Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

FILED114

Takdang-aralin

Nanette B. Manglo Prof. Mam Nenita D. Carasus


3SEDF-1
Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman ng punto de vista (pananaw)
ng may katha. Ang mga sanaysay ay maaaring magkaroon ng mga element ng pagpuna, opinyon,
impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro, pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at
pagmumuni-muni ng isang tao.
Kahulugan ng Sanaysay
Ipinakakahulugan na ang sanaysay ay isang komposisyon na prosa na may iisang diwa at
pananaw. Ito rin ay nangangahulugan ng isang sistematikong paraan upang maipaliwanag ang
isang bagay o pangyayari. Sa anu’t anuman, ang depenisyon ng sanaysay ay nagangahulugan
lamang na isang paraan upang maipahayag ang damdamin ng isang tao sa kanyang mga
mambabasa. Ito ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may
layuning maihatid ang nais na maipabatid sa kapwa tao.
Sa ating bansa, bahagi ng ating edukasyon ang magkaroon ng pagtuturo ukol sa paggawa
ng mainam na sanaysay. Tinuturuan ang mga mag-aaral ng mabisang pakikipagtalastasan sa
pamamagitan ng paggawa ng pormal at di-pormal na sanaysay.

Sulating Di-pormal o Impormal


Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon,
kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang
obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o
mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mga sanaysay na di pormal ay
naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita
at nararanasan ng may akda.
http://sanaysay-filipino.blogspot.com/2012/08/ano-ang-sanaysay.html
Di-pormal: Tinatawag din itong pamilyar oTinatawag din itong pamilyar o personal, at
nagbibigay-diin sa isang estilongpersonal, at nagbibigay-diin sa isang estilong nagpapamalas ng
katauhan ng maykatha.nagpapamalas ng katauhan ng maykatha. Karaniwan itong may himig na
parang nakikipag-Karaniwan itong may himig na parang nakikipag- usap. Nais magpakilala ng
isang panuntunan sausap. Nais magpakilala ng isang panuntunan sa buhay. Ito’y naglalarawan ng
pakahulugan ngbuhay. Ito’y naglalarawan ng pakahulugan ng may-akda sa isang pangyayari
samay-akda sa isang pangyayari sa buhay,nagtatala ng kanyang pagbubulay-
bulay,buhay,nagtatala ng kanyang pagbubulay-bulay, at naglalahad ng kanyang uru-kuro o pala-
at naglalahad ng kanyang uru-kuro o pala- palagay.palagay.
Ang di pormal na sanaysay ay isang sanaysay na may palakaibigan na tono at gumagamit
ng pansariling opinyon. Tingnan ang halimbawa ng di -pormal na sanaysay sa ibaba
Kahalagahan ng Sanaysay na Pormal
1. Nagpapaliwanag ng isang particular na usapin ukol sa mga paksang payak at
masalimuot ukol sa tao, kultura at lipunan.
2. Naghahatid ng kaalaman ukol sa isang panlipunan at pangkulturang
phenomenon.
3. Nagbibigay-linaw sa mga usaping panlipunan.
4. Nagsusulong ng isang paniniwala sa pagbasa o paglikha batay sa paniniwala
at ideolohiya ng isang manunulat.
5. Nagpapatibay at nagpapalaganap ng isang teorya ng pagbasa, pagsusuri,
pagtanaw sa mga bagay na kultural.
6. Nagbibigay ng suhestiyon at panibagong pagpapakahulugan sa pangyayaring
panlipunan at Kultural na gawain.
7. Tumutulong upang matalunton ng sinumang iskolar at malilikha ang
kasaysayan at pag-unlad ng anuman sa mga sumusunod: kultura, agham
pantao, agham panlipunan, humanidades, kabuhayan, pilosopiya.

Uri ng Di-Pormal na Sanaysay


1. BALBAL o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang
partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye.
Halimbawa:
parak, lespu (pulis) iskapo (takas)
atik (pera) erpats (tatay)
jokla (bakla) tiboli (tomboy)
epal (mapapel) haybol (bahay)
bogchi, chibog (pagkain) bomalabs (malabo)

2. LALAWIGANIN ay mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang


salita. Ang mga Cebuano, Iloko, Batangueno at iba pa ay may temang lalawiganin sa kani-
kaniyang dila. Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o accent AT ang
paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog.
sa antas na ito mapapansing ang mga salita ay pawang konfaynd lamang sa probinsya o
rehiyong pinanggalingan nito. may mga salitang hindi maituturing na standard sapagkat limitado
pa rin ang saklaw ng pinag gagamitan nito
Halimbawa:
ditse (ate) sangko (kuya)
pasanin (problema) bilot (Batangas, tuta)
tubal (Batangas, labahing damit) uragon (Bicol, maraming ibig sabihin nito)
ambot (Bisaya, ewan) kaon (Bisaya, kain)
balay (Ilocano, bahay) biag (Ilocano, buhay)

3. PAMBANSA sa antas ng wika sa Pilipinas, naisakategorya ang wikang PAMBANSA bilang


pangatlo, kaakibat ng balbal (una), lalawiganin (pangalawa), at ng pampanitikan (pang-apat).
Ang kasaysayan ng wikang pambansa sa Pilipinas ay lubhang makulay at kontrobersyal.
Gayumpaman, sa likod ng mayamang kasaysayan at kawalan ng matibay na pagliliwanag sa
saligang batas, naitala ang Wikang Pambansa bilang Filipino.
Ang Filipino ay hango sa humigit kumulang na 90 diyalekto sa bansa. Gayumpaman, ang
Tagalog ang siyang sinasabing nagluwal nito. Ang Tagalog, sa panahon ng mga pagtatakda ng
wikang pambansa ay ang siyang napili at ang pinakamabilis namaintindihan ng halos buong
Pilipinas.
Halimbawa:
dangal malaya
paniwala abiso
sabaw takdang aralin
gabi kabayo
labada bakasyon
https://brainly.ph/question/1015865
Kabuluhan ng sulating Di-Pormal
1. Pagbibigay ng payo o inspirasyon sa mambabasa
2. Nanganagtwiran, upang bigyang halaga ang isang bagay o pananaw
3. Nagbibigay ng sariling opinion o aral sa buhay base sa kanyang sariling karanasan
IKAW? SAAN KA PATUNGO
ni Nicole Beatriz Obillo
“Ikaw? Saan ka Patungo?” Ang buhay natin ay parang hagdan na dalawa lamang ang
patutunguhan unapaitaas at pangalawa pababa. Sa taas kung saan makikita natin ang liwanag na
atinggustong abutin kung saan naroroon ang kasayahan at kaginhawaan at sa baba namankung
saan naroroon ang kadiliman na sigurado akong lahat ng tao ay ayaw maranasanang kahirapan at
kalungkutan. Sa buhay ng tao ay walang sinuman na nakaranas ng puro kaginhawaan
atkasayahan. Bago mo ito makamit ay kailangan mo muna dumaan sa kahirapan bagomo maabot
ang iyong gusto. Ikaw? Subukan mo kaya umakyat sa hagdan na ito, diba nakakapagod?
Peropagdating mo naman sa itaas ay mapupuntahan mo na ang gustong mong puntahan.Subukan
mo rin humakbang pababa diba madali lang? Minsan nga ay nagrereklamopa na sana ang hagdan
ay laging pababa para hindi ka mapapagod kung ito’y paakyat.Iyon din ba ang gusto mong
mangyari sa buhay mo? ‘Yung palagi ka nalang bababa?Paano uunlad at giginhawa ang buhay
mo kung kapagoran at katamaran ang lagi monginiisip? Sa tingin mo maaabot mo ang iyong
gusto kung hindi mo ito paghihirapan? Lahat ng bagay dito sa mundo ay hindi mo basta-basta
nakukuha kailangan momag-aral, magtrabaho, magtiis sa iyong boss para ika’y bigyan ng sahod
at mabibili mo na ang iyong gusto.Ganyan ang buhay ng tao, mahirap man sa una pero
masasanay karin. Kung habang estudyante ka pa eh tinatamad ka na, eh aba! Hindi naman
salahat ng panahon ay kasama mo ang iyong mga magulang. Matuto kang magsumikapat pilitin
mong ‘wag umasa sa iyong mga magulang. Baka mapariwara pa ang buhaymo kapag sila’y
biglang nawala sa iyong tabi. Kung gusto mo rin naman sirain ang iyong buhay at sa tingin mong
wala na itongsilbi kaya’t ikaw ay pababa nang pababa ang iyong hakbang. Iniisip mo ba kung
anongbuhay ang naghihintay sa iyo sa ibaba? Kung saan naroon ang kadiliman at pighati?Hindi
mo ba naisip na hindi pinahiram ng Diyos sa iyo ang iyong buhay para lamangsirain mo ito?
Kung nanalig ka lang sakanya at pinagkatiwalaan mo siya ay hindi kamagkakaganyan. Hindi
naman masyadong mahirap ang humakbang paitaas kailangan mo lang ngkonting pasensya at
labanan ang mga nakakapagpahina ng loob mo, dahil kapagnakamit mo na ang gusto mo ay wala
ka nang mahihiling pa at tiyak na walang tigil angpasasalamat mo sa Panginoon na hindi ka niya
pinabayaan habang tinatahak mo angiyong landas pataas. Kung ako ang tatanungin, syempre
gusto ko pataas ang aking patutunguhandahil gusto kong makamit ang aking ambisyon at gusto
sa buhay. Hindi na bale kungmahirapan man ako basta’t ikakasaya ko at ng pamilya ko. Ikaw?
Saan ka patungo?
Istorya ng Pinto
ni: J

Nagdaan ang Araw ng mga Puso. Kumita ng malaki ang mga tindahan ng bulaklak, tindahan ng
kapote at tindahan ng balot sa kanto. Malaki rin halos ang kinita ng mga sinehan, restawran at
mga motel maging ang mga pabrika ng tsokolate at stationary. Ang ligayang dulot ng
Valentine’s Day ay binalot sa mga regalong pinagsumikapang ipunin upang mabigyan ng kahit
kaunting saya ang pagbibigyan. Hindi mahalaga ang regalo. Mas mahalaga ang pag-aalala ng
nagbigay sa binigyan. At ang kilig na naramdaman sa piling ng iyong pinakamamahal ay
nakamit sa pamamagitan ng PDA at PMS o kahit sa simpleng HHWW ng magsing-irog. Ang
mahalaga’y tumitibok ang puso ng bawat isa. And love is in the air.

Kagaya ng mga nagdaang umaga, nagising ako kasabay ng tilaok ng mga manok sa kapitbahay.
Sinalubong ako ng lamig na dulot ng hanging amihan paglabas ko ng bahay. Madilim-dilim pa at
siguro ay ako pa lamang ang gising sa hanay ng mga bahay sa lugar na ito.

“Wala pa kaming isang taon na nakalipat dito sa lugar na ito. Iba ito sa lugar na kung saan ko
hinasa ang aking tari at kalyo. Sa lugar na kinamulatan ko, hindi natutulog ang oras. Laging
maingay. Laging magulo. Libangan ng tao ang makipag-away sa kapitbahay.

Ngunit sa kabila ng maingay at makulit na kapaligiran nito, natutunan kong mahalin ang lugar na
iyon kasama ng pagyakap ko sa mga taong nakakasalamuha ko sa araw-araw. Naroon nga ang
ingay at gulo ngunit naroon din ang saya’t ligaya na dulot ng pagsasamahan. Laging masigla ang
buhay. Gigising kang masaya at matutulog na may ngiti sa mga labi habang sinasanay ang sarili
sa pagtanggap sa mga aberya.

Narito kami ngayon. Lugar na kahit sa panaginip ay hindi naglaro kahit sandali. Tangay sa
paligid ang katahimikan at sa umaga’y gigising kang kapiling ang halumigmig ng simoy ng
hangin. Okay na rin kahit paano. Dito ko naranasan ang katahimikan na hindi naitaguyod ng
ingay ng Maynila. Narito ako ngayon sa isang lugar na payapang namumuhay ang mga tao. Wala
sa pusod ng laging nagmamadaling lungsod.

Sa kalaunan ay hinahalagahan ko na rin ang lugar na ito. Marapat lamang marahil. Hindi dahil sa
wala akong pagpipilian kundi dahil siguro karapat-dapat lamang siyang mahalin. Matamis
mamuhay sa isang lugar na ang musika sa katanghalian ay huni ng mga ibon sa kalapit na
punongkahoy. Masarap sa pakiramdam na ang kaniig mo sa gabi ay ang ilaw ng mga alitaptap at
liwanag ng buwan sa kabukiran. Ang anag-ag ng kumukititap na mga bituin sa langit ay parang
bonus na lamang sa buong magdamag.

Okay na rin ang buhay. Malayo na sa mga bisyong sumira nang unti-unti sa buhay na maraming
pangarap. Malayo sa daigdig na kahalubilo ang libo-libong tukso sa pagkatao. Okay na rin kahit
paano. Masasanay din ako…Nasasanay na rin ako…”

Naisipan ko nang pumasok ng bahay. Hindi ko kaya ang lamig ng hangin. Tumatayo ang lahat
ng balahibo ko sa katawan. Pinihit ko ang seradura ng pinto ngunit sa laki ng aking
pagkamangha ay hindi siya sumang-ayon. Naka-lock sa loob! Siguro, nang lumabas ako kanina,
nakapindot sa loob ng hatakin ko pasara. Laking katangahan!

Kumatok ako at pinagbuksan ng pupungas-pungas kong ina….

You might also like