Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Musico, Reggie Kennen T.

BSHRM-201

Tutol ang mga lider ng Simbahang Katoliko sa panukalang muling buhayin ang
death penalty sa bansa dahil hindi naman ito makakasugpo sa laganap na krimen
sa Pilipinas.
Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, sa halip na buhayin ang
death penalty ay hulihin ang mga kriminal at mabilis na ipataw ang hustisya sa
mga krimen upang masugpo ang anumang kriminalidad.

Iginiit din ni Bacani na hindi napapanahon at hindi na dapat ibalik ang parusang
kamatayan sa bansa.

Inihayag pa ni Bacani na kaya malakas ang loob ng marami na gumawa ng krimen


dahil hindi naman sila nahuhuli.

Kung mahuli man aniya ay matagal naman maigawad ng hukuman ang hatol lalo
na kung mayayaman at maiimpluwensiya ang nakagawa ng masama.

“Mabilis na paghuli sa mga kriminal at mabilis na pagbibigay ng hustisya sa mga


kaso ang dapat atupagin ng pamahalaan at mga mambabatas. Hindi talaga
napapanahon at hindi dapat ang death penalty na ibalik pa, napakalaking biyaya
sa ating bansa ang pag-alis sa death penalty,” ani Bacani.

“Sa totoo lang hindi naman ang death penalty ang nakakatulong na sugpuin ang
krimen kundi ang talagang nakapipigil ay ang paghuli at ang mabilis na
pagpapataw ng hustisya sa mga nagawan ng kasamaan. Iyon ang talagang
nakakapag- encourage o nakakapagbigay ng lakas ng loob sa marami na gumawa
ng masama,” aniya pa.

Sinabi pa ng Obispo na hindi na dapat ibalik ang death penalty sa Pilipinas dahil
marami ng bansa sa buong mundo ang nagsisisi at inalis ang parusang kamatayan.

Sinabi rin nito na kinakailangang bigyan ng suporta at sikaping matulungan ang


mga biktima ng krimen na magkaroon ng katarungan para magkaroon ng healing
ang kanilang damdamin at maabsuwelto naman ang mga walang kasalanan.

Muling nabuhay ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan dahil sa


lumalalang krimen. Ang nagpanukala ay si Sen. Tito Sotto kasama ang iba pang
anti-crime groups. Nais ng mga ito na ibalik ang parusang kamatayan para raw
mapigilan ang pamamayagpag ng mga kriminal.

Sa halip na death penalty ang pagtuunan ng pansin, kalampagin ang Philippine


National Police at mga local na pamahalaan sa pangunguna ng Department of
Interior and Local Government (DILG) na tutukan ang pagresolba sa mga krimen.

Kung maaaresto agad ang mga kriminal buhay man o patay asahan na ito ang
pinaka-instrument upang bumaba ang bilang ng kriminalidad sa bansa lalo na sa
Metro Manila.

Kahit pa may parusang kamatayan sa bansa pero kung hindi naman mabilis ang
pag-aresto sa mga criminal, wala rin itong bisa. Bukod dito, dapat pabilisin ang
proseso sa mga korte upang mahatulan at maparusahan agad ang mga kriminal.

Kung susuriin, mas masahol pa nga sa parusang kamatayan ang mabilanggo ng


habambuhay dahil sa hirap ng kalagayan sa mga kulungan maliban na lang sa mga
mayayaman na nakakapamuhay sa loob na masarap pa rin ang buhay

Namamapayagpag ang mga criminal lalo sa Metro Manila. Malaking problema ang
riding-in-tandem na hindi masugpo ng PNP. E paano, ang solusyon ng gobyerno
dito ay ipagbawal ang may angkas sa motorsiklo sa halip na tugisin ang mga
riding-in-tandem criminal.

Masyadong mababaw ang diskarte ng hepe ng NCRPO na si Chief Supt. Carmelo


Valmoria. Halimbawa na lang ay nang umatake ang ‘‘Martilyo gang’’ sa SM-North
E . Pawang naka-shades at sombrero ang “Martillo gang’’. Agad ipinagbawal ni
Valmoria ang pagsusuot ng sumbrero at sunglasses sa mall. Kung ganitong mag-
isip ang NCRPO chief malabong masugpo ang krimen sa Metro Manila.

Samantala, tama ang paninindigan ni President Noynoy Aquino na hindi pa


perpekto ang justice system sa bansa kaya hindi puwede ang death penalty. Ayon
kay P-Noy, kapag ang isang tao ay nahatulan nang mali at naparusahan ng
kamatayan, hindi na maibabalik ang buhay nito samantalang kung habambuhay
na pagkabilanggo ay maaring makalaya.

Dapat magising ang mga awtoridad na bilisan ang pagsolusyon sa mga krimen lalo
na’t ang madalas biktimahin ay pangkaraniwang mamamayan.
Ang death penalty ay ang parusa sa nasasakdal na patayin dahil sa malaking
kasalana. Ito ay tinatawag na "Bitay" sa wikang Tagalog. Pwede kang mahatulan
nito kung nakapatay ka, at ipinahayag kang guilty. Sa ngayon, ipinatigil ni
Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang parusang ito dahil walang karapatan ang
sinuman na kumitil ng buhay ng tao maging ang pinakamakapangyarihang nilalang
sa buong mundo dahil Diyos lamang ang makakagawa nito. Ang Sentensyang
Kamatayan (Death Penalty) Sa Pilipinas KAMAKAILAN LANG, umugong na naman
ang usapin tungkol sa parusang kamatayan, pagkatapos sumambulat sa balita ang
ilang karumal-dumal na krimen.Ang parusang bitay ay kailanman hindi nagsilbi sa
kapakanan ng hustisya; bagkus, ito’y ginamit upang kitlin ang mga kalayaan at
karapatan ng mamamayang Pilipino.

Ayon sa Exodo 20:13, kung saan ipinagutos ng Diyos sa sangkatauhan na “Huwag


kang papatay”, ipinahihiwatig dito ang kahalagahan ng buhay. Marami sa mga
sumusuporta sa adbokasyang pro-life ang naniniwalang ang hatol na kamatayan
na siyang muling ipinanukala ni Senador Vicente “Tito” Sotto III ay taliwas sa
pagiging pro-life. Ngunit ‘di na kaila sa ating lipunan, madalas ay ang inosente ang
siyang napapatawan ng parusa sa kadahilanang kulang ang kakayahang kumuha
ng mga magagaling na abogado o tagapagtanggol dala na rin ng kahirapan.
Taliwas sa kaalaman ng nakararami, ang Simbahang Katolika ay hindi tuluyang
kinokondena ang paghatol ng kamatayan. Napakahaba na ng panahon kung saan
ibinigay ng Simbahan sa isang Estado ang karapatan upang maghatol ng
kamatayan. Ngunit ito ay gagawin lamang sa kadahilanang ito ay naayon sa Diyos,
makabubuti sa mas nakararami at hindi mayroong saysay. Ipinapakita sa Lumang
Tipan ng Banal na Kasulatan sa Genesis 9:6 ang hatol na kamatayan sa sinumang
nakapatay, “Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo
ang kaniyang dugo: sapagka’t sa larawan ng Dios nilalang ang tao.” Maging sa
Bagong Tipan nababangit sa Mga Taga-Roma 13:4 “Sapagka’t siya’y ministro ng
Diyos sa ikagagaling mo. Datapuwa’t kung ginagawa mo ang masama, ay matakot
ka; sapagka’t hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka’t
siya’y ministro ng Diyos, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.”
Ang Inang Simbahan ay mapangunawa higit sa lahat sa mga dukha. Ang paghatol
ng kamatayan ay hindi niya sinasangayunan, lalo na kung ito ay magdudulot
lamang ng kawalan ng hustisya. Naniniwala ang Simbahan na ang mga korte ang
siyang may layunin sa pagpataw ng parusang kamatayan. Ilan sa mga ito ay:
pagbabago sa kriminal; proteksyon ng nakararami mula sa kriminal; at upang
hindi na tularan pa ang kriminal. Ang nais ng Simbahan ay gawin ang lahat ng
paraan upang ang nakagawa ng krimen ay magbago at ang hatol na kamatayan ay
ang pinakahuli at nalalabing hakbang na lamang (Sang- Ayon Ba Ang Simbahan Sa
Death Sentence?, 2014). Haharangin ng Commission on Human Rights at ng
Simbahang Katolika ang plano ni presumptive president Rodrigo Duterte na
buhayin ang death penalty sa Pilipinas.
Ayon kay CHR chairman Chito Gascon, babantayan nila ang magiging deliberasyon
ng death penalty sa Kongreso at maghahain sila ng kanilang posisyon sa nasabing
plano. Sinabi rin ni Gascon na kontra sila sa death penalty dahil sa mahinang
justice system ng bansa. Paliwanag ni Gascon, kung muling mabubuhay ang death
penalty sa bansa na mahina ang justice system, maaaring maging daan ito para
mapatawan ng parusa ang mga mapapatunayan na hindi naman pala nagkasala.
Sa panig naman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, sinabi ni
Archbishop- Emeritus Oscar Cruz na mariin nilang tinututulan ang death penalty
at hindi nila hahayaan na walang gagawin na hakbang ang Simbahang Katolika
para mapigil ito. Giit ni Cruz, walang sinuman ang may karapatan na kumuha ng
buhay ng kahit na sino, malaki man ang nagawang kasalanan o hindi.
Matatandaang sinabi ni Duterte na kakausapin niya ang Kongreso na ibalik ang
death penalty bilang pagsugpo sa mga krimen sa bansa

Ang Simbahang Katoliko ay talagang tinututulan ang muling pagpapatupad ng


death penalty. Hindi nito sinasang ayunan ang muling pagbabalik ng death
penalty sapagkat ito at hindi sumasangayon sakanilang paniniwala. Ayon sa
simbahang katoliko hindi ito karapat dapat na ipatupad sapat ito ay kumikitil ng
buhay at wala itong moral kalalagyan. Mga ebidensya Tutol ang mga lider ng
Simbahang Katoliko sa panukalang muling buhayin ang death penalty sa bansa.

You might also like