Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino Baitang 7 Batay Sa Kurikulum sa K-12

I. Paksang Aralin:
A. Aralin 5
1. Panitikan: Isang Kuwentong Bayan na pinamagatang Kung Bakit Umuulan?
2. Wika: Pangunahin at Pantulong na Tauhan/ Dalawang Uri ng Paglalarawan
3. Sanggunian: Kayumanggi 7 Batay sa Kurikulum na K-12

B. Pamantayang Pangnilalaman
 Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kalikasan ng kuwentong bayan
 Nakatutugon sa mga oportunidad sa ibayong pag-aaral ng wika at panitikan

C. Pamantayang Pagganap
 Nakapagpapaliwanag ng kanyang ideya at iba pang impormasyon ukol sa
akdang tinalakay.
 Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng isang talatang naglalarawan batay sa
dalawang uri nito.

D. Pokus na Tanong
1. Ano ang kuwentong bayan bilang isang uri ng akdang pampanitikan?
2. Ano ang pinagkaiba ng kuwentong bayan sa ibang uri ng akdang pampanitikan?
3. Ano ang pangunahin at pantulong na tauhan
4. Ano ang pinagkaiba ng pangunahin at pantulong na tauhan?
5. Paano nakakatulong ang tauhan sa daloy ng kuwento?
6.Ano ang dalawang uri ng paglalarawan ?

E. Mga Kasanayang Pampagkatuto


 Pag-unawa sa Napakinggan
-Naibibigay ang sariling pananaw/saloobin/ideya hinggil sa napakinggang awitin
 Pagsasalita
- Naibabahagi ang sariling pananaw tungkol sa kuwentong binasa
- Naipapahayag ang konseptong natutuhan mula sa akda
-Nailalahad ang pagbabagong naganap sa sarili matapos mabasa ang akda
 Pag-unawa sa Binasa
- Naiaangkop ang sarili sa akdang binasa sa pamamagitan ng pamantayang
pansarili at pamantayang itinakda
- Nagagamit ang dating kaalaman sa pag-unawa at pagpapakahulugan sa teksto
at akdang pampanitikan.
-Nakapagbubuod ng akdang binasa sa tulong ng pangunahin at pantulong na
detalye.
 Pagsulat
-Nakakabuo ng talatang naglalarawan gamit ang payak at masining na
paglalarawan
 Wika at Gramatika
- Natutukoy ang kaibahan ng pasalita at pasulat na paraan ng wika na may tuon
sa katangian.

II. Proseso ng Pagkatuto

UNANG ARAW
TUKLASIN

A. Panggayak
May papakinggang awitin ang mga mag-aaral na pinamagatang “Tuwing Umuulan” at
“Pumapatak Na Naman ang Ulan” at matapos pakinggan, sasagutan ng mga mag-
aaral ang mga tiyak na tanong.

Mga Tiyak na Tanong:


1. Sa napakinggan na dalawang awitin, ano ang pagkakatulad ng paksa nito?
2. Sa tuwing at pumapatak ang ulan, may mga bagay o pangyayari sa inyong buhay
ba kayong naaalala? Ilahad sa klase.
3. Sa inyong palagay, saan kaya nagmula ang ulan? Naitanong niyo na ba ito sa
inyong sarili?

B. Paglinang ng Talasalitaan
1. Noon, mayroon lamang dalawang Diyos, si Tungkung Langit at ang kanyang
kabiyak na si Alunsina. A A S W A
2. “Mahal, lilikhain ko ang santinakpan para sa iyo!” A A A A L K K W
N
3. “Huwag kang mag-alala, wawakasan ko ang iyong pagkabagot, lilikha ako ng oras.”
K P I A G A N P I

4. Pero hindi nagpatinag si Alunsina. T L N G A A P O

5. Kitang-kita sa kanyang mukha ang kaligayahang matagal nang hinangad ni Tungkung


Langit.
P N G I A A N R P
A

C. Panimulang Gawain
LOVE Knows
Tutukuyin ng mga mag-aaral ang iba’t ibang anyo ng pag-ibig sa pamamagitan ng pag-
unawa sa tulang nakapaskil

1. Kayo ang dahilan ng aking hininga


Ako ay nabuo sa inyong kalinga,
Pag-ibig na wagas, totoo’t dakila,
Ang siyateng nagbigay ng lakas ko’t sigla
Hinubog ang aking damdamin at diwa,
Kasama ko kayo sa ngiti ko’t luha.
2. Amang may bigay ng langit’t lupa,
Biyayang walang humpay aming nakakamtan,
Ika’y aming sandalan, kailanman hindi kami iiwanan,
Pag-ibig sa’yo aming ipupukol, walang hanggang pasasalamat.
3. Bagaman sa dugo’y walang relasyon
Sila nama’y kapatid kay Jesus na Panginoon.
Huwag sanang pumikit, mata mo ituon
Maging bukas-palad sa biktima ng pagkakataon
4. Ang hanging sariwa, naglilinis ng pang-unawa.
Libre lang langhapin, hindi nakakasawa.
Pag-ibig sa Kalikasan
May dalang himig sa musikero’t makata,
Na ang alay ay himig at tula.
5. Makaligtaan ko kayang di basahin,
nagdaang panahon ng suyuan namin? Pag-ibig sa Minamahal
kaniyang pagsintang ginugol sa akin
at pinuhunan kong pagod at hilahil?
Lumipas ang araw na lubhang matamis
at walang matira kundi ang pag-ibig,
tapat na pagsuyong lalagi sa dibdib
hanggang sa libingan bangkay ko'y maidlip.

Takdang Aralin:

Basahin at unawain ang kuwentong-bayan na pinamagatang “Bakit Umuulan”?

IKALAWANG ARAW

LINANGIN

A. Panimulang Gawain

Batay sa nakapaskil na larawan, inaasahan na ang mga mag-aaral ay magbibigay ng


kanilang intereptasyon hinggil sa pinakitang larawan.

Mga Gabay na Tanong:

1. Sa iyong palagay, ano ang ipinapakita ng nasa larawan?

2. Sa agham, ano-ano ang prosesong nangyayari upang mabuo ang ulan?


3. Naniniwala ba kayo na nangyayari talaga ang prosesong iyon?

B. Pagpapanood at Pag-unawa ng Akdang Tatalakayin

Magpapanood ang guro ng isang bidyo mula sa YouTube, ang mga mag-aaral ay
inaasahan na mabibigyan kasagutan ang mga tiyak na tanong matapos mapanood ang
nasabing bidyo.

Mga Gabay na Tanong:

1. Ilarawan ang dalawang pangunahing tauhan sa kuwento? Ano-ano ang kanilang


katangian bilang isang asawa?

2. Makatwiran ba na iwan ni Alunsina si Tungkung Langit na sobra siyang minahal?


Bakit?

3. Ilarawan si Alunsina. Anong katangian ang dapat tularan hinggil sa babaeng ito?

4. Naging pantay ba ang karapatan ng mag-asawa? Ipaliwanag.

5. Kung kayo si Alunsina gagawin mo rin ba ang ginawa ni Alunsina? Kung ikaw si
Tungkung Langit, gagawin mo rin ba ang ginawa ni Tungkung Langit?

6. Kung iuugnay sa tunay na buhay, nangyayari ba ang hindi pantay na karapatan ng


mag-asawa? Patunayan.

C. Pangkatang Gawain (Pagpapalalim ng Akdang Binasa)


Pangkat 1- Pangkat ULAPangyayari
Pagkasunod-sunod ng Pangyayari

Mga Tauhan

Rubriks sa Pagmamarka:
Nilalaman 10
Presentasyon 5
Kaisahan ng Pangkat 5
KABUUAN 20

Pangkat 2: PANGKAT-PATAK
Suriin ang kuwento batay sa paksa, mensahe, at kaisipang nais iparating nito.
Isulat ang mga ito sa loob ng patak. Pumili ng dalawang kinatawang magbabahagi sa
unahan.

PataKaalaman (Patak ng Kaalaman)

PAKSA MENSAHE KAISIPAN

Rubriks sa Pagmamarka:
Nilalaman 10
Presentasyon 5
Kaisahan ng Pangkat 5
KABUUAN 20

Pangkat 3: PANGKAT-TUBIG
Isadula ang naibigang bahagi o tagpo sa pangyayari. Matapos isadula, pumili ng
isang kinatawang magpapaliwanag kung bakit ito ang inyong naibigan o nagustuhan.
Isulat sa Basong May Tubig ang naibigang bahagi o tagpo.

TubiGalaw

Naibigang Bahagi

Rubriks sa Pagmamarka:
Pagsasadula 10
Paliwanag 5
Kaisahan ng Pangkat 5
KABUUAN 20

PANGKAT 4- “PUNO’T-DULO”

Itala sa “KAHON NG BUNGA” ang naging resulta ng labis na pagmamahal ni Tungkung


Langit kay Alunsina.

Rubriks sa Pagmamarka:
Nilalaman 10
Presentasyon 5
Kaisahan ng Pangkat 5
KABUUAN 20
Takdang Aralin

Alamin ang kalikasan ng mga sumusunod:

1. Ano ang kuwentong bayan?

2. Ano ang pinagkaiba ng kuwentong bayan sa iba pang akdang pampanitikan?

3. Ano ang pangunahin at pantulong na tauhan?

4. Ano ang dalawang uri ng paglalarawan?

IKATLONG ARAW

UNAWAIN AT PAGNILAYAN

A. Pagbabalik-Aral sa Akdang Tinalakay

Gugunitahin ng guro ang akdang binasa ng mga mag-aaral.

B. Pag-uugnay sa Wika at Panitikan (Input ng Guro at Mag-aaral)

Tatalakayin ng guro ang mga konseptong pinatakdang-aralin

Ang Kuwentong – Bayan

Ito ay ang kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng ating mga ninuno. Sa mga


bulwagan ng mga lakan at datu noon ay ito ang kinagigiliwang isinasalaysay;
palibhasa’y wala silang pinaglilibangan.

Ang mga paksa ng mga kuwentong-bayan ay maaaring makatinding balahibong


salaysay tungkol sa mga kapre, tiyanak, duwende, sirena o tungkol sa mga
pakikipagsapalaran ni Juan Tamad o kaya’y tungkol sa romansang ginagampanan ng
mga hari at reyna. Ang mga kuwentong-bayan ay likha lamang ng guniguni at walang
katotohanan.

Walang pangalan ang kumathang mga kuwentong-bayan dahil ito’y nagpasalin-


salin lamang sa bibig ng ating mga ninuno.
Pangunahing at Pantulong na Tauhan

Tauhan- ito’y mga likhang tao sa isang akdang pampanitikan na akala mo’y buhay –
nagsasalita, nag-iisip at nagpapahayag ng iba’t ibang damdamin.

Pangunahing Tauhan- sa kanya nakatuon ang mga pangyayari sa akda

Pantulong na Tauhan- tauhan sa akda na maaaring kakampi o kalaban ng


pangunahing tauhan. Isa siya sa nagpapasalimuot ng isatorya upang laloong maging
makulay ang pangyayari at mapalutang ang tunay na katauhan ng pangunahing tauhan.

Iba pang Tauhan – tauhang may mahalagang papel na ginagampanan sa kabuuan ng


kuwento. Tumutulong upang lalong mapaigting ang mga pangyayari at nakababahagi
sa paglutas ng suliranin.

Dalawang Uri ng Paglalarawan


1. Karaniwan
Ang layon ng karaniwang paglalarawan ay magbigay ng kabatiran sa bagay
na inilalarawan. Ibinibigay nito ang makatotohanang ayos at anyo ng bagay na
inilalarawan.
Hal. a. “Sa libis ng isang mababaw na ilog;
ang mga bakawang pahinay ang ayos,
sa kabilang pangpang nama’y nakatanod
ang puno ng manggang malago’t matayog,
at sa kanyang sangang nangangalay halos.
Luha’y dumidila sa matuling agos.”

Halaw sa “Ang Mangga at Ang Bakawan” ni Emilio Antonio


b. “Sa sulok ng kanyang kaliwang mata’y
nasusulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas
ang kaliwang paa; sa dulo ng halos dumapa
nang bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpi-
tagping dingdig. Nakalugay ang buhok. Bukas
ang kupasing damit na gris, nakatambad ang
laylay at tuyot na dibdib. Kalong nito ang
kanyang kapatid na bunso. Pinasususo. ”

Mula sa “Impeng Negro ni Rogelio R. Sikat”


2. Masining
Ito’y isang uri ng paglalatrawan na gumigising sa mayamang guniguni o
imahinasyon ng mga bumabasa o nakikinig upang mailarawan ang isang
makatotohanang karanasan ng isang artista o manlilikha na nais niyang maipadama o
maipakita. Gumagamit ng mga matatalinhagang pagpapahayag at mga piling – piling
mga salita na masining at maayos niyang ihahanay sa paningin ng mga kausap o
mambabasa.
Halimbawa
a. “Sa Silangan ay tila gumagapang na dambuhala ang
lunti at alun-along bundok. Sa Kanluran at sa aming
harap ay nakaunat ang lawak ng bukiring
nakakalatan ng mangisa-ngisang punongkahoy at
kulu-kulupong kawayan. Mamakanika ay
nakakita ako ng ibang sumisiba sa papawirin.‘”

Mula sa “Lugmok na ang Nayon ” ni Edgardo Reyes

b. “Nagsunod-sunod ang tila malalaking batong


gumugulong sa kanilang bubungan. Ang paggulong
ng mga iyo’y sinasaliwan ng pagliliwanag at
pagdidilim ng bahay at pagliliwanag na muli,
Samantala’y patuloy ang pagbuhos ng ulan sa paligid, sa lahat
ng dako.”

Halaw sa “Bangkang Papel” ni Genoveva Matute

C. Sintesis

#3-2-1 Hastag

Isasagawa ng mag-aaral ang sumusunod:

3- Ilahad ang tatlong uri ng tauhan natalakay sa klase

2- Pagkumparahin ang dalawang uri ng paglalarawan gamit ang Venn Diagram

1- Isang makabuluhang bagay o konsepto na natutuhan sa buong aralin

Pagkatapos ay bubuo ang mga mag-aaral ng hastag ukol sa naramdaman nila sa


buong talakayan.
D. Pagtataya sa Wika

1. Si Kapitan Tiyago. Siya’y pandak, maputi-puti, bilog ang katawan at


pagmumukha dahil sa katabaan na alinsunod sa mga humahanga sa kanya
ay galling sa langit, galling sa dugo ng mga maralita; alinsunod naman sa
kanyang mga kalabanan, si Kapitan Tiyago ay mukhang bata kaysa mga
kalaban,si Kapitan Tiyago ay mukhang bata kaysa sadya niyang gulang:
aakalain ng may makakita na mayroon lamang siyang tatlumpu o tatlumpu’t
limang taon.
2. Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang
humahaplos sa nag-iinit na noo ni Danding. Humihinga siya nang malalim,
umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-dahang iniunat niya ang
kanyang mga paa, itinutukod sa lupa ang mga palad, tumingala at
binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin. Kay
lamig at kay bango ng hanging iyon.
3. Parang iginuhit ang kanyang kilay at nagtataglay ng mga pilik-
matang malantik at mahahaba na lalong nakatulong upang ikaw ay
mahalina ng kanyang mga mata. Sa kanyang pagtawa, mapapansin moa
ng pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin. Ang mahaba at maitim niyang
buhok ang nagsisilbing pang-akit ni Linda sa kalalakihan.
4. Ang silid ay maliit, maayos, yari sa kahoy at may maliit na bintana.
5. Animo’y bathaluma,lumalakad ito ng taas noo, buong tiwala sa
sariling tinatahak ang daan.

Takdang Aralin:
Idikit sa short coupon bond ang larawan ng inyong pamilya at ilarawan sa
pamamagitan ng karaniwan at masining na paglalarawan.

IKAAPAT NA ARAW
ILIPAT
Ilalahad ng mga mag-aaral ang karanasan nila tungkol sa pagsasagawa ng mga bagay na
pinipigilan sila at kung wala pang karanasan ay bumuo ng sariling kuwento na lamang. Gagamitin
at gagawing gabay ng mga mag-aaral ang bintana ng alaala.
ANG BINTANA NG ALAALA RUBRIK SA PAGMAMARKA

Daloy ng Kuwento- 15
PAMAGAT TAUHAN
Presentasyon ng Gawa- 5

ARAL KABUUAN- 20 puntos


SALAYSAY

You might also like