiganti
Pagkamuhi
Pagmamahal

Ano ang ibig sabihin ng pamagat?

Ang ibig sabihin ng pamagat na Anino ng Kahapon ng akda ni Fracisco


Laksamana ay ang pag-alala sa paghihirap at pasakit ng mga Pilipino sa kamay
ng mga kastila.
Uri ng Nobela:

Tauhan
Pangyayari/Banghay
Romansa
Kasaysayan/Historikal
Pagbabago
Layunin
Sining

You might also like