Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kahulugan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay isang masursing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, isyu
at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan o pasubalian.

Masusi ito dahil bawat detalye, datos, pahayag at katwiran ay inuusisa, nililinaw at pinag-aaralang
mabuti bago gumawa ng mga konklusyon.

Paagssisiyasat ito dahil anumang pamamalagay, ideya o haka-haka ay hinahanapan ng katibayan para
patunayan.

Pag-aaral ito dahil ang mga bunga ng pagsisisyasat ay tinitimbang, tinataya at sinusuri.

Nagbibigay-linaw ito sa mga ideyang maaari ng alam ng marami pero mangangailangan ng dagdag na
impormasyon at paliwanag.

Nagpapatunay ito sa mga nosyon, palagay, haka-haka at paniniwala.

Nagpapasubali ito sa mga dati nang pinanialaan pero inaakalang may mali, hindi totoo o hindi dapat
paniwalaan.

4. Manghamon sa katotohanan o pagiging makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay na totoo o


makatotohanang ideya.

Ang isyu ukol sa kabayanihan ni Bonifacio ay nagiging paksa ng mga usapan, diskusyunan, hamunan,
balitaktakan sa mga klasrum, simposyum, radio, TV, magasin at mga dyaryo. Ang ganitong paksa ng mga
pananaliksik ay nanghahamon sa mga tinatanggap at ipinapalagay na totoong ideya at siyang interes
nayon ng mga mananaliksik. Pwede mong hamunin ang katotohanan ng palagay na ang Pilipinas ay isa
ngang “third largest English-speaking country.”Gawan mo ito ng pananaliksik.
Ang kasaysayan ni Bonifacio ay kinapapalooban ng maraming mga kontrobersiya. Ang kaniyang
pagkamatay ay salitang tinitignan bílang isang paghatol sa salang pagtataksil sa bayan at isang
"legal na pagpaslang" na bunga ng politika. Marami ang naniniwalang ang kanyang pagkamatay ay
naayon na rin sa kagustuhan ng Pangulong Emilio Aguinaldo upang mapanatiling ang pagkakaisa
ng pamahalaan at ito rin ay ayon na rin sa assesment ng kanyang mga taga payo.

Paglitis at pagbitay
Kinondena ng mga dalubhasa sa kasaysayan ang paglitis sa magkapatid na Bonifacio bílang hindi
makatarungan. Binubuo ang hukom ng halos mga kaanib ni Aguinaldo; Ang abogado ni Bonifacio ay
tila naging tagausig niya rin dahil inihayag din niya ang pagiging may salà ni Bonifacio kaysa sa
umapela para sa higit na mabábang parusa; hindi rin pinayagan si Bonifacio na harapin ang mga
púnong saksi para sa mga kasong pakikipagsabwatan sa kadahilanang napaslang na ang mga ito
sa mga labanán, subalit lumaon ay nakita ang mga saksi kasáma ang mga tagausig.[17][18] Isinulat ni
Teodoro Agoncillo na isang malaking hadlang si Bonifacio sa pagpapahayag ng kapangyarihang
sumasalungat kay Aguinaldo sa himagsikan, dahil hinahati nito ang lakas ng mga rebelde na
maaaring magdulot ng tiyak na pagkatalo sa kanilang kalabang mga Kastila.[19]
Sa kabaligtaran, isinulat ni Renato Constantino na hindi hadlang si Bonifacio sa himagsikan sa
pangkalahatan dahil nais pa rin niyang labánan ang mga Kastila, at hindi rin hadlang sa himagsikan
sa Kabite dahil siya ay aalis na; subalit tiyak na hadlang si Bonifacio sa mga pinuno sa Kabite na
nais makuha ang pamamahala ng himagsikan, kaya siya pinatay.
Si Bonifacio bílang Unang Pangulo ng Pilipinas
May ilang mga dalubhasa sa kasaysayan tulad nina Milagros Guerrero, Emmanuel Encarnación, at
Ramón Villegas ang nagtutulak na kilalanin si Bonifacio bílang unang Pangulo ng Pilipinas kaysa
kay Aguinaldo, ang opisyal na kinikilalang pangulo. Ang paniniwalang ito ay nakabatay sa posisyon
nitong Supremo sa pamahalaang himagsikan ng Katipunan mula 1896-1897. Ang paniniwalang ito
ay nagbibigay diin na si Bonifacio ang nagtatag ng pamahalaan sa pamamagitan ng Katipunan bago
pa nakabuo ng pamahalaang pinamunuan ni Aguinaldo sa pamamagitan ng Kapulungan ng Tejeros.
Isinulat ni Guerrero na mayroong konsepto si Bonifacio na bansang Pilipinas na tinawag na Haring
Bayang Katagalugan, na pinalitan ni Aguinaldo ng konseptong Filipinas.
Si Bonifacio bílang pambansang bayani
Pangkahalatang tinuturing si José Rizal bílang Pambansang bayani, subalit iminumungkahi si
Bonifacio bílang higit na karapat-dapat na kandidato bílang pambansang bayani dahil siya ang
nagpasimula ng Himagsikang Pilipino.[22] Napansin ni Teodoro Agoncillo na ang pambansang bayani
ng Pilipinas, hindi gaya ng sa ibang bansa, ay hindi ang "pinúnò ng puwersa ng
liberasyon".[23] Isinulat ni Renato Constantino na si Rizal ay "bayaning itinaguyod ng Estados
Unidos" na itinaguyod bílang pinakadakilang bayaning Pilipino noong panahon ng pananakop ng
mga Amerikano sa Pilipinas - pagkatapos matalo si Aguinaldo sa Digmaang Pilipino-Amerikano.
Itinaguyod ng Estados Unidos si Rizal, na piniling ang mapayapang pamamaraan , kaysa sa mga
radikal na tao na ang mga ideya ay maaaring pumukaw na lumaban sa pamumunong Amerikano.[24]

Mga buto ni Bonifacio


Noong 1918, ang pamahalaang ginawa ng Amerika sa Pilipinas ay nagpasimula ng paghahanap sa
mga labi ni Bonifacio sa Maragondon. Isang pangkat ng mga pinúnò ng pamahalaan, mga dating
rebelde, at isang kinilalang tagapaglingkod ni Bonifacio ang nakahanap ng mga buto na sinasabi
nilang mula kay Bonifacio sa isang tubuhan noong ika-17 ng Marso. Inilagay nila ang mga buto sa
isang urna at ibinigay sa pangangalaga ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, sinakop ng mga Hapón ang Pilipinas. Ang mga buto ay nawala dahil sa
malawakang pagkasira at nakawan noong Digmaan ng Maynila noong Pebrero 1945.

You might also like