Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Cabuyao Noon at Ngayon

ni Nanette B. Manglo
2SEDF-1

Nalaman ko ang pinagmulan ng pangalan ng Cabuyao ay Tabuco pala, itinatag ito ni


Miguel Lopez de Legazpi noong 1571 noong panahon ng Kastila, isa rin ito sa pinaka matandang
barangay na naitatag sa Pilipinas ito ay mayroong labing-walong barangay na dating tinurang
Balangay na ang tawag noong panahon pa ng pananakop ng kastila sa ating bayan, ito ay
mayroong 18 barangay; siyempre unang una ang aking tahanang barangay ng Banay banay,
Baclaran, Banlic, Bigaa, Butong, Casile, Diezmo, Gulod, Mamatid, Marinig, Niugan, Pitland,
Pulo, Sala, San Isidro, Poblacion1, Poblacion2, at ang panghuli ang Poblacion3. Ang Cabuyao
ay isa dating barangay lamang ng Sta Rosa na kasalukuyang ganap ng bayan. Ang mamamayan
ng Tabuco ay nagkaisa na magkaroon ng kanya kanyang pamumuno ang barangay ang
Malabanan ay nahati sa dalawa, ang Biñan at San Pedro na ganap nang naging mga bayan noong
1725. Ang barangay Calamba ay naging bayan noong 1742, maging ang mga barangay Santa
Rosa de Lima at Sto. Tomas ay naging mga bayan na rin at humiwalay na sa Tabuko. At ang
natitirang lupa na naiwan sa Tabuko ay ang lupain na ngayon ay tinatawag ng bayan ng
Cabuyao. Naging ganap na City ang Cabuyao noong Agosto 4, 2012.
Taong 2007 hangang 2016 si Isidro “Jun” Hemedes ay naka tatlong terminong
nanungkulan bilang alkalde, maraming bulong bulungan kung kailan naging siyudad na ang
bayan ng Cabuyao saka naman nabahiran ng sandamakmak na anomalya ang nakaraang
administrasyon ni “Jun” Hemedes. Kaya naman daw sandamakmak na kaso rin ang naging
pabaon para kay ex-mayor! Nakalulumgkot man ito ay maykatotohanan, ang politika ay mapang
samantala sa kanilang kapangyarihan inuuna sariling kapakanan kabikabilaan pagnanakaw sa
kaban ng bayan kung hindi dahil sa bayan wala ang mga pulitiko sa kanilang kinatatayuan,
bagkus pinagkatiwalan na mapaunlad ang nasasakupang lungsod at sa halip maka tulong sa mga
mahihirap nating kababayan. Sa kasalukuyan ang pinili at inilukluk ng taong bayan . ay si Atty.
Rommel Gecolea ay isang malaking tagumpay para sa mga Cabueno, na pang dalawamput-
apat na Mayor ng City ng Cabuyao ng Laguna, harinawa hangang sa kanyang kahulihulihang
panunungkulan siya ang maging tulay o instrumento na makatulong sa bawat mamamayan ng
Cabuyao, mapaunlad ang lahat ng serbisyong publiko.
Dala ng paglipas ng ating panahon ang pag unlad ng ating bayan ay alintana na ng
Cabueno ang kabikabilaang bagong tayong establisimento sa bayan ng Cabuyao. Abot kamay
na rin ng nakakarami ang paglukluk ng taong bayan sa ating bagong Alkade, marami ng
pagbabago; ang pagdagdag ng bilang ng scholar ng Pamantasan ng Cabuyao, inaayos ang facility
at kahapon lamang inilunsad ang first Global Wifi in PNC.

You might also like