Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Dibisyon ng Makati
MAKATI SCIENCE HIGH SCHOOL

KATEGORYA: Dagliang Talumpati


Mga Alituntunin:
1. Bukas ang patimpalak sa mga mag – aaral ng Senior High School.
2. Ang paksa ay ibibigay sa takdang oras ng paligsahan.
3. Siya ay bibigyan lamang ng tatlong minutong paghahanda hinggil sa paksang napili habang
nagtatalumpati ang sinusundang kalahok.
4. Ang bawat kalahok ay bibigyan ng tatlong minutong paghahanda hinggil sa paksa at dalawa hanggang
tatlong minute naman sa pagtatalumpati. May kabawasang puntos sa kabuuang iskor na labis o kulang
sa itinakdang oras ng pagtatalumpati:
1 – 30 segundo - .5 puntos
31 – 60 segundo – 1 puntos
61 segundo pataas – 2 puntos
5. Itataas ang bandilang dilaw bilang hudyat sa nalalabing tatlumpong Segundo at bandilang pula na
tapos na ang itinakdang oras.
6. Ang kasuotan ng mga kalahok ay corporate attire.
7. Ito ay gaganapin sa AVR sa ika – 17 ng Agosto sa ganap na 1:00 n.h – 3:00 n.h

Pamantayan

Katapatan 35%
Kaugnayan sa paksa 20%
Pagbibigay – diin o damdamin 15%

Hikayat 25%
Dating sa madla 5%
Kakanyahang pantanghalan 5%
Kilos, galaw, kumpas 10%
Ekspresyon ng mukha 5%

Tinig 20%
Lakas 5%
Taginting 5%
Kaangkupan ng diwa 5%
Damdamin 5%

Bigkas 20%
Matatas at maliwanag 10%
Wastong pagbubukod ng salita 5%
Diin/himig 5%

KABUUAN 100%
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Dibisyon ng Makati
MAKATI SCIENCE HIGH SCHOOL

KATEGORYA: Fliptop Battle

Mga Alituntunin:
1. Bukas ang patimpalak sa mga mag – aaral ng Senior High School.
2. Ang paksa ay ibibigay bago ang araw ng paligsahan.
3. Ang dalawang panig ay mayroon lamang 2 minuto sa pagpapakilala at panimula, 5
minuto sa katawan, at 2 minuto sa konklusyon. Nakabatay ang panimula, katawan, at
konklusyon sa paksang ibinigay ng tagapamahala.
4. May kabawasang puntos sa kabuuang iskor na labis sa itinakdang oras ng Fliptop:
1 – 30 segundo - .5 puntos
31 – 60 segundo – 1 puntos
61 segundo pataas – 2 puntos
5. Tutunog nang isang beses ang timer bilang hudyat sa nalalabing tatlumpong Segundo at
dalawang beses naman bilang pagtatapos ng itinakdang oras.
6. Ang kasuotan ng mga kalahok ay dapat naaangkop sa paligsahan.
7. Ito ay gaganapin sa AVR sa ika – 22 ng Agosto sa ganap na 1:00 n.h – 3:00 n.h

Pamantayan
Paksa/Kaisipan 40%
Pangangatwiran/pagtuligsa 25%
Kalinawan ng ideya 20%
Tiwala sa sarili 10%
Dating sa madla 5%

Kabuuan 100%
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Dibisyon ng Makati
MAKATI SCIENCE HIGH SCHOOL

KATEGORYA: Spoken Word Poetry

HUGOT SA PUSO: TIMPALAK PAGSULAT at PAGBIGKAS NG TULA

Mga Alituntunin:
1. Bukas ang patimpalak sa mga mag – aaral ng Senior High School.
2. Kailangang magpasa ang bawat kalahok ng sipi ng orihinal na tulang may katamtamang haba na kung
bibigkasin ay hindi tatagal nang higit sa sampung minuto. Ang sipi ng tula ay kailangang matanggap
bago ang ika – 25 ng Agosto. Ipasa ang sipi ng tula sa guro sa Filipino.
3. Ang sipi ng tula ay kailangang nasa maikling bond paper, enkowded, gumagamit ng font na Arial, may
sukat na 12, at may tig – iisang espasyo.
4. Ang paksa ng tula ay “Hugot sa Puso.” Maaaring paksain ang ano mang marubdob na damdamin tulad
ng pag – ibig, paghanga, pagsamba, paninibugho, tuwa/kaligayahan, kalungkutan, o iba pa. Hindi
maaari ang tulang ay may bahid ng kalaswaan, imoralidad, karahasan o ano mang labag sa batas.
5. Ang tula ay maaaring may sukat at tugma (kombensyonal) o malayang taludturan (walang sukat at
tugma). Kailangang mayaman sa imahen (imags) at/o simbolismo ang tula at hindi isang akdang
tuluyan lamang na binibingkas nang patula. Kailangang maipamalas ang malikhaing paggamit ng mga
tayutay na lumilikha ng tunog (hal: aliterasyon, asonans, konsonans, onomatopiya, anaphora, epipora,
anadiplosis) at mga tayutay na nagpapasidhi ng guniguni o imahinasyon (simili, metapora,
personipikasyon, hayperboli, metonimi, sinekdoki, oksimoron, ironiya, paradox, atbp.)
6. Ang akda ay kailangang orihinal na akda ng kalahok. Hindi tatanggapin ang ano mang akdang sinipi I
may mga bahaging sinipi mula sa ano mang akda. Tandaang plagyarismo ay labag sa Manwal ng mga
mag – aaral. Hindi rin maaari ang tulang isinalin lamang mula sa wikang banyaga.
7. Ang kalahok/manunulat ang mismong bibigkas ng tula mula sa memorya. Hindi maaaring diktahan ang
kalahok at hindi rin maaaring gumamit ng ano mang kodigo.
8. Maaaring magsuot ang kalahok ng angkop na kostyum, ngunit hindi maaaring gumamit ng ano mang
kagamitan o props
9. Ang desisyon ng mga inampalan ay pinal at hindi mapasusubalian.
10. Ito ay gaganapin sa AVR sa ika – 25 ng Agosto sa ganap na 1:00 n.h – 3:00 n.h.
Pamantayan
A. Tula 50%
Katapatan sa paksa
Imahen/simbolismo
Tayutay

B. Deliberi 40%
Tinig
Bigkas
Indayog
Kumpas
Pagpapautang ng damdamin

C. Panghikayat sa Madla 10%

Kabuuan 100%
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
Dibisyon ng Makati
MAKATI SCIENCE HIGH SCHOOL

KATEGORYA: Interpretatibong Pagbasa


Mga Alituntunin:
1. Bukas ang patimpalak sa mga mag – aaral ng Senior High School.
2. Isang piyesa lamang ang gagamitin para sa pagbibigay – interpretasyon ng bawat kalahok.
3. Hindi maaaring baguhin ang pagkasunod – sunod ng tula, maging ang pagbabawas o pagdaragdag ay
hindi pinahihintulot bilang respeto sa may – akda.
4. Bibigkasin ng mga kalahok ang piyesa sa kani-kanilang istilo.
5. Hindi pinahihintulot ang paggamit sound effects sa pagtatanghal. Hindi rin maaaring gumamit ng
elektronikong kagamitan, drums, at beatbox.
6. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng props. Tanging ang kopya ng piyesa lamang ang magiging
props ng mga kalahok.
7. Mahalaga sa Interpretatibong Pagbasa ang tinig, bigkas, pormasyon, blakings, ekspresyon,
imahinasyon, interpretasyon, damdamin, tamang pagbigkas, at larawang – diwa.
8. Tatanggapin ang anumang kasuotang angkop sa pyesa ng Interpretatibong Pagbasa.
9. Ang pagtatanghal ay hindi maaaring lumagpas ng 10 minuto.
10. Ang hindi tumalima sa mga nabanggit ay may kabawasang 1 puntos sa iskor na makukuha.
11. Ang desisyon ng mga inampalan ay pinal at hindi mapasusubalian.
12. Ito ay gaganapin sa school grounds sa ika – 30 ng Agosto.

Pamantayan

A. Katapatan 40%
Pagpapalutang ng diwa
Pagbibigay – diin sa damdamin

B. Hikayat 20%
Pang – akit sa madla
Personalidad/costume
Tindig
Kumpas/kilos

C. Tinig 20%
Lakas
Taginting
Kaangkupan sa damdamin

D. Bigkas 20%
Matatas at maliwanag
May pagbubukod – bukod ng mga salita
May wastong diin at himig

KABUUAN 100%
Inihanda:

Gng. MARY ANN FELICIA – VIDALLO G. LUVY JOHN A. FLORES


Guro ng Baitang 11 Guro sa Baitang 12

Binigyang – pansin:

Gng. ADORACION C. SAN PASCUAL G. MARK ANTHONY VIDALLO


Koordineytor ng Filipino Koordineytor ng SHS

Pinagtibay ni:

G. SAMUEL C. BULAN
Prinsipal III

You might also like