Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

TAWAGAN SUR NATIONAL HIGH SCHOOL

Pagadian City

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT sa


ARALING PANLIPUNAN VII

Pangalan: _____________________________ Baitang at Seksyon: ______________________ Puntos: _____________


Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot ng mga sumusunod na katanungan sa bawat bilang.

1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog- Silangan, at Silangang Asya. Tinatawag na
heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinaalang-alang sa paghahati ang mga aspektong pisikal,
historikal at kultural. Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang tinitingnan
bilang magkaugnay?
a. Ang mga ito ay parehong napapailalim sa halos parehong karanasang historikal, kultural, agrikultural at sa klima
b. Magkasama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal
c. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho
d. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito
2. Ito ay ang zero-degree latitude at humahati sa globo sa hilaga at timog na hemisphere ng globo.
a. equator b. prime meridian c. Greenwich timeline d. longitude
3. Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang pagkakaroon ng malawak na
damuhan o grasslands. Tinatayang ang sangkapat (¼) ng kalupaan sa mundo ay ganitong uri. Alin sa mga uri ng grasslands
ang may mga damuhang mataas na malalalim ang ugat na matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia at maging sa
Manchuria?
a. prairie b. savanna c. steppe d. tundra
4. Ito ay tumutukoy sa pag-aaral sa pisikal na katangian daigdig kasama na ang malaki ang epekto nito sa kilos at
gawain ng tao kasama na ang bawat salik nito gaya ng kapaligirang pisikal (kinaroroonan, hugis, sukat, anyo,
vegetation cover), ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong tubig, klima, at likas na yaman ng isang lugar ay
nakapagbigay impluwensya sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan ng mga Asyano at patuloy na humuhubog sa
kanilang kultura at kabuhayan.
a. equator b. savanna c. topograpiya d. heograpiya
5. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking kontinente kung sa daigdig?
a. Australia at Oceania b. Europe c. Asya d. Africa
6. Ang Mt. Palpalan na matatagpuan sa Pagadian City, Zamboanga del Sur ay isang uri ng ____________.
a. bulkan b. talampas c. tangway d. bundok
7. Ang Mt. Everest na nakahanay sa Himalayas ay ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na
halos 8,850 metro, pangalawa ang K2 (8,611 metro) na nasa Pakistan/ China. Pangatlo naman ang Mt. Kanchenjunga
(8,586 metro) na nasa Himalayas din. Ang mga sumusunod na anyong lupa ay ______________.
a. bulkan b. talampas c. tangway d. bundok
8. Ang itinuturing na pinakamalaking lawa sa buong mundo.
a. Lake Baikal b. Lake Lanao c. Caspian Sea d. Lake Victoria
9. Ito uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted short grasses. Maliliit lamang ang damuhan sa
lupaing ito dahil tumatanggap lamang ito ng 10-13 pulgada ng ulan.
a. Lake Baikal b. Lake Lanao c. Caspian Sea d. Lake Victoria

You might also like