Professional Documents
Culture Documents
Noelle Arroyo WHAT YOU MEAN To ME Preview
Noelle Arroyo WHAT YOU MEAN To ME Preview
Noelle Arroyo WHAT YOU MEAN To ME Preview
Teaser:
Catchline:
1. He was standing in the doorway… a tall, virile, strong man who somehow
looked open, vulnerable… And she‟d never felt so… guilty all her life as she realized
that he somehow knew, and was waiting for her to tell the truth eversince that day
she‟d lied to him about being safe.
2. “Hindi ko pa rin alam kung anong ginawa ko to deserve you, pero pagod na
ako sa kaiisip at katatanong. Mahal kita, William. „Yon lang ang alam ko. And now I
know I shouldn‟t care care about anything else as much.”
First Page:
For conference calls and giggles and blood sisters:
Chapter One
HINDI LANG KUMAKABOG na dibdib ang baon ni Anne noong itinulak niya ang pinto
papasok sa jampacked na Yahoo‟s Bar and Grill nang gabing iyon. Bahagya ring
nangangatal ang kanyang mga kamay at mga tuhod habang sinasalubong ang lamig
ng aircon mula sa loob pero dahil may kasunod lang siyang grupo ay napilitan siyang
tumabi para makapasok ang mga ito. Napatayo siya sa isang madilim na sulok
habang tinatanaw ang maluwang na kalooban ng bar, ang mga executives at mga
fashionistang sosyal na umiinom ng expensive wine at nagre-relax sa malalambot na
mga couches sa mga booths, at ang mga open laptops.
Hindi niya napigilang mapangiti. Tama ang binibida nina Jesse at Thea—Jesse‟s
business was really doing well. Si Jesse ay isa sa kanyang dalawang matalik na
kaibigan sa trabaho—ang isa pa ay si Thea—na nag-venture sa bar business kasama
ang dalawang pinsan at kaibigan. Pero patuloy pa rin ito sa pagpasok sa office dahil
ito ang head ng financial department ng korporasyon—kung saan sila nito kasama ni
Thea—na pag-aari nang mayamang angkan nito, bukod sa na isa itong actual
stockholder. Katuwaan nga lang ang venture na ito na hindi akalain ng mga itong
papatok nang ganito. The first time she was here was during the opening. Ngayong
gabi ang ikalawang beses na nakarating siya rito.
Moot question. Alam niya kung bakit siya naroroon. Hindi lang siya
makapaniwala na ito na ang resulta nang isang ideya lang na naisip niya a few
months ago.
Which brought her thoughts to her other friend, si Dorothea, na supposed to be
ay makakatagpo niya rito dahil ito ang may kilala at magsasama sa kanyang makaka-
blind date.
Kaya ko „to… kaya ko... sabi niya sa sarili sa kanyang isip habang napapapikit.
In this case, the end justified the means, hindi ba? Ito ang exception to the rule.
More than anything else in the world right now, ito ang kanyang gusto.
Kung siguradong sigurado kang ito nga ang gusto mo, bakit nangangatog ang
mga tuhod mo?
Nagbuntunghininga siya. Because she has never done anything like this before
nor did she ever imagined she could even think of doing this. Pero napag-isipan na
niya lahat at ito na ang pinakamainan na paraan para makuha niya ang kanyang
kailangan.
Isang beses lang naman niyang gagawin… with a virile, definitely fertile man,
preferably tonight if she could manage it, katwiran niya sa sarili niya for the
umpteenth time. Fertile siya tonight, bahagyang nangangatal niyang naisip.
Itong naiisip niyang gagawin niya ngayong gabi para magkaroon siya ng baby
ang absurd, not to mention bordering on crazy, kung malalaman ng kanyang mga
kaibigan.
Yes, yes, that‟s it. It should be easy. Aakto lang siyang infatuated, really taken
with the guy. If he would start flirting, sasakay siya. Kasi kung siya ang magsisimula
baka abutin sila ng Pasko, nangingiwi niyang amin sa sarili. Hindi iyon isa sa mga
natutunan niya sa buong dalawampu‟t limang taon ng kanyang buhay, unfortunately.
Tapos kapag hinatid na siya nito sa bahay, she would invite him inside. Kunwari
aalukin niya ito ng kape. It should be fairly easy to tell him that she wanted sex,
right? Dahil wala nang ibang tao, hindi na naman siguro siya masyadong mahihiya.
Of course she would have to drink something para lumakas ang kanyang loob. And
then, kapag pumayag ito, she would just have to close her eyes…
And they couldn‟t have that, could they? Kailangan mukha siyang eager.
Kailangang mukha siyang confident. Men like confident women, iyong mukhang alam
ang gagawin lagi. She was going to seduce this guy. She has to look convincing.
Sa kabila nang dami ng tao, maluwang ang lugar. Naaamoy niya ang bango ng
grilled meat at spices kalahok ng mga pabango. Ngayong nasa gitna sila ng mga tao,
mas malakas ang amoy ng pabango kaysa alak.
Nakarating sila sa wakas sa booth na sinasabi nito at pinapasok siya nito sa isa
sa mga couches na naka-fixed sa pwesto palibot sa square-shaped table na halos
sing-baba lamang ng mga tuhod niya.
Nang maupo siya, saka lang niya napansin na merong isang kopita ng alak sa
kabila niya—at isang lalaking kaswal na nakaupo roon, naka-stretch ang mahabang
biyas pababa sa sahig, nakatingin sa kanya.
She was wearing a sleeveless pink dress, maigsi nang konti sa tuhod niya ang
haba at hindi man fit na fit ay malambot ang tela kaya sumusunod din iyon sa hubog
nang kanyang katawan. She doubted she could wear this dress when it was
displayed on the mannequin. She never had the guts to wear anything that look
that… hot, ang word na ginamit ni Thea, namumula niyang naisip. Pero kinumbinsi
siya ni Thea na isukat iyon and one look at herself in the mirror convinced her that
she could, maybe, pull her secret plan through kung suot niya ang damit na ito.
Iyon lang ang inasahan niya. Hindi niya inasahang dahil sa damit ay titingnan
siya ni Sir William na parang noon lang siya nito nakita.
Tumango siya sa kung anumang sinasabi sa kanya ni Jesse at nawala ito. Kung
alam niyang iiwan siya nito kasama ang pinsan nito, sana umiling siya. Nakakaasiwa
kaya ang pinsan nito.
Gwapo ang kaibigan niyang si Jesse in a way na kapag sinabing Calvalho Men,
ibig sabihin gorgeous men. But there was always something about Sir William that
when he entered a room, everything and everyone else just seemed to deem in
comparison or were relegated into a corner, unnoticeable because you‟d only be
focused on him.
Alam niyang isa iyon sa dahilan kung bakit effective itong leader nang kompanya
bukod sa obvious requirements na mayaman ito at matalino—finished Business
Administration from Harvard University Business School a year before he should
have. But as if those weren‟t enough, he was also sinfully sexy, blatantly handsome
and had the hottest bedroom voice she‟d ever heard.
At ang magnetism na iyon ang dahilan kung bakit kapag nasa loob ito nang
isang room, ramdam na ramdam ng mga babae na ang mga ito ang lesser gender.
Yep, the one who ironed the clothes and cooked the dinner and wore the nightie
to bed for the hubby. She would bet that even the most accomplished woman she
knew would feel ready to commit to married life if this man was going to be the
other half of the committee.
Pero siya lang si Anne Reynoso, isang common accountant and employee. Hindi
siya sanay sa mga lalaking gaya ni Sir William, o na tingnan siya nito for the first
time bilang ang flower na biglang nagkaroon ng kulay sa wallpaper. Dahil definitely,
nakatitig ito ng mga sandaling iyon at nagsisimula nang pawisan ang kanyang noo.
Parang binuhusan si Anne ng tubig. So that was it? Iyon ang dahilan kung bakit
ganoon ang titig nito sa kanya? Muntik na siyang matawa sa relief.
Pero napangiti siya, hindi man outright na natawa. Kasi natutuwa siya sa
pagkakamali nito. Sila ni Jesse? He he. Baka sina Jesse at Thea. Hindi pa nga lang
alam ng mga ito iyon at one of these days, sana magkabistuhan na. “Hindi. I have a
date pero hindi si Jesse.”
Pero nanatili itong nakatitig sa kanya na parang naghihintay itong magbigay siya
ng presentasyon or something. “So who‟s this date? Mukhang late.”
Ngumiti ito na parang alam nito ang iniisip niya, dahilan kung bakit namula siya.
“You shouldn‟t wait on a man, Anne. It isn‟t right. Lalo na kung first date,” marahan
nitong sabi sa kanya.
Napatitig siya rito kasi, he actually sounded like he really cared. Dahil doon,
hindi siya nainis sa patronizing tone nito. Also, she never realized he knew her first
name. Laging Miss Reynoso ang tawag nito sa kanya sa trabaho.
She suddenly wanted to look at the mirror. “W-What look?” tanong niya,
natataranta. First date look o iyong look nang isang taong may tatlong taon nang
hindi nakikipag-date? Gosh, mahahalata kaya iyon nang makaka-date niya?
Bago ito makasagot, may nagbaba ng wine flute sa kanyang harapan. Gulat
siyang nag-angat ng tingin kay Jesse.
“Chardonnay,” anito.
At nahulaan niyang iyon ang tinanguan niya kanina, kung anong wine ang gusto
niya. Gusto niyang tanungin kung matapang ba ang wine dahil madali siyang maliyo
sa alcohol pero nag-hesitate siya. Baka kung ano na namang mahalatang “look” sa
kanya nang intrimidido nitong pinsan kung magtatanong siya nang isang dorky
question gaya nang “Fourteen ba o forty percent ang alcohol content ng wine ko?”
Bumagsak naman si Jesse ng upo sa kanyang tabi. “Bakit kaya wala pa si Thea?
She‟s usually the first one inside that door on a Friday night.” Tumingin ito sa
direksyon ng pinto pagkatapos ay may kinawayan doon. Napalingos siya, pero hindi
alam ang mararamdaman nang makitang hindi si Thea ang kinakawayan nito kundi
ibang kakilala.
Dios ko, mamamatay yata ako sa suspense. Bakit kasi hindi na lang siya
umampon, naiimbyerna na niyang tanong sa sarili kahit naisip na niya kung bakit
noon pa.
Gusto niya ng baby na mula sa kanya. Gusto niyang maranasang ipagbuntis ito
sa loob ng siyam na buwan, mag-labor para mailabas ito sa mundo at marinig ang
unang iyak nito paglabas nito sa kanya—she wanted the whole works.
Gusto niyang makita sa mukha niya iyong ngiti sa mukha ng Mama Benita niya
noong isilang siya nito sa mga pictures na pinakita nito sa kanya noong nanganganak
ito sa kanya. Iyon ang mga gusto niyang marasanan at hindi mangyayari iyon kung
aampon siya nang ibang bata.
Not bad, naisip niya. Sa kaba, hindi siya masyadong nakakain ng dinner sa
apartment niya kanina. The wine could help steady her nerves, help her relax.
Sumandal siya sa couch at ipinikit niya sandali ang kanyang mga mata.
Naisip niya si Thea, kung paanong sigurado siyang hindi ito magre-recommend
ng date na hindi nito kilalang kilala. At kung sakali, naroroon si Jesse at sigurado
siyang kikilatisin din nito kung mabuting tao ang date niya.
May konting alam ang mga ito sa nakaraan niya. Na gaya ng mga ito, at about
the same time ay na-heartbroken siya. Na iyon ang dahilan kung bakit umalis siya sa
dating pinagtatrabahuhan at lumipat sa Calvalho‟s noong nagkaroon ng opening
doon. Birds of the same feather flock together, ika nga. Nakita agad ng dalawa ang
signs. Iyon ang unang dahilan kung bakit sila naging magkakaibigan agad. Ang iba
pang mga dahilan ay simpleng dahil magkasundo ang mga ugali nila.
Still, they did not know. They did not know about her secret. Kung bakit
hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagde-date, hindi nag-iisip mag-boyfriend.
Namalayan niya habang nag-iisip nang malalim at nakapikit na hindi niya naririnig
ang tinig ni Jesse kaya napamulat siya.
Nang makita niyang nakangiting pinanonood siya ni Sir William, lumipad ang
karampot na relaxed feeling na na-achieve niya sa sandaling pagpikit.
Natatawa ito. “Pasensya ka na, busy ang pinsan ko at palayas-layas siya. I did
not mean to watch you. I have to remind you, though. Hindi magandang lugar ang
bar to take a nap.”
Tumingin siya rito at kahit yata nakasalalay roon ang kanyang buhay, honest-
to-God, wala siyang maisip na sasabihin dito. As in biglang nablangko ang kanyang
utak.
“O-Oo.”
“Taxi?”
Tumango na naman siya. “Halata rin bang hindi ako marunong mag-drive?”
Great. Pinagtatawanan siya nito. Just great. Pero nakakatuwa ang hitsura nito
habang tumatawa at napangiti na rin siya sa halip na mainsulto pa.
“Eat. It‟s really good.” Walang duda na utos iyon kahit nasambit ang mga salita
sa pinaka-gentle na tinig.
At nahulaan niya bigla kung bakit ang bait nito sa kanya. Kung bakit ito
gumagawa ng conversation. Kung bakit siya nito inaabala kahit pwede naman itong
umalis at wilihin ang sarili sa ibang taong hindi boring na gaya niya.
“Eat,” anitong muli, this time sa tonong parang susubuan na siya nito kapag
hindi pa siya sumunod.
SHE‟S CUTE.
Innocent big eyes, an upturned nose, lips that were full and red. Isama ang
blushes sa magkabilang pisngi nang hugis puso nitong mukha at iisipin niyang ang
nakikita niya ay isang fairy. Kahawig nang isang fairy picture, at least. Kung tatayo
ito, she‟d be about five feet three inches, masyadong mababa para sa kanyang usual
taste.
Bakit ngayon lang niya nakitang ang sweet palang ngumiti ni Anne Reynoso?
Maybe it was the place. Sa trabaho, lahat nang nakikita niya ay impersonal.
Seryoso siya at workaholic. Hindi niya kailanman pinagsama ang business at leisure
at lalong lalo na, hindi siya naging interesado kahit kailan sa mga empleyada niya.
Ang magkaroon ng ganoong komplikasyon sa trabaho ay bangungot para kay
William.
Therefore, kung hindi man totally impersonal ang tingin niya sa mga kaibigan ni
Jesse, he didn‟t… hadn‟t actually seen Anne like this. Ang alam lang niya, kapag
pumapasok siya sa opisina ng tatlo na hiwalay sa iba pang mga accountants sa
financial department, ay kampante siya.
Thea and Anne weren‟t like the other employees. Sensible ang mga ito,
masisipag, trabaho ay trabaho. In fact, ang napansin pa niya kay Anne, lalong
nawawala ang ulo nito sa likod ng monitor ng computer nito kapag pumapasok siya
sa opisina ng mga ito. Alam niyang mahiyain ito, Jesse didn‟t have to say that.
Bookish at hindi palalabas kaya hindi niya ito madalas mapagkikita kapag nakikita
niya sa labas si Jesse kasama si Thea at ang iba pang kaibigan ng mga ito sa opisina
na madalas mag-night out.
Pero nasa isang resto/bar sila ngayon. Wine has relaxed him—but not her, not
enough because she‟s still blushing like hell—and her shyness was endearing to him.
Fresh. Parang isang bagong dessert na ngayon lang niya natikman at natagpuan
niyang sweet.
Cute.
And he really shouldn‟t be baiting her more. Hindi tama ang ginagawa niya,
seducing her just to see her blush. It was cruel—no monitor to hide from him. He
should leave her alone. Really.
Nasaan ba si Jesse?
Inilibot niya ang tingin niya sa paligid. At nakita si Jesse malapit sa entrance ng
bar kausap si Dorothea Camacho. Dumating na pala ito.
In fact, he hated the guy. Paano kung ito iyong klase ng lalaki na ang tanging
hanap sa isang babae ay good time? At hindi siya bulag para hindi makitang inosente
pa si Anne. Baka mag-expect ito masyado. Baka masaktan lang ito, kawawa naman.
And he shouldn‟t care, sabi niya sa sarili niya. He really should leave. Kahit
sino, may right ma-exposed para matuto. Anne should get exposed. Kailangan
nitong—
Nagpreno ang kanyang isip nang sa paglingos niyang muli kay Anne, nakita niya
itong naninigas at namumutla habang nakatanaw din ito sa tinitingnan niya.
Nakita na nitong dumating na ang hinihintay nito.
Ni hindi niya alam na nahawakan na niya ang kamay nito pwera nang
maramdaman niya ang parang yelong lamig ng balat nito at napisil tuloy niya iyon.
“Anne? Hey…”
“Not ready,” sambit nito na parang wala sa sarili. “Not ready.” Ni hindi ito
tumitingin sa kanya.
Tumiim ang kanyang bagang. And decision-making wasn‟t even part of it. He
just wanted to rescue her. That was all.
At napatunayan niya kung gaano ito ka-rattled nang helpless itong tumango
nang ni hindi nag-iisip kung dapat ba siya nitong pagtiwalaan.
Alam niyang dinala siya ni Sir William sa isang restaurant, isang fine dining
restaurant, na nasa malapit lang ng resto/bar ng pinsan nito dahil naroon na sila
agad sa loob lang nang ilang minuto. Alam niyang iniupo siya nito sa isang mesa sa
sulok, malayo sa ibang mga bisita at ito ang umorder ng wine at pagkain.
Alam ni Anne lahat nang nangyayari pero gumana lang ang utak niya noong
nagbababa na ang waiter sa harapan nilang dalawa ng pagkain at wine. Chicken
Mushroom Stroganoff. Naamoy niya ang pamilyar na amoy ng pagkain at nagbigay
iyon ng koneksyon sa lugar na iniwan nila. Naalala niyang ni hindi niya natikman ang
pagkain na binigay sa kanya ni Jesse dahil hindi pa siya nakakasubo ay nakita na
niya sina Thea.
Si Thea at ang lalaking kasama nito.
Noon nag-focus sa lalaki sa kabila ng mesa ang mga mata niya. Nakatitig ito sa
kanya, nag-aalala. At nang maisip na heto at inabala niya ito—sa dinami-rami ng
mga lalaki sa mundo ay ang lalaking ito pa mandin—ay nag-init nang todo ang
mukha niya sa kahihiyan.
“It‟s fine. You should eat,” anito. Saka ito tumingin sa mga plates nila na pareho
ang laman. “This will not taste the same as my cousin‟s recipe pero masarap din
naman,” kaswal nitong sabi.
Napatingin siya sa pagkain sa harapan nito. Pareho pala sila. “I‟m sure mas
masarap ang recipe ni Jesse,” sabi niya sa pathetic na pagsubok sumakay sa
sinimulan nito.
Noon ito ngumiti. “I‟m sure. Dig in.” Dinampot nito ang fork nito.
Nag-init na naman ang mukha niya. Pero pagkatapos niyon, magana na siyang
kumain.
Pero hindi ibig sabihin niyon ay naabala din ang kanyang isip. Hindi. Habang
kumakain, sinesermunan niya ang kanyang sarili. Ridiculous, not eating because of a
nerve attack that came for planning something she wasn‟t going to go through
anyway, sarkastika niyang naisip.
God, how stupid could she get? How melodramatic. She could never do it. Hindi
nga niya nagawa noong may boyfriend pa siya, magawa pa niya with a man she did
not even know?
“You eat like you like the food, meaning that big sigh was because of something
else?”
Napatingin siya kay Sir William sa kabila ng mesa. Bakit ang dami nitong
napapansin? Bakit ang dami nitong nahahalata? Nahahalata din kaya nito na hindi
lang siya kinakabahan na lang ng mga sandaling iyon, but that she was terrified?
Paano kung nagawa niyang sumama sa lalaking iyon sa isang kwarto, at nalaman
niyang hindi niya kaya noong nakasara na ang pinto?
Nagbagsakan ang mga luha ni Anne kasabay nang pagbubuhol nang kanyang
paghinga. Isang tingin sa kanya at nawala sa kabila ng mesa si William Calvalho.
Lumipat ito sa tabi niya, inakbayan siya nito, hinawakan ang isa niyang kamay at
pinisil-pisil iyon.
“Okay, okay, whatever it is, it‟s gonna get better. I promise. It‟s going to be
alright.”
“So-Sorr-Sorry!” pilit niyang sinabi habang tinatakpan niya ang bibig niya para
mapigil ang mga hagulhol. Nakakahiya sa ibang mga parokyano sa resto!
Umiling siya nang sunod-sunod. “Ni hindi mo alam kung ano ito,” sambit niya
habang pinapahid niya ang luha niya gamit ang table napkin. “Kung gaano ako ka-
estupida ngayong gabi.”
“You can tell me, you know,” anito sa mapaklang tinig. “You‟re awfully scared
and I want to know why.”
Mabilis ang pagbabago sa mukha nito. Kumunot ang noo nito, bumakas ang galit
sa mukha. “Are you saying—“
“No, no. No… hindi.” Tapos, parang dam na nasira ay bumuhos ang mga salita
mula sa bibig niya. “Muntik na sana pero pwede ring hindi. Baka naman mabait siya.
Pero kahit mukhang santo pwedeng hindi talaga mabait, „di ba? Kahit ayaw mo,
pipilitin ka. Kung tinuloy ko, baka nadisgrasya ako.”
Umiling na naman siya. “You don‟t understand. I planned to take him home. I
planned to seduce him.”
Ilang saglit na parang natulala ito. tapos, nakabawi ito. “Let me get this straight.
Sino ang mangre-rape kanino?” mahina nitong bulong.
She‟s feeling more stupid but she has started and she couldn‟t stop talking
anymore. “Wala! I mean, baka siya. I mean…” How did everything get this messy?
“Maybe you should start at the beginning,” anito sa tinig na marahan pero
pautos. At alam niyang kailangan niyang magpaliwanag or else…
Suminghot siya. “All I wanted was to have a baby. That‟s it. Ayoko sa sperm
bank—I want to know exactly who the father would be. „Yon lang. I thought I can
go through it… pero hindi ko pala kaya.”
Mukha itong lalong nalito. But she has to admire his patience. “Go on.”
Tumango siya. Alam niyang magpapatuloy siya dahil kailangan niya ng kausap.
Siguro, kung noon ay meron siyang nakausap, baka hindi siya umabot sa ganito.
Mula nang mamatay ang kanyang Mama Benita, wala na siyang nakausap tungkol sa
pinakamalalim niyang mga saloobin. Pero bago pa man ito mamatay, may mga lihim
na siyang ni hindi niya kayang sabihin dito. Dahil kailangan niya itong protektahan.
Naubos ang pasta pero hindi ang wine dahil pinadala ni William ang buong bottle
sa mesa. Therefore, as she talked and he gently asked his questions, they drank and
their glasses got replenished. Nang matapos niyang masabi ang puno‟t dulo ng mga
nangyari ngayong gabi, bigla naman siyang natahimik.
Ito ang bumasag ng katahimikan. “You can‟t blame yourself, you know.”
Malungkot siyang ngumiti. Mabuti naman at kahit papaano, hindi na siya umiiyak.
“Kung alam ito ni Mama Benita, hindi n‟ya sasabihin „yan. I should know better.”
Umabot ang kamay nito at hinawakan nitong muli ang kamay niya sa hindi na
niya mabilang na pagkakataon sa gabing iyon. Kinuha nito ang kamay niyang
nakahawak sa kopita ng alak at ikinulong sa kamay nito, pinisil. “Hey, I‟m sorry, but
she‟s not here anymore. Mag-isa mong dinala ito and someone should have been
there for you to talk to, para hindi ka nataranta. Pero na gustuhin mong magkaanak
nang walang ama ay hindi strange para sa „yo, kasi sa gan‟ong paraan ka naging
anak ng mama mo.”
“My mom‟s was In Vitro,” protesta niya. “I wanted to go through the whole
process, remember? May pagkakaiba pa rin. I was trying to be brave and was not.”
Ngumiwi siya. “Romantically pathetic of me.”
“Speaking of romance, never thought of acquiring a father first before the baby
part?”
“Mag-aasawa ako, you mean?” Tiningnan niya ito nang may pained expression sa
kanyang mukha. “Magpakilala ka ngayon ng lalaki sa „kin na kaya talagang
panindigan ang kanilang sinasabi and I might give it a thought. For about five
minutes.”
Umiling siya.
Hindi niya napigilang mapalabi. Tapos, tumiim ang bagang niya. “Men. They
always ask for more than they can give. And when they do give something, they
think they have the right to expect everything from you. They‟re not reliable, they‟re
pushy and insensitive not to mention selfish, and they don‟t usually grow up until
it‟s too late. Kung maghihintay akong makakilala nang tunay na lalaki, baka ninety na
ako.”
Nakakunot ang noo nito. “And this is… how many relationships?”
“Two. But I have been ob-she-serving. And nine out of ten, I was always
disappointed. Look at Pamela, „yung nasa personnel? Kaibigan rin namin siya ni
Thea. She‟s always optimistic. Everytime she says she‟s found the right guy, she‟d
be crying a month later. She is beautiful and intelligent and funny and brave but the
only thing that could make her cry is men. I hate men. They can easily make you
hate yourself, too. And that shouldn‟t be fair, „di ba?”
Natawa ito. “We‟re not totally that pathetic. Baka nasa malapit lang ang lalaking
hinahanap mo. Pwedeng si Jesse—“
“Kaibigan ko si Jesse. Parang kapatid lang ang tingin ko sa kanya,” protesta niya.