Professional Documents
Culture Documents
Grade 10 Third Quarter Test Contemporary
Grade 10 Third Quarter Test Contemporary
Lopez, Quezon
Ikatlong Panahunang Pagsusulit
ARALING PANLIPUNAN 10 – MGA KONTEMPORARYONG ISYU
Pangalan______________________________________Pangkat_______Iskor______Petsa________________
I. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_______1. Ang kasarian ay maraming ipinahihiwatig na kahulugan. Sa Ingles ito ay katumbas ng salitang sex at
gender. Ano ang tinutukoy ng World Health Organization (WHO) na tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal
na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. Bi-sexual B. Transgender C. Gender D. Sex
_______2. Sa kabilang banda, ano naman ang tawag sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda
ng lipunan para sa mga babae at lalaki?
A.Sex B. Gender C. Bi-sexual D. Transgender
_______3. Ang Queer o Questioning ay mga taong hindi tiyak o hindi pa tiyak ang kanilang seksuwal na
pagkakakilanlan, samantalang ____ ang mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa ibang kasarian
ngunit nakakaramdam din ng kaparehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ano ang tawag sa kaniya?
A. Bisexual B. Transgender C. Asexual D. Homosexual
_______4. Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong
makasama ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
A. Heterosexual B. Gay C. Homosexual D. Bisexual
_______5. Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon
ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya
itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng lalaki noon kaysa sa
kababaihan.
_______6. Winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon sa pamamagitan nang kapwa pinapayagan noon ang
babae at lalaki na hiwalayan ang kanilang asawa. Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari
niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang pagsasama.
Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang
pag-aari. Ano ang maaaring maging konklusyon sa talatang binasa?
A. Mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki.
B. Pantay ang karapatan ng babae at lalaki noong unang pahanon.
C. Walang pakialam ang kanilang pamilya sa buhay mag-asawa.
D. Mas binibigyan ng pansin ang kapakanan ng mga kababaihan noon.
_______7. Sa pagdating ng mga Amerikano nagkaroon nang pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas
para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. Nabuksan ang
isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu ng
pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap noong
Abril 30, 1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Anong ideya
ang ipinahihiwatig sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano?
A. Dahil sa mga Amerikano nagkaroon ng ideya ang mga kababaihan na pag-ibayuhin ang pakikipaglaban sa
kanilang karapatan.
B. Ang pangyayaring ito ay nagbigay ng ideya na malayo ang mararating ng mga mamamayan bata man o
matanda dahil sa pagdating ng mga Amerikano.
C. Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-
pantay sa Pilipinas.
D. Ang pagkamulat sa isipan ng mga Pilipino ang ideyang ibinahagi ng mga Amerikano sa pagdating nila sa
Pilipinas.
_______8. Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya
ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang asawang si Diego Silang, nag-alsa siya. Gayundin, sa panahon
ng Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga
katipunero. Bakit ganon na lang ang ginawang pagpapakita ng kabayanihan ng ilang kababaihan sa panahon na
dumating ang mga Espanyol?
A. Dahil nais nila maipakita ang kanilang katapangan laban sa mga kalalakihan.
B. Marahil nais nilang ipaalam sa mga Espanyol na ang mga kababaihan sa panahong ito ay may boses.
C. Para malaman ng mga Espanyol na may angking lakas ang mga kababaihan.
D.Upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.
_______9. Iba’t iba ang gampanin ng babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Sa
Mundugumor pareho ang babae at lalaki na matatapang, agresibo, at bayolente, samantalang ang mga Arapesh
ay:
A. Parehong ang lalaki at babae na maalaga o mapag-aruga , matulungin at mapayapa.
B. Babae ang dominate at naghahanap ng makakain samantalang ang mga kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng
sarili mahilig sa kuwento.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop,maalaga at matulungin.
D. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili atmahilig sa kuwento samantalang ang mga kalalakihan ay
dominante at naghahanapng makakain.
_______10. Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae
hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng
impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan.
A. Female Genital Mutation C. Female Genes Migration
B. Female Genes Mutation D. Female Genital Mutilation
_______11. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag sa anumang
pag uuri,eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang
at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan?
A. Pang-aabuso B. Diskriminasyon C. Pagsasamantala D. Pananakit
_______12. Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang tanong sa ibaba.
BABAE, BUMANGON KA!
VAW Theme Song Titik: Girly Torres-Brillantes
Musika: Valiant Torres
Chorus:
Wakasan ang karahasan sa kababaihan
Matutong manindigan sa ‘yong karapatan
Gabay mo ang batas sa pagsupil ng dahas
Bumangon ka, bumangon ka
Labanan ang karahasan.
Babae, bumangon ka!
Halaga sa lipunan
Hindi mapapantayan
Bigyang kabuluhan
Pagtahak sa tamang daan.
II. Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas/
gender roles sa iba’t ibang lipunan sa mundo. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
_____ 25. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihang ang nakapag- aral dahilan upang mabuksan
ang kanilang isipan na hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. - 3
_____ 26. Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya
ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang asawang si Diego Silang, nag-alsa siya upang labanan ang pang-
aabuso ng mga Espanyol.- 2
_____ 27. Sa panahon ng mga Hapones, ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng mga kalalakihan sa
paglaban sa mga Hapones. - 4
_____ 28. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan tulad ng
Magna Carta of Women. - 5
_____ 29.Ang mga kababaihan sa Pilipinas maging kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay pagmamay-ari
ng mga lalaki. - 1
III. Panuto: Analohiya. Punan ng tamang salita upang mabuo ang konsepto at nilalaman ng mga salita.
30. Seven Deadly Sins : ____________________ ; International Bill for Women : CEDAW (GABRIELA)
31. foot binding : China ; __________________ : India (Purdah)
32. International Day for the Elimination of Violence Against Women : November 25
Anti-Homosexuality Act (Uganda) : _____________ (2014)
IV. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.
IV. (37-40) Panuto: Bilang mag-aaral, dapat lamang na aktibo kang makibahagi sa paglinang ng ganap na
kalayaan ng lahat ng Pilipino, maging anuman ang kasarian nito. Sa pagkakataong ito, ikaw ay gagawa ng isang
Pledge of Commitment.
Pamantayan ng Pagmamarka
Pledge of Commitment