Nagsimula ito simula ng magbago ang Administrasyon
Ngunit walang may alam na ganito pala ang kahahantungan Matapos lamang ang maikling panahon Marami nang buhay ang tila tinapon
Imbis na ang bansa natin ay luminis
Pangalan ng Pilipinas tila duudungis Kaya naman bigyang pansin ang batas na tila naging dahas Dapat itong itigil, tao’y dapat husgahan ng patas
Putok ng mga baril ang madalas umaalingawngaw
Baril ng mga taong sa salapi ay uhaw Walang sinasanto makamit lamang ang minimithing premyo Tila nag palamon na sa impyerno Wakasan ang walang katapusang patayan Upang mabigyang sagot ang mga katanungan Matagal man ang pagdadaanang proseso Dulo’t naman nito’y kapayapaan sa tao