Sample DLP in ESP

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Sample DLP in ESP

Edukasyon sa Pagpapakatao - 6:00 – 6:30


July 10, 2017 - Monday
Alamin Natin

I. LAYUNIN
Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling kalusugan at
kaligtasan (ESP3PKP-le-18)

II. NILALAMAN
Paksa: Pangangalaga sa Sarili (Cleanliness and Wellnes)
Aralin: Malusog Na Katawan, Damdamin at Kaisipan: Pangalagaan
Sanggunian: Esp 3 LM pp.32-33; TG pp. 18-19; CG pp. 18
Kagamitan: Malinis na Papel
Konsepto : Pagpapasensiya at Pagiging Mahinahon

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalagayang-loob
2. Pagbabahaginan
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik-aral
Bakit mahalaga ang paggawa ng kusang-loob?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Naniniwala ba kayo sa kasabihang, “Ang Kalusugan ay Kayamanan”? Ano kaya ang
ibig sabihin ito? Naalala mo pa ba ang iba’t ibang paraan na iyong ginawa para
mapanatili ang iyong kalusugan?
2. Paglalahad
Awit: “Sitsiritsit Alibangbang.”
3. Pagtalakay
- Tungkol saan ang awit?
-Ayon sa awit, ano-anong mga wastong kilos at gawi ang nabanggit tungkol sa
pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ng katawan sa anumang
karamdaman?
- Ipaliwanag kung bakit ang pagiging mapagpasensiya at pagiging mahinahon ay
may kinalaman din sa pagpapanatili ng ating kalusugan.
-May mga gawi ka ba na hindi nabanggit sa awit/rap?Talakayin ang mga ito sa
klase.
3. Pagbuo ng Konsepto
Ang ang pagiging mapagpasensiya at pagiging mahinahon ay may kinalaman din sa
pagpapanatili ng ating kalusugan.
4. Pagpapahalaga
Mahalaga bang ipagpatuloyang inyong gawi ukol sa kalusugan? Bakit?

Edukasyon sa Pagpapakatao - 6:00 – 6:30


July 11, 2017 - Tuesday
Isagawa Natin

I. LAYUNIN
Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling kalusugan at
kaligtasan (ESP3PKP-le-18)

II. NILALAMAN
Paksa: Pangangalaga sa Sarili (Cleanliness and Wellnes)
Aralin: Malusog Na Katawan, Damdamin at Kaisipan: Pangalagaan
Sanggunian: Esp 3 LM p. 33; TG pp. 19 & CG p.18
Kagamitan: Malinis na Papel
Konsepto : Tamang Kilos o Gawi

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalagayang-loob
2. Pagbabahaginan
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik-aral
Ano-anong mga wastong kilos at gawi ang gingawa mo upang
mapangangalagaanang iyong kalusugan?
B. Panlinang na Gawain
1. Pangkatang Gawain
Pagpa-pangkat-pangkat sa lima (5) ang mga mag-aaral at gabayan sa
gagawing activity. Maging isang facilitator at papurihan ang lahat ng
host na mag-uulat.
2. Pag-uulat ng Bawat Grupo
3. Pagtalakay
-Base sa panayam na inyong isinagawa, ano-anong kilos at gawi ang
maaaring makatulong upang mapanatiling malusog at ligtas ang
katawan mula sa anumang karamdaman?
-Alin sa mga nabanggit na kilos at gawi ang ginagawa mo na rin sa
kasalukuyan?
-Sa iyong palagay, bakit may ibang bata na bihirang magkasakit at may
ilan naman ang palaging nagkakasakit?
4. Pagbuo ng Konsepto
Ang mga tamang kilos o gawi ay nakatutulong sa pagiging malusog.
5. Pagpapahalaga
Maglista ng mga di tamang gawi na ginagawa sa bahay. Magpatulong
sa magulang upang ito ay magawa ng tama.

Edukasyon sa Pagpapakatao - 6:00 – 6:30


July 12, 2017 - Wednesday
Isapuso Natin

I. LAYUNIN
Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling kalusugan at
kaligtasan (ESP3PKP-le-18)

II. NILALAMAN
Paksa: Pangangalaga sa Sarili (Cleanliness and Wellnes)
Aralin: Malusog Na Katawan, Damdamin at Kaisipan: Pangalagaan
Sanggunian: Esp 3 LM p. 34: TG p. 20 & CG p. 18
Kagamitan: Malinis na Papel
Konsepto : Pagtupad sa Pangako

I. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalagayang-loob
2. Pagbabahaginan
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik-aral
Ano ano ang mga dahilan kung bakit nagiging matamlay at magagalitin ang isang
bata?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Maari kaya nating mabago ang mga di-wastong gawi o kilos na di nakabubuti sa
ating kalusugan? Sa paanong paraan kaya?
2. Paglalahad
Paggawa ng Komitment o Pangako sa loob ng isang malaking puso.
Pagpirma ng kaklase sa pangako ng bawat isa.
3. Pagtalakay
Pagbasa ng pangako. (Tumawag ng ilang mag-aaral upang basahin ang pangako)
- Isasakatuparan ba ninyo ang mga isunulat nyo?
- Sa paanong paraan?
4. Pagbuo ng Konsepto
Ang isang batang malusog ay tumutupad sa kanyang komitment o pangako.
5. Pagpapahalaga
Ano ang naramdaman pagkaapos ng ating gawain? Bakit?
Gawin sa tahanan ang isinulat nyong pangako.

Edukasyon sa Pagpapakatao - 6:00 – 6:30


July 13, 2017- Thursday
Isabuhay Natin

I. LAYUNIN
Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling kalusugan at
kaligtasan (ESP3PKP-le-18)

II. NILALAMAN
Paksa: Pangangalaga sa Sarili (Cleanliness and Wellnes)
Aralin: Malusog Na Katawan, Damdamin at Kaisipan: Pangalagaan
Sanggunian: Esp 3 LM p. 35; TG p. 20 & CG p.18
Kagamitan: Malinis na Papel
Konsepto : Patuloy na Pagsasagawa ng Natutuhang Kilos o Gawi

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalagayang-loob
2. Pagbabahaginan
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik-aral
Naalala nyo pa ba ng isinulat nyong pangako kahapon? Naisakatuparan
nyo ba ito? Sa anong paraan?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
May kilala ba kayong tao o grupo na tumutulong sa mga mahihirap na maysakit? Sa
palagay nyo bakit nila ginagawa ito?
2. Paglalahad
Pagsulat ng isang Liham Pasasalamat tungkol sa tao o grupo hinggil sa kanilang
ginawang pagtulong.
3. Pagtalakay
Pagbasa ng liham. (Tumawag ng ilang mag-aaral upang basahin ang liham)
-Para kanino ang ginawa mong sulat? Paano siya nakatulong sa kanyang kapwa?
-Dapat bang tularan ang kanilang ginawa? Bakit
- Pagdating ng panahon ay may kakayahan na rin kayong tumulong, ano
naman ang gagawin nyo?
4. Pagbuo ng Konsepto
Laging isaisip na ang mga natutuhang kilos o gawi ay dapat ituloy at isagawa.
5. Pagpapahalaga
Ipasa ang natapos na liham. Naisulat nyo ba nang wasto ang liham?

Edukasyon sa Pagpapakatao - 6:00 – 6:30


July 11, 2017 - Friday
Subukin Natin

I. LAYUNIN
Nakagagawa ng mga wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling kalusugan at
kaligtasan (ESP3PKP-le-18)

II. NILALAMAN
Paksa: Pangangalaga sa Sarili (Cleanliness and Wellnes)
Aralin : Malusog Na Katawan, Damdamin at Kaisipan: Pangalagaan
Sanggunian: Esp 3 LM p. 36 TG p. 20 & CG p. 18
Kagamitan: Malinis na Papel
Konsepto :Pangangalaga sa Kalusugang Pisikal, Mental at Emosyonal.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalagayang-loob
2. Pagbabahaginan
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik-aral
Paano natin masasabi kung ang isang bata ay malusog?
B. Panlinang na Gawin
1. Pagganyak
Nais nyo bang patuloy na maging malusog ang inyong katawan, damdamin at
kaisipan?
2. Paglalahad
Isulat mo sa loob ng bawat lobo ang natutuhang mga gawi sa pangangalaga ng iyong
kalusugang pisikal, mental at emosyonal.
Gawin mo ito sa isang malinis na papel.
3. Pagtalakay
Maari ba akong pumili ng ilang sa inyong mga ginawa?
Ano ano ang isinulat nyo sa loob ng lobo? Bakit?
Magaganda ang inyong ginawa.
May maidadagdag pa ba kyo sa ginawa ni _________?
Kung kayo si _________ ganun din ba ang inyong gagawin? Bakit?
Mayroon akong napuna sa ginawa ni ________, sa palagay ko, mas makabubuti
kung __________ ang gagawin mo. Tama kaya ito mga bata?
4. Pagbuo ng Konsepto
Ang kalusugang pisikal, mental at emosyonal ay dapat alagaan.
5. Pagpapahalaga
Kayong lahat ngayon ay mga batang malulusog. Binabati ko kayong
lahat.

You might also like