Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

DAHON NG PAGPAPATIBAYDAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino,Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito napinamagatang

Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo

ay inihandaat hinarap ng mananaliksik mula sa sekyon IV – St. Titus ng Flos CarmeliInstitution of


Quezon City.Tinanggap sa ngalan ng Kagawarang ng Filipino,Ika-apat na taon sa Paaralang
Sekundarya, Flos Carmeli Institution of Quezon City, bilang isa sa mga pangangailangan sa
asignaturang Filipino,Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. _____________________Bb. Jessilyn
Ranges

(Guro sa Filipino)

_____________________Gng. Brenilda Medina

(Punong-Guro)

PASASALAMATPASASALAMAT

Buong-puso kong pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal attanggapan dahil sa


pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong samatagumpay na pagbuo ng pamanahong-papel na
ito:- kay Bb. Ranges, ang aming minamahal na guro sa Filipino, sa paggabay sabawat hakbang sa
aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapagandaat mailathala ang aming papel,- sa mga awtor,
editor, at mananaliksik na aking pinaghanguan ngmahahalagang impormasyon sa mga kabanata ng
pamanahong papel na ito,- sa mga responsente, sa makatotohanang pagsagot, at pagpapakita
ngkabutihan na lubos na nakatulong sa amin,- sa Diyos Amang Makapangyarihan, na kung hindi dahil
sa kanya ay hindiako maliliwanagan at hindi ko magagawa ang tamang mga hakbang upangmatapos
ang aking pinaghirapang trabaho.

Muli, maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.


A. INTRODUKSYON

Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ngmundo ang paninigarilyo. Ang
gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ayisinasagawa ng mga tribo upang kumawala sa ulirat o makihalubilo
samundo ng espiritu. Ang ilan sa mga gawaing ito ay ang pagpapaalis ngmasasamang espiritu,
pagsamo sa mga ito, atbp. Ngunit, sa paglipas ngpanahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang
uso.Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nanglumipas ang 5000 taon, 1000
BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayanna magpausok, humithit at ngumuya ng mga dahon ng
tabako. Ginamit dinnila ito, kasama ng iba pang mga halamang medicinal, upang ipanggamot samga
may sakit at sugat. Nang sila ay naglayag sa iba pang parte ng mundo,nagdal sila ng mga dahon ng
tabako kaya naman nang lumipas ang mgataon, ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis
Drake, aynaisipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upangmagkapera. Naging
popyular ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya.Ang paninigarilyo ay isang Gawain na kung saan
sinusunog angsangkap, karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihitng usok na
inilalabas nito. Ayon sa Medlndia Online, ang stick ng sigarilyo aybinubuo ng halos 4,000 kemikal na
maraming epekto sa katawan at pag-iisipng tao. Ang ilan sa mga ito ay ang nicotine, tar, acetone,
chloroform, atbp.Dahil nga naman ang mundo ay mabilis magbago, nakaisp ang ibang tao ngmga
modipikasyon ng paggamit o paggawa ng sigarilyo.

B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edadna pitong (7) taon. Nagiging
regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang. Ang paninigarilyo ang
pinakaunang sanhi ngkamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada13
segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sapaninigarilyo. Ang paninigarilyo
ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga,kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay
madalas nasanhi ng pag- atake ng hika.Ang mga naninigarilyo ay humihina ang katawan,
nahihirapanghuminga, laging bumabahin at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabagoang pang- amoy
at panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ringmakapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat,
makapagpadilaw ng ngipinat mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga.Kung ang
taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects,ang taong nakakalanghap naman ng usok
ng sigarilyo ang nakakakuha ngsidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi
kananinigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal nanakukuha mo sa usok ng
sigarilyo ng taong katabi o malapit sananinigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga
masamangkemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi namannaninigarilyo pero
nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara samga taong talagang naninigarilyo. Ang mga ito
ay makakaramdam ngpagsakit ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay maymas
mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng kanser.Ang mga bata o anak naman ng mga naninigarilyo
ay may mas malakingposibilidad na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa pusolalo na
sa unang taon.
C. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin angmga sanhi ng paninigarilyo ng
mga kabataan. Makakatulong din ito sa mgahindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang
masamang bisyo naito.1.Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit naninigarilyoang
kabataan.2.Alamin kung ano ang aspektong naaapektuhan sa buhay ng isangmag-aaral na
naninigarilyo.3.Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol sa mgananinigarilyo.

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ngmga kabataang sa murang edad
pa lamang ay nalululong na sa bisyo ngpaninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung
hindi na rinsa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito samga hindi
nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyona ito. Ayon sa mga mananaliksik,
ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ayang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol
sapaninigarilyo at mapag bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulongupang mabawasan ang
paninigarilyo ng kabataan

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuangbilang ng kabataang Pilipino,


partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15,ang gunom na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng
tinatayang 40,000hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bungang
kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na promosyonnito sa bansang Pilipinas. Sa
katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasamiddle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang
tataas pa ang bilang naito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo samga
kabataan, lalo na sa Pilipinas.Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang
TobaccoRegulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mgamamamayan laban sa
masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batasna ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng
pampublikong lugar gaya ngmga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin
angpagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di napagbebetahan nito ang
mga menor de edad. Required din ang mga

kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning saharapan ng kaha ng yosi. Iba-ban
na rin simula 2007 ang mga ads ng mgasigarilyo sa iba’t ibang media. Ayon sa Malakanyang, ang
Pilipinas angkauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa panawagan ngWorld Health
Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mgaproduktong may nikotina.Ayon kay Dr.
Lain, ang paninigarilyo aynakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa
ngPeninsula Medical School sa United Kingdom sa pangunguna hinggil sakaugnayan ng paninigarilyo
sa Psychological well-being ng tao. Sa kanilangpagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay
nakararanas ngmababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindinaninigarilyo.
Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaringmagdulot ng pagtaas ng blood pressure,
paglapot ng dugo, kanser sa baga,bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low
birth weightat birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taongnaninigarilyo ay
namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman aynaghihirap ng maraming taon sa kanilang
kalusugan. Ang tar at CarbonMonoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mga
bagatuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan aykalaunang magiging
ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparamingplema. Ang mga ito ay paraan n gating mga
katawan ng pagprotekta sausok. Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng
siponat trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sapuso. Sa kalaunan
ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isangtaong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang
bahagi o kabuuan ng mgabaga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga
atmaging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ngemphysema.

May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11hanggang 19 ang naninigarilyo na,
ayon sa magkatuwang na pag-aaral ngDepartment of Health (DoH) at World Health Organization
(WHO). Batay sapag-aaral na pinamagatang “Global Youth Tobacco Survey," mahigit 60porsyento o
2.7 milyon mula sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo aypawang mga lalaki samantalang 1.4
milyon ang mga babae. Isinaad din sapag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral ang
nakakitang mga patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo noong 2007. Nagbabala siDr Maricar
Limpin, executive director ng Framework on Tobacco Control of thePhilippinesAlliance, na patuloy na
darami ang mga kabataangnaninigarilyo hangga’t hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa paggamit
ngtabako. Ayon kay Limpin, noong 2005 ay nasa pagitan lamang ng 17hanggang 18 porsyento ang
bilang ng mga kabataang naninigarilyosamantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007

May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11hanggang 19 ang naninigarilyo na,
ayon sa magkatuwang na pag-aaral ngDepartment of Health (DoH) at World Health Organization
(WHO). Batay sapag-aaral na pinamagatang “Global Youth Tobacco Survey," mahigit 60porsyento o
2.7 milyon mula sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo aypawang mga lalaki samantalang 1.4
milyon ang mga babae. Isinaad din sapag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral ang
nakakitang mga patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo noong 2007. Nagbabala siDr Maricar
Limpin, executive director ng Framework on Tobacco Control of thePhilippinesAlliance, na patuloy na
darami ang mga kabataangnaninigarilyo hangga’t hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa paggamit
ngtabako. Ayon kay Limpin, noong 2005 ay nasa pagitan lamang ng 17hanggang 18 porsyento ang
bilang ng mga kabataang naninigarilyosamantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK


A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibongmetodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri


ng deskriptibong pananaliksik,ngunit napili ko na gamitin ang Descriptive Survey Research Design,
nagumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mgadatos. Naniniwala ako na
angkop ang disenyong ito para sa paksang itosapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos
mula sa maramingrespondente.

B. MGA RESPONDENTE

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga taongnaninigarilyo o mga

smokers

sa aming subdibisyon. Pinili ko ang mgarespondente sapagkat sila ang pinakamadaling lapitan at sila
ang pinaka-epektibong mapagkukunan ng impormasyon.

C. MGA INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng DescriptiveSurvey Research Design, na


gumagamit ng talatanugan (surveyquestionnaire) para makalikom ng mga datos upang malaman ang
mgaopinyon ng mga respondent. Kumuha rin ako ng impormasyon sa mgaartikulo sa dyaryo at sa
internet.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral kaya’twala akong ginawang pagtatangka
upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatikal
napamamaraan. Opinyon o damdamin lamang ng mga respondentengtumugon sa bawat katanungan
sa survey questionnaire.

You might also like