Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

Yunit II, Aralin 10 Pagiging Matapat

Bilang ng araw ng Pagtuturo:


5 Araw ( 30 Minuto sa bawat araw o 150 minuto)

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-
tao na may kaakibat na paggalang at responsibilidad.

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasabuhay ang pagkakaroon ng bukas na isipan at kahinahunan
sa pagpapasiya para sa kapayapaan sa pagpapasiya para sa kapayapaan
ng sarili at kapwa.

Pamantayan sa Pagkatuto

I. LAYUNIN:
2. Naipakikita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa
kapwa.
2.3 Pagiging Matapat
EsP6P-IIa–c-30
II. PAKSA: Pagiging Matapat
a. Sanggunian: EsP K to 12 CG May 2016, pahina 82
http//www.youtube.com
b. Kagamitan: Laptop, LCD projector, power point presentation,
metacards, permanent marker, masking tape, manila paper,
mga larawan na nagpapakita ng iba’t ibang
pagpapahalaga, video clip na pinamagatang “Honesto”
c. Pagpapahalaga: Pagkamapanagutan,
Pagkamahabagin, Pagmamalasakit sa kapwa.

III. PAMAMARAAN

Unang Araw
A. Panimulang Gawain:
Pagbati ng guro ng magandang buhay sa mag-aaral.
Pagtitsek kung sinong lumiban sa klase.
Ipabasa ang pamantayan sa pagkatuto.
(Naipapakita ang kahalagahan ng pagiging responsible sa
kapwa: Pagiging Matapat)
Talakayin ang mahalagang kaisipan.
(Ang batang matapat, mahal ng lahat )

B. Panlinang na Gawain

1. Alamin Natin
Ipakita sa mga bata ang maikling video clip na pinamagatang
“Honesto” Magkaroon ng talakayan pagkatapos makita ito.
(magbigay ng lunsarang tanong bago ang video: Bakit Honesto
ang pamagat ng kuwento?)

Panlinang na tanong:
a. Ano ang pamagat ng kwento? Sino ang bata sa kwento?
b. Isa-isahin at ilarawan ang mga pangyayari o kaganapan sa
kuwento.
c. Sa kuwentong inyong napanood, ano ang nais ipakahulugan
ng salitang “Honesto”?
d. Kung ganito ang katangian ng lahat ng tao, paano mo
mailalarawan an ating lipunan?
(Eprosesso ng guro ang sagot ng mga bata at linangin ang mga
pagpapahalagang maaring mahuhugot mula sa mga ito.

Closure:
Mga bata, tandaan: “Ang mga batang namumuhay sa katapatan, sa Diyos
binibiyayaan”

Ikalawang araw
Sa araw na ito ay pag-aaralan iba pang mga pagpapahalaga na may
kaugnayan sa pagiging matapat tulad ng pagkamapanagutan,
pagkamahabagin at pagmamalasakit sa kapwa. Sikapin ng guro na
mabigyan ng kalinangan ang mga ito batay sa kinalalabasan ng gawain.

2. Isagawa Natin
a. Pagbati sa mag-aaral:
Magandang buhay mga bata! Ako po ay nagagalak at
kompleto tayo ngayong umaga. Isang biyaya po ang makita ko
kayong lahat na masaya!
b. Balik-aral.
Itanong :
1. Tungkol saan ang ating talakayan kahapon?
2. Paano ito isabuhay bilang miyembro ng pamilya at lipunang
iyong konabibilangan?
(ihanda ang mga bata sa gagawing bagong talakayan)
Gawain 1: Hugot sa Larawan
Ilahad ng guro na gagawa ang mga bata ng Malikhaing Pag-
Uulat batay sa kanilang talakayan. Ipakita ang rubrics na
gagamitin sa pagmamarka. Tandaan na ang rubriks ay
magmumula sa pagsang-ayon ng mga mag-aaral at guro kung
paano sila bibigyan ng puntos. Maaaring ito ay galing sa guro
ngunit dapat ay may konsultasyon sa mag-aaral upang lalong
mapaganda ang rub

a. Ibigay ang mga larawan sa apat na pangkat. Pag-usapan


ito at hayaan silang bumuo ng malikhaing pag-uulat.
b.

Pangkat 1 Pangkat 2 Pangkat 3 Pangkat 4

*Pangkat 1 – Patula *Pangkat 3 - Awit


*Pangkat 2 – Rap *Pangkat 4 – Pagbabalita
c. Bigyan sila ng limang minuto para sa preparasyon at
karagdagang dalawang minuto sa presentasyon.
d. Talakayin at eprosesso ang sagot ng mga mag-aaral.
e. Magkaroon ng paglalahat sa natapos na gawain.

Closure:
Mga bata, tandaan: “Ang mga batang namumuhay sa katapatan, sa Diyos
Binibiyayaan”
Ikatlong Araw
Sa araw na ito ay sisikapin ng guro na maipapahayag ng mga mag-
aaral ang mga pamamaraan kung paano maisasapuso ang pagiging
matapat sa tulong ng mga gawaing inihanda at masining na pagtatanong.

c. Isapuso Natin
a. Pagbati: Maligayang bati mga bata! Kumusta po kayo? Naging
matapat ba kayo? Paano? (eprosesso ng guro ang mga
kasagutan hanggang ma-i konek sa nakaraang leksyon)
b. Balik-aral sa nakaraang talakayan.

(Pre-assigned task)
(Paalala sa Guro:
c. Pipili ang guro ng mga magiging aktor at aktres na gaganap
bilang isang matapat na kasapi ng lipunan.
d. Magsasadula ng dalawang senaryo:
1. Batang nakapulot ng wallet at isinauli sa may-ari
2. Batang itinago ang napulot na pera
e. Talakayin ang mga ginawa ng mga mag-aaral.
Itanong:
Anong kaugalian ang ipinakita ng una at pangalawang
senaryo?
Alin sa dalawa ang nagpapakita ng pagiging responsable sa
kapwa?
Bilang mag-aaral, alin sa dalawa ang nararapat mong
sundin?Bakit?
Bakit kaya hindi isinauli ng isang bata ang nahulog na pera?
Anong mabuting maidudulot ng pagsauli ng mga bagay na
hindi mo pagmamay-ari?
f. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Tandaan Natin.

“Ang pagiging matapat, mapanagutan at mahabagin ay


mga ugaling dapat ipagmamalaki. Ang taong
nagpapakita ng ganitong ugali saanman at kailanman ay
makakamit ang tunay na kaligayahan at magkakaroon ng
isang maayos, payapa at maunlad na pamumuhay.”

Ipaulit ng dalawang beses upang tumimo sa isipan ng mag-


aaral. Matapos maipabasa ay tumawag na mag-aaral na kung
saan ay magbibigay siya ng kanya idelohiya batay sa tandaan
natin.

Mga bata, tandaan: “Ang mga batang namumuhay sa katapatan, sa Diyos


binibiyayaan”

Ikaapat na Araw

Pagbigyang pansin ang mga magagandang nagawa ng mga bata


sa nakaraang araw na naaayon sa mga pagpapahalagang natalakay sa
pamagitan ng pagtatanong o kayay pagbibigay-pugay sa batang maaring
nakagwa ng mabuti sa paaralan. Mahalagang malaman ng mga bata na
ang nagawang kabutihan ay isang paraan ng pagsasabuhay sa mga
natutunan. Mula rito ay ilahad ang bagong Gawain sa araw na ito.

d. Isabuhay Natin
a. Pagbati: Maligayang bati mga bata! Kumusta po kayo? Naging
mapanagutan ba kayo? Paano? (eprosesso ng guro ang mga
kasagutan hanggang ma-i konek sa nakaraang leksyon)
b. Balik-aral sa nakaraang talakayan.
Itanong.
Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagiging
responsable sa kapuwa gaya ng pagkamatapat?
(eprosesso ang sagot ng mga bata hanggang mailahad ang
gagawing gawain)

Gawain: Pagsulat ng Journal


a. Hikayatin ang mga bata na sumulat ng tatlo hanggang apat na
pangungusap tungkol realisasyon o pag-unawa sa paksang
pinag-aralan.
b. Tumawag ng dalawa o tatlong bata na magbahagi ng
kanilang Journal.
c. Talakayin at eprosesso ang nagging gawa ng mga mag-aaral.
Closure:
Mga bata, tandaan: “Ang mga batang namumuhay sa katapatan, sa Diyos
binibiyayaan”

Ikalimang Araw

Ang araw na ito ay maaaring gumawa ng paglalapat. Ang mga


Gawain ay nakatuon sa mga mahahalagang aralin na natutunan ng mga
bata sa loob ng buong linggong pag-aaral. Sisikapin ng guro na
maisakatuparan ang layuning nililinang batay sa pamantayan.

IV. Pagtataya
c. Subukin Natin
a. Pagbati: Gandang buhay mga bata! Kumusta po kayo? Naging
mahabagin ba kayo? Paano? (eprosesso ng guro ang mga
kasagutan hanggang ma-i konek sa nakaraang leksyon)
b. Balik-aral sa nakaraang talakayan.
1. Muling itanong ang nasa Isabuhay Natin (Bilang isang mag-
aaral, paano mo maipakikita ang pagiging responsable sa
kapwa gaya ng pagkamatapat?) tumawag ng ilang mag-aaral
upang magbahagi.

2. Ipabuo ang mga pahayag batay sa napag-aralan.

V. Takdang -aralin
Gumawa ng poster tungkol sa pagiging matapat.
Repleksiyon:
(Paalala sa guro: Maaaring itala ng guro ang repleksiyon pagkatapos
ng aralin.

Closure:
Mga bata, tandaan: “Ang mga batang namumuhay sa katapatan, sa Diyos
Binibiyayaan”

Inihanda ni:

Jonalyn L. Pasquito – XI Tagum City


Elenita Ramayla - XI Mati City
Erlyn R. Garay - XII General Santos City
Soledad S.Cabardo – X Lanao Del Norte
Glee S. Cavan - XI Davao Del Sur
Antonio O. Ganub - IX Zambo. Del Sur
Ian Francis E. Veloso- X Ozamiz City
Mona Lisa M. Babiera – IX Zambo. Sibugay
Jennifer L. Mabalot - XII Koronadal City
Rebella S. Dulay - XII Cotabato Division
Nida O. Padrique - XII Cotabato City
Omielkhair T. Disoma – ARMM Marawi City (Demonstration Teacher)

Binigyang pansin:

JOSELITA GULAPA
SEPS Central Office
EsP Focal Person
d. Subukin Natin
c. Pagbati: Gandang buhay mga bata! Kumusta po kayo? Naging
mahabagin ba kayo? Paano? (eprosesso ng guro ang mga
kasagutan hanggang ma-i konek sa nakaraang leksyon)
d. Balik-aral sa nakaraang talakayan.
3. Muling itanong ang nasa Isabuhay Natin (Bilang isang mag-
aaral, paano mo maipakikita ang pagiging responsable sa
kapwa gaya ng pagkamatapat?) tumawag ng ilang mag-aaral
upang magbahagi.

4. Ipabuo ang mga pahayag batay sa napag-aralan.

VI. Takdang -aralin


Gumawa ng poster tungkol sa pagiging matapat.
Repleksiyon:
(Paalala sa guro: Maaaring itala ng guro ang repleksiyon pagkatapos
ng aralin.

Closure:
Mga bata, tandaan: “Ang mga batang namumuhay sa katapatan, sa Diyos
Binibiyayaan”

Inihanda ni:

OMIELKHAIR T. DISOMA
ARMM Marawi City
Demonstration Teacher

Binigyang pansin:

JOSELITA GULAPA
SEPS Central Office
EsP Focal Person
Observers:

Name Designation Region Signature

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

______________________________________________________

You might also like