Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

EsP VI

Unang Markahan
9:15 – 9:40 WRIGHT

Petsa: Agosto 7, 2017 - Lunes


ALAMIN NATIN

I. Layunin:
nakagagawa ng solusyon/ wastong pasya batay sa wastong impormasyon
II. Nilalaman:
Paksa: Paggamit ng Wastong Impormasyon
Aralin: Katotohan at Mapanuring Pag-iisip
Sanggunian: Batayang Kurikulum sa ESP, p. 81
Kagamitan: powerpoint presentation ng gawain
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Pagpapalagayang-Loob
2. Pagbabahaginan
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik-Aral:
Ano ang naitutulong ng pagkamapagtiis sa paggawa natin ng pasya?
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Nasubukan mo na bang humingi ng pahintulot sa iyong magulang para
sa isang gawain sa paaralan?
Papaano mo napapayag ang iyong magulang upang makilahok dito?
2. Paglalahad:
Ipabasa sa mga mag-aaral:
May libreng bakunang ibibigay sa paaralan nila Rosa kaya’t nagbigay
ng impormasyon at pahintulot para sa pagpayag ang guro niya. Pagka-uwi sa
bahay ay sinabi ni Rosa sa kanyang ina ang tungkol dito. Hindi niya ito agad
napapayag dahil sa pangambang makakasama ito sa anak. Ngunit sinabi ni
Rosa sa ina mas mabuting basahin ang impormasyon nakalakip sa pahintulot
bago ito magdesisyon. Binasa ng kanyang ina ang impormasyon tungkol sa
bakunang ibibigay. Napagalaman ng kanyang ina mula rito ang mabuting
maidudulot ng bakuna sa kanyang anak kaya’t nagpapayag na rin si Rosa na
papirmahin ang kanyang ina sa pahintulot upang mabigyan ng bakuna ang
anak
3. Pagtatalakay:
Sagutin ang mga tanong:
1. Tungkol saan ang hinihinging pahintulot ni Rosa sa Ina?
2. Napapayag ba agad ni Rosa ang kanyang ina?
3. Papaano niya ito napapayag? Papaano nakatulong ang wastong
impormasyon sa kanyang ina sa paggawa nito ng desisyon?
4. Paglalahat:
Ano ang kahalagahan ng wastong impormasyon sa paggawa ng wastong
pasya?
IV. Pagpapahalaga:
Paano nakakatutulong ang wastong impormasyon sa paggawa wastong
pasya ?

EsP VI
Unang Markahan
9:15 – 9:40 WRIGHT

Petsa: Agosto 8, 2017 - Martes


ISAGAWA NATIN

I. Layunin:
nakagagawa ng solusyon/ wastong pasya batay sa wastong impormasyon
II. Nilalaman:
Paksa: Paggamit ng Wastong Impormasyon
Aralin: Katotohan at Mapanuring Pag-iisip
Sanggunian: Batayang Kurikulum sa ESP, p. 81
Kagamitan: powerpoint presentation ng gawain
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Pagpapalagayang-Loob
2. Pagbabahaginan
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik-Aral:
Ano ang naitututulong ng mapanuring isipan sa paggawa ng wastong
desisyon para isang suliranin?
B. Panlinang na Gawain:
1. Pangkatang Gawain:
Hatiin sa 4 ang klase at ipakita kung papaano nakakatulong ang
impormsyon nakukuha sa sumusunod upang makagawa ng solusyon:
a. Internet c. Telebisyon
b. Pahayagan d. Radyo
2. Pag-uulat ng Bawat Grupo
3. Pagtalakay:
1. Naipakita ba ng bawat pangkat kung papaano nakakatulong ang
wastong impormasyong ating nakukuha sa paggawa ng solusyon ?
2. Batay sa pinakita ng bawat pangkat paano nakatulong ang wastong
impormsyon para makagawa ng solusyon?
4. Pagbuo ng Konsepto:
Ang mga wastong impormasyong ating nakukuha ay nagsisilbing
gabay upang tayo ay makagawa ng isang solusyon, ganunpaman kailangang
maging mapanuri sa mga impormasyon ating nakakalap.
5. Pagpapahalaga:
Itala ang mga tulong na maaring maibigay ng mga wastong
impormasyong iyong nakukuha.

EsP VI
Unang Markahan
9:15 – 9:40 WRIGHT

Petsa: Agosto 9, 2017 - Miyerkules


ISAPUSO NATIN:

I. Layunin:
nakagagawa ng solusyon/ wastong pasya batay sa wastong impormasyon
II. Nilalaman:
Paksa: Paggamit ng Wastong Impormasyon
Aralin: Katotohan at Mapanuring Pag-iisip
Sanggunian: Batayang Kurikulum sa ESP, p. 81
Kagamitan: powerpoint presentation ng gawain
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain:
1. Pagpapalagayang-Loob
2. Pagbabahaginan
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik-Aral:
Saan-saan tayo maaring makakalap ng wastong impormasyon?
Paano nakakatulong ang mga ito sa paggawa natin ng soolusyon?
B. Panlinang na Gawain:
1. Pagganyak:
Nakakatulong ba sa iyo ang mga wastong impormasyong iyong
nababasa sa paggawa mo ng pasya o paggawa ng solusyon ?
2. Paglalahad:
Paggawa ng Komitment:
Paggamit ng tama sa mga impormasyong nakukuha.
3. Pagtalakay:
Pagbasa ng komitment.
Maisasagawa mo ang iyong nilahad sa iyong komitment?
Papaano mo ito maisasakatuparan?
4. Pagbuo ng Kaisipan:
Ang mga wastong impormasyon ating nakukuha ay maaring makatulong
sa atin sa paggawa o pagbuo ng solusyon. Ang mga ito ay nararapat na
gamitin nang wasto.
5. Pagpapahalaga:
Ang wastong impormasyon ay nakatulong sa aking sa pamamagitan ng
____________. Ito ay aking ___________________________.

EsP VI
Unang Markahan
9:15 – 9:40 WRIGHT

Petsa: Agosto 10, 2017 – Huwebes

I. Layunin:
- nasasagutan nang wasto ang pagsusulit
- naipapakita ang pagiging matapat
- nasasagutan ang mga tanong na karamihan mali sa pagsusulit
II. Paksa:
Unang Markahang Pagsusulit
Sanggunian: Batayang Kurikulum sa EsP
Kagamitan: test paper
Pagpapahalaga: Pagiging Matapat
III. Pamamaraan sa Pagkatuto:
A. Pamantayan
B. Pagsagot sa Pagsusulit
C. Pagpapasa ng Sagutang papel.

EsP VI
Unang Markahan
9:15 – 9:40 WRIGHT

Petsa: Agosto 11, 2017 - Biyernes

I. Layunin:
- nasasagutan nang wasto ang pagsusulit
- naipapakita ang pagiging matapat
- nasasagutan ang mga tanong na karamihan mali sa pagsusulit
II. Paksa:
Unang Markahang Pagsusulit
Sanggunian: Batayang Kurikulum sa EsP VI
Kagamitan: test paper
Pagpapahalaga: Pagiging Matapat
III. Pamamaraan sa Pagkatuto:
A. Pamantayan
B. Pagwawasto ng Pagsusulit
C. Pagkuha ng Karamihan mali / iskor
D. Pagbibigay lunas sa mga bilang na maraming mali.
E. Pagpapahalaga sa kinalabasan ng pagsusulit at pag-uugali.

You might also like