Professional Documents
Culture Documents
Pagbabago Sa Patakaran NG Edukasyon Sa Pilipinas Pagtawid Mula Sa Bilingual Na Patakaran Sa Edukasyon Patungo Sa Mother Tongue Ba
Pagbabago Sa Patakaran NG Edukasyon Sa Pilipinas Pagtawid Mula Sa Bilingual Na Patakaran Sa Edukasyon Patungo Sa Mother Tongue Ba
Abstrak
Samantala, nang maitakda ang Filipino sa Konstitusyon ng 1987 bilang pambansang wika
ay inihayag na rin ng noon ay Kagawaran ng Edukasyon, Kultura, at Isports ang Kautusan ng
Kagawaran Blg. 52 na umagapay sa Kautusan ng Kagawaran Blg. 25 ukol sa Bilingual na
1
Andrew Gonzalez at Bonifacio Sibayan. Evaluating Bilingual Education in the Philippines (Manila: Lingusitic Society
of the Philippines, 1988), 1.
1
Patakaran sa Edukasyon (may titulo ito na “Implementing Guidelines for the Policy on Bilingual
Education”). Ayon sa kautusang ito, ang Bilingual na Patakaran sa Edukasyon ay ang
magkahiwalay na paggamit ng wikang Filipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa iba’t
ibang ispesipikong mga asignatura. Ang pagtatakda sa mga asignaturang ito ay katulad din ng
inilahad sa Kautusan ng Kagawaran Blg. 25.2
2
Clemencia Espiritu. “Language Policies in the Philippines.” Scribd, 2010,
<http://www.scribd.com/doc/7270028/Language-Policies-in-the-Philippines> (sinangguni 19 Marso 2011).
3
Ibid.
4
Ibid.
2
Ang Katuparan/Di-Katuparan ng mga Dapat na Makamit ng BPE
Anu-ano nga ba ang mga natupad sa isinasaad na hangarin at mga dapat na makamit ng
BPE? Sa kabuuang hangarin ng BPE na isinaad ay makikita na hindi naging epektibo ang BPE
upang maging mahusay sa paggamit ng wikang Filipino at Ingles ang mga mag-aaral sa Pilipinas.
Makikita sa isa sa mga pinakabagong isinagawang pag-aaral ukol sa BPE na “The Bilingual
Education Policy and Students’ Academic Achievement” na isinagawa ni Florida Narvades bilang
kanyang disertasyon sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (UPD) noong taong 2004 ang pagiging
hindi epektibo ng BPE sa pag-angat ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Pinag-aralan sa
disertasyon na ito ang mga piling pampublikong paaaralan sa sekundarya sa Sorsogon. Pinili ni
Narvades ang Sorsogon bilang paksa ng kanyang pag-aaral dahil isa ito sa mga lugar na kung
saan hindi ginagamit ng mga mamamayan nito bilang unang wika ang Ingles at Filipino at dahil
ang Sorsogon ay isa sa mga lugar na may pinakamabababag nakukuha na iskor sa NSAT (National
Secondary Assessment Test) taun-taon. Lumabas sa pag-aaral ni Narvades na wala pa sa passing
rate na 75% ang nakuha na iskor ng mga mag-aaral sa mga asignatura. Nakakuha lamang ang
mga ito ng promedyo na 45.75% sa Filipino, 43.75% na promedyo sa Agham Panlipunan, 39.55%
na promedyo sa Ingles, at 35.60% na promedyo sa Agham. Base rito ay makikita na higit na
mababa ang promedyo na nakuha ng mga ito sa Ingles at Agham kumpara sa promedyo na
nakuha ng mga ito sa Filipino at Agham Panlipunan.5
Ayon kay Narvades, malaki ang epekto ng BPE kung bakit mababa ang naging resulta ng
pagsusulit ng mga mag-aaral sa NSAT lalo na sa mga asignatura Ingles at Agham. Dagdag pa niya,
malaki ang kinalaman ng wika na ginagamit sa pagtuturo sa napakababang resulta ng pagsusulit
ng mga mag-aaral sa Agham. Aniya, kapag ang mga konsepto umano ay itnuro sa Unang Wika ng
mga mag-aaral ay mas naiintindihan ng mga ito ang kanilang pinag-aaralan. Samantala, kung
ang wika na ginagamit sa pagtuturo ay kailangan pang matutuhan o iproseso ng bata sa kanyang
utak ay nalilimitahan ang mga bagay na natututunan nito. Ito umano ang dahilan kung bakit
mas mataas ang nakuhang promedya ng mga mag-aaral sa mga asignaturang Filipino at Agham
Panlipunan dahil nakatulong ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo upang mas
maunawaan ng bata ang kanyang pinag-aaralan. 6 Makikita rin dito ang sinasabi ng ilan na kung
saan animo ginawa ang BPE upang hasain ang mga mag-aaral na maging magaling sa wikang
Filipino at sa wikang Ingles at hindi upang maunawaan ang mga asignaturang kanilang pinag-
aaralan. Maiuugnay na rin dito na hindi rin nakamit ang unang ‘layunin’ (mula sa puntong ito ay
tatawagin na, na mga ‘layunin’ ang mga inilahad kanina na mga bagay na ‘dapat makamit’ ng
BPE) na isinaad sa Kautusan ng Kagawaran Blg. 52 dahil malinaw naman na hindi rin nagkaroon
ng mataas na kalidad na edukasyon ang mga mag-aaral dahil sa BPE dahil napakababa ng
promedya sa kanilang NSAT.
7
Natalia A. Baltazar, Pagtuturo ng Pilipino(Filipino) sa mga di-Tagalog (1977), 2.
8
Antonia Silverio, Attitudinal and Motivational Variables Affecting the Implementation of the National Bilingual
Policy in Education (Quezon City: College of Education, UP, 1996),
4
Ang nakasaad na ikalimang layunin ng BPE ay ang pinakamainit na usapin sa lahat dahil
pinagtatalunan pa rin hanggang sa kasalukuyan kung gaano nga ba kalaki ang pangangailangan
ng Pilipinas sa Ingles sa pambansang pag-unlad nito. Kaugnay nito, kung matatandaan ay
nagpalabas si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Executive Order (E.O. 210) noong
taong 2003. Makikita na inilulunsad ng E.O. 210 ang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa
bansa. Mapapansin na ginawa ito nang magsimulang umusbong ang mga industriya ng call
center sa bansa. Dahil dito ay nakaramdam ng pangangailangan ang pamahalaan ni Arroyo na
‘paunlarin’ ang Ingles upang matugunan ang pangangailangan sa pwersa ng lakas-paggawa ng
industriyang ito. At ang pwersang kailangan ay ang mga Pilipino na nakakapgsalita nang maayos
sa Ingles. Ngunit ano nga ba ang nangyari sa Pilipinas sa aspektong ito? Dahil sa BPE, dapat ay
maraming mahuhusay na mga Pilipino na nagsasalita ng Ingles ngunit kung mapapansin ay
kakaunting bilang lamang ng mga Pilipino ang nakapagsasalita ng deretso sa wikang Ingles. Ang
pangyayaring ito ay isa itong patunay na hindi naging epektibo ang BPE upang maging mahusay
sa Ingles ang mga Pilipino. Mapapansin din na pinalubha lamang ng BPE ang kolonyal na
mentalidad ng mga Pilipino dahil mas naging mataas ang pagtingin ng mga Pilipino sa wikang
Ingles kumpara sa wikang Filipino dahil sa pagpapatupad ng patakarang ito. At dahil nga sa
kaisipang kolonyal na ito na dulot ng pananakop ng mga Amerikano ay mas lumala nito ang
problema ng mga Pilipino sa kanilang pagkakakilanlan na animo matapos ang pananakop ng
mga ito ay nahirapan na silang buuin ang kanilang mga sarili. Kaya naman malaking isyu pa rin
para sa Pilipinas ang usapin ng pagkakaroon ng wikang pambansa dahil lagi pa rin nakasunod
ang anino ng wikang Ingles tungo sa pagbubuo ng mga Pilipino ng kanilang pagkakakilanlan.
Ang Pilipinas ay isang multilingual na bansa na mayroong humigit kumulang 170 na wika.
Ilan sa mga pangunahing wika nito ay ang Tagalog, Ilokano, Bikol, Kapampangan, Pangasinense,
Cebuano, Hiligaynon, at Waray-Samar. Dahil dito ay mapapansin na likas talaga sa Pilipinas ang
multilingualismo kaya naman dapat na matutunan ng mga Pilipino kung paano umangkop sa
realidad na ito.
Kaya naman noong taong 2009, sa pamamagitan ng Kautusan ng Kagawaran Blg. 74, ay
opisyal nang ipinag-utos ng Kagawaran ng Edukasyon ang Institusyonalisasyon ng Mother
Tongue-Based Multilingual na Edukasyon (MTB-MLE). Ayon sa patakarang ito, ang MTB-MLE ay
ang epektibong paggamit ng higit sa dalawang wika para sa literasiya at instruksyon. Ayon sa
kautusan, marami nang lumabas na mga pag-aaral ukol sa pagiging epektibo ng paggamit ng
mother tongue o ng Unang Wika ng mga mag-aaral upang mas lalong maunawaan ng mga ito
ang itinuturo sa kanila. Dahil sa patakarang ito ay malaki ang pag-asa na maisasakatuparan na
rin ang programang Edukasyon para sa Lahat o Education for All (EFA) na itinataguyod ng
internasyunal na komunidad dahil marami nang bata ang mas maaabot ng edukasyon. Kaya
naman itinataguyod ang pagsusulong ng MTB-MLE para sa patakarang pang-edukasyon ng
5
Pilipinas, maging ang pagpapatupad nito sa mga pre-school at Alternative Learning System (ALS)
sa bansa.9
9
Celeste Ann Castillo Llaneta, “The Language of Learning: Mother Tongue-based Multilingual Education in the
Philippines” The UP Forum, bolyum 11, bilang 2, March-April 2010, (sinangguni 13 Marso 2011).
<http://www.up.edu.ph/upforum.php?issue=36&i=318> (sinangguni 12 Marso 2011).
10
Kagawaran ng Edukasyon. “Kautusan ng Kagawaran Blg. 74” (14 Hulyo 2009).
6
Tests noong taong 2006 para sa Ikatlong Bahagi ng Markahan ay nakakuha ng mataas na marka rito ang
mga mag-aaral ng Lubuagan. Mas mataas ang kanilang nakuhang marka sa Filipino at sa Ingles kumpara
sa iba pang mga paaralan sa Kalinga ng 30 porsyento. Noong taong 2007 naman ay napanatili ng mga
mag-aaral ng Lubuagan na makakuha ng mataas na marka sa Matematika, Filipino, at Ingles ng 20
porsyento kumpara sa iba pang mga paaralan sa Kalinga. 11
Dahil dito ay masasabi na ang pagpapaunlad sa Unang Wika ng mga mag-aaral ay ang
pagpapaunlad na rin sa kanilang kultural na identidad. Sa pamamagitan ng paggamit sa Unang
Wika bilang midyum ng pagtuturo ay mas naiuugnay ng mga mag-aaral ang kanilang mga sarili
sa mga konsepto na kanilang pinag-aaralan lalo na kung ang mga halimbawa na gagamitin sa
pagpapalawig ng mga konseptong ito ay nakapaloob sa kanilang kultura. Ito marahil ang dahilan
kung bakit mataas ang marka na nakuha ng mga taga-Lubuagan sa NSAT. At mula sa pagiging
dalubhasa sa Unang Wika ay ang unti-unting pagtulay sa paggamit ng Pangalawang Wika – ang
wikang Filipino. Sa puntong ito ay unti-unti nang ipakikilala sa mga mag-aaral ang mga
konseptong kanilang pinag-aaralan gamit na ang pambansang wika. Sa pamamagitan nito ay
maaari na nilang maklasipika ang kanilang mga sarili bilang mga Pilipino na kinalaunan ay
magdudulot ng pagkakaroon nila ng kamalayang pambansa. Samantala, ang Ingles naman bilang
Pangatlong Wika ay gagamitin lamang upang makipag-ugnayan sa iba pang mga bansa sa
daigdig ngunit hindi ito dapat na labis na yakapin ng mga Pilipino. Isa ang may-akda sa mga
naniniwala na kapag nagtagumpay ang MTB-MLE at ito ay nakabatay sa kultura ay unti-unti
nang maiwawaksi ng mga Pilipino ang kolonyal na mentalidad at mawawala na ang pagtingin
nila sa Ingles bilang mas mataas na wika.
Paglalagom
11
Llaneta, “The Language of Learning.”
7
8