Ang Alamat NG Maya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Maya

De Guzman, Maria Odulio (1972)

Ibong Maya

Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi
dapat gawin ng batang katulad niya.

Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y gutom
na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay
nagsimula nang kumain ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Ngayon natakpan
siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita
upang mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala
rin si Rita roon.

Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob.
Kumakain ng bigas ang ibong iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.

You might also like